Love_17

Inlove ako kay Cho Kyuhyun.

 ♫ Teen Top - Baby U ♫

Gala ng barkada. 

PART B

''Okay naka-pack na lahat.Tayo na lang ang kulang.'' sabi ni siwon at sinara yung compartment nung van.Nakakagulat lang talaga kasi pagkasabi ni siwon na pupunta kami sa batangas.Isa-isa niya agad kami hinatid sa bahay namin.At isa pa maghanda na daw kami in one hour.Kasi babalikan niya kami isa-isa.Sinama ko na rin si ate kasi kilala rin naman siya ng tropa eh.Pati two days kami doon.Nag aalala man ako tungkol doon sa attendance namin.Napagpa alam na pala ni siwon yun sa tatay sa niya.Boys scout si panget.

''Saan ba punta naten? I mean saan sa batangas?'' biglang tanong ni ate na nasa tabi ko.Naka violet siya na dress at naka-shades.Expose na expose balikat.Nakakasilaw ang balat niya.Ang kinaiinis ko lang.Si kyuhyun, kanina pa niya dala-dala yung malaki niyang ngiti.Kabadtrip.Bad idea ba na binitbit ko si ate dito? 

''Basta.Pagdating natin don.Malalaman niyo.'' pagkasabi ni siwon tumingin ako kay kyuhyun.Di ko alam kung anong mararamdaman ko.Nakatingin na pala siya sakin..

Pumasok na kami sa loob ng van.Actually,dalawa yung van.Si donghae at eunhyuk nasa kabilang van kasama si ryeowook.Ayaw daw nila ng masikip.May space pa naman sa likod eh.Mag bugok na yun.

Naupo na ako dun sa bandang bintana sa kaliwa.Dapat katabi ko si ate.Di siya pwede tumabi dun sa dalawang ulupong.Delikado baka maano..basta!

Magustuhan? Eh gusto na nga eh.

Epal lang talaga yung negative thoughts ko.Nag a-alala na nga yung tao eh.

Wala ka bang tiwala sa sarili mo? 

Wala.Ayoko maging assuming eh.

Mahirap.

Pero pagtingin ko sa gilid ko parang slow motion ang nangyari.Patuloy ang pagpikit-pikit ng mata ko.Para bang tumigil ang oras.Sa nakita ko hindi ko napigilang hindi ngumiti.Kung maging sila man ng ate ko.Pipilitin kong tanggapin.Gusto ko lang i-enjoy yung buhay na single pa siya.

Naputol ang pagtingin ko sa kanila ng tinapik ako ni siwon.Napatingin ako sa kanya.Nasa passenger seat siya.Tatlo lang kami sa linya na ito.''Ba't ka tulala?'' tanong niya sakin.Napailing ako.Kahit hanggang ngayon hindi parin kami nag uu-sap ni kyuhyun.Sana lang talaga maging maayos na ang lahat.

Nagsimula ng umandar ang sasakyan.

''Wala yun.'' sagot ko sa kanya at ibinaling ang atensyon sa bintana.Mas maganda pa ang tanawin dito.Ang sakit ng nasisilayan ko kanina pero alam kong kakayanin ko ito.

Ang nakita ko kanina? Naghaharutan sila..

Gustuhin ko man matulog, paano? 

''Buti at nakasama ka.'' rinig kong sabi ni kyuhyun.

''Inimbita ako ng baby brother ko eh.Sino ba naman ako para tanggihan diba.Alam mo bang nagpa-cute pa yan sakin kanina.'' sabay tumawa ng malakas si ate na nasa tabi ko.

Napanguso ako kung hindi ko pa gagawin yun.Hindi siya sasama.Pati hindi ako papayagan mag-isa ni mama.

''Talaga? Siguro mukha siyang tanga no?'' bilis bilis umikot ulo ko sa direksyon nilang dalawa.

Sinamaan ko ng tingin si kyuhyun.Dapat sinabi niya na lang hindi bagay, hindi yung mukhang tanga.Ang sakit sa puso.

''Hindi kaya, ang cute nga eh.Nakalagay pa nga yung dalawang niyang kamay sa pisngi niya eh.'' pagmamalaki ni ate.Best ate in the world talaga siya.

Napairap si kyuhyun.Nakasinghot ba to.O sadyang hindi lang talaga ako cute.

''Hindi ako naniniwala.Dapat makita ko muna para naman malaman ko kung totoo talaga.'' mayabang na sabi nito at biningyan ako ng mapang-asar na ngiti.Ano ba kasing problema niya.Hanggang ngayon di parin kami nag-uusap.Kaya nakaka-stress talaga sa side.Kahit ilang oras pa lang naman ang nakalipas noong huli kaming nag-usap.

''Matulog ka na lang.'' sabi ko sa kanya at kinapa yung cellphone ko sa bulsa ko.Nakakabaliw kasi si kyuhyun.

''Ayoko nga.Di ka matulog.'' sagot niyang pabalang.Napakagat ako sa labi ko.

''Hindi ikaw.Ang laki na ng eyebag mo!" pabalik na sagot ko at nag facebook.

Matagal siya bago nag reply.''Atleast gwapo pa rin.'' 

Hindi na ba talaga matatanggal ang kayabangan niya? Pero lalo akong nahuhulog sa kanya..

''At nase-sense ko ba ang pag a-alala mo?'' sabay ngiti niya at napansin kong tumingin samin si siwon na may pekeng ngiti.Yes halata kong peke yun.

''Ulol!'' sagot ko sa kanya at inilagay ang ulo ko sa balikat ng ate ko.Nag aaway kami at hindi na namin napapansin na may tao pala sa paligid namin.

''Ulol ka rin.'' Ugh para talaga kaming bata.Napanguso na lang ako at nakita kong ngumiti ang ate ko.

''Para kayong mag asawa na nag aaway.'' hudyat nito at nakita ko kung paano bumagsak ang ngiti ni siwon.

''HINDI KAYA.'' sagot ni kyuhyun, sobrang tining ng boses niya.Hindi ba makontrol ni kyuhyun yung bunganga niya.Babae to.At yung taong gusto niya.

''Tumigil ka na nga.Ikaw nga tong nagtatampo ng walang dahilan.'' 

''Tingin mo walang dahilan? Meron!'' humarap na siya sakin at sumiryoso ang mukha.

Napabangon ako sa balikat ni ate.

Yung tingin niya nakakatunaw.

''At ano yun?'' halos pabulong kong bigkas.Halata sa mukha niya na hindi siya mapakali sa mga salitang binitawan ko.

Pero wala akong nakuhang sagot.Likod niya ang bumalot sa paningin ko.

Ang hirap niyang basahin.

Ano ba talagang gusto niyang sabihin?

***

Mga tatlong oras rin ang ginugol ng nakarating kami sa isang beach resort sa batangas.Binaba na namin ang mga gamit doon sa hotel na tutuluyan namin.

''Sinong makakasama ko sa room?'' biglang tanong ni ryeowook na naka shades.Sina hyuk and hae nandun na agad sa beach.Pagbaba pa lang namin, dumiretso sila agad doon.Hay mga kaibigan ko talaga.

''Mag-isa ka lang.'' sagot ni siwon at nag-iba itsura ni ryeowook.Tinanggal pa niya shades niya at magang-maga ito.Anyare sa kanya?

''Ano ba yan.Kawawa naman ako.'' pagkasabi niya ay kinuha niya yung susi kay siwon na inialok sa kanya.Anong nangyari sa kanya.Mukha man siyang kagat ng malaking ipis pero bakit yung eyeballs niya sobrang pula.Pinagtripan ba to nila hae sa van kanina? Lagot sakin yung mga bakulaw na yon.

''Ako, kasama ko si ate diba?'' sabay hila ko kay ate sa isang room.Napangiti lamang si siwon.Pero hindi ko na-miss yung tingin na binigay ni kyuhyun saken.Ang gulo niya.

***

'Labas kayo dyan sa room niyo.Maglalaro tayo sa beach.At magdamit nadin kayo ng panglangoy niyo.At sungmin wag mo akong lusawin ha. -GM.

Baliw talaga to siwon.Siya lulusawin ko? Baliw lang.At mga alas kwatro narin ngayon.

Kinalabit ko si ate na natutulog.

''Ate gising.Mag si-swimming daw tayo." nag-inat siya at kinuha yung cellphone niya na nasa bandang lamp shade.

''Okay gising na si ate.'' sabi niya at tumayo ako.

"Ako muna magbibihis ha.'' 
akmang papasok na ako sa banyo ng nagsalita siya.

''May gusto ba sayo si siwon?'' nanlaki yung mata ko at napatingin sa kanya.

''Ate nakasinghot ka ba? Sa pagkaka alam ko straight yun.'' pagpapaliwanag ko sa kanya.Si siwon may gusto sakin? Hindi mangyayari yun.Napakamot lang si ate sa ulo niya.

''Yung tingin niya kasi sayo eh.May meaning.'' dagdag pa niya.

Napailing ako.''Ate sa pangalawang pagkakataon.Nakasinghot ka ba?'' Impossible yun!

''Yung tingin niya kasi sayo eh.At alam mo ba.Aside kay siwon may isa pa.'' isa pang ano?

''Isa pang ano?'' 

''Nagkakagusto sayo.'' plain niyang sagot at dumiretso sa banyo dala-dala yung bag.

Sabi ko ako muna eh.Napangiti na lamang ako.

Ayokong maniwala kay ate.

Pero sino yung isa?

Shet lang.

***
Ngayon napagtanto ko na.Masamang idea ang pagbitbit ko kay ate dito.

Naglalakad kami papunta kina siwon.Nakaupo yung mga ulupong sa buhangin.Habang papunta kami doon.Nasa likod ako ni ate.Not literally.Yung kalahating katawan ko natatakpan niya.Naka two piece si ate.At oo kahit sina hyuk at hae napanganga.Minsan lang sila makakita ng babaeng nakaganto.Kaya nilubos na siguro.Marami namang nakaganto kanina sa beach eh.Pero iba yung katawan ng ate ko.Talagang y! At makinis pa.San ka pa diba?

Si siwon nakangiti lang pero si kyuhyun parang natunaw sa kinauupuan niya..Selos ako huhu.

Hinawi ni ate yung buhok niya at nilagay ang kanang kamay niya sa beywang niya.''Ayos ba?''

At dun napatigil ang pagpapantasya ng mga bugok.Ang pansin ko lang sobrang down ni ryeowook.May masama bang nangyari?

''Sobra.'' halos dumugo yung labi ni hae.Dahil sa panggigigil.Binatukan niya si hyukjae na ikanasapul ng mukha nito sa buhangin.''Okay lang kahit maglaway ka diyan sa pagtingin pero yung pagpupuri mo, hindi na yun pwede!'' nguso ni hae at naglakad palayo.Ang seloso talaga ni hae.Nag a-alala lang ako kasi basa yung mukha ni hyuk nung na-meet ng mukha niya yung buhangin.

Nilapitan ko si hyuk.''Swerte mo kay hae.Mahal na mahal ka.'' sabi ko sa kanya at umupo sa tabi niya.Bali nasa kanan ko si hyukjae at nasa kaliwa ko si wook.

''Anong swerte? Grabe mag pms yan! Daig pa yung babaeng may dalaw!'' natawa ako sa sinabi niya.Baliw tong unggoy na ito.

''Ang maganda sundan mo na lang si hae.'' payo ko sa kanya at dali-dali siyang umalis.Inilibot ko ang paningin ko.Asan si ate? Pati si siwon bigla na lang naglaho.

 

 

 

 

Ah nandun pala siya..Kasama si cho.

Napayuko ako..

Para akong lumalaban na may hawak na espada pero wala panangga..

''Hayaan mo na.Baka may mahanap ka pang papa dito.'' isang boses ang narinig ko sa kaliwa ko.

''Paano kung si kyuhyun lang ang gusto ko?'' narinig ko ang pagtawa niya kasabay ng alon.

''Hanggang ngayon parin ba? Gusto mo parin yang lalaking yan? Alam mo namang walang pag-asang magkatuluyan kayo.''

Para akong pulis na binaril ako ng sunod-sunod...ang problema lang wala akong --

''At isa pa ang tipo niya ata ang ate mo.Saan ka pa lulugar?'' singit pa niya at napakagat ako sa labi ko.Sapul na sapul nako.

''Oo hinangad kong magkatuluyan kami.Oo alam kong wala nang pag-asang magkatuluyan kami.Saan ako lulugar? Mananatili akong kaibigan para sa kanya.Ryeowook may problema ka ba?'' Ang harsh niyang magsalita ngayon..

Harsh ba...ang katotohanan?

''Ako may problema? Wala.Wala akong problema.'' Ba't kailangan pa niyang magsinungaling halata naman ah.

''Meron.Bakit ayaw mong aminin.Pinagtripan ka ba nila hae sa byahe?'' worried na talaga ako sa kanya.Magang-maga yung mata niya eh.

''Gusto mo talagang mala--'' naputol ang pagsasalita niya ng dumating si siwon.Basang-basa ang katawan.Di man lang nag-aya.Ang ganda ng hubog ng katawan niya si kyuhyun kasi naka sando lang na itim eh.Si siwon topless talaga.KATULAD KO! Syempre ako pa.May abs din ako no!

''Mamaya na lang pagkatapos mong maglaway.'' sabi ni ryeowook at tumayo.Hinawakan ko yung labi ko.Hindi naman ako naglalaway ah! Hala kailangan ko pang malaman yung problema niya!

''Anyare sayo?'' diretsong diretso yung tingin niya sakin.

''Wala.Picture tayo.Post ko sa facebook.'' umupo siya sa tabi ko at may kinuhang bag sa tabi ko.Pero tinulak ko siya palayo.Ayoko mag picture.Wala akong saplot no!

''Ikaw na lang.Pag-piyestahan pa ng mga kaibigan mo yung katawan ko.'' sabi ko sa kanya at tumayo pero hinila niya ako paupo! Baliw lang.

''Ayoko nga!'' tanggi ko at nagpumiglas.''Isang picture lang pleaseee.'' pag papa-cute niya.Sige na nga!

Pagkatapos ng tatlong minuto.Naka sampung picture na siguro kami.Sabi ko isa lang eh.Pero na enjoy ng lolo niyo.

''Jejemon ka pala.'' alam kong nagulat siya.Muntik ng mapahiga eh.Humalakhak lang ako.

''Paano mo nasabi?'' high pitched na tanong niya.

''Pang jejemon daw ang retrica sabi ng ate ko.Well sa ngayon pang-jejemon na siya.'' asar ko sa kanya at sinimulang tumakbo palayo.

At oo naghabulan kami sa dalampasigan.

***

Lumipas ang mga oras at gabi na.Napagplanuhan naming maglaro bago matulog.Uuwi narin kami bukas eh.

''Ano naman lalaruin natin?'' bored na tanong ni ryeowook.Kung truth or dare kaya? 

''Truth or dare?'' pagsa-suggest ko at biglang tumayo si siwon.Ayaw niya ba nung game?

''Hala ka pinalis mo yung bago mong prince charming.'' pang-aasar niya.Pero pabulong.Siniko ko siya .Baliw lang! Bagong prince charming?

''Wag ka nga!'' 

''Wag kang mag-alala.Meron pang isa.'' sabi niya at tinuro si kyuhyun na nasa tabi ni hyuk at sunny; gamit nguso niya.

''Tumigil ka na lang.'' maya-maya pa ay may naaninag akong anino.

Si Siwon! 

''Saan ka galing?'' tanong ko sa kanya at naupo siya sa tabi ko.

''Kumuha ng ballpen.'' ballpen?

''Bakit? Anong gagawin mo dyan?'' tanong ko sa kanya at kinuha yung ballpen.

''Truth or Dare diba?'' napangiti ako.Ibang level na talaga si siwon.

''Uy napangiti ko siyaa~~'' asar niya at sinamaan ko siya ng tingin pero may halong ngiti.

Inakbayan niya na lang ako at nginitian si kyuhyun? Bakit naman kaya.Napairap lang si kyuhyun.Laging badtrip tong betlog na to!

''Okay game!'' sigaw ni siwon.

Pinaikot niya yung ballpen at natapat ito kay donghae.Ano ba yan.Ba't sa kanya pa.Baka may masabi pa tong sikreto.

''Truth or Dare?'' tanong ni siwon kay hae.

''Ano bang gusto niyo?'' sabi niya.Shet lang.May pag ganyan-ganyan pa siya.

''Ikaw tinatanong.Kami tatanungin mo.'' ugh nilamig ako dun ah.Si kyuhyun nagsalita.

Napatingin si hae kay hyuk.Parang nanghihingi ng tulong.Napangiti ako sa utak ko.Pero ang masaya pa, iniwasan ni hyuk yung tingin ni hae.

Mga ilang minuto ang lumipas ng may malakas na hampas kaming narinig. ''Gago ka! Akala ko tutulungan mo ko!'' pagrereklamo ni hae at napakagat lang sa labi hyuk! ''Si kyuhyun lang yan!'' balik na sagot ni hyuk.''OO nga eh SI kyuhyun lang.Pero kung makaiwas ka akala mo hindi ka lalaki!''

At nagbangayan pa yung dalawa -_- 

''Basta hae! Truth or Dare?'' singit ko.Mamaya hindi kami makapaglaro ng maayos.

Tumigil siya sa paghahampas kay hyuk. ''Truth!'' malakas na hiyaw niya.

Truth pa talaga? Ano kaya magandang tanong.Binaling ko yung ulo kay siwon.''Ano magandang tanong?'' 

''Hmmm kelan kayo una at huling nagkiss ni hyuk?'' Yun pa talaga ang tanong.Paano yan.Hahaba pa yung usapan sa sobrang daldal ni hae eh.

Ngumiti si isda at sinimulang mag-kwento.

''Ganto kasi yon.Ike-kwento ko na rin kung paano kami nagkakilala ah?'' Yan na nga ang sinasabi ko.

''Isang araw naglalakad ako papunta sa school.Eh may nakita akong unggoy.I mean hindi naman talagang literally na unggoy.May kasama siya nung araw na yun.Si sungmin yun.Nasa gilid ko sila habang naglalakad ako.Naghaharutan pa nga sila eh.Transfer lang kasi ako ng time na yun.Di ko talaga ine-expect na magkakaroon ako ng mga kaibigan at yung isa naging kasintahan ko.''

FLASHBACK~

DONGHAE POV.

''Kailangan nating lumipat ng bahay.Lagi kasi tayong nanakawan dun sa dating bahay natin diba.Ikaw kasi matuto kang tumingin tingin, yan tuloy nanakawan na pala tayo hindi mo pa alam.'' 

Yan ang sinabi sakin ng mama ko at napalipat nga kami sa abnormal na lugar.Nung una ayokong pumayag.Marami na akong mga kaibigan doon eh,maiiwan ko sila diba.Pero kailangan eh.Sanay na sanay na siguro yung magnanakaw na yun magbalik-balik sa bahay namin.Walang modo.Isang beses, nahuli ko yun pero nagtinginan lamang kami..at hindi ko namalayan nakaalis na sya.

''Opo ma.''

At doon na nagsimula ang delubyo ng buhay ko.

Araw ng pasukan.Naglalakad ako papunta sa eskwela, pero may nakita akong dalawang lalaki.Naghaharutan sa gilid ko.Sarap itulak sa kalsada.Ang ha-harot eh.

Nung nagsimula ng magsalita yung isa sa kanila, yung mukhang unggoy.Naglakad ako ng mabilis.Parang bastos yung sasabihin niya eh.At isa pa, mukha siyang manyak..

Pero hindi ko maitatanggi.Napansin kong binigyan niya ako ng tingin bago ako naglakad palayo.

Anong trip niya.Alam kong gwapo ako no.

Naawa lang ako sa kasama niya.

Mukhang sinapian.

Ang gulo-gulo kasi ng buhok.

***

Recess noon ng may tumabi sakin sa canteen.Unang araw ko pa lang.Pero pe-perahan na agad ako.

Pero hindi ko ine-expect na yung dalawang ulupong yun.

''Sino kayo?'' tanong ko habang nakatingin sa kanila.Niyakap ko lunch box ko.Baka kunin pa nung mukhang nasasapian ito.

Naglahad sila ng kamay sa harapan ko.''Ako si hyukjae.Pero kung gusto mo, eunhyuk na lang itawag mo sakin.'' sabi nung mukhang manyak.Tinanggap ko yung kamay at binaling yung atensyon ko dun sa kasama niya.''Lee Sungmin.Kinagagalak kong makilala ka.'' ang lalim naman na pagpapakilala niya.

Bumuntong hininga.

''Ako si Lee Donghae.''

At doon nagsimula ang pagkakaibigan naming wagas.

*KATAPUSAN NG NAKARAAN XD*

*BALIK SA POV NI SUNGMIN*

''Mawawalan na ako ng hininga.Hindi ko na muna ike-kwento kung kelan unang nagdampi ang labi namin ng manyak na yan.Kiligin pa tumbong nyan.'' sabi ni hae at sumandal sa balikat ni hyuk na niyakap lang sya palapit.Ang sweeet shet! Napangiti lang kaming lahat.Si kyuhyun nagkakaila pa eh.Ngumiti din naman siya kaso hindi katulad ng samin.

Ang kulit din ni donghae eh.Napansin niya talaga na tiningnan siya ni hyuk bago sya naglakad palayo.Yan kasing si unggoy.Ang sabi niya sakin na love at first sight daw siya kay hae.Kilig na kilig kaya yan nung umuwi kami kasi nakamayan niya si hae nung recess.

At yun ang bawal na bawal kong sabihin kay hae.Binantaan ako ni unggoy eh.

''Okay next time na lang.Basta ikwento mo ah! Gusto ko kasi malaman.'' sabi ni siwon at sinimulang iikot yung ballpen.Bakit naman kaya kailangan niyang malaman.Naku po! May isa siyang gusto sa dalawang ulupong na yun!

Tumigil ang pag-ikot nito at tumapat ito kay ate.Paktay!

''Truth or Dare?'' tanong ni siwon at tumingin kaming lahat kay ate.

''Truth.'' simpleng sagot niya at sakin lang sya nakatingin.Please wag!

Napansin siguro ito ni siwon at ni kyuhyun.

''Okay truth pala ah.Paano kung naging bakla si sungmin.Tanggap mo parin ba sya?'' taena mo siwon! 

Ikaw nalang lagi nagtatanong.

Hindi ko kailangang bigyan ng masamang tingin si siwon! Baka mahalata ako dito.Lalo na't nandito si kyuhyun!

Ngumiti si ate bago sumagot siya sumagot.Tiningnan ko sya mabuti at tuwid. ''Bakla na nga--'' Kinagat ko yung labi ako at binantaan siya gamit ang mata ko.Ramdam kong may nakatingin sakin ng ginawa ko yun.Si cho! Shet!

''I mean bakla na nga yung aso namin eh.Syempre tanggap ko yan pag naging bakla sya.''

Ba't diniinan pa niya yung huli! At kelan pa kami nagka-aso?!

Mukhang nakahinga ng maluwag si siwon.

?_?

''Okay move on, move on.Iba naman.'' pagsingit ko at narinig kong tumawa si kyuhyun.Tiningnan ko sya pero umiwas sya pero alam kong nagpipigil syang ngumiti.Alam na ba nya?!

Pinaikot na lamang ni siwon yung ballpen at tumapat ito kay ryeowook.''Truth or Dare?'' tanong ni siwon.

''Truth.'' Grabe tong mga kaibigan ko puro truth.At si ryeowook gabi na nakasalamin parin! Dahil siguro maga ang mata niya.

''Okay.Sabihin mo ang dahilan bakit namamaga yung mata mo?'' inunahan ko si siwon magtanong at tinapik ko yung balikat ni ryeowook.

''Gusto mo talaga malaman.''

''Gusto naming lahat.''

''Ganto kasi yon.Kaninang umaga,nung paghatid sakin ni siwon.Aksidente akong nakapagtapat ng feelings ko sa isang tao.Ang sabi niya sa text.Its not my business.I just find you amusing.So hanggang maaga pa, pigilan mo na yang pesteng feelings mo na yan.'' nagulat kaming lahat ng sagot niya.At pilit siyang ngumiti at tinanggal niya yung salamin niya.Sino kaya yung guy.

Hindi pwedeng maging si kyuhyun to.Nagtapat na sya dati dun eh.

 

''Sino yung guy?''

Napayuko siya.''Kim Jongwoon.'' SIYA?! Yung kaasaran niya sa facebook?! Napansin naming nanlaki mata ni kyuhyun.Anyare?

''Paano niya nakuha number mo?''

''Ang sabi niya sakin.May nagbigay daw.'' at dun ko narealize na may binigyan akong ng number ni ryeowook nung nakaraan.Yung nangungulit sakin sa text.At sabi niya bestfriend daw siya ni kyuhyun.Kaya ba nanlaki mata ni kyuhyun?! O_O

Shet paano ko to sasabihin kay ryeowook?! Ugh!

 

Mga ilang minuto ang lumipas at walang nagsasalita.

 

Isang ingay lang ang nakaputol sa katahimikang iyon.

 

Nung nagsimula umiyak si ryeowook.

 

At doon natapos ang laro namin.

 

***

''Okay lang yan.Marami pa dyan!'' payo ko sa kay ryeowook na umiiyak sa tabi ko.Si ate nasa banyo.Naliligo.

At si ryeowook.Biglang pumunta dito at umiyak.

''Eh paano kung ayaw ng puso kong maghanap ng iba.''

''Paano ka makaka move on kung hindi ka hahanap ng magmamahal talaga sayo.Ang tanga mo kasi eh..Ba't nagtapat ka agad.Kahit aksidente pa iyon!'' 

''Eh hindi ko talaga mapigilan.Kinakantahan niya ako ng mga oras na iyon.Ang sabi ko sa kanya.Ang ganda ng boses mo kaya mahal kita eh.''

''So nag-assume agad siya na mahal mo siya.Dapat sinabi mo boses niya lang.''

''Gaga ka talaga.Wag mo na lalong pasamain ang nararamdaman ko.''

''Okay okay basta matulog ka na lang.'' nginitian ko siya at inayos niya yung higa niya sa kama dapat namin ni ate.Aalis naman si ate eh.Lalabas daw muna siya.

''Bye baby brother.Maghahanap lang ako ng mga gwapo sa labas!'' kumaway siya at lumabas.Baliw talaga siya.

''Baby brother pala hah?'' rinig kong sabi niya.Gising parin si ulupong!

''Matulog ka ng bakla ka!'' 

Banta ko sa kanya at pinatay ang ilaw sa kwarto.

 

***

 

Isang lalaki ang dahan dahang pumasok sa isang kwarto.Dahan-dahan siyang lumapit sa isang taong natutulog ng mahimbing.

Dahan dahan niya inalis ang nakaharang na buhok sa mukha ng taong yun at napakagat siya sa labi niya.

''Wala naman akong utang sayo ah.'' hindi alam ng taong yun na may lumabas galing sa banyo ng kwartong iyon.At narinig ang sinabi niya.

''Eh bakit nagkaroon ako ng interest sayo?'' batid niya at hinalikan ang noo nung taong mahimbing na natutulog.

Lalakad na sana siya ng palayo ng may napansin siyang anino sa kanan niya.

''Ryeowook?!!! Anong ginagawa mo diyan?''

 

 

''KYUHYUN?!! TOTOO BA YUNG SINABI MO?!''

 

END OF THE CHAPTER.

 

Itutuloy...

***

WELCOME BACK YEYE!

SALAMAT PO SA PAGBABASA!

:) Hanggang sa susunod na update!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
iamishi #1
Na curious ako sa huli... salamat ng marami... nag enjoy akong basahin at hintayin ang bawat update mo... huwag ka sanang mag move on... hehe... salamat uli!
HeeApprentice
#2
Chapter 25: Mej "im lost" dun sa last part.
Pero sfkkhdsfjj cho kyuhyun naman eh. So cheesy xD

sige sige, Yewook story. Pwede yung from the start? Lol, demanding xD
kyuminsauce
#3
Chapter 25: ang bobo mo kyu
kimwookie
#4
Chapter 25: ,waaaahhhh.ateng.maganda!! Congrats,nktpos kn,naman.ng Story !aantayin.q.ung side story.ng YeWook.ha..hehehe.,
syet,nka2kilig.ang.ending !!buti nlng nd.ngtagumpay.ang.kbyo!!
kimwookie
#5
Chapter 24: waaaaaahhhhh !! pakyu Siwon!! mga trenta!! kaw kaya ibigti ko ????
hahaha pero inperness!! ang tanga mo Cho!! hahaha ang cheesy moh nkakasura!!
hahaha mamats sa update ate!!!
HeeApprentice
#6
Chapter 24: Ay gagi. Ambobo ni kyohyon. Hoy! Napasobra ka naman ksi sa pagka cheesy eh. Sinong may gusto na iwan bigla sa ere? Gaguhan. Gagi talaga xD
teddybearry
#7
Chapter 24: jusko. sana di mahilig mag mabasa si kyu ng wattpad. juskooo. di epektib cho! wag ka magpauto! rhyme. hagahaga
HeeApprentice
#8
Chapter 23: Ay pta xD sorry sa word. Pero eeeeeeeek. Sshkkfssjsdjkd gagi ka cho kyuhyuh, dami mong alam adfkc
kimwookie
#9
waaaaaaaaaahhhhhhhhh!! ... pampakalma nagpupuyos kong damdamin para sa SM!! (wataword!!)
hahaha kilig!!!
galing mo talaga ate!!
ano kayang gagawin ni Kyuhyun!!??
at ate penge namang YeWook moment jan!! hahaha
gomawo!!!

#DEVILwillROCK
kimwookie
#10
Chapter 22: waaaaaahhhhhh!!!!!! ate!!!!! bakit ba ngyn ko lang binasa tong update moh.... nkakaasar ako!!!! kiligToDaBones!!!! katuwa tlga si YesungMahLabs!!!! tenkyu s nkakakilig na update!!!!

#sujuisontheway!!!