Love_18

Inlove ako kay Cho Kyuhyun.

Tagubilin:Balikan niyo yung mga chapters.

Kyuhyun POV.

Ako si Cho Kyuhyun.Sikat daw kung tawagin.Oo mayabang man akong magsalita.Nasa ugali ko na yun.Kung walang internet di nila ako mapapansin o madidiskubre.Sa buong buhay ko.Hindi ko inisip na ituturing ako ng mga tao na parang prinsipe.Lumabas daw na fictional character sa isang manga.Ang plano ko lang naman sa buhay ko.Mapasaya ang mga tao sa paligid ko.

Hindi ko plinanong mahulog sa isang taong hindi ko inaakalang mahuhulog ako.

Dito nagsimula ang lahat.

Isang bet na nagpabago sa buhay ko.

Isang bet na pinangunahan ng kaibigan kong si zhoumi.

FLASHBACK.

''May bet ako.Pag hindi niyo nakuha number ng babaeng yun.Kailangan niyong mag part time sa 7-eleven.'' Ayoko talaga ng mga larong ganto.Alam naman nilang ayaw na ayaw kong makipag-usap sa mga malalandi eh.

''Hindi mo gawin mag-isa?'' sagot ko at umupo ng maayos.

Nasa campus kami at itong si zhoumi.Nakaisip ng kalokohan.Oo kalokohan.

Nag-iba ang reaksyon niya.''Ang killjoy mo talaga.Bakla ka siguro.Ayaw na ayaw mong lumapit sa mga babae eh.'' Ayaw na ayaw kong naririnig ang salitang bakla.

''Hindi ako bakla.Talagang mapili lang ako kung kanino ako lalapit.'' sagot ko sa kanya.Wala ba siyang magawa sa buhay niya? Hindi naman sa ayaw ko kay zhoumi.Talagang iba lang ang nararamdaman ko pag nandyan siya.Siya kasi yung taong punong puno ng sikreto.

''Kunware ka pa.Mamaya hindi namin alam.Pasikreto kang nagrerenta ng bakla diyan sa labas.'' Tumawa naman ang iba ko pang kaibigan.Sina yesung at siwon.Umirap lamang ako sa kanya.Pag ako napikon.Ako rin ang talo.

''Baka ikaw ang gumagawa ng ganon.Basta wag niyo akong isali sa mga laro niyong pang-supot.'' tumayo na ako at nginitian siya.

''Pare.Ang killjoy mo talaga.Ngayon lang makisama ka naman.'' nawala ang ngiti sa labi ko.

''Okay.'' simpleng sagot ko.

Pag hindi ako sumang-ayon.Kukulitin niya lang din ako sa huli.

Oo sumang-ayon ako..pero hindi ibig sabihin.Gagawin ko talaga.

Nagsimula na silang lumakad papunta dun sa babaeng punong-puno ang kolorete sa mukha.Sarap niyang buhusan ng tubig.Masyado kasing makapal yung make-up.

Pero nanatili akong nakatayo habang pinagmamasdan silang kumbinsihin yung babae.

''Ibibili kita ng kotse, pag binigay mo number mo.'' rinig kong sabi ni siwon.Baliw!

''Please kahit fake na number ibigay mo.Ayokong magsayang ng pera para sayo no!'' sabi naman ni yesung.

Sinasayang lang nila oras nila..Baka mabugbog lang sila ng boyfriend nung babae.

END OF FLASHBACK.

Aaminin ko hindi naging madali yung mag part-time sa 7-eleven.May mga babae kasing masyadong nagtatagal dito sa loob.Nagpapalamig o pinagmamasdan ako?

Ang natitirang oras na lamang ay isang oras at kalahati ng may pumasok.Lalaki siya.Nakita kong kumuha agad siya ng pringles at milkis.

Maya-maya pa ay nagbayad ito sakin at tinignan ako ng matagal.Anyare? Umupo siya sa upuan malapit sa labasan.Hindi ko mapigiling isipin na parang may naramdaman ako ng nakita ko siya.Umiling na lamang ako ako at naupo.

Hindi ko napansin lumipas na pala ang isang oras at matatapos na ang shift ko.Ilang minutes na lamang.Pero nandito parin yung lalake.Nagpapadyak ako.Gusto ko ng matulog eh.

Pumikit ako ng ilang minuto.

at nakarinig ako ng yapak.

Umalis na siya.

**

Humiga ako sa kama ko at nagpost.

''Badtrip! Bakit kailangan ko pang mag part time sa 7-eleven.Pero okay narin kasi nadagdagan pera ko.Bibigay ko na lang to dun sa pulubi sa village namin ^__^ #Tired #WillSleepNa #Bet

Napapikit ako.Hindi ako to.Hindi nila kilala ang totoong ako..

Gustong-gusto kong alisin yung smiley face na yun...

**

Isang araw noon ng biglang may kumatok sa bintana ng kotse ko.

''Yes?'' tanong ko.

''Uhmmm'' yun lamang ang narinig ko sa kanya.Pamilyar siya ah.Yung nasa 7-eleven!

''Ano po yun? Ano po ang kailangan niyo?'' tanong ko ulit.Pero napaturo lamang siya sa loob ng paaralan na dapat mag e-enroll ako ngayon.May nag-suggest kasi sakin na dito raw ako mag e-enroll.At si sunny lee yun.Hindi naman kami sobrang close.Pero nag-uusap kami sa chat.

Ang tagal niya bago sumagot at naiinip narin ako.

''Sorry kuya pero pwedeng alisin niyo po yung kamay niyo diyan.Kailangan ko pong isara yung bintana.'' sabi ko sa kanya.

''Ah eh sige sorry ah.'' sambit niya at lumayo.

Tiningnan ko lamang siya..

***

Lumipas ang mga araw nakapag enroll ako sa school na iyon.

Ang layunin ko makapagtapos ng highschool ng tahimik at may konting kaibigan lamang.

''Hello po sa inyong lahat! Ako nga pala si Cho Kyuhyun.Yun lang po.'' malakas na tili ang narinig ko sa loob.Halos lahat ng mga babae sumigaw.Hanggang dito ba naman.Umabot ang pangalan ko.

''Okay Class! Tumahimik kayo! at ikaw Cho Kyuhyun.Tumabi ka dun kay lee sungmin.Yung may blond hair na bawal sa school.''

***

Lee Sungmin.

Tumatak sa utak ko ang pangalan niya.

Lee Sungmin..Itinanggi man niya na hindi siya inlove sakin.Dahil sa mga messages na yun...pero ramdam kong nagsisinungaling siya.Mas pinili ko lang palagpasin yun.

Dahil sa kanya naramdaman ko maging selfish..sa pagkakaibigan namin..

 

naranasan kong magtampo.

 

naranasan kong magselos..

 

at naranasan kong magmahal...

Oo inaamin ko.Sa una ang sabi ko sa sarili ko.Mali to.Lalaki siya at lalaki din ako.At ayoko sa mga bakla...at may dahilan iyon..pero habang lumilipas ang mga araw na nakakasama ko siya lalong lumalalim...

Gusto ko mang pigilan..hindi ko kaya..dahil nahulog na ako..

at nakarating ako sa sitwasyon na nahuli ako ni ryeowook.

Nahuli niya ako sa sitwasyong ayaw na ayaw kong may makakita..

''Totoo ba yung sinabi mo?!'' tanong niya.

Napalunok ako anong gagawin ko.Pag tumanggi ako parang tinanggi ko narin yung pagmamahal ko kay sungmin..Gaya ng pagbabaliwala dito noon.

''...oo'' napapikit ako ng sumigaw ito.

Shet lang! Gabing-gabi na.''Buti na lang at kailangan kong umihi.Kung hindi kita mahuhuli ng ganto.May pahalik-halik ka pa dyan!'' sigaw ulit nito.Dali-dali kong tiningnan si sungmin.Buti at mahimbing na mahimbing tulog niya.

''Wag kang maingay!'' banta ko sa kanya.

''Paanong hindi ako mag-iingay?! Mahal mo na pala siya! Di mo pa sabihin! Mamaya makuha pa yan nung kabayo!'' sigaw ulit niya at sinamaan ko siya ng tingin. Kabayo? Siwon?

''Hindi ko alam kung paano!''

''Tanga! May salitang pagpa-plano!'' may point siya dun pero kinakabahan ako.May tampuhan nga kami ngayon diba.

Umiling ako.''Sa tamang oras na lang! At paano mo nasasabi yan mga bagay na yan.May gusto ka sakin diba?'' 

''Tanga! Ginago nga ako ng kaibigan mo eh! Kala mo hindi ko alam na mag-bestfriend kayo ng malaking ulo na yun!''

''Ay oo nga pala no! Sorry ah.Ginanun ka niya.''

''Taena niyong mag-bestfriend kayo.Parehas niyo kong binasted.'' mukhang paiyak na siya.At bakit dito ba kami nag-uusap.

''Yun ang kapalaran mo.Maghanap ka lang ng iba.Ganun talaga si yesung.'' sabi ko sa kanya at hinila ko siya palabas.

''Ayoko ngang maghanap ng iba.Mahal ko siya eh.'' buti at hindi siya tumanggi ng hinila ko siya.Masyado na kasing malakas boses niya eh.

''Eh paano ka makaka move on kung hindi ka maghahanap ng iba?''

Napailing siya.''Parehas kayo ni sungmin.Yan din sinabi niya eh.'' 

Napangiti ako..''Wag ka ngang ngumiti.Binanggit ko lang pangalan niya eh.Kilig ka na agad.Nasan na ang cold na cho kyuhyun?''

''Basta! Matulog ka na lang!'' tulak ko sa kanya palayo.

''For your information.Dito ako matutulog sa tabi ni ming no! Inggit ka no?'' sagot niya.Shet! 

''Hindi ako naiinggit no! Atleast nahalikan ko siya.'' ngumiti ako.

''Hmmp! Inggit ka lang eh.Pero mas inggit si ming ng nakita niyang halos maglaway at matunaw ka nung nakita mong naka 2-piece yung ate niya.'' sabi niya at pumasok sa kwarto kung saan natutulog si sungmin. 

Ang tanga niya talaga! 

Hindi ako naglalaway sa ate niya!

***

KINABUKASAN.

Umupo ako sa dalampasigan at nilibot ang paligid.Kumirot ang puso ko.Lagi kong nararamdaman to kapag nakikita kong magkasama si siwon at si sungmin.

Nahulog na nga talaga ako.

''Yan ang tanga tanga kasi.Akalain mo yun, as in ngayon.Nakikita ko kung paano nagpipigil ang cho kyuhyun manapak.'' nakarinig ako ng boses sa gilid ko.Si ryeowook tumabi sakin.

''Wag kang ngang makulit.'' sagot ko sa kanya.Lalo akong naba-badtrip.

''Akala ko talaga panaginip yung kagabi pero hindi.'' sabi ulit niya at binigyan ako ng mapang-asar na ngiti.

Inirapan ko lang siya at lumusong sa dagat.Gusto kong palamigin ang ulo ko.

Nilakad ko muna ito.Ng makalayo-layo na ako.Sumisid ako at biglang nalaglag yung bracelet ko ng bigay sakin ng papa ko.Sinubukan kong kunin ito pero nakasingit na ito sa bato.Hinigit ko ito mula dun sa dalawang bato.Nasa gitna yung bracelet pero hindi ko ito makuha.Umalalay ako dun sa isang bato at pilit na tinanggal yung nakadagan na bato.At sa wakas nakuha ko ito.Pero nauubusan na ako ng hangin.Sinimulan kong lumangoy pataas pero hindi ako nagwagi.

Naramdaman ko na lang na may pumipisil sa ilong ko at may nagsasalin ng hangin sa bunganga ko.

Napaubo ako at may lumabas na tubig sa bibig ko.

Napamulat ako ng konti at naaninag kong si sungmin iyon.It means.Hinahalikan niya ako?

''Gago ka! Gumising ka!'' at naramdaman kong pinaghahampas niya ako.

Minulat ko ang mata ko at naramdaman kong niyakap niya agad ako ng mahigpit.

''Wag mo na ulit gagawin yon! Kundi sasaksakin kita!'' rinig kong banta niya.Kahit nanghihina parin ako pinilit kong magsalita.

''Wag sa bandang puso ah.Nandun ka eh.'' nginitian ko siya at sinubsob niya lang yung ulo niya sa dibdib ko.

Napapikit lamang ako at napangiti.

 

***

Itutuloy...

 

Sorry ann.Kung binabasa mo man itong update na ito. 

@ANNsuperholic <3

Na-enjoy ko kasi ang panonood ng Attack on Titan XD 

At sa request ng isa sa mga favorite na author ko.Yung malulunod si tukmol XD Tinotoo ko po XD 

@sweetsmirk <3 

 ♫ Standing Egg-He said he loves me... ♫

Salamat po talaga sa mga nagco-comments at sumusubaybay dito :) <3 <3 <3

 

 

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
iamishi #1
Na curious ako sa huli... salamat ng marami... nag enjoy akong basahin at hintayin ang bawat update mo... huwag ka sanang mag move on... hehe... salamat uli!
HeeApprentice
#2
Chapter 25: Mej "im lost" dun sa last part.
Pero sfkkhdsfjj cho kyuhyun naman eh. So cheesy xD

sige sige, Yewook story. Pwede yung from the start? Lol, demanding xD
kyuminsauce
#3
Chapter 25: ang bobo mo kyu
kimwookie
#4
Chapter 25: ,waaaahhhh.ateng.maganda!! Congrats,nktpos kn,naman.ng Story !aantayin.q.ung side story.ng YeWook.ha..hehehe.,
syet,nka2kilig.ang.ending !!buti nlng nd.ngtagumpay.ang.kbyo!!
kimwookie
#5
Chapter 24: waaaaaahhhhh !! pakyu Siwon!! mga trenta!! kaw kaya ibigti ko ????
hahaha pero inperness!! ang tanga mo Cho!! hahaha ang cheesy moh nkakasura!!
hahaha mamats sa update ate!!!
HeeApprentice
#6
Chapter 24: Ay gagi. Ambobo ni kyohyon. Hoy! Napasobra ka naman ksi sa pagka cheesy eh. Sinong may gusto na iwan bigla sa ere? Gaguhan. Gagi talaga xD
teddybearry
#7
Chapter 24: jusko. sana di mahilig mag mabasa si kyu ng wattpad. juskooo. di epektib cho! wag ka magpauto! rhyme. hagahaga
HeeApprentice
#8
Chapter 23: Ay pta xD sorry sa word. Pero eeeeeeeek. Sshkkfssjsdjkd gagi ka cho kyuhyuh, dami mong alam adfkc
kimwookie
#9
waaaaaaaaaahhhhhhhhh!! ... pampakalma nagpupuyos kong damdamin para sa SM!! (wataword!!)
hahaha kilig!!!
galing mo talaga ate!!
ano kayang gagawin ni Kyuhyun!!??
at ate penge namang YeWook moment jan!! hahaha
gomawo!!!

#DEVILwillROCK
kimwookie
#10
Chapter 22: waaaaaahhhhhh!!!!!! ate!!!!! bakit ba ngyn ko lang binasa tong update moh.... nkakaasar ako!!!! kiligToDaBones!!!! katuwa tlga si YesungMahLabs!!!! tenkyu s nkakakilig na update!!!!

#sujuisontheway!!!