Love_23

Inlove ako kay Cho Kyuhyun.

P R O C E S S I N G

Isang hinga pa ang pinakawalan ko nang nakita ko yung itsura ng facebook ko.Ayaw mag function ng utak ko.Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.Gusto ko magpabundol para malaman ko kung totoo ito o may nakabara lang sa mata ko..o kaya naman tinotoyo yung facebook ko.

Ganito kasi yun.

Ang gusto ko lang naman ay burahin na ang facebook ko.Dahil dito ko nga nadiskubre si cho kyuhyun pero eto ang bumulaga sa mata ko.

Ilang click lang sana at bura na ang pangalan ko sa social site na iyon pero.

May request..

Isang relationship request.

Akalain mo yun..pero ang mas nakakagulat.

Galing sa tao na minamahal ko parin hanggang ngayon kahit mas moody pa sa mga babae diyan.

Prank ba ito o ano? Gusto niya parin ako suyuin.

Basta haharapin ko siya bukas.

Ng magwakas na ang katoyoan niya.

--

Kyuhyun POV 

Nagising ako nang tumunog yung cellphone ko.May message ako galing sa facebook.Ipinikit ko na lang ulit ang mata ko.Baka mga tagahanga ko lang.Aba ang aga pa kaya.Mga 5:45 pa lang.May fifteen minutes pa ako para matulog.

Pati hindi naman magkakaroon ng himala at si sungmin ang bubulaga sa messages ko diba.Tumagilid ako sa kama at kinuha yung cellphone sa tabi ko.Ramdam ko habang buhay ko pagsisisihan pag hindi ko ito tiningnan.Ano to? Bugso ng pagmamahal?! 

Hindi ko na lang namalayan dumiretso na agad ako sa banyo at nagsipilyo.Hindi na ako nakapag-ayos at nagmadaling inilagay ang pangsapin sa paa.

Hingal na hingal ako ng nakarating ako sa paroroonan ko.

Sa garden ng paaralan namin kung saan ako nagtapat sa kanya.Natanaw ko si sungmin na nakasandal doon sa puno.Dahan-dahan ko siyang nilapitan at laking gulat ko ng binigyan niya ako ng tingin na nakakatunaw.Noong una walang emosyon ang kanyang mga mata ngunit naglaho ito ng nakita niya ang suot ko? 

SUOT KO?!

Napangiti ako ng pilit at pilit na binaba yung boxer short ko ngunit napalunok ako ng nakita kong tinakpan niya yung mata niya.''Wag mo ibaba! Kulugo ka talaga! Mamaya may makita pa ako!'' Yun lang pala eh.Okay lang siya naman makakakita eh.Pati binababa ko para matakpan yung hita ko.Ang engot ko talaga.Pati yung suot kung tsinelas di magkapares.At nakasando pa ako!

''PUMUNTA KA SA GARDEN NG SCHOOL! NGAYON DIN!'' 

Ang dating sakin ng message niya.

''PAG HINDI KA AGAD PUMUNTA DITO.WALA NANG PAG-ASA NA MAGKABATI TAYO.'' Syempre nahulog na talaga ako sa kanya.At hindi ko alam kung paano ito kokontrolin.

''Bakit ganyan ba ang suot mo? Ang gulo -gulo pa ng buhok mo.'' rinig kong sabi niya at inayos ang buhok ko.

Napangiti ako.

Siguro natanto niya yung ginawa niya at bilis na binawi ang kamay niya at binulsa.''Kasi naman ang message mo.May 'ngayon' na salita.Ano ba gusto mong isipin ko?'' sabay kamot sa ulo ko.

''Eh ba't kasi ganyan ang ayos mo.Hindi ako makatingin sayo ng maayos.Pati perstym to! Ano ba gusto mong isipin ko? Mamaya marape ka diyan sa daan.Tapos ang dilim dilim pa ng langit.Kaya ko naman maghintay.Talagang napaaga lang ako.Pati hindi ko naman hinahangad na pupunta ka talaga agad-agad---''nakatingin lang ako sa labi niya na daldal ng daldal.Namumula na nga siya eh.Ang cute niya! Ang pagkaka-alam ko lang may pag-asa pa ngunit naalala ko na naman yung nakita kong ginawa nila ni siwon.

Napaupo ako bigla at napanguso.

Taena naman kasi yun!

Di ko mabura sa isipin ko.

Yung mahal mong tao nakipaghalikan sa iba.

''Oh ba't bigla kang napaupo diyan? Langgamin yung baba mo!'' banta niya sakin at napaatras siya.Anong lalanggamin baba ko? 

''I mean.Baka pasukin ng langgam yang boxers mo.Alam mo naman mahirap sila tanggalin.'' inosenteng sagot niya.Hinila ko na lang siya at syempre ang galing ko.Sakto siya sa lap ko dumiretso.Niyakap ko agad siya ng mahigpit para hindi siya makawala.''Gago ka! Anong balak mo ha? Bitiwan mo ako!'' sabay nagtatalon siya sa lap ko.Uh-oh delikado ito.Bago ko makalimutan.Naka-uniporme na siya.

Napalunok ako.''Wag ka masyado malikot.May magigising.Sige ka ikaw magiging responsable para mapakalma siya.'' kitang kita ko ang pamumula niya at napatago na lamang siya sa dibdib ko.Hindi ko alam parang nasa ulap ako.Ang sarap ng pakiramdam na yakap ko siya ngayon.Ang sarap ng pakiramdam na yakap mo ang taong mahal mo.

''Baliw! Ang aga para sa ganyan mo.Ang gusto ko lang naman maliwanagan sa ginawa mo.'' Ginawa ko?

''Huh?'' tumingala siya mula sa dibdib ko. ''Yung uhmm.Relationship...request..'' ilang na ilang niyang sabi.Napapisil na lamang ako sa pisngi niya.''Totoo yun.'' simpleng sagot ko at napakagat siya sa labi.Puta.Wag ngayon ming.Gusto kong pigilan ang sarili ko wag ka halikan sapagkat baka lalo tayong mag-away.Ngumiti siya at hinampas ako sa dibdib.

Sorry ming, hindi ko talaga mapigilan sarili ko.

At gusto ko rin alisin ang bahid o bakas na iniwan diyan sa labi mo ng kabayo kong kaibigan.

''Ming.'' tawag ko sa kanya.Tumingin siya sa direksyon ko at nilagay ko ang kamay ko sa batok niya at siniil siya ng halik.Ginalaw ko ang labi ko against sa kanya ngunit parang napako ata siya.Sa gulat siguro.Maya-maya pa ay nakipagsabayan siya sa romansang bumabalot sa amin.

Kasabay ng pagsikat ng araw dinama namin ang sarap ng halik na may halong pagmamahal.

--

''Tang ina mo gago.Tingnan mo yung labi ko.Bakit nagkaganito.'' biglang hudyat niya habang papunta kami sa room namin.Inakbayan ko siya at nginitian.

''Mas okay ng ganyan.At least naalis ko ang bakas ng labi ni siwon sa labi mo.'' pagtatapat ko dito.Nanlaki ang mata niya! 

''Stalker ka no?! Bakit mo ako sinundan? Pati walang halik halik na nangyari.Hindi ako talande na makikipaghalikan sa taong wala akong nararamdaman.'' What?!!! 

Napa yes ako sa saya!

''Anyare sayo?'' tanong niya.

Ito na ang chance na magnakaw ulit ako.

''Masaya lang talaga ang 'future husband mo' pati maghanda ka bukas.Ako ang pinaka-sweet na manliligaw sa buong mundo.Hintayin mo lang.'' bulong ko sa kanya at hinalikan siya ng panandalian at tumakbo palayo.Kita ako ang pag padyak niya sa likuran ko.

Napag-usapan kasi namin kanina na kailangan ko pa daw siya ligawan at masyado daw akong atat.Hard to get daw siya at kailangan kong burahin ang pagiging hard to get niya.Well ako pa.Gagawin ko lahat para maging kami.

Kahit gaano man kahirap ang gagawin ko.

Wala akong pake dahil sinasabi ko sa inyo.

Sa huling pahina ng istorya na ito.

Itaga niyo sa bato.

Masusungkit ko ang mailap niyang puso!

At may poreber! 

Itutuloy...

--

Okay! Ito na ang devil XD Sa july 13 ko ito tatapusin kaya sunod-sunod na update na.Sakto no? 

Well hindi natin alam kung happy ending ito.Subaybayan niyo na lang.Dahil nakakaumay ang sment.Pakain ko sa kanila ang maliit na poster na iyon eh.

Basta nandyan na ang ating mga asawa next week! Panira ata yung poreber sa taaa lol.Di ako makapag-reply sa ibang comments.Thank you po talaga at sinasabi niyo opinyon sakin! <3 

#DEVIL ! #HAPPYHEECHULDAY!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
iamishi #1
Na curious ako sa huli... salamat ng marami... nag enjoy akong basahin at hintayin ang bawat update mo... huwag ka sanang mag move on... hehe... salamat uli!
HeeApprentice
#2
Chapter 25: Mej "im lost" dun sa last part.
Pero sfkkhdsfjj cho kyuhyun naman eh. So cheesy xD

sige sige, Yewook story. Pwede yung from the start? Lol, demanding xD
kyuminsauce
#3
Chapter 25: ang bobo mo kyu
kimwookie
#4
Chapter 25: ,waaaahhhh.ateng.maganda!! Congrats,nktpos kn,naman.ng Story !aantayin.q.ung side story.ng YeWook.ha..hehehe.,
syet,nka2kilig.ang.ending !!buti nlng nd.ngtagumpay.ang.kbyo!!
kimwookie
#5
Chapter 24: waaaaaahhhhh !! pakyu Siwon!! mga trenta!! kaw kaya ibigti ko ????
hahaha pero inperness!! ang tanga mo Cho!! hahaha ang cheesy moh nkakasura!!
hahaha mamats sa update ate!!!
HeeApprentice
#6
Chapter 24: Ay gagi. Ambobo ni kyohyon. Hoy! Napasobra ka naman ksi sa pagka cheesy eh. Sinong may gusto na iwan bigla sa ere? Gaguhan. Gagi talaga xD
teddybearry
#7
Chapter 24: jusko. sana di mahilig mag mabasa si kyu ng wattpad. juskooo. di epektib cho! wag ka magpauto! rhyme. hagahaga
HeeApprentice
#8
Chapter 23: Ay pta xD sorry sa word. Pero eeeeeeeek. Sshkkfssjsdjkd gagi ka cho kyuhyuh, dami mong alam adfkc
kimwookie
#9
waaaaaaaaaahhhhhhhhh!! ... pampakalma nagpupuyos kong damdamin para sa SM!! (wataword!!)
hahaha kilig!!!
galing mo talaga ate!!
ano kayang gagawin ni Kyuhyun!!??
at ate penge namang YeWook moment jan!! hahaha
gomawo!!!

#DEVILwillROCK
kimwookie
#10
Chapter 22: waaaaaahhhhhh!!!!!! ate!!!!! bakit ba ngyn ko lang binasa tong update moh.... nkakaasar ako!!!! kiligToDaBones!!!! katuwa tlga si YesungMahLabs!!!! tenkyu s nkakakilig na update!!!!

#sujuisontheway!!!