Love_21-Confession.

Inlove ako kay Cho Kyuhyun.

Play niyo po yung I'll Never Go ni David Archuleta.

Kinusot ko ang mata ko habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko.Napakatanga ko.Inis na inis ako sa sarili ko!

Hinarap ko sa mukha ko yung gusot na papel na naiwan ni sungmin sa guest room namin.

Ano na ang gagawin ko? Dahil sa galit ko.Dahil doon.Naging ganito ang resulta.Sinubukan ko na din siyang tawagan pero wala, ayaw niyang sagutin.

Di na ba ako makakangiti ulit..

Binuklat ko yung papel.

Ang unang pumasok lamang sa utak ko.

Isa tong pwedeng plano.Kung mabigo man ito.May isa pa akong plano.

At kung yung huling plano ko pumalpak..Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Hindi na..

--

Kinaumagahan.

''Yan kasi puro kagaguhan pinapairal.Yan tuloy wala na yung taong gusto niya.'' rinig kong sabi ni ryeowook pagkatapos kong magtapat ng nararamdaman ko.Nasa classroom kami ngayon at konti pa lamang ang tao.Pinalabas ko muna yung ibang estudyante na maagang pumasok.Ang nasa loob lamang ay kaming magkaka-barkada.Maliban kay siwon.Magkaklase sila ni ryeowook pero si ryeowook lang muna inimbita ko.Masira pa plano ko.At buti wala pa si sungmin.Sana naman pumasok siya.

''Alam ko naman na nagkamali ako.Wag mo na ulitin pa.'' sabi ko sa kanya at inirapan niya lang ako.

''Tss akala mo madaling ibalik ang nabasag na? Hindi rin no! Parang ang puso ko! Wasak na wasak na.'' pagda-drama nito at binatukan siya ni hae.''Wag mo muna isama puso mo dito.Kay kyuhyun na problema ang kailangan nating lutasin.'' sabi ni hae at tumango ako.Kailangan ko itong malutas hangga't hindi pa huli ang lahat.

''Bakit bawal ba? Gagong jongwoon yun! Itaga niya sa bato luluhod siya sa harapan ko!'' taas noo niyang sinabi at namula.Ano bang inisip niya pag lumuhod sa kanya si jongwoon.Liit liit puro kabastusan nasa utak.Ayoko munang magsaya ngayon.Kahit ang oa-oa ni ryeowook.

''Wag ka nga.Ganito ang gagawin natin.Pagpasok ni sungmin.Kailangan niyo siyang libangin at dapat papuntahin niyo niya sa garden.May surpresa ako doon.'' saad ko at tumango sila.Pero si eunhyuk umiling lang.''Pag pumalpak kami? Pati paano yung klase natin?''

''Syempre.Ayos na yung bagay na iyon.Pag pumalpak kayo.May isa pa naman akong plano pero kailangan kahit pumalpak ito may progress na mangyari.'' paliwanag ko at tumayo na sila sa upuan nila dahil may biglang kumatok.

''Papasukin niyo ako.Bakit ba kayo nasa labas? Ano bang meron sa loob? Nasan na yung mga kaibigan ko?'' rinig kong boses sa labas.

Si sungmin nandiyan na!

Huminga ako na malalim at hinarap ang barkada.''Galingan niyo ha? Maghihintay ako sa garden.'' sabi ko sa kanila at dumiretso ako sa pintuan ng classroom habang sila umupo ng maayos.Ang problema hindi ito seksyon ni ryeowook.

Binuksan ko yung pinto at nakangusong sungmin ang nakita ko habang yung ibang estudyante pinipigilan siya pumasok.

Bumilis bigla tibok ang puso ko ng nagtama ang paningin namin ngunit nadurog rin ito ng halos maging yelo ako sa tingin niya.

''Excuse me.'' wari niya at binangga ako, napalunok na lamang ako.

Kailangan kong magpakatatag.Kagaya ng pagiging matibay niya.

--

Sungmin Pov.

Ang baliw lang talaga ng puso ko.Buti na lamang at hindi na masyadong maga ang mata ko, dahil sa kakaiyak kagabi.Ang sabi ko sa sarili ko.Yun na ang huling beses na iiyak ako.Ayoko na.Masyado na akong sakal na sakal.At nakita ko pa kaagad siya.Lalong kumirot ang puso ko.

''Ang cold natin ngayon ah?'' rinig ko sa gilid ko.Si ryeowook.Napailing ako.

''Pagod lang talaga ako.'' sabi ko at umupo sa upuan ko.Paano na pag bumalik si kyuhyun.Kailangan niya mapag-isa diba? Pati ba't ayaw pang pumasok ng ibang estudyante. Tumayo ako at pumunta muna doon banda kina eunhyuk.''At ikaw anong ginagawa mo dito? Seksyon mo to?'' baling ko kay ryeowook at hinampas niya ako sa balikat.''Bawal dumayo?'' nguso niya.

''Pati may gwapo dun sa garden.Punta ka don!'' biglang hudyat niya at hinampas siya ni hae sa likod.Muntik na niyang mahalikan yung sahig.Sana nga dumiretso eh.

Gwapo? Hindi pa ako handa para maghanap ng bago.Ang hirap kayang magmove-on.

''Baliw! Tinatamad ako bumaba.'' hudyat ko at nanlaki ang mata nung dalawang magboyfren.Anyare.Tumawa lang si ryeowook.Nauulol na ba siya? Muntik na nga niyang halikan yung sahig eh.

''May ano dun! a-ano hmm.MAY PAGKAIN!'' sigaw ni hyukjae at ngumiti.Nakakainlove gilagid niya ah.

''Sa canteen meron din.Ano ba kayo? Anong trip niyo ngayon.'' nakakapagtaka talaga.Iba kinikilos nila.

Napayuko sina ryeowook at hyukjae.Ngunit laking gulat ko nang tumayo si hae at pilit akong hinila palabas.Napasunod na lamang ako at natanto ko na nasa garden na kami.

Magandang dekorasyon ang bumalot sa mata ko.

You always ask me those words i say.                                                                                                                                                                                       And telling me what it means to me.

Napatingin ako kay hae. ''Kung hindi kita pipilitin.Walang mangyayari.Sana magkaayos kayo.'' nginitian niya ako at dali-daling umalis.May nakita akong anino nakasandal sa malaking puno.Nakapikit siya.Pamilyar na pamilyar ang mukha niya.Ang mukhang hindi ko makakalimutan.

Every single day,you always act this way.

Maraming papel ang nagkalat sa paligid.Nasa paanan ko ang iba.Ang iba ay nasa isang punong malaki kung nasaan ang lalaking nagpaibig sa akin.

For how many times i've told you.                                                                                                                                                                                               I love you for this is all i know.

''Ang gwapo mo kuya!'' ''Crush kita kuya!'' ''Ang bait mo!'' ''Good morning prince charming.'' ''I love you na''

Come to me and hold me and you will see.

Tandang tanda ko yung mga salitang iyon.Iilan lang iyon sa milyong comments ko sa facebook niya.

Nakaprint lahat ito.Lahat ng details naroon.May mga nakadikit na puso sa mga bench doon.Halos malulula ka sa mga iba't-ibang kulay na bumabalot sa lugar.

The love i give for you still hold the key.

Ano na naman bang palabas ito?

Every single day,you always act this way.

Lumakad ako papunta sa kanya at kita kong ramdam niya na nandito na ako kanina pa.

''Anong palabas ito?'' 

For how many times i've told you.                                                                                                                                                                                           I love you for this is all i know.

''Hindi ito palabas.Gusto ko lamang maging okay tayo.''

I'll never go far away from you.

Napailing ako.Gusto ko nang umalis dito.Tama kailangan ko nang umalis.Tinalikuran ko siya at kita sa mukha niya ang pagpapa-panic.Sinimulan ko nang lumakad palayo pero isang mahigpit na yapos ang pumigil sakin.Nanggaling sa likod ko iyon.Naluluha na ako.Ayoko nang masaktan pa.

''Kaya mo bang patawarin ang taong nangloko sa'yo?'' rinig kong bulong niya sa kanang tenga ko.Nagpumiglas ako sa yakap niya pero lalo niya lamang itong hinigpitan.

''Oo kaya ko.Number 1 question done.Ikaw kaya mo bang patawarin ang taong lagi kang tinataboy?'' sabi niya ulit.Naiiyak na ako.Ayoko nang ganitong sitwasyon.Hindi ko siya sinagot pero tinuloy niya parin magsalita.

''Anong favorite mong restaurant? Baliw ka talaga.Pati yun sinulat mo.Anong paborito ko? Kung ano man yung favorite mo.Gusto ko rin.'' yan na naman siya.Napakagat ako sa labi ko.Yan dapat ang mga tanong sa kanya sa activity namin eh.

''Nasan ako ng nagpasabog ng kabaklaan? Siguro nasa puso mo.Kaya hindi ako nasabuyan.'' paano na.

 ''Anong ginagawa mo pampalipas oras (maliban sa paglalaro).Siguro iniisip ka.'' ramdam ko ang ngiti niya habang nakalagay yung baba niya sa balikat ko.

Ayokong umabot sa huling question ito.

''Naniniwala ba ako sa love at first sight? Hmm kung ikaw siguro nakita ko.Oo.'' nagpumiglas ako.Ano na naman ito.Ayoko nang umasa pa.

''Wag kang malikot.Hindi ka madi-dissapoint sa huling sagot ko.''

Even the sky will tell you.

''May pagkakataon ba na matanggap mo ang third ?'' namumuo na ang luha sa mga mata ko.Ayokong umiyak.

''Oo tanggap na nga kita eh.'' pagpapatuloy niya at mas lalong hinigpitan ang yakap niya.

That i need you so.

For this is all i know.

''Kyu tama na.Ayoko na.Bitiwan mo na ako.'' simpleng sabi ko ngunit iling lamang siya ng iling sa likuran ko.

I'll never go far away from you.

''At ang huling tanong na nakasulat doon.''

Napayuko na lamang ako.

Eto na ang sagot na kinatatakutan ko na manggagaling sa kanya.

''Kaya ko bang magmahal sa kauri kong lalaki?'' mahinang sambit niya.Napalunok ako ang mga tubig na namumuo sa mata ko, malapit ng bumagsak.

''OO.'' nanlaki na lamang ang mata ko ng hinarap niya ako sa kanya at may mamasa masang labi ang dumampi sa labi ko.

Tumulo ang luha ko ng tuluyan at napakapit sa likod niya ng mahigpit.

Hindi ko alam kung paano ako magre-reak.

Bigla na lamang gumalaw ang labi niya at hindi ko namalayang hinihila niya ako para madiinan ang paghalik niya.Nanginginig lamang ang labi ko sa romansang nadama.Mga ilang minuto ang lumipas ay inalis niya ang labi niya sa labi ko pero mahigpit parin ang kapit ko sa likod niya.

''Mahal na mahal kita ming sobra.'' pagtatapat niya at niyakap ako.Humikbi ako ng humikbi ng namalayan kong umaambon na.

''Kyu ayoko nang masaktan.'' ramdam kong humigpit na naman ang yakap niya ng pilit kong inaalis yung kamay niya sa likod ko.

Ayoko na talaga.Hindi na kaya ng puso ko.

''Please ming.Bigyan mo ako ng chance.Hindi na kita sasaktan ulit.'' pumipiyok na sabi niya.Napapikit ako at tuloy tuloy parin ang pagtulo ng luha ko.

''Hindi ko na kaya kyu.Ang sakit sakit na.'' subsob ko sa dibdib niya at humikbi.

''Gagawin ko lahat please ming bigyan mo ako ng chance para magka-ayos tayo.''

Ginamit ko lahat ng lakas ko at pilit na tinanggal ang malatuko niyang kamay sa likod ko.Sa huli nagtagumpay ako ngunit pag tanggal ko dito.Isang mainit na kamay ang dumapo sa mga pisngi ko.Pinupunasan niya yung luha ko.''Ming wag kang umiyak.Nadudurog ang puso ko.'' ano na ang gagawin ko.

''Please kyu.Kailangan ko nang umalis.'' humakbang ako palayo sa kanya.

''Magpapakamatay ako pag umalis ka ngayon.'' rinig kong sigaw niya at napabuntung hininga ako.

''Wag kang ganyan kyu.Yung ginawa mo sakin halos ang naging naramdaman ko.Nasa bingit ako ng kamatayan.Kaya wag mo paglalaruan ang salitang iyan.'' banta ko sa kanya at tuluyang humakbang palayo.Ba't pagpapakamatay pa ang naisip niya.

''Kung hindi man din tayo magkaka-ayos.Mawawalan ng kulay ang buhay ko.Dahil ikaw lang naman ang naglakas loob kulayan ito eh.'' rinig ko ang pagbagsak ng isang bagay.Hindi tao siya.Nakaluhod na siya ngayon.

''Sa sobrang sakit ng puso ko.Hindi ko na alam ang gagawin.Ang hindi ko lang maintindihan.Yung mood mong pabago-bago.'' tiningnan ko siya mabuti at ang ambon naging ulan na.Tumingala siya at nginitian ako.

''Sana mapatawad mo ako.'' seryosong sabi niya.

''Tumayo ka na diyan.Magkakasakit ka pa.Pati kung magkakabati man tayo.Baka saktan mo lang ulit ako.'' sambit ko at nilapitan siya.

''Nag-aalala ka parin sakin.'' ngumiti siya at hindi parin nagpatinag.Ayaw parin niyang tumayo.Napailing ako.

''Tumayo ka na diyan.'' pilit ko sa kanya ngunit hinila niya ako at napayakap na naman ako sa kanya.

Bakit ba pagdating sa kanya.Hindi ko agad magamit ang lakas ko.

''I love you too lang ang hinihingi ko.Promise hindi na kita sasaktan.'' pagsusumamo niya.

''Wag kang magbibitaw ng salitang hindi mo kayang panagutan.Dahil baka sa huli.Hindi na ako magpakita sayo.'' sabi ko sa kanya at ramdam ko sa balikat ko ang pagtulo ng luha niya kasabay ang ulan.

''Alam mo bang ikaw lang iniyakan ko ng ganto maliban sa kaibigan ko noon.''

Huminga ako ng malalim.Hahaba na naman ang usapan namin pag sumagot pa ako.Pati bakit ba nakaramdam ako ng selos nang banggitin niya yung kaibigan niya.

Tumayo na lamang ako kahit ayaw niya akong bitawan.''Paalam.'' napalunok ako ng nakita kong tuloy tuloy bumagsak ang luha niya.

Sa huli.

Pinili kong talikuran siya.

--

''Sa huli sa parehas na tao ako naglabas ng bihirang tubig na lumalabas sa mga mata ko.'' 

Kinuha ko ang cellphone ko habang nakita ko siyang lumalakad palayo.

Proceed to Plan B.Kahit ang sakit sakit ng puso ko ngayon.

Ang mahalaga magkabati kami.Binuksan ko ang facebook ko at napangiti.

Relationship Request Sent.

Itutuloy...

Wala po akong alam kung paano gumagana yang relationship request na yan hahaha.

Ge have good day! <3

 

 

 

 

                                                                                                  

 

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
iamishi #1
Na curious ako sa huli... salamat ng marami... nag enjoy akong basahin at hintayin ang bawat update mo... huwag ka sanang mag move on... hehe... salamat uli!
HeeApprentice
#2
Chapter 25: Mej "im lost" dun sa last part.
Pero sfkkhdsfjj cho kyuhyun naman eh. So cheesy xD

sige sige, Yewook story. Pwede yung from the start? Lol, demanding xD
kyuminsauce
#3
Chapter 25: ang bobo mo kyu
kimwookie
#4
Chapter 25: ,waaaahhhh.ateng.maganda!! Congrats,nktpos kn,naman.ng Story !aantayin.q.ung side story.ng YeWook.ha..hehehe.,
syet,nka2kilig.ang.ending !!buti nlng nd.ngtagumpay.ang.kbyo!!
kimwookie
#5
Chapter 24: waaaaaahhhhh !! pakyu Siwon!! mga trenta!! kaw kaya ibigti ko ????
hahaha pero inperness!! ang tanga mo Cho!! hahaha ang cheesy moh nkakasura!!
hahaha mamats sa update ate!!!
HeeApprentice
#6
Chapter 24: Ay gagi. Ambobo ni kyohyon. Hoy! Napasobra ka naman ksi sa pagka cheesy eh. Sinong may gusto na iwan bigla sa ere? Gaguhan. Gagi talaga xD
teddybearry
#7
Chapter 24: jusko. sana di mahilig mag mabasa si kyu ng wattpad. juskooo. di epektib cho! wag ka magpauto! rhyme. hagahaga
HeeApprentice
#8
Chapter 23: Ay pta xD sorry sa word. Pero eeeeeeeek. Sshkkfssjsdjkd gagi ka cho kyuhyuh, dami mong alam adfkc
kimwookie
#9
waaaaaaaaaahhhhhhhhh!! ... pampakalma nagpupuyos kong damdamin para sa SM!! (wataword!!)
hahaha kilig!!!
galing mo talaga ate!!
ano kayang gagawin ni Kyuhyun!!??
at ate penge namang YeWook moment jan!! hahaha
gomawo!!!

#DEVILwillROCK
kimwookie
#10
Chapter 22: waaaaaahhhhhh!!!!!! ate!!!!! bakit ba ngyn ko lang binasa tong update moh.... nkakaasar ako!!!! kiligToDaBones!!!! katuwa tlga si YesungMahLabs!!!! tenkyu s nkakakilig na update!!!!

#sujuisontheway!!!