Love_22

Inlove ako kay Cho Kyuhyun.

Confession ulit?! 

''Magkita tayo sa likod ng school.May sasabihin akong importante.'' isang text ang natanggap ko pagkadating ko sa bahay.Napahawak ako sa dibdib ko.Di ko makalimutan yung nangyari kanina.Totoo ba yun? o pinaglalaruan na naman ako ng tadhana.Tama na.Laspag na laspag na puso ko.

Tapos yung mga matamis na salita na lumalabas sa bibig niya.Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi kiligin.Kahit may tampo at galit ako sa kanya.

Ano bang dapat kung gawin? 

At ano naman kaya ang sasabihin ni siwon bukas?

Oo siya yung nagtext.

Gusto ko mang burahin ang imahe ni kyuhyun na umiiyak sa harapan ko.

Isang halik niya lang naglalaho lahat ng hindi magandang emosyon na bumabalot sa akin.

 

--

Humiga ako sa kama ko at tiningnan kisame ng kwarto ko.Ano nang gagawin ko? Hindi ko namalayan pumasok si ate.

''Oh baby brother.Anong atin?''  bigla niyang sabi at umupo sa kama ko.

 Tiningnan ko siya ng mabuti at napayuko.Napaupo ako.

Niyakap niya ako ng mahigpit at hinimas himas yung likod ko. ''Iiyak mo lang yan.Alam ko na mahirap ang pinagdadaanan mo ngayon.'' Napapikit ako sa sinabi niya at napayakap pabalik.

Litong-lito na ako.Nakakasawang intindihin ang taong wala lagi sa katauhan niya.Pabago bago lagi ang iniisip.Mas malala pa siya sa babaeng may period.Kahit man pilitin ko ang sarili ko na, talikuran siya.Hindi ko kaya kahit na iniwan ko siyang nakaluhod doon habang umuulan.Talagang nadama ko na yung sakit.Lahat ng sakit na ginawa siya.Pero kanina..oo inaamin ko nagawa ko siyang talikuran gamit lamang ang katawan ko.

Pero yung puso ko.Masyadong malala yung kapit.

Labag na labag sa puso ko ang ginawa ko pero wala ayoko ng masaktan pa.

Pati kahit minsan dapat maging makapal din ang mukha ko..hindi ako yung laging naghahabol..pero ginusto ko naman diba..ginusto kong mahalin siya ng lubos.

''Ate hindi ko na alam gagawin ko.'' Dagdag mo pa yung pagkatapos naming mag-away.Inalis niya ako sa friendlist niya.Pero kinabukasan din ini-add niya ako.Anong bang umiikot sa tuktok niya.

''Follow your heart'' gusto ko magmura.

Follow your heart ibig sabihin..ibuburol na naman ang puso ko.

---

Naglakad ako papunta sa likod ng school namin at napalingon ako ng may narinig akong yapak ng sapatos sa likod ko.Napailing ako at tuluyang lumakad sa paroroonan ko.Guni guni ko lang siguro.

Nakarating ako doon at nakita ko si siwon na nakaupo sa bench.Tinabihan ko siya.''Ano ba gusto mong sabihin?'' Tanong ko rito pero pansin kong namumuo yung pawis sa mukha niya.Kumuha agad ako ng panyo at ibinigay sa kanya.''Hmmm hindi ko alam kung paano sasabihin ito pero alam ko na chance ko na ito.'' sabi niya habang nagpupunas ng pawis.

''Sungmin.Alam ko na hindi ito tamang oras na magtapat sayo.'' Magtapat? ''Kasi alam kong hindi pa naghihilom yung sugat na iniwan sayo ni kyuhyun.Pero chance ko na ito.'' Ano bang ibig sabihin nito? Gusto niya ako?

Bigla niya akong tinayo at iniharap sa kanya.''Sungmin mahal kita.Sana bigyan mo ako nang chance na pagalingin ang puso mong sawi.'' Talagang sawi pa yung sinabi ah.

''Siwon maaga pa para magbiro kaya umayos ka.'' sabi ko sa kanya ngunit mga lintik yung mga lalaking nakapaligid sakin.Kapamilya ba nila si flash.Niyakap niya ako at nagsalita ulit.

''Ito ang unang pagkakataon na nahulog ako sa isang tao.Alam mo naman siguro yung trabaho ko diba? Kahit isa sa kanila wala akong naramdaman.Pero pagkakita ko sayo.Nagbago lahat iyon.Yung minsan na nagpapaalam ako sa inyo na pupunta na ako sa trabaho ko.Nagsisinungaling ako sa mga panahong iyon.Gusto ko magbago para sayo.Gusto ko humanap ng trabaho na hindi ko ginagamit katawan ko.'' Isa na namang confession? Ganto ba talaga ako kaganda.No i mean bakit ako? 

''Pero siwon--'' napatigil ako ng may narinig akong kaluskos dun sa gilid ng puno.Sino ba yun? 

Napansin siguro ni siwon yung pagkawindang ko kaya bigla niyang hinawakan ang mukha at parang nauulit ang scene na ito.Unti unti niyang nilapit yung mukha niya sa mukha ko.Napakagat ako sa labi ko wala akong nararamdaman sa kanya at delikado kung pipilitin kung magkaroon.Tinulak ko siya at nanlaki ang mata niya.

''Sorry siwon pero wala akong nararamdaman na pagmamahal sa'yo.Kung meron man.Sa pagiging magkaibigan natin iyon.'' mahina kong sabi sa kanya.Tumawa siya pero yung mata niya punong-puno ng kalungkutan.

''Salamat na lang sa'yo dahil napatino mo ako.'' seryosong sabi niya at iniwan ako mag-isa.Sa paglalakad niya pansin ko na punas siya ng punas sa mukha niya.Sorry siwon, sa iba na nakalaan ang puso ko..

--

''Ako ang hari ng sablay~ ako ang hari ng sablay~ '' nakakabingi na talaga yung pagkanta ni yesung ng paulit-ulit direkta sa tenga ko.Nandito kami sa bahay nila dahil may nakita akong di maganda kanina..dapat pala hindi na lang ako sumunod.

Binatukan ko siya.''Tumigil ka na nga.Nakakabingi na ah!'' sabi ko sa kanya ngunit nagpatuloy parin siya kumanta.Naikwento ko kasi sa kanya lahat ng nangyari at yung nangyari kanina.At ngayon inaasar niya ako.

''Napakatanga mo kasi! Past is past ugok! Grab mo na yung nasa present.Tapos nalaman mo pa na siya yung childhood friend mo na baliw na baliw kang hanapin.Napakalaki mong kulugo!'' 

''Alam ko na yun.Kaya nga nandito ako para humingi ng tulong eh.'' pahiwatig ko at napairap siya.

''Alam mo naman na hindi ako love expert.Pati wala akong experience.Baka kung payuhan kita lalo pang lumala.'' sagot niya at sinalinan ng alak yung baso ko.Oo umiinom kami.Puta naman kasi yung imahe na nakita ko kanina.

''Walang experience? Sinong niloko mo? Diba nagkaroon kayo ng ugnayan ni ryeowook?'' Halatang nagulat siya.Siya pala yung ugok eh.Walang kaalam alam na kalat na yun.Malala kasi yung bunganga ni wookie.Binroadcast sa lahat.

''Out of the topic yun.Ikaw yung pinag-uusapan dito.Wag mo ibahin usapan.'' sabay lagok niya ng isang baso ng alak.Napairap na lamang ako.Masyado kasi siyang takot magmahal kaya siya ganto.

''Oo na'' 

''So paano mo siya susungkitin?'' Taeng tanong yan.

''Basta nag-send na ako ng relationship request sa kanya kahapon.Pero wala pa ring dumadating na notifs sakin.'' sambit ko at napaubo siya.

''Baka naman busy makipaghalikan kay siwon.'' Alam kong nang-aasar lang siya pero masakit parin sakin iyon.Parang tinataga ako sa selos.

''Wag mo nang ipaalala yun.'' banta ko sa kanya pero di siya nagpatinag.

''Tumigil ka ulo! Lumalaki lalo ulo mo sa pang-aasar mo!'' halatang gusto na niya akong sapakin pero inirapan ko lang siya.

Basta kahit anong mangyari.

Hindi ako magpapatalo sa nakita ko.

Mas malakas ang pagmamahal ko sayo.

Kahit man naglaho na ang pagmamahal mo para sakin.

Wag kang mag-alala kung ayaw ka nang panain ni kupido.

Ako mismo ang papana sayo~

Itutuloy...

 

Wah patapos na ito! Kambak na ng esjey peste! E'm so excited! To the highest level na itu!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
iamishi #1
Na curious ako sa huli... salamat ng marami... nag enjoy akong basahin at hintayin ang bawat update mo... huwag ka sanang mag move on... hehe... salamat uli!
HeeApprentice
#2
Chapter 25: Mej "im lost" dun sa last part.
Pero sfkkhdsfjj cho kyuhyun naman eh. So cheesy xD

sige sige, Yewook story. Pwede yung from the start? Lol, demanding xD
kyuminsauce
#3
Chapter 25: ang bobo mo kyu
kimwookie
#4
Chapter 25: ,waaaahhhh.ateng.maganda!! Congrats,nktpos kn,naman.ng Story !aantayin.q.ung side story.ng YeWook.ha..hehehe.,
syet,nka2kilig.ang.ending !!buti nlng nd.ngtagumpay.ang.kbyo!!
kimwookie
#5
Chapter 24: waaaaaahhhhh !! pakyu Siwon!! mga trenta!! kaw kaya ibigti ko ????
hahaha pero inperness!! ang tanga mo Cho!! hahaha ang cheesy moh nkakasura!!
hahaha mamats sa update ate!!!
HeeApprentice
#6
Chapter 24: Ay gagi. Ambobo ni kyohyon. Hoy! Napasobra ka naman ksi sa pagka cheesy eh. Sinong may gusto na iwan bigla sa ere? Gaguhan. Gagi talaga xD
teddybearry
#7
Chapter 24: jusko. sana di mahilig mag mabasa si kyu ng wattpad. juskooo. di epektib cho! wag ka magpauto! rhyme. hagahaga
HeeApprentice
#8
Chapter 23: Ay pta xD sorry sa word. Pero eeeeeeeek. Sshkkfssjsdjkd gagi ka cho kyuhyuh, dami mong alam adfkc
kimwookie
#9
waaaaaaaaaahhhhhhhhh!! ... pampakalma nagpupuyos kong damdamin para sa SM!! (wataword!!)
hahaha kilig!!!
galing mo talaga ate!!
ano kayang gagawin ni Kyuhyun!!??
at ate penge namang YeWook moment jan!! hahaha
gomawo!!!

#DEVILwillROCK
kimwookie
#10
Chapter 22: waaaaaahhhhhh!!!!!! ate!!!!! bakit ba ngyn ko lang binasa tong update moh.... nkakaasar ako!!!! kiligToDaBones!!!! katuwa tlga si YesungMahLabs!!!! tenkyu s nkakakilig na update!!!!

#sujuisontheway!!!