Love_19

Inlove ako kay Cho Kyuhyun.

PAST.PAST.PAST.

Payo ko lang.Pakinggan niyo ito habang binabasa itong chapter na ito XD. >>December Avenue - Dahan~

---

Isang bata ang nasa maduming sulok, nakasilip siya sa isang lumang pinto na may maliit na butas.Ramdam niya gusto niyang sumabog.Gusto man niya sugudin ang misteryosong lalaking pilit na binababoy ang kanyang munting kaibigan.Hindi niya magawa.

Dahil nga.Bata lang siya.

Nanatili siya sa sulok at umiyak ng tahimik.

Nagdasal siya ng nagdasal at hindi niya napansin.

Nakatulog na pala siya at noong nagising siya nawala na ang pinaka unang kaibigang nakilala niya.

Makalipas ang mga araw.Nakauwi siya ng ligtas ngunit naga-aalala parin siya.Nagsisisi siya bakit siya nakatulog.Baka kung saan dinala ng lalaki yung kaibigan niya.

Ang pinakauna niyang kaibigan.

Ang masaklap pa.Hindi man lang niya natanong ang pangalan ng batang lalaki.

Dahil sa imaheng iyon.Nagbago ang kanyang pananaw.

***

Kyuhyun POV.

Lumipas ang mga oras.Ngunit, parang nag-iba ang ihip ng hangin.Napakagat ako sa labi ko habang nakahiga sa kwarto na pinagsasaluhan namin ni siwon.Wala siya rito ngayon.Ang sabi ko kasi gusto ko mapag-isa.Oo, hindi ko inaakala na ganon ang mangyayari pagkatapos akong mailigtas.

FLASHBACK~

''Wag mo na ulit gagawin yon! Kundi sasaksakin kita.'' rinig kong banta niya.Kahit nanghihina parin ako pinlit kong magsalita.

''Wag sa bandang puso ah.Nandun ka eh.'' nginitian ko siya at sinubsob niya lang ang ulo niya sa dibdib ko.

Napapapikit lamang ako at napangiti.

Akala ko magiging maayos na ang lahat ng bigla akong napahawak sa ulo.Parang binibiyak siya sa sakit.

---

''Ikaw ang pinakauna kong kaibigan.Wag kang lalayo sakin ah.''

''Oo naman.Ikaw din naman ang pinakauna kong kaibigan eh.''

---

''Punta tayo sa park!''

''Oo naman.Basta wag mo akong iiwan ha?''

---

''Ang sabi nila.May masasamang tao daw dito sa lugar na ito.Mag-ingat ka lagi ah.''

''Di ko na kailangang mag-ingat.Alam ko namang kalalabanin natin sila ng magkasama eh.''

---

''Ang cute mo daw sabi ni mama.''

''Syempre hahaha.''

---

''HABANG BUHAY TAYONG MAGKAIBIGAN HA?!''

''ABA OO NAMAN.''

---

 

''BITAWAN MO SIYA!!'' hindi ko alam kung saan nanggaling ang boses na iyon.Natanto ko na lang.Tinulak ko si sungmin palayo sa dibdib ko.

''PARE-PAREHO KAYONG LAHAT! SINAKTAN NIYO ANG KAIBIGAN KO!'' sigaw ko.Tumayo ako at itinuro si sungmin.''Wag kang dumikit sakin! Ayoko maging katulad mo! Bakla!'' sabi ko at naglakad palayo.Ngunit hindi ko naiwasang makita ang pagbagsak ng luha niya habang sina hyuk at hae niyakap siya.At kumirot ang puso ko sa imaheng iyon.Pinilit ko mang burahin.Paulit-ulit itong nagpapakita sa utak ko.

END OF FLASHBACK.

Pumikit ako ng bahagya.Hindi ko na alam ang gagawin ko.Naalala ko na naman iyong nangyari noon.Gusto ko mang ibaon ang alaala na iyon.Hindi ko magawa.Kitang-kita ko kung paano binaboy ng lalaking iyon.Hindi nga pala siya lalaki.Bakla siya!Binaboy niya ang kaibigan ko! At hindi ko mapapatawad ang mga katulad niya.

Pero ano itong nararamdaman ko.Ang sakit-sakit ng dibdib ko.Ba't ako nagbitiw ng mga salitang ganon.So totoo talaga na bakla siya.Nasaktan siya sa sinabi ko eh.Dapat pala sa simula pa lang.Hindi na ako nakipag-kaibigan pero...dapat hindi ko to pinagsisihan ngayon.Dahil sa simula pa lang.Pinili kong makipagkaibigan sa kanila.Kina sungmin.

Ang kailangan ko na lang gawin ngayon.

Lumayo sa kanila at magsimula ulit.

Para sa kapakanan ng kaibigan ko noon.

 

Pero bakit...parang nasasakal ako sa mga plano ko...

--

Dumating ang hapon at ginayak na namin ang gamit namin.Sasakay na sana ako sa van nina ryeowook at nina eunhyuk at donghae ng may  naramdaman kong may kumalabit sa likod ko.Pagtingin ko si sungmin ito magang-maga mata.Gusto ko siya yakapin.Hindi ito pwede cho kyuhyun!

''Mag-usap naman tayo ng maayos oh.'' halos paiyak na niyang sambit.

Tiningnan ko siya ng walang ka e-emosyon sa mata ko.''Ano pang pag-uusapan natin? Aminin mo na kasi na katulad ka nila.Para naman malaman ko na talaga ang totoo.'' sambit ko.

Nag-iba ang ukit ng mukha niya.''Kung iyon ang gusto mo.'' lumunok siya.''Oo alam kong mali ang pagtatago ng lihim sa isang kaibigan...pero hindi naman talaga kaibigan lang ang turing ko sayo.Lahat ng nasa facebook.Totoo lahat iyon.Nagpanggap ako na hindi kita gusto at sa kasarian ko.Yun lang kasi ang paraan para maging close tayo.Ang sabi ko sa sarili ko.Bihirang pagkakataon ito.At hinablot ko agad ang pagkakataon na iyon..kasi alam mo ba..alam kong kahit mag-tumbling ako sa harapan mo.Hindi mo ako papansinin dahil nga bakla ako,..kaya nagpanggap ako at nagdesisyon ako na, okay lang kahit mahalin kita ng palihim dahil sa paraang iyon..hindi ako masasaktan..saya lang ang mararamdaman ko.Pero sa oras na ito.Hindi ko na ulit iyon mararamdaman pa..dahil sa mga lilipas na araw..aware na aware akong hindi mo na ulit ako papansinin.At sana bago mo gawin iyon.Maging tapat dapat ako sayo.Sorry sa lahat..at sana lang ang hiling ko wag na wag mong pagsisihan na naging parte ako ng buhay mo..at sana rin.Kahit ako na lang ang layuan mo.Wag na yung iba kong kaibigan na kaibigan mo na rin ngayon.Napamahal na yung mga yon sayo..napamahal hindi dahil gusto kanilang maging kasintahan..napamahal dahil tinuturing kanilang kaibigan.Hindi ko man alam ang nangyari sa nakaraan mo..sa kaibigan mo noon.Ang gusto ko lang sabihin..Hindi lahat ng mga bakla pare-pareho.'' sa bawat pagtigil niya sa pagsalita niya, humihikbi siya.Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.May halong galit at..saya.

Pero sa huli galit ang bumalot sakin.

''Oo alam ko lahat ng tao nagkakamali..pero niloko mo ako.Alam mo ba..nung una.Nahahalata na kita eh.Pero pinili kong hindi pansinin ang dudang iyon.Dahil alam ko na hindi mo ako lolokohin.Ang gusto ko ngayon..lumayo ka muna.Hindi kita kayang tingnan sa mukha.'' sabi ko sa kanya at tinalikuran siya.

Maya-maya pa ay narinig ko ang mga yapak niyang..palayo ng palayo.

Hindi ko namamalayan..may namumuong tubig sa mga mata ko sa bawat yapak na ginagawa niya..

---

Napabuntong hininga ako ng nakarating ako sa bahay namin.Wala na namang tao.Dumiretso ako sa kwarto ko at binuksan ang laptop ko.Kailangan ko siyang alisin sa friendlist ko.Dapat lang dahil baka makita ko yung mga post niya.Kahit di naman siya nagpo-post araw-araw.

UNFRIEND.

Pinindut ko iyon at tiningnan ko yung newsfeed ko.

One post caught my attention.

Post ni siwon.

''Papasayahin kita at hindi kita sasaktan tulad ng ginawa ng taong iyon sayo.'' at may picture.Pareho silang walang damit pantaas.Binuksan ko yung photo at nireport yung picture.

Eto na naman yung pesteng feelings ko..

Oo mahal ko na si sungmin pero nababalot parin ang puso ko ng galit....

---

Pumasok ako sa classroom namin at oo nga pala.Seatmate ko siya..Dumiretso na lamang ako sa upuan ko.Ano naman kung magkatabi kami diba.Wala namang pansinan eh.At buti naman at wala pa siya.

Inilagay ko na lamang yung ulo ko at table at pumikit.

Lumipas ang mga oras at nagsidatingan na ang ibang estudyante.Diniretso ko ang upo at nakita kong papunta na si sungmin sa tabi ko.Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at tumingin diretso sa blackboard.

Alam kong nagulat siya ng nakita niya akong nakaupo parin sa dati kong upuan...na katabi niya.

Napairap na lamang ako.

''Okay class.May activity kayo bago kayo mag-field trip next week.Pair siya at sa ngayon tinatamad akong ipag-pair kayo.Yung katabi niyo na lamang.'' halos mapalundag ako sa upuan ko.Kita ko namang.Nanlaki ang mata ni sungmin.Next week? Thursday na ngayon eh.

''Gawin niyo ito ngayong araw ha? Para mas maaga.Mas mataas na grade.Tungkol ito sa facts about sa mga katabi niyo.Prepare up to fifteen questions to be fill up by each of yours.Kahit ang tanong. ka pa ba? Basta tanong.'' paliwanag ng guro namin at parang napagsakluban ako ng langit at lupa.Kasama si sungmin? Paano to? Anong gagawin ko.Alam kong hindi niya rin alam ang gagawin.

Kinalabit ko siya.Nanlaki mata niya at napayuko ng konti.''Wag kang mag-alala.Lilipat na lang ako ng upuan.'' sabi niya sakin at aakmang tatayo ng hinawakan ko yung kanang kamay niya.Anong klaseng engkanto ang sumapi sakin.''Hindi na kailangan.'' sambit ko binitawan yung kamay niya.Napayuko ulit siya at umupo sa upuan niya.

---

''Okay ganto ang gagawin natin.Doon ka muna sa guest room.Ako dito sa sala.'' sabi ko kay sungmin ng nakarating kami sa bahay.Tinuro ko sa kanya kung saan ang guest room namin.Umakyat siya agad.Napag-planuhan namin na dito gumawa ng activity na iyon.Ang sabi niya kasi baka daw awayin daw ako ng ate niya pag dun kami sa bahay nila.

Umupo ako sa sofa at kinuha yung ballpen at notebook ko.Dito ko muna ilalagay yung mga tanong ko.Maraming tanong man ang umiikot sa ulo ko.Hindi ko ito kayang isulat..Kinuha ko yung cellphone ko sa lamesa at tiningnan ang wallpaper ko.Si sungmin iyon...Akala niya siguro nagpalit na talaga ako nung nabuking niya ako.

Bigla itong tumunog.

Yung ate niya tumatawag!

Sinagot ko agad yun.

''Uhmmm ano yun?'' 

''Gago ka! Tinanan mo na yung kapatid ko no?! Alam mo bang hindi makalapit sina eunhyuk kanina sayo.Gusto ka nila resbakan pero kasama mo si sungmin.Kaya hindi nila magawa.Pero kahit ganon.Kaibigan parin turing nila sayo.Pero kailangan mong maturuan ng leksyon.'' sigaw niya.Hala! 

''Hi-hindi ko ko siya tinanan! Pinagsasabi mo? Pati niloko niya ako eh.''

''Alam kong niloko ka niya.Pero please ayaw na niya ulit pang maulit yung dati!'' pagsusumamo niya.

Huh? Dati?

''Anong nangyari dati?'' tanong ko.

''Nawalan din siya ng kaibigan.Ayoko ng maulit yun.Hindi siya nakapagsalita ng ilang taon!'' sigaw ulit niya.

So alam niya rin kung ano ang pakiramdam ng mawalan ng kaibigan! 

''Parehas lang kami.Pero anong gusto mong gawin ko? Makipagbati sa kanya ulit? Yun ba?!'' 

''Alam kong hindi madali pero gusto kong subukan mo.Ayokong manirahan na naman siya sa ala-alang iyon!!''

''Eh ano naman sa side ko diba? Niloko niya ako!''

''Niloko ka niya kasi mahal ka niya! Gago!'' napatigil ako..

''Nagawa niya yun dahil wala siyang ibang choice!''

''At tandaan mo ito! Yung kaibigan niyang yun ay ang pinakaunang-una niyang kaibigan! Nakidnap sila kaya sila nagkalayo!'' sigaw niya ulit;halos paiyak na.

Napatingin ako sa notebook ko na basang-basa ng luha ko..

 

 

Siya yun?

 

Tumingin ako sa guest room namin at dali-daling pumunta roon.

 

Itutuloy...

Kung naguguluhan po kayo TT,TT May clue sa love_2.Salamat sa pagbabasa~ 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
iamishi #1
Na curious ako sa huli... salamat ng marami... nag enjoy akong basahin at hintayin ang bawat update mo... huwag ka sanang mag move on... hehe... salamat uli!
HeeApprentice
#2
Chapter 25: Mej "im lost" dun sa last part.
Pero sfkkhdsfjj cho kyuhyun naman eh. So cheesy xD

sige sige, Yewook story. Pwede yung from the start? Lol, demanding xD
kyuminsauce
#3
Chapter 25: ang bobo mo kyu
kimwookie
#4
Chapter 25: ,waaaahhhh.ateng.maganda!! Congrats,nktpos kn,naman.ng Story !aantayin.q.ung side story.ng YeWook.ha..hehehe.,
syet,nka2kilig.ang.ending !!buti nlng nd.ngtagumpay.ang.kbyo!!
kimwookie
#5
Chapter 24: waaaaaahhhhh !! pakyu Siwon!! mga trenta!! kaw kaya ibigti ko ????
hahaha pero inperness!! ang tanga mo Cho!! hahaha ang cheesy moh nkakasura!!
hahaha mamats sa update ate!!!
HeeApprentice
#6
Chapter 24: Ay gagi. Ambobo ni kyohyon. Hoy! Napasobra ka naman ksi sa pagka cheesy eh. Sinong may gusto na iwan bigla sa ere? Gaguhan. Gagi talaga xD
teddybearry
#7
Chapter 24: jusko. sana di mahilig mag mabasa si kyu ng wattpad. juskooo. di epektib cho! wag ka magpauto! rhyme. hagahaga
HeeApprentice
#8
Chapter 23: Ay pta xD sorry sa word. Pero eeeeeeeek. Sshkkfssjsdjkd gagi ka cho kyuhyuh, dami mong alam adfkc
kimwookie
#9
waaaaaaaaaahhhhhhhhh!! ... pampakalma nagpupuyos kong damdamin para sa SM!! (wataword!!)
hahaha kilig!!!
galing mo talaga ate!!
ano kayang gagawin ni Kyuhyun!!??
at ate penge namang YeWook moment jan!! hahaha
gomawo!!!

#DEVILwillROCK
kimwookie
#10
Chapter 22: waaaaaahhhhhh!!!!!! ate!!!!! bakit ba ngyn ko lang binasa tong update moh.... nkakaasar ako!!!! kiligToDaBones!!!! katuwa tlga si YesungMahLabs!!!! tenkyu s nkakakilig na update!!!!

#sujuisontheway!!!