Love_14

Inlove ako kay Cho Kyuhyun.

When Bitterness Strikes.

Hindi ko alam ang nangyari pero natanto ko na lang tumatakbo na ako sa labas ng may luha sa mata.

FLASHBACK.

Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ni kyuhyun at nakatayo siya doon.Gulat na gulat ito.Dahan dahan siyang lumapit sa akin at kinuha yung cellphone niya.

''Bakit hawak mo to?'' mahinhing tanong niya pero alam kong hindi siya komportable.Napanganga lamang ako.Walang salitang gustong lumabas sa bibig ko.Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na ako yung wallpaper niya.Nagkabaliktad na ba kami ng sitwasyon? Hindi ko maintindihan.Wala akong maisip na dahilan.Na baka aksidente lang na ginawa niya akong wallpaper.Di ko man matanggi.Sobrang kating-kati na yung pwet ko.Kinikilig ako to the highest level.

''....'' 

Nagbuntung-hininga siya at iniling yung ulo niya.

''Wag kang magiisip ng kung ano-ano ha?'' ani niya at umupo sa kama niya.

''.....oo naman.'' parang tinanggalan ako ng kuko.
Ang sakit.Makapag assume kasi ako wagas.

''Nakipag-bet kasi ako kay siwon.Kaya ikaw yung nilagay kong wallpaper.Pati alam mo namang babae ang gusto ko.'' 

Bakit uber defensive mo? 

''Wag mo lagyan ng malisya.'' 

Ba't parang ikaw naglalagay ng malisya.

''Papalitan ko din yan.''

Aray..

Nginitian ko siya at inayos ang sarili ko.Ayokong may mahalata niya na nasasaktan na ako.

''Ano ka ba? Magkaibigan tayo.Pwede mo kong i-wallpaper kung kelan mo gusto.'' sagot ko dito at buti hindi nag-crack yung boses ko.

Pero bakit ang weird lang.

Tumayo siya at niyakap ako.Napabuntung-hininga na lamang ako habang dahan-dahan humihigpit yung yapos niya sakin.

Sino ba ang weird saming dalawa.

Siya o ako?

Siguro nga ako.

END OF THE FLASHBACK.

--

Lumipas na ang ilang linggo pagkatapos ng pangyayaring iyon.Halos araw-araw pagkatapos ng klase gumagala kami ng mga kaibigan ko.

Habang lumilipas ang mga araw.Mas nakilala ko na si ryeowook.Mabait naman siya pero apaw yung pagiging straightforward at may nangungulit daw sa kanya sa facebook pati sa text.Si siwon naman ayun sinabi niya na ang dahilan kung bakit siya nagtatrabaho siya sa bar na iyon.Gusto niya daw makatulong sa mga magulang niya at gusto niya makapag-pundar ng sarili niyang pera.At isa pa.Marami na siyang naikama.Buti at sinabi na niya.Means may tiwala siya sakin.Ako pa daw kasi ang unang tao na nakakaalam ng dahilan.Yung iba daw kasi iniisip na binabandera niya lang yung katawan niya para ipagmayabang.Ang sama nila no? Pero nasa ganong sitwasyon ang pag-iisip nila hindi ko sila masisisi.

At si kyuhyun? Yun pinalitan niya na wallpaper niya pero napapansin ang touchy touchy niya sakin pag nandiyan si wonwon.Enyere be? At oo magkaibigan parin kami.Close na close na.As in! Gusto niyo bigyan ko kayo ng example?

Lagi niyang hinihiga yung ulo niya sa lap ko at lagi niya rin nilalaro yung buhok ko.At ako naman itong sarap na sarap.Ugh para na kasi kaming couple eh! Sobrang close.Close pa sa mag-bestfriend.

Minsan nga nagti-text parin sakin yung lalaking misteryoso na gustong makipag-kaibigan sakin.

''Ingatan ko daw bestfriend niya.''
''Gusto daw ako ng bestfriend niya.In-denial stage pa daw kasi."
''Bigay ko daw number ni kim ryeowook.''

Desperate no? 

At napaka-plain ng feedback ko sa kanya.
*insert ryeowook's number*

Ang kulit kaya ng nilalang na iyon!

Okay sa facebook life ko naman.May nagiging ka-close na ako.At kitang kita ko parin ang pagkukulitan ni ryeowook at nung jongwoon.

''Hutangina ka! San mo nakuha number ko?''
''Secret.Ang tanga ko naman kung sasabihin ko sayo.''
''Talagang magpapalit na ako ng number! Akala mo jowa kita kung umasta ka! Unang text mo sakin.''Babe'' napaisip ako ng isang oras!Wala pala akong boyfriend.Tigilan mo na ako!''
''Wag ka na kasing mag-kaila.Gusto mo rin ako.''
''Mali ba ako ng nabasa? mo rin? So gusto mo talaga ako.Pag nakita kita ipapa-vulcanize ko yang ulo mo.Para liparin ka na at maglaho.Ang hangin mo!''
''Babe wag ka namang ganyan~''
''Utot mo!''

Sa isip-isip ko.Magkakatuluyan tong dalawa sigurado~ Hayy.Paano naman ako? Eto nganga.

''Hoy! Wag kang ngumanga diyan.Ang sabi ni siwon.,punta daw tayo sa kanila mamaya.'' napatigil ako sa sigaw ni ryeowook na palapit na sakin.Ay! Ang ingay.

''Pag-paalam niyo ko sa ate ko.'' ani ko at humikab.

Napakamot na lamang si ryeowook at binatukan ako! Ba't di ko nailagan yun!

''Anong ipag-paalam?! Pag magsosolo nga kayo ni kyuhyun.Di ka na nagpapaalam!'' pahiwatig nito at kinuha yung bag ko.''Tara na! Uwian na! Parang kang tanga diyan!'' Napanguso na lamang ako.Wala kasi ako sa mood maggala kahit sa bahay naman ang punta namin.Gusto ko na lang matulog!

''Oo na!Asan na ba sila?'' tanong ko dito.''Nandun na sa labas.Yung prince charming mo kanina ka pa hinihintay.'' pang-aasar nito at sinundot pa ako sa tagiliran.

''Ano ba! Wag ka maingay.Pag narinig ka ni kyuhyun!'' banta ko dito pero napangiti ako ng lihim.Tumawa lamang siya.''Pag prince charming ba si kyuhyun agad tinutukoy.Yiee! Inlove ka talaga.Anlande!'' alam niyo ba yung bulateng nilagyan ng asin? Ganyan siya ngayon! Ugh!

''Wag pa-obvious! Tara na.'' hinila ko siya palabas at nakita namin ang prince charming ko at ang tropa.

Ay-! Di pala si kyuhyun at ang tropa!

Mababaliw na ako!

--

Nakarating kami sa bahay ni siwon mag-aalas tres na.

Pinaupo kami ni siwon sa living room nila at iniwan niya kami doon.Siguro maghahanda ng pagkain! Yum! Ang ganda ng bahay nila hah! Ang ganda ng kulay.Aang fresh fresh tingnan! Sarap siguro tumira dito.Tumayo ako at nilibot ang bahay nila.Feeling close ako no.Kulang na lang buksan ko yung ref nila pero hindi ko magagawa yung ngayon.Nandun si siwon sa kusina eh.

Bumalik na lamang ako sa kinauupuan ko at biglang umakbay sakin si kyuhyun!

SHET!

LANG! 

DRE!

Alam mo yung feeling.Maiiyak ako sa tuwa.Kahit akbay lang! Ugh! Hindi ako maka-kalma!

Nag-vibrate ang cellphone ko kaya binuksan ko agad ito.Nakatingin lang sa akin si kyuhyun.Ano ba talaga!?

''Hukluban ka! Para kang kiti-kiti diyan! Pag ikaw nahalata ng prince charming mo.Dedo ka! Wag ka mag-alala ako maglilibing sayo.Libreng service na yun ah!'' 

Si Ryeowook! Buti na lang at tinagilid ko yung cellphone ko nung babasahin na ito.Kung hindi,deretso ko sa libreng service sakin ni ryeowook!

Ayaw ko pa! ''Wag mo akong i-text ngayon! Ikaw magpapahamak sakin eh!'' reply ko dito.

Tumingin ako kung saan siya nakaupo at naka-ngiwi lamang ito at nagtype sa cellphone niya! Shet!

''Eh ba't ka nag-reply? Concern lang ako dre!'' 

''Tigilan mo na ako!'' reply ko dito at pinatay ko yung cellphone ko.

Ngumiti lamang sakin si ryeowook at biglang tinuro si kyuhyun.Anyare?

Tumingin ako kay kyuhyun at parang badtrip ito o imahinasyon ko lang iyon?

Nagulat na lamang ako ng nagsalita ito.Please ilibing niyo na ako ng buhay.''Ako ang kasama mo.Tapos nakikipag-text ka parin sa iba.'' bulong nito at napakagat ako sa labi ko at napapikit! Shet lang tama ba narinig ko?  Ugh puro na ako mura!

''Ah wala lang yun.'' sabi ko sa kanya pero umirap ito. O.O

''Wala ka diyan.Di ako naniniwala.Ikaw pa.Habulin ka diba?'' 

''Ano bang pinag-sasabi mo?''

''Wala.Nakakatampo lang.''

Napanguso na lamang ako sa kanya.Pero bigla siyang umiwas ng tingin.Anyare bh3?

''Wag ka magtampo.'' sabi ko dito at tinapik-tapik.Humigpit yung akbay niya at lalo siyang lumapit sakin.

Please bigyan niyo ako ng tips paano mag-behave around kay crush.Mahirap diba?

''Paanong hindi.This past few days lagi na lang kayo magkausap nung kaibigan kong kabayo..''

''Natural na iyon ka--'' napatigil ako sa pagsasalita ng hinila ako ni siwon.Saan niya nakuha yung lakas niya?

''Gusto mong cookies?'' pag-aalok nito.Napatingin ako kay kyuhyun na nakayukom yung kamay..

''Oo naman.Dapat masarap yan ah.'' sabi ko dito at pinaupo niya ako sa kabilang sofa.Tinabihan niya ako at inalok yung iba pa naming kaibigan.

''Syempre naman.Mag-aalok ba ako sayo ng hindi masarap?'' ngumisi siya at kiniliti ako.

Nagulat na lamang kami ng may narinig kaming pagbagsak ng baso sa lamesa.Buti hindi nabasag.

Sino salarin?

Si kyuhyun.

Kanina pa ito badtrip ah.

''Kumain kayo ng maayos.'' sabi nito at inis na kinamot yung batok niya.

Kailangan ko ibahin yung topic! Badtrip na talaga siya!

''Nakipag-bet ka pala kay kyuhyun.'' sabi ko kay siwon at nanlaki yung mata ni kyuhyun.Anyare?

Hindi ko mabasa yung reaction ni siwon.Para bang naguguluhan siya..

''Kelan pa? Ayaw na ayaw nga ni kyuhyun sa mga bagay na yun eh.'' tumawa si siwon at kumuha pa ng pagkain sa kusina nila.

 

 

 

 

Pero..pero...

 

Itutuloy...

--

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
iamishi #1
Na curious ako sa huli... salamat ng marami... nag enjoy akong basahin at hintayin ang bawat update mo... huwag ka sanang mag move on... hehe... salamat uli!
HeeApprentice
#2
Chapter 25: Mej "im lost" dun sa last part.
Pero sfkkhdsfjj cho kyuhyun naman eh. So cheesy xD

sige sige, Yewook story. Pwede yung from the start? Lol, demanding xD
kyuminsauce
#3
Chapter 25: ang bobo mo kyu
kimwookie
#4
Chapter 25: ,waaaahhhh.ateng.maganda!! Congrats,nktpos kn,naman.ng Story !aantayin.q.ung side story.ng YeWook.ha..hehehe.,
syet,nka2kilig.ang.ending !!buti nlng nd.ngtagumpay.ang.kbyo!!
kimwookie
#5
Chapter 24: waaaaaahhhhh !! pakyu Siwon!! mga trenta!! kaw kaya ibigti ko ????
hahaha pero inperness!! ang tanga mo Cho!! hahaha ang cheesy moh nkakasura!!
hahaha mamats sa update ate!!!
HeeApprentice
#6
Chapter 24: Ay gagi. Ambobo ni kyohyon. Hoy! Napasobra ka naman ksi sa pagka cheesy eh. Sinong may gusto na iwan bigla sa ere? Gaguhan. Gagi talaga xD
teddybearry
#7
Chapter 24: jusko. sana di mahilig mag mabasa si kyu ng wattpad. juskooo. di epektib cho! wag ka magpauto! rhyme. hagahaga
HeeApprentice
#8
Chapter 23: Ay pta xD sorry sa word. Pero eeeeeeeek. Sshkkfssjsdjkd gagi ka cho kyuhyuh, dami mong alam adfkc
kimwookie
#9
waaaaaaaaaahhhhhhhhh!! ... pampakalma nagpupuyos kong damdamin para sa SM!! (wataword!!)
hahaha kilig!!!
galing mo talaga ate!!
ano kayang gagawin ni Kyuhyun!!??
at ate penge namang YeWook moment jan!! hahaha
gomawo!!!

#DEVILwillROCK
kimwookie
#10
Chapter 22: waaaaaahhhhhh!!!!!! ate!!!!! bakit ba ngyn ko lang binasa tong update moh.... nkakaasar ako!!!! kiligToDaBones!!!! katuwa tlga si YesungMahLabs!!!! tenkyu s nkakakilig na update!!!!

#sujuisontheway!!!