Love_20

Inlove ako kay Cho Kyuhyun.

Sungmin POV.

Nagmadali akong umakyat sa guest room nila at naghanap ng mauupuan.Ilang araw pa lang ang lumilipas nang nangyari ang kahindik hindik na palya ng yung buhay ko.Oo alam ko naman na ako ang mali eh.Ako yung nangloko.Ako rin dapat masaktan sa huli.

Pero nagmahal lang naman ako eh.

Sa kasarian ba nasusukat ang pagiging mabuti ng isang tao.

Gusto ko mang umiyak, halos naubos na luha ko sa sasakyan noong pauwi na kami.Ang payo nila, wag mo akong makipag-usap kay kyuhyun.Syempre, alam ko yung limitasyon ko.Pero thankful parin ako at nandiyan ang mga kaibigan ko.Kasi kung wala sila.Baka ano nang nangyari sakin diba.Masakit kasi isipin na.Alam mo isang mali mo lang.Magbabago ang lahat.Isang pagkakataon mo maging masaya pero alam mo na mayroon itong limitasyon.

Noong akala ko na okay na.Akala ko lang pala.Nadala ako sa imahinasyon ko.

Tumingin ako sa paligid ng guest room nila.Ang kulay ng pintura sa pader nito ay color white na may designs.May malaking kama at iba pang appliances.Pinili kong umupo sa malaking kama na may cover na spongebob.Napangiti ako, si kyuhyun ata naglagay nito.

Pagkaupo ko, kumuha agad ako ng scratch paper sa bag ko.Syempre kasama na ballpen.

Marami akong gustong itanong sa kanya pero baka ipapasa samin itong activity.Out of topic naman.

Sinimulan ko nang magsulat.

1.Kaya mo bang patawarin ang isang taong nangloko sayo? 

Ito na nga ba ang sinasabi ko eh.

Pero about him naman ito ah.About sa opinyon niya.

2.Anong favorite mong restaurant?

Kabalbalan na yung pinaggagawa ko eh.

3.Nasan ka ng nagpasabog ng kabaklaan?

Ang gago ko na talaga.

4.Anong ginagawa mo pampalipas oras (maliban sa paglalaro) ?

Ba't ako nakakaisip ng kabastusan.Anong klase ako?! Ugh!

5.Naniniwala ka ba sa love at first sight?

Napailing ako.

6.May pagkakataon pa ba na matanggap mo ang third ?

7.Kaya mo ba magmahal sa isang kauri mong lalaki?

Nilukot ko yung papel at nilagay sa tabi ko.

Ayoko gumawa ng activity na ito.Kahit bumagsak ako.Kesa naman mas lalo kaming mag-kailangan sa isa't-isa.

Pati sure naman ako na.

Ayaw din gumawa ni kyuhyun.

For the sake of his grades nalang siguro.

Kung gagawa man ako ng panibago.

Alam ko sa huli may sablay na tanong roon.

Pipikit na sana ako sa kainisan ng bumukas yung pinto.

At isang anino at inilabas nito.

Si kyuhyun!

Okay sungmin.Stay Calm.

Tiningnan ko siya ng mabuti pero nagulat ako ng may nakita akong namumuong tubig sa dalawa niyang mata.Dali-dali ko siyang nilapitan.

Noong nasa harap na niya ako.Nanlaki ang mata ko ng bigla niyang hinila ang kanang kamay ko at niyakap ako.Mabilis na sumara't bukas ang talukap ng mata ko.Hindi ko maintindihan ang sitwasyon na tio.

Napakagat ako sa labi ko ng napahiga ang ulo ko sa dibdib niya.Narinig kong humihikbi siya at lalong humihigpit ang yapos niya sa akin.Tumingila ako upang tingnan siya.Tiningnan niya rin ako pabalik.Para bang nasa pelikula kami at umiikot ang kamera sa paligid namin.Gulong-gulo na ang utak ko.Ano na namang palabas ito.

''Kailangan nating mag-usap.'' doon ako kinabahan.

Ayoko ng umiyak pa..

--

''Gusto ko lang malaman kung noong bata ka ba.May naalala kang bata na naging kaibigan mo.'' biglang nagsalita si kyuhyun ng nakaupo na kami sa kama ng guest room nila.Magkaharap kami at parehong naka-indian seat.

Napaisip ako.Wala akong matandaan.As in wala talaga.

''Wala eh.'' biglang napasimangot ang seryosong mukha niya sa sagot ko.

''Wala akong na-aalala pero may sinabi sakin yung mama at papa ko na nangyari noon.'' sambit ko at tumango siya mukhang nabuhayan.

''Ganito kasi iyon.Nasa swing daw kami ng araw na iyon.May nakilala daw akong batang lalaki.'' nginitian ko siya pero tumingin siya sa ibang direksyon.Napatungo na lamang ako at huminga ng malalim.Hindi parin pala kami magka-ayos.

''Ang sabi nila.Hindi ko naman daw kasalanan kung bakit kami na-kidnap eh.Pero sa loob-loob ko.Sinisisi ko ang sarili ko kahit wala namang memoryang natira sa akin.Siya ang una kong kaibigan.Halos araw-araw kaming naglalaro.Pero isang araw daw niyaya ko siya sa isang eskinita.Para bang nag-rebelde kami ng time na iyon.Di mo masisisi.Bata punong-puno ng katarungan sa utak.'' huminga ako ng malalim at halatang tutok na tutok siya sa kwento ko.Pero hindi ko maipinta ang reaksyon niya.Iling siya ng iling.

''Nag ikot-ikot daw kami roon at malapit na daw kami lumabas ng eskinita noon ng may humablot daw sakin na dalawang lalaki.Itinutok daw nila sa leeg ko ang isang matalim na kutsilyo.Nagsisigaw daw ito na.Kung hindi niyo titigilan ang paghabol sakin.Laslas ang leeg ng batang ito.At itinakbo daw ako ng isang lalaki sa pribadong lugar ngunit sumunod daw yung kaibigan kong iyon.Kaya nadamay pa siya sa kamalasan ko.Ang sabi nila mama at ate.Nasaksak daw yung kaibigan kong iyon.Dahil gusto niya daw akong iligtas kaya nanlaban siya para makatas kami.Namatay daw ang kaibigan kong iyon at makalipas ang ilang araw.Hindi daw ako nakapagsalita at lagi lamang nasa kwarto sinisisi ang sarili ko sa pagkamatay ng aking matalik na kaibigan.'' pagtatapos ko ng kwento at nginitian siya.Ayokong umiyak sa harapan niya.

Ngunit iling lang siya ng iling.''Ang tanga tanga ko.'' mahinang sambit niya at napahilot sa ulo niya.

Nagtaka ako sa kilos niya, nagulat na lamang ako ng hinila niya ako patayo at itinulak palabas.

''Gusto ko mapag-isa.'' kalmadong sabi niya.

''Pero paano yung activity at bakit mo natanong ang nakaraan ko?''

''Basta! Please gusto ko mapag-isa.'' konting tumaas ang tono ng boses niya.Napayuko at tumango.

Tinalikuran ko siya.''Pero yung bag ko..'' hinarap ko ulit siya pero humihikbi lamang siya.Umiiyak na naman siya?

''Umalis ka muna please.Gulong-gulo na utak ko! Akala ko ikaw yung taong iyon.'' pahiwatig niya at dabog niyang sinara ang pinto.Sabi na nga ba eh.

Iiyak na naman ako.

---

Kyuhyun POV.

Napahiga ako at napapikit ng mahigpit.

Kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan si sunny.

Maya-maya pa ay sumagot ito.

''Bakit ganon! Hindi naman siya ang kababata ko! Nagpakatanga na naman ako!'' bungad ko dito at huminga siya ng malalim.

''Sinabi ko bang siya ang kababata mo.Yan ang problema sayo cho eh.Puro ka akala.Hindi mo muna kinakalikot ang dahilan ng isang tao.''

''Maliit lang ang mundo!''

''Alam ko! Pero hindi ka dapat lagi nagde-desisyon agad.Lagi mo na lang iniisip ang side mo! Dapat isipin mo rin yung side ng kapwa mo!''

Napatahimik ako roon.

'''Okay sasabihin ko sayo ang dahilan! Dahil atubiling-atubili ka na!''

''Anong dahilan ang pinagsasabi mo?'' agad kong tanong.

''Hindi totoo ang sinabi sayo ni sungmin.'' ano..

''Ang totoo niyan.May lalaki talagang umaaligid sa amin noon.Gustong gusto nilang maghiganti sa amin dahil nakaraos kami sa buhay ng walang kahirap-hirap.Ang totoo kasi niyan.Noon walang-wala talaga kami.Pero noong nagkaroon ng trabaho ang papa ko.Unti-unti nakaraos kami.Noong nagkakilala si sungmin at ang kaibigan niya.May kaya na kami ng mga time na iyon.Yung dati naming kapit bahay namin mayroong inggit sa amin.Kaya kinidnap niya si sungmin habang naglalaro sa isang park.Naging pain at kapatid ko noon.Noong nahuli na yung kapit bahay naming iyon.Halos mapatay siya ng papa ko ng nalaman namin ang resulta ng autopsy.Nababoy daw ang kapatid ko.Basta paggising na lamang ni sungmin.Ang una niyang sinabi ''Sana ligtas ang kaibigan ko.'' At doon namin nalaman na hindi lang siya ang na-kidnap ngunit ang isa pa niyang inosenteng kaibigan.Pero pagbalik namin doon sa lugar na pinagtaguan ng kriminal na iyon.Wala kaming nakitang bata.Halos ilang taon siyang hindi nagsalita.Kaya napag-desisyonan naming baguhin ang paniniwala niya.Sa mga lumilipas na araw.Nagiging okay siya kaya tuluyan na siyang naka-recover.Hindi namin gustong lokohin at magsinungaling sa kanya.Pero ayaw naming mabuhay siya sa ala-alang iyon.'' kwento niya at humikbi.

Nanginig ang labi ko sa narinig.''Pero niloko niyo siya.Nabuhay siya sa kasinungalingan.'' rinig kong napabuntung hininga siya sa kabilang linya.

''Kung ikaw ang tatanungin.Mas gugustuhin mo bang makitang maghirap ang mahal mo sa buhay? Oo alam naming mali pero mas pipiliin naming magsinungaling dahil ayaw namin siyang magdusa at mabuhay sa ala-alang iyon.Na binaboy siya noon ng walang kalaban laban.''

Napatingin ako sa blankong pwesto sa guest room namin.''Salamat.'' sambit ko at ibababa na sana ang telepono ng nagsalita siya.''Bakit ba eager na eager kang malaman.Ikaw ba yung kaibigan niya noon?''

''Sasabin ko sa tamang panahon'' simpleng sagot ko at ibinaba ang telepono.

Nabuo narin ang misteryo ng buhay ko.

Kay tagal kong hinintay na malaman kung sino ang kaibigan kong iyon at sising sisi ako ng hindi ko siya nailigtas sa murang edad.

Dahil sa pagiging hot tempered ko.

Lalong lumalayo ang kaligayahan ko.

Kaligayahang gusto ko nang makamit noon pa.

Ang problema ko na lang ngayon.

Paano ako makikipagbati sa kaibigan ko.

Sa kaibigan ko noon na nahulog ako ngayon.

May naisip akong paraan pero sapat pa ba iyon para mapaamo at mapatawad niya ako..kahit paulit-ulit ko na siyang tinataboy.

Itutuloy...

OMG! 9 YEARS OLD NA TAYO ELFS! MABUHAY TAYONG LAHAT!

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
iamishi #1
Na curious ako sa huli... salamat ng marami... nag enjoy akong basahin at hintayin ang bawat update mo... huwag ka sanang mag move on... hehe... salamat uli!
HeeApprentice
#2
Chapter 25: Mej "im lost" dun sa last part.
Pero sfkkhdsfjj cho kyuhyun naman eh. So cheesy xD

sige sige, Yewook story. Pwede yung from the start? Lol, demanding xD
kyuminsauce
#3
Chapter 25: ang bobo mo kyu
kimwookie
#4
Chapter 25: ,waaaahhhh.ateng.maganda!! Congrats,nktpos kn,naman.ng Story !aantayin.q.ung side story.ng YeWook.ha..hehehe.,
syet,nka2kilig.ang.ending !!buti nlng nd.ngtagumpay.ang.kbyo!!
kimwookie
#5
Chapter 24: waaaaaahhhhh !! pakyu Siwon!! mga trenta!! kaw kaya ibigti ko ????
hahaha pero inperness!! ang tanga mo Cho!! hahaha ang cheesy moh nkakasura!!
hahaha mamats sa update ate!!!
HeeApprentice
#6
Chapter 24: Ay gagi. Ambobo ni kyohyon. Hoy! Napasobra ka naman ksi sa pagka cheesy eh. Sinong may gusto na iwan bigla sa ere? Gaguhan. Gagi talaga xD
teddybearry
#7
Chapter 24: jusko. sana di mahilig mag mabasa si kyu ng wattpad. juskooo. di epektib cho! wag ka magpauto! rhyme. hagahaga
HeeApprentice
#8
Chapter 23: Ay pta xD sorry sa word. Pero eeeeeeeek. Sshkkfssjsdjkd gagi ka cho kyuhyuh, dami mong alam adfkc
kimwookie
#9
waaaaaaaaaahhhhhhhhh!! ... pampakalma nagpupuyos kong damdamin para sa SM!! (wataword!!)
hahaha kilig!!!
galing mo talaga ate!!
ano kayang gagawin ni Kyuhyun!!??
at ate penge namang YeWook moment jan!! hahaha
gomawo!!!

#DEVILwillROCK
kimwookie
#10
Chapter 22: waaaaaahhhhhh!!!!!! ate!!!!! bakit ba ngyn ko lang binasa tong update moh.... nkakaasar ako!!!! kiligToDaBones!!!! katuwa tlga si YesungMahLabs!!!! tenkyu s nkakakilig na update!!!!

#sujuisontheway!!!