Love_11

Inlove ako kay Cho Kyuhyun.

Mangangalahati pa lang kami sa paglalakad ni siwon nang napahinto ako.Gustong gusto ko malaman kung paano etc.Magkakilala sila ng future husband ko este ni kyuhyun.Gusto ko siyang tanungin tungkol dun.Pero hindi kami ganon ka-close na pwede ko siya interviewin kung kelan ko gusto.Pero magtatanong lang naman ako diba walang masama.

At isa pa hindi ko talaga makalimutan yung kanina.Sarap ipalapa si siwon.Tingin nang tingin eh.

Ngiting ngiti si kyuhyun pagkatapos nilang magyapos.Tumawa na lang si panget este siwon.

''Grabe ka! Hindi mo man lang ako sinabihan na mag-aaral ka din dito.Banta banta din pag may time.'' sabay busangot ni kyuhyun at nakipagpalit nang upuan kay hae.Para tabihan si siwon.

''Ano ka ba.Syempre sasabihan sana kita.Pero wala eh.May nakapukaw ng atensiyon ko nung binisita ko tong school.Wala naman talaga akong balak mag-aral dito eh.May dahilan lang talaga.'' at ngumiti si siwon at tumingin sakin.Binigyan ko siya nang isang matalim na tingin.As in bagong hasa lang.Anong tini-tingin tingin niya at aba ngumisi siya.Tahiin ko bibig niya eh.

Nakatingin parin ito sakin kaya sinipa ko yung paa niya.Nagsasalita pa si kyuhyun eh.Respeto lang dre! 

''At sino naman iyon hah? May bago kang babae eh.Sino yan?'' asar ni kyuhyun habang etong si siwon umiiling lang.

''Wala kang ideya.'' sabay tingin ulit sakin ni siwon.

Ano ba talagang problema niya.May dumi ba ako sa mukha?

''Malalaman ko rin yan!Ako pa!'' desperadong sagot ni kyuhyun at naka chin-up pa.Ang gwapo niya talaga! 

Binaling ni siwon ang mata niya kay kyuhyun at ngumisi.''Eh ikaw? May nabingwit na ba?'' tanong nito at napalunok si kyuhyun.Anyare ba't parang kinabahan siya.

''W-wala pa.Ano ka ba? Di ako playboy na katulad mo.'' nag pout si kyuhyun at tumabi sakin.Inakbayan niya ako.Keleg! Ge lang meng.Damahin mo ang sarap. 

''Weh di nga?'' tanong ulit nito.

Ang kulit nang kabayong to ah.

Umiling si kyuhyun ''Eto nga pala si Lee Sungmin.Mabait ito at siya yung una kong nakahalobilo sa school mo bago pa kina eunhyuk at donghae.'' sambit nito.

At bago ko pa makalimutan.

Nakanganga lang si donghae at si hyukjae nanlaki yung mata.

Siguro alam niyo na kung bakit.

Nasa table nga namin yung stripper sa bar.Nung nakaraan lang.

Diba di ka pani-paniwala.

''Kilalang kilala ko na si Lee, Cho.'' ngisi nito at napakunot ang noo ni kyuhyun.

''Paano?'' tanong nito at sumeryoso ang mukha.

''Secret~~'' 

At yun ang nangyari.Pinigil ko na yung pag uusap nila at hinila ko si siwon.Syempre alangang si kyuhyun.Matameme ako at baka sumabog mukha ko sa sobrang pula.Kailangan ko rin i-tour itong kabayong to.Pati dapat never silang magkakatopic tungkol sakin.Baka masabi ni siwon kung paano kami nagkakilala.Ang panget kaya i-imagine.Siya naka brief at ako parang babaeng nakuhaan ng perlas ng silanganan.
Eh di naman. Diba awkward.
Kaya nandito ako sa sitwasyong ito.

Kailangan ko siyang i-tour.Sosyal niya rin eh no.May taga tour pa tss.

Kung si kyuhyun di kinailangan nang tour tour na yan.Siya dapat meron.Bago ko pa makalimutan.Anak nang principal.Ge kailangan ko tiisin.

Naglakad kami papuntang library at pumasok kami sa loob.

''Ito ang library.Gusto mo bang sabihin ko pa kung anong sukat at laki nito.Utot mo!Bawal tumambay dito.Kung walang klase pero may pasok pwede.Bawal din magtago dito pag gusto mong mag cutting.Ang daming cctv dito.Bukas ito 9:00 am to 5:00 pm.Kahit tapos na ang klase sa buong school.Pwede ka bumalik dito,example pag pinalayas ka nang tatay mo o kung may napagtripan kang basagulero.At kung hihiram ka nang libro.Magandang hide out to.In the end pwede ka tumambay.'' balu-baluktot kong pagpapaliwanag.Napangiwi ito sa taka.Bahala siyang intindihin.Pate ako hindi ko naintindihan eh.

Pumunta naman kami sa cafeteria.

''Eto ang canteen.Pag class hours bawal idahilan na pupunta ka nang banyo pero ang deretso mo dito.May cctv dito.Kaya malaki tuition.Madami cctv.May menu diyan bawat day.Kunware.Monday.Giniling.Sinigang at Chicken.Sampung piso isang tasang kanin.At 30 pesos ang isang tasang ulam kuha mo.Bawat day may tatlong ulam na nakalaa.Pero iba-iba.Eto ang tandaan mo.Hindi mawawala sa menu nila ang chicken.'' paliwanag ko dito.Halos maubusan ako ng hininga.

''Kailangan detail na detail?'' tanong nito habang nilisan namin ang lugar na iyon.

''Oo baka kasi pumutak ka na naman sa tatay mo na hindi mo nalaman ang ganto.Ganun.'' sagot ko at pinakita sa kanya ang computer lab.

Pumasok kami sa loob.

''Yaan ang computer lab.Alam mo bang madalas si kyuhyun dito? Eto ang pinakabawal dalawin tuwing class hours.Bawat magkakaroon nang activity sa lugar na ito.Dapat tahimik at dapat sumunod sa mga sinasabi ng guro.Minsan kasi dumadalaw ang principal natin dito este yung tatay mo.Sayo siguro kahit magdala ka pa ng megaphone dito at magsisigaw nang walang kabuluhan na mga salita.Di ka papagalitan at hindi bababaw ang tingin sayo ng tatay mo pero samin may kaso yun.Kaya mag behave ka para di ma turn off tatay mo.Alam niya bang nagtatrabaho ka dun?'' paliwanag ko dito.

''Wag mong simulang buksan ang topic na yun at hindi ako ganon katanga magsisigaw na parang nakawala sa kuran.'' seryosong sagot nito.

''Basta kung kailangan mo nang masasabihan.Nandito lang ako.Nagtataka lang kasi ako ang yabang nang dating mo at mayaman ka pero nandun ka sa lugar na iyon.'' 

''Salamat sa corcern pero sa right time sasabihin ko rin iyon sa iyo.Pag dumating yung panahon na katiwa-tiwala ka na.At wag ka.Di pa tayo close.'' ngumiti ito at  napangiti na rin lang ako.

Oo sa unang pagkikita namin.

Hindi maganda.

Pero siguro kung maglalaan ako ng oras para kilalanin siya.

Baka maging close pa kami.

Sumunod na pinuntahan namin ang rooftop.Wala dito gusto ko eh.

''Anong mahalaga sa rooftoop?'' takang tanong nito.

''Wala lang trip ko lang pumunta dito.Eto ang rooftop.Kapag may bully pwede kang tumakbo dito.Kahit mataas ito at pag akyat mo feel mo nasa sahig na ang dila mo sa pagod.Atleast shield ito sa mga physical injuries na makakaharap mo.'' sinara ko ang pinto nang rooftop at dumungaw kami.Ang ganda nang tanawin.

''Sa bagay.Pero may nambully na ba sayo?'' 

''Wala pa.'' 

''Eh bakit alam mo na dapat dito magtago?'' 

''Common sense na iyo dre.'' 

Tumingin ako sa kanya at saksing nakatingin din ito sa akin.

''Alam mo ba na may pwede pang magawa tong rooftop na ito.Pwede kitang ihagis dito pag inis na inis na ako sayo.'' sabi ko sa kanya at nginitiin niya ako at ginulo buhok ko.

''Ano ba.Wag yung buhok ko.Hinahangin na nga ginugulo mo yung direksiyon.'' pag ilag ko.

''Baliw ka talaga.So pwede bang makipag kaibigan?'' nilahad niya ng kamay niya sa harap ko.

Napailing ako pero nakangiti ako.

''Kailangan may shake hands pang magaganap?'' pang aasar ko at kusa niyang kinuha ang kanang kamay ko.

''Friends'' masayang tonong niyang sambit.

Napangiti na lamang ako.

Kahit papaano.Mabait din itong mokong ba ito.

Next Location.Garden.

''Ano na namang mahalaga sa lugar na ito?'' boring na tanong niya.Wala lang gusto ko lang magpahangin. 

''Wala lang.Bakit ba may mga time pa naman para i-tour kita sa ibang lugar diba? Pati alam ko namang inform yung mga teachers na itu-tour kita.Siguro di lang nilang expected na ngayon pagkapos nang recess.Yaan mo na minsan lang lumabag sa batas.'' sambit ko at napatingala doon sa room namin.Siguro kanina pa simula klase.

Humiga ako sa damuhan at naramdaman kong humiga rin siya baliw.Gaya-gaya.

Bumunot ako ng damo at hinagis sa kanya.Nagulat ito at gumanti rin.Para kaming mga bata na nagbabatuhan.Pero wala masaya pala pag ganto.Kasi kung dati kami nila hyukjae at hae.Sila lang ang nagbabatuhan pero ngayon may kapartner akong mokong.

Malakas na mga tawa ang bumalot sa garden at napatingin ako sa oras. 3:00 na malapit nang mag uwian.Tumingala ako kahit na patuloy parin ang pagbabato sa akin ni mokong.

Pero pag tingin ko sa room namin.May nakasilip sa bintana.

Hindi siya multo.Wag excited.

Si Future Husband iyon.

After ten minutes napagod na rin kami.Nagtataka lang ako sa tingin ni kyuhyun.

Tumayo ako at pinagpag ang uniporme at pantalon ko.

''Tara na.Malapit na mag uwian.'' anyaya ko sa kanya.

''Pero apat na lugar pa lang natu-tour mo sakin.'' tumayo na rin siya at nagpagpag.

''Saka na.Marami pang time.'' sabi ko dito at pumunta kami sa room ko.Oo hindi kami magkaklase.Hinatid niya lang ako.

Hindi ko lang talaga matanggal yung imahe ni kyuhyun.Yung tingin niya sa akin o sa amin? 

Pumasok ako sa room at si kyuhyun nalang nasa loob.Nakaupo siya sa upuan niya at halatang gayak na gayak na.Bakit di pa siya umuwi at nasan sila hyukjae at hae?

Lumapit ako sa kanya.

''Kyuhyun.Tara na.'' sabi ko rito at sinakbit ko yung bag ko.

Tumingin ito sa akin.Pero feel ko magyeyelo ako.Ang cold nito.

''Bakit ka nawala kanina at higit higit mo si siwon.'' tanong nito pero cold parin.Ano bang problema niya?

''Tinour ko lang siya around the school.Sabi ng papa niya eh.Yung principal.'' sagot ko at hinawakan siya sa balikat.

''Eh bakit kayo nasa garden at naghaharutan pa?'' tanong ulit nito.

''Wala lang yun.Trip ko lang pumunta dun.'' sagot ko nang mahinahon.

Tumayo siya at sinandal ako sa blackboard.

''Bakit ganun ang gaan gaan ng feeling niyo sa isa't isa at parang iniiwan mo na ako sa ere.'' 

Ibang meaning ba ang gusto niyang iparating.

O

Talang delusiyonado lang ako.

''Gusto mo ba siya higit sa akin?'' 

Napakagat ako sa labi ko.
Ang lapit lapit niya sakin.

''Anong ibig mong sa--'' 

''Gusto mo ba siyang maging kaibigan higit sakin?'' 

 

Ano bang ine-expect ko..

 

Itutuloy..

--

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
iamishi #1
Na curious ako sa huli... salamat ng marami... nag enjoy akong basahin at hintayin ang bawat update mo... huwag ka sanang mag move on... hehe... salamat uli!
HeeApprentice
#2
Chapter 25: Mej "im lost" dun sa last part.
Pero sfkkhdsfjj cho kyuhyun naman eh. So cheesy xD

sige sige, Yewook story. Pwede yung from the start? Lol, demanding xD
kyuminsauce
#3
Chapter 25: ang bobo mo kyu
kimwookie
#4
Chapter 25: ,waaaahhhh.ateng.maganda!! Congrats,nktpos kn,naman.ng Story !aantayin.q.ung side story.ng YeWook.ha..hehehe.,
syet,nka2kilig.ang.ending !!buti nlng nd.ngtagumpay.ang.kbyo!!
kimwookie
#5
Chapter 24: waaaaaahhhhh !! pakyu Siwon!! mga trenta!! kaw kaya ibigti ko ????
hahaha pero inperness!! ang tanga mo Cho!! hahaha ang cheesy moh nkakasura!!
hahaha mamats sa update ate!!!
HeeApprentice
#6
Chapter 24: Ay gagi. Ambobo ni kyohyon. Hoy! Napasobra ka naman ksi sa pagka cheesy eh. Sinong may gusto na iwan bigla sa ere? Gaguhan. Gagi talaga xD
teddybearry
#7
Chapter 24: jusko. sana di mahilig mag mabasa si kyu ng wattpad. juskooo. di epektib cho! wag ka magpauto! rhyme. hagahaga
HeeApprentice
#8
Chapter 23: Ay pta xD sorry sa word. Pero eeeeeeeek. Sshkkfssjsdjkd gagi ka cho kyuhyuh, dami mong alam adfkc
kimwookie
#9
waaaaaaaaaahhhhhhhhh!! ... pampakalma nagpupuyos kong damdamin para sa SM!! (wataword!!)
hahaha kilig!!!
galing mo talaga ate!!
ano kayang gagawin ni Kyuhyun!!??
at ate penge namang YeWook moment jan!! hahaha
gomawo!!!

#DEVILwillROCK
kimwookie
#10
Chapter 22: waaaaaahhhhhh!!!!!! ate!!!!! bakit ba ngyn ko lang binasa tong update moh.... nkakaasar ako!!!! kiligToDaBones!!!! katuwa tlga si YesungMahLabs!!!! tenkyu s nkakakilig na update!!!!

#sujuisontheway!!!