Chapter 8

ELF's Dream

"Guys, did you hear what I just said?! Frances Sadler is not my girlfriend. That girl is a liar! She made up all of this mess." 

One million views agad ang inabot ng video na ito sa youtube makalipas ang isang araw. Nakuhanan kasi ng video ng isa sa mga estudyante ng Myong Ji ang eksenang ito simula pa sa pagsampal ni Frances kay Jessica Jung hanggang sa pagsuntok ni Frances kay Donghae. Hala! Sya na ang nanampal, sya pa ang nanuntok! Kitang-kita sa video na parang ang pinapalabas ay isa sya talagang walang hiyang babae na makapal ang mukha at feeler pa na gustong manira ng couple! UWAAAAA! 

"Wow ate, tinalo mo pa ata ang gangnam style ni Psy. ONE MILLION VIEWS IN ONE DAY?!" amaze na amaze na sabi ni Opers sa kanyang kapatid na si Frances. 

"Uwaaaa! Patayin mo na ako Opers, patayin mo na ako! Ayoko nang mabuhay pa! Huhuhuhu..." 

"Ate, maghulos-dili ka! Ayokong gumawa ng isang krimen!" 

"Opers, ano pang mukha ang ihaharap ko sa buong mundo?! Kilalang-kilala na nila ako, as in sikat na sikat na ako! Sigurado ako, pagkakaguluhan nila ako pagdating ko sa school!" 

"Ayaw mo nun ate, instant celebrity ka na!" 

"UWAAA! Opers, ayoko nang mabuhay pa! Pero, papasok na rin ako. Hihingi na lang ulit ako ng tawad kay Jessica. Di bale nang maging tanga-tangahan lang ako dahil alam ko naman kung ano talaga ang totoo pero hindi ko talaga kaya na magagalit si Donghae sakin!" 

Dali-daling umalis sa bahay si Frances upang magpunta sa Myong Ji University ngunit pagdating na pagdating nya sa gate ay agad na bumungad sa kanya ang mga reporters at ilang fans ng Super Junior. Agad naman syang nilapitan ng mga ito. 

"Miss Sadler, what can you say about the break up of Super Junior's Lee Donghae and SNSD's Jessica Jung?" tanong ng isa sa mga reporters. 

"E-eh? Ano..." 

"Miss Sadler, are you an anti-SNSD?" tanong pa ng isang reporter. 

"H-huh? Ah...eh- 

Mayamaya pa ay may mga bumato ng kamatis kay Frances. Hindi lang pala kamatis, pati itlog! Ang sakit nun. Tapos nagkakagulo na yung mga fans sa labas ng gate at gusto syang sugurin ng mga ito. UWAAA! Dali-dali syang pumasok ng gate at nagtatakbo paloob. Buti na lamang at di na nakapasok ang mga yun dahil sa mga guards na nakabantay sa may gate. Agad-agad syang pumasok sa loob ng building dahil sa takot. Ganun pa man, hindi pa rin sya nakaligtas dahil may mga fans din naman ng SJ at SNSD sa loob ng school. At ang nangyari, hinabol sya ng mga ito! Takbo rito, takbo roon. Lahat na lang, hinahabol sya. UWAAAA! Engot ka talaga Frances! Bakit hindi mo naisip na papatayin ka ng mga fans kapag lumabas ka ng bahay mo! Engot ka talaga! Padalos-dalos ka kasi eeeeeeh! Yun ang sabi nya sa sarili nya.

Mayamaya pa ay naligaw nya ang mga ito hanggang sa makarating sya sa rooftop ng school kung saan wala nang tao. Pagod na pagod na sya. Eto ba talaga ang kapalaran nya?! Ang maging "infamous" sa sangkatauhan?! Bakit?! Bakit nangyayari sa kanya ang lahat ng ito?! 

BBBBAAAAAAAKKKKIIITTTTT?!

Hindi na nya kaya. Sobrang stress at depression ang nararamdaman nya ngayon. Baka mayamaya magka-psychological or emotional breakdown na sya...OA na kasi ang lahat. Magpakamatay na lang kaya sya? 

Dahan-dahan syang naglakad papunta sa pinakadulo ng rooftop. Ang taas pala ng kinalulugaran niya. Nakapag-isip-isip na rin sya. Tatalon na lang sya sa building. 

Ipinikit na nya ang kanyang mga mata. Eto na, 3 seconds na lang tatalon na talaga sya. Two seconds...one second- 

Bigla na lamang may humila sa kanya pabalik. Inakap sya nito ngunit dahil sa lakas ng impact ng pagkakahila sa kanya ay pareho silang natumba sa sahig. 

"Aaargh," medyo nasaktan yung lalaki dahil yung katawan nya yung nagkaroon ng direct impact sa semento. Nasa ibabaw naman nya si Frances na tila gulat na gulat sa mga pangyayari. 

"Hey...are you okay?" nasambit na lamang ng binata. 

Napatingin si Frances sa mukha ng binata. Nagulat sya sa kanyang nakita dahil si Siwon Choi pala ang nagligtas sa kanya. Si Siwon Choi ay isa sa mga miyembro ng Super Junior. 

Natahimik na lamang si Frances. Hindi nya kasi alam kung anong dapat sabihin. Natulero na sya. Mayamaya pa ay umayos na sa pagkakaupo si Siwon at kinausap niya ang dalaga. 

"Are you out of your mind?! Why did you do that?!" 

Tahimik pa rin si Frances at nakatungo lamang. Halatang-halata kay Frances na natatakot sya. 

Alam ni Siwon ang mga nangyayari ngayon sa paligid. Maraming fans ang nagkakagulo sa loob at labas ng Myong Ji University. Ilang minuto na lamang siguro at matutukoy na nila kung nasaan si Frances. 

"Come, I'll get you out of here," wika ni Siwon at pagkatapos ay inalalayan nya si Frances dahil mukhang wala ito sa sarili sa kasalukuyan. Itatakas nya muna ito sa mga taong humahabol sa kanya dahil kawawa naman sya. Wala syang kalaban-laban. 

x-x-x-x-x-x 

"Here." Inabutan ni SIwon ng isang mainit na inumin si Frances para naman mapakalma ang kanyang kalooban. Dinala muna ni Siwon si Frances sa apartment nya para naman makapagpahinga sya. Isa pa, gusto nya ring makausap si Frances tungkol sa mga nangyayari. 

"T-thank you," wika na lamang ni Frances at saka ininom ang binigay ni Siwon. Medyo nahihimasmasan na ito. 

"Do you feel better now?" 

"Yeah...thanks." 

Napabuntong hininga si Siwon. 

"I'm sorry for what happened..." 

"H-huh? What are you sorry for?" tanong ni Frances. 

"I feel sad about you. You shouldn't have entered this university, you know. You shouldn't have entered showbusiness. This world is a lot different from the world you used to live in." 

"I didn't know that this would happen to me anyway. Of course, I didn't want this to happen. But this I want to tell everyone, it's not my fault! I'm innocent! I have nothing to do with anything in the first place. I'm just a mere fan," wika ni Frances. 

"No one is innocent and no one has nothing to do with anything when you step inside the world of showbusiness." 

"Yeah, you may be right. There are lots of rumors everywhere and my image is totally doomed." 

"But that doesn't mean that you should jump from the top of the building and kill yourself." 

Napabuntong-hininga si Frances. "I'm sorry. I wasn't able to take it." Grabe lang. Ni hindi nya nga namalayang magpapakamatay na pala sya?! Uh-oh. Nakakawala pala ng sarili ang ganoong eksena noh?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
daebakexok
#1
Chapter 34: NICE ONE AUTHOR-NIM FIGHTING :)