Chapter 17

ELF's Dream

Simula na naman ng isang panibagong umaga sa loob ng Myong Ji University dito sa Korea. Masyadong busy ang mga students sa mga gawain sa loob at labas ng school. Dahil dito ay hindi na namalayan ni Frances ang paglipas ng mga araw pagkatapos ng pangyayaring iyon.

"Frances..." wika ni Donghae sa isipan ng dalaga. Naaalala na naman niya ang boses ng umiiyak na binata. Bigla na lamang siyang niyakap nito sa di maipaliwanag na kadahilanan ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nya alam kung ano talaga ang nangyari rito. Hindi naman siya makakuha ng pagkakataon na makausap ang binata dahil ilang araw na ring hindi ito umaattend ng school kasama ng mga iba pang mga myembro ng Super Junior dahil sa nalalapit nilang concert. Dahil dito ay sobrang nag-alala si Frances sa iniidolo nya. Gabi-gabi syang napupuyat sa kakaisip, syempre, idol at mahal nya yun noh! Haist. Mahal na nga talaga nya si Donghae…sinasabi na nga ba at mas lalalim pa ang pagtingin nya rito! Ikaw ba naman, makasama mo yung taong pangarap mo, bias mo, idol mo at crush na crush mo sa iisang skul tapos palagi pa kayong magkasama at nagkakausap, tapos nagkakaasaran kayo, tapos nagsisigawan kayo, minsan nagbibiruan din kayo tapos nagkakaakapan din pag may time…hehe…ewan ko lang kung di lumalim ang pagtingin mo sa taong yun.

"[ALL]Every single day I try

Jeongmal geoui da wass-eo

We get closer to a good time

Silyeondeul-e Say goodbye

Oh!"

Kasalukuyang nagpapractice ang Super Junior Team sa loob ng dance studio sa pamumuno ni Ms. Kang, ang kanilang choreographer. Napaka-cool ng introduction dance ng mga ito kung saan naka-form ng isang malaking circle ang grupo habang sumasayaw. Si Donghae ang mangunguna at papagitna sa mga ito. Pagkatapos ng steps roon ay biglang susulpot si Siwon sa pinakagitna ng circle at magkakaroon ng solo lines.

"[SIWON]y, Free & Single

Ijen junbineun wallyo

y, Free & Single

I'm ready too, Binga"

"[Donghae] Hei nuguna swibsali gatneun geon

Jae mi eop ja na jom deo nopge sege lalalalalala"

"[Kyuhyun] Wieseo bwa gyeondyeonaen jaga kkaedadge

Doeneun geon jom deo beotyeo beotyeo lalalalalala"

Mukhang maayos naman ang performance ng group ngunit kapansinpansin pa rin ang kakulangan sa mga ginagawa ni Donghae. Para bang nagkukulang ito sa focus at sigla sa pagsayaw at pag-awit. Binibigay man niya ang kanyang buong makakaya ngunit mababakas pa rin sa mukha niya na may mali. Maya-maya ay biglang tumigil ang music.

"Ok guys, 10 minutes break!" sigaw ng choreographer. Nagpahinga muna ang grupo. Si Donghae naman ay naupo sa may bench malapit kay Eunhyuk at mukhang pagod na pagod. Nagpunas ito ng towel sa mukha at leeg at pagkatapos ay uminom naman ng tubig sa isang bote ng mineral water. Napansin ni Eunhyuk ang kondisyon ng binata ngunit hindi na muna niya ito pinakialaman dahil alam niya ang dahilan kung bakit nagkakaganoon ang kanyang kaibigan. Jessica fooled Donghae. Hay nako, ilang araw ring napuyat sina Eunhyuk at Donghae nang dahil sa kaluluksa ni Donghae gabi-gabi. Gabi-gabing sinasabi ni Donghae ang mga sentimiento nya sa kanyang kaibigan at gabi-gabi rin na pinapayuhan ni Eunhyuk ito. Sobrang nasaktan kasi si Donghae sa mga pangyayari.

Matapos ang ilang minutong pagpapahinga ay nagpatuloy na ulit sila sa kanilang rehearsal.

"[All/Eunhyuk] Sum-i chage dallyeowa meotjige kkeutnaen

Geudae Have a good time, oneulmankeum Party time"

"[All/Leeteuk] Gaseum-i yodongchineun seungrireul ma bwa

Ijeneun Have a good time, nuga geudael maggena oh"

Lumapit sa isa't-isa ang grupo kung saan muling papagitna si Donghae sa unahan habang sumasayaw.

"[All] y, Free & Single

I'm ready too, Bingo

y, Free & Single

I'm ready too, Bingo oh

Yeogsi bullihan hwagryul-e majseo

Geobnaeji malgo

Yeogsi bullihan hwagryul-eun

Kkeutdo an bwado Bingo oh"

"Ate, samahan mo ko, manood tayo ng practice ng SUJU," pagyayaya ni Opers sa kanyang kapatid. Breaktime non kaya naisipan ng magkapatid na pumunta sa dance studio. Nang makarating na sila roon ay bigla silang hinarang nung guard.

"Miss, this place is off limits. Exclusive for SUJU members this time. I'm sorry but manager Kang insists that they should have some privacy for practice," wika ng guard sa kanila.

"Waaa. Sayang naman, kung kelan opportunity ko nang makita si Eunhyuk, hindi ko pa magawa. Hmpft," wika ni Opers. Maging si Frances ay hindi rin mapakali at gustung-gusto ring makita si Donghae. Nag-aalala sya at gusto nyang malaman kung ok na ba ito. Bihira na rin kasing magpakita sa klase ang mga members ng SUJU dahil busy ang mga ito ngayon sa mga practices nila.

Mayamaya pa ay ay lumabas ng pinto. Si Siwon.

"KYAAAAA!" sigaw ni Opers kaya nagulat si Siwon. Aba, ikaw ba naman ang sigawan paglabas mo ng pinto, ewan ko lang kung di ka magulat. Hehe. Tapos napansin ni Siwon si Frances na kasama ni Opers.

"Oh. Hi," bati ni Siwon kay Frances. Dahil dito ay nagkaroon ng pag-asa si Frances. Pagkakataon na nya ito.

"Hi Siwon!" masayang bati ni Frances kay Siwon. Maya-maya pa ay bigla itong dumikit sa binata at may ibinulong dito.

"Hey. Can you let us enter your practice room and watch? Please please please please please..." bulong ni Frances kay Siwon.

"Er...I don't know. Ms.Kang is not allowing other people to enter the room right now, specially fans," wika ni Siwon.

"Tell her we're not just fans, we're friends, right? Please please please please please..."

Siwon smirks. "Fine. Go ahead. Naega dolbwa julge." 

(Translation: Akong bahala sayo.)

"Huh?" tanong ni Frances. Hindi nya kasi naintindihan yung huling part na sinabi ni Siwon.

"Just...go inside," wika ni Siwon at pagkatapos ay ngumiti ito. Waaa. Ang cute ng dimples. Wahihihi.

"Opers. Behave ka lang dyan. Don't talk, shout, or move. Huwag mong ilalabas ang pagka-OA mo rito." Wika ni Frances sa kanyang kapatid.

"Nagsalita ang hindi OA kung makareact," naibulong na lamang ni Opers sa kanyang sarili. Well, naandoon na sila sa loob ng studio at nanonood.

Mayamaya...

"Waaa...ang galing talagang sumayaw ni Eunhyuk ate..." kilig na kilig na sambit ni Opers sa kapatid.

"Psh, hinaan mo nga yung boses mo..." sabi naman ni Frances.

"KYAAA! ANG GALING-GALING MO EUNHYUK OPPA! I LOVE YOU!" sigaw ni Opers. Sa halip na hinaan nya ang boses nya ay sumigaw pa sya ng pagkalakas-lakas para i-cheer si Eunhyuk. Dahil dito ay medyo nadistract ang mga nagpapractice doon. Haist. Hinding-hindi talaga mapipigilan ang pagiging fan nya kahit na anong mangyari.

"WAAA-

Lagot na. Natakot si Frances. May papalapit kasi sa kanilang babae at tila seryoso ang hitsura nito. Sya ata yung manager?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
daebakexok
#1
Chapter 34: NICE ONE AUTHOR-NIM FIGHTING :)