Chapter 33

ELF's Dream

"SJ! SJ! SJ! SJ!" 

Eto na naman ang lahat. Nagsisigawan ang lahat ng tao. Eto na naman ang Super Show 5 na pinakahihintay ng mga Filipino ELFs sa buong Pilipinas. Tandang-tanda ni Donghae ang mga pangyayari noong una silang nagpalabas ng kanilang concert sa Korea...kung saan binigo sya ni Jessica noon. Pero ngayon na nagbago na ang lahat, naging masaya na sya sa bago nyang mahal. Pinunan lahat ni Frances ang mga kalungkutan na naramdaman nya. Pinunan lahat ng babaeng iyon ang mga hinanakit at pasakit nya sa buhay nya. Ganun pa man, nangangamba siya sa mga bagay na maaaring mangyari. Alam ni Donghae na maaaring gawin ni Jessica ang plano nya sa kanit na anong oras at pagkakataon. Dahil dito ay maaaring masira hindi lamang ang career nya pati na rin ang image ng dalaga. 

Ipaglalaban nya si Frances. Ipaglalaban nya ang naging desisyon nya. Ipaglalaban nya ang taong mahal nya. What the hell is wrong with loving her anyway?! Kasalanan bang mahalin sya?! Porke ba hindi sya tulad nya...porke ba hindi sila magkatulad...porke hindi sya tulad ng iba...hindi na sila pwedeng umibig sa isa't-isa?! It's just so unfair! 

x-x-x-x-x-x 

Naging maayos naman ang takbo ng concert. Nag-enjoy ang lahat...at masaya syang napapasaya ang lahat. Masaya si Donghae na napapasaya ang mga taong nasa paligid nya. Masaya sya at napapasaya nya ang ELFs. 

Higit sa lahat, masaya syang nakikita ang ngiti ng babaeng pinakamamahal nya. Ang babaeng hindi masyadong napapansin sa karamihan ng mga tao sa loob ng coliseum. Ang babaeng nakatayo lang sa gitna ng napakaraming nagsisiksikang mga tao at wari mo'y isang ordinaryong fan lamang. 

Si Frances. 

Ang mga ngiti nya...sapat na iyon para magbigay ng kasiyahan at kasiglahan kay Donghae ngayon. Mahal na mahal nya talaga ang dalaga. Sa totoo lang, ngayon nya ulit naranasan ang ganitong klaseng pakiramdam...at hindi nya nais pa na mawala ito sa kanya kahit na kalian. 

Matapos ang ilang nakakatuwang mga performances ay dumating na rin ang part kung saan magpapartner ang ilang myembro ng SJ at ng SNSD. At syempre, kabilang dito sina Donghae at Jessica Jung. Maraming fans ang nagsigawan sa pagtatambal ng dalawa. Malamang, marami pa rin kasing adik at naniniwala sa HAESICA love team. Isa pa, wala namang nakakaalam sa existence ng FRANHAE love team. (FRANHAE= Frances + Donghae) 

Nagsimula na silang sumayaw. Halatang-halata kay Jessica ang pagkasensual nya sa pagsayaw kaya naman masyadong kinikilig ang fans. Ganun pa man, medyo nalungkot si Frances sa kanyang napapagmasdan. Nahihirapan syang tingnan ang performance sa stage. Kahit na maraming nagpeperform doon ay parang sina Jessica at Donghae lamang ang nakikita nya...silang dalawa lang... 

Napaisip tuloy sya. 

Karapat-dapat nga ba talaga sya para kay Donghae? Pwede ba talaga sila...bagay ba sila? 

Pakiramdam nya...ang taas-taas ni Donghae...parang ang layu-layo nya. Lumalayo sya sa kanya. Pakiramdam nya, naiiwan na lamang syang mag-isa. Pakiramdam nya, sya na lamang ang natatanging taong tahimik sa palibot ng maraming nagsisigawang ELFs sa coliseum. Ang sakit ng nararamdaman nya. Hindi na nya kayang tumingin kaya nagdesisyon na lamang syang umalis nang biglang huminto ang music. 

Nagulat ang mga tao. Bigla na lamang tumahimik ang buong paligid. 

Anong nangyayari? 

Mula sa pagtalikod ni Frances ay dahan-dahan syang lumingon pabalik sa stage. Nanlaki ang mga mata nya. Nagulat sya sa nakita nya sa stage. 

Si Jessica Jung...hinahalikan si Donghae. Maging si Donghae ay nagulat. Hindi nya akalaing hahalikan sya niJessica sa harap ng maraming tao. Mayamaya pa ay pinigilan ni Donghae si Jessica sa pamamagitan ng pagtulak niya sa mga bisig ng dalaga papalayo sa kanya upang maalis nya ang pagkakahalik ni Jessica sa kanyang mga labi. 

"Donghae, I am desperate...please love me back," pagmamakaawa ni Jessica habang pilit na lumalapit sa binata. Mangiyak-ngiyak na ito. 

"No..." tanging nasambit ni Donghae at pagkatapos noon ay pinunasan nya ang kanyang mga labi gamit ang kanyang kamay. 

Biglang nag-alala si Donghae. Agad nyang inilibot ang kanyang paningin upang mahanap ng kanyang mga mata si Frances. Nang masumpungan nya ang dalaga ay nakita nyang tulala ito. Tulala si Frances habang nakatuon ang paningin kina Donghae at Jessica. Alam ni Donghae, nasasaktan na si Frances ngayon. Nasasaktan na ng sobra. Hindi alam ni Donghae kung papaano sya kikilos sa mga nangyayari. Gustung-gusto na nyang bumaba ngayon ng stage at tumakbo patungo sa dalaga. Gusto nyang yakapin ito. 

Gusto nyang pagaanin ang loob nito ngunit wala syang magawa. Wala! 

Tatanga na lamang ba sya at papanoorin ang pagpatak ng mga luha mula sa mga mata ng babaeng pinakamamahal nya? 

Mayamaya pa ay isa na namang pasabog ang bumulaga sa stage. May mga larawan na nagsilabasan mula sa widescreen. Mga larawan ito nina Frances at Donghae...mga larawan nilang magkasama. Halatang-halata sa mga larawan na iyon na may relasyong namamagitan sa dalawa. Wala na silang maitatanggi pa. Alam na ng lahat ng tao ang sikreto nila. 

Nagsimula na ang mga anasan at bulungan. Samu't saring reaksyon ang namayani sa buong paligid. Ganun pa man, ang kaninang nagmamakaawang si Jessica Jung ay nagsimula nang lumuha at humagulhol ng iyak. Ngunit ang mga luha at pag-iyak na iyon ni Jessica ay hindi na isang palabas. Totoo na talaga na nasasaktan sya sa mga pangyayari. Nasasaktan na talaga sya sa puntong hindi na nya kayang umarte pa at palabasin sa lahat ng taong si Donghae na naman ang may kagagawan ng lahat ng ito. Na si Donghae na naman ang masama. Napaluhod na lamang ang dalaga sa stage at nawalan na ng lakas. 

Hinanap ni Jessica kung saan naroroon ngayon si Frances. Sa wakas ay nakita nya ito. Ngunit di nya maipaliwanag kung ano ang nararamdaman nya nang nakita nya ito na umiiyak at punung-puno ng kalungkutan. 

Sa gitna ng kahinaan ni Jessica ay pinilit nitong tumayo. 

Kahit mahirap... 

Pagkatapos noon ay unti-unting bumuka ang kanyang bibig. Ang mga salitang iyon...kusa na ata itong lumalabas mula sa puso niya. Hindi na talaga nya kaya ang mga pangyayari. 

"I'm sorry..." pagkasabi nya noon ay nagtatakbo na sya papalabas ng stage. 

Siguro ngayon ay narealize na ni Jessica na sumusobra na sya sa mga ginagawa nya. Na mali na ang mga ikinikilos nya. Na ipinagpipilitan na nya ang sarili nya sa taong hindi naman sya mahal. Na nagiging sakim na sya. Hindi na nya kaya pang ipagpatuloy ang mga plano nya sa pagsira sa relasyon nina Frances at Donghae dahil nakikita nya na marami nang nasasaktan. Maging sya mismo ay nasasaktan sa mga pangyayari. 

Nagpatuloy ang kaguluhan sa buong paligid. Mayamaya pa ay may biglang nagsalita sa mikropono. 

Si Donghae. 

"Everyone..." 

Napatingin ang lahat ng tao sa kanya. Pagkatapos noon ay nagpatuloy na sya sa pagsasalita. 

"First of all...I would like you to meet the person that I really love and I would love for the rest of my life." Pagkasabi nya noon ay napatutok ang spotlight sa umiiyak na si Frances. Nagulat si Frances sa liwanag na tumutok sa kanya. Lalo tuloy napansin ng mga tao ang mukha nyang pulang-pula na sa kaiiyak. Namumugto na rin ang mga mata nya. 

"She's Frances Sadler. She's my girlfriend." 

Nagulat ang mga tao sa kanilang narinig. Si Lee Donghae, may girlfriend?! 

"She's an ordinary fan that I met in Korea. She's from the Philippines. She told me that she dreamed of going to Korea and meeting me personally when she got some money.” Pagkatapos noon ay napatawa si Donghae. 

“She even asked me to have a concert in front of her, alone.”

"The first time I entered her house I accidentally saw her room full of my pictures and I also saw her focusing on her laptop while watching me guesting on one of the shows. She thought I didn’t see anything but I really saw it. Hahaha…I don't remember what particular show is that. I was being interviewed there by someone, er-I don’t remember the host’s name. But Eunhyuk was supposed to be there but he didn’t come. Oh! There’s another show that she’s watching during that time. Anyway, babe…I have been standing there near the door for too long but you really didn’t notice me. Hahahaha…you seem really focused on what you’re watching.” Sa sinabing iyon ni Donghae ay namula at napatungo sa pagkapahiya si Frances. Ngeeeee…kakahiya…kakahiya talaga…napakagat na lang sya sa labi nya…hala…baka isipin ni Donghae ganun na lang ang pagnanasa nya sa kanya…hala…

“Don’t worry babe.” Wika ni Donghae. Dahil dito ay napatingin ulit si Frances sa kanya.

“I knew you’re obsessed with me from the start…so I was not surprised. Hahahaha,” sabi ni Donghae. Nanlaki naman ang mga mata ni Frances. After that, napatawa na sya. Grabe kasi, hinahangin na naman si Donghae eeeeh! Si Donghae nang-aasar na naman! Kainis! Dahil din sa sinabi ni Donghae, napatawa rin ang mga fans bukod kay Frances na bukod sa naiinis ay napapatawa na rin sa ngayon.

"She became my classmate at Myong Ji University and she was always pissing me off. I really thought that she already hated me because of what happened to us before. Until then, we always fight each other until I realized that she didn't hate me at all." 

"Oh. I forgot to say something.”

“I love her." Pagkasabi nya noon ay nagtilian ang iba sa mga audience. Meron din namang nanatiling tahimik at hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Ang ilan ay masama na ang tingin sa ating bida…wew… 

"I know that most of you cannot believe what I just said. Maybe...some will not agree on what I said, and some will get mad at me. But I want all of you to know that I can't afford losing her. That's why I'm standing right here in front of you to tell everyone that I love her." 

"Thank you for giving me inspiration and motivation to continue my job. I'm really happy that I was able to perform here on stage, in front of everyone. But I'm sorry for being such a disappointment."

"Mahal ko kayo. Paalam." Pagkasabi nya noon ay nag-bow sya sa audience at nagtungo na sa backstage. Iyon na ang huling performance na gagawin nya sa harap ng mga tao, ayon sa isipan nya. Iyon na ang huling beses na aawit siya at sasayaw sa harapan ng lahat sa buong mundo.

Iyon na ang huling beses na magiging myembro sya ng SUPER JUNIOR.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
daebakexok
#1
Chapter 34: NICE ONE AUTHOR-NIM FIGHTING :)