Chapter 14

ELF's Dream

Tumayo si Donghae mula sa pagkakatumba niya at pinunasan ang dugong lumabas mula sa pumutok nitong labi. Nanahimik na lamang siya at tila wala itong balak na gumanti sa suntok na ibinigay ni Siwon. Tiningnan ni Siwon ang binata. Seryosong-seryoso ang mukha niya at galit na galit ito sa kanya.

"You don't have a right to do that to her! That isn't a good joke, Donghae. Remember this, If you ever did this again, I'm gonna make sure that you would not only receive a single punch from me," sambit nito. Nagulat si Frances sa inakto ni Siwon. Hindi niya akalaing makikita niya ito sa ganitong sitwasyon. Nakakatakot sya. Ito ang pinakaunang pagkakataon na nakita ni Frances si Siwon na nagalit.

"Stop it! Stop the fight! Sheesh what’s happening?!" pag-aawat ni Eunhyuk sa dalawa. Mabuti na lamang at dumating ito kaagad kasama sina Sungmin at Yesung. Alalang-alala ang mga kaibigan nila sa mga ito.

"Ibwa! Wae ssaugo issseubnida?!" Pambungad ni Yesung kay Siwon.

(Translation: Bakit ba kayo nag-aaway, ha?!)

"Tsk," wika ni Siwon. Hindi na niya ito sinagot at sa halip ay umalis na lamang. Tulala pa rin si Frances. Hindi niya akalaing mangyayari ang lahat ng ito. Wala naman kasing kasalanan si Donghae kung tutuusin dahil hindi naman niya sinasadyang makidnap si Frances at lalong hindi niya kasalanan kung bakit siya isinako nina Pedo at Johnny na siyang dahilan kung bakit siya inatake ng hika.

Lumipas ang ilang araw. Tahimik lamang si Frances na nakaupo sa kanyang armchair at nililikot ang lapis nito.

"You don't have a right to do that to her! That isn't a good joke, Donghae. Remember this, If you ever did this again, I'm gonna make sure that you would not only receive a single punch from me," naalala na naman niya ang mga salitang binitiwan ni Siwon. Bakit kaya apektadong apektado ito sa ma nangyari sa kanya? At si Donghae...ang kalungkutang nadarama niya ngayon...nakaragdag pa ang problema nito kay Siwon. Hay, kaawa-awa naman siya. Ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata dahil sa stress. Pag mulat niya...

"HI FRANCES!" wika ng tatlong tinig. Nagulat ito dahil tumambad sa kanya ang tatlong naggagwapuhang lalaki na nakahalumbaba ngayon sa desk nito at mukhang nagpapacute. Si Yesung sa kaliwang bahagi ng desk, si Sungmin sa kanan at si Eunhyuk naman sa mismong harapan. Harap na harap. Close-up na close-up.

"KYAAAAA!" Hindi siya magkaintindihan kung papaano kikilos at magrereact. Gulat na gulat talaga ang dalaga.

"What are you doing here?!" Mulagang-mulaga ang mga mata nito.

"We're" -Yesung

"Here!" - Eunhyuk

"Because" - Sungmin

"WE WANT YOU TO HELP US MAKE UP THINGS WITH SIWON AND DONGHAE!" wika ng tatlo. Hindi pa rin nila inaalis ang mga cute expressions nila sa harap ng dalaga.

"HAAAA?" hindi makapaniwalang sambit ni Frances.

"WE" -Yesung

"KNOW" - Eunhyuk

"THAT" - Sungmin

"YOU ARE THE REASON WHY THIS IS HAPPENING!" wika ng tatlo.

"That's why you need to help us." nakangiting sambit ni Eunhyuk. Lalo lamang nadismaya ang dalaga. Talagang ipinagduldulan pa ng mga ito na sya ang may kasalanan.

"Eunhyuk! I saeloun nolaeleul chekeu aus-" bigla na lamang pumasok ng classroom si Donghae dahil excited na excited ito na kausapin si Eunhyuk nang madatnan niya ang tatlo na kino-confront ang dalaga.

(Translation: Eunhyuk! Tingnan mo tong bagong composition-)

Biglang ibinaling ni Eunhyuk ang tingin nito sa kanyang likuran at nagpanggap na may kinakalikot sa isang librong nakapatong sa may desk. Si Yesung naman ay biglang humarap sa may bintana at nagsisipol. Samantala, si Sungmin naman ay humarap kay Donghae at nag-smile na lang. Nagduda ang binata.

"What's going on?" tanong nito.

"Oh! Donghae! You're here! Haha!" wika ni Eunhyuk. Tumayo siya at lumapit sa binata.

"Chingu! Ulineun deiteu jesika-e daehan gyehoeg-eul non-uihaji anh-eul geos-ida? Ui bakk-e yaegihaja! Hahahaha!" pag-iimbita ni Eunhyuk.

(Translation: Pare! Di ba pag-uusapan pa natin yung mga plano mo para sa date nyo ni Jessica? Halika na, mag-usap tayo sa labas! Hahahaha!)

Halatang-halata na gusto nya lamang itaboy papalabas ang binata. Wala na ring nagawa si Donghae kundi ang sumunod dito. Pero bago pa man makalabas si Eunhyuk ay nakipagtinginan muna ito kina Sungmin at Yesung. Sa lagay naman ng pagtitinginan nila ay mukhang nagets na nila ang isa't-isa. Nawala na sina Eunhyuk at Donghae. Muling bumalik sa kanilang mga pwesto sina Yesung at Sungmin. Psh. Para silang ewan.

"So Frances...will you help us?" nakakaloko ngunit nakakakabang tanong ng dalawa. Napabuntong hininga na lamang si Frances. Wala na siyang magagawa dahil mukhang na-corner na sya.

Saturday morning na. Nagtungo si Frances sa isang mall upang maghanda. Ganun pa man, tamad na tamad itong naglakad sa loob habang iniisip ang problemang dapat niyang solusyunan. Kailangan niyang maghanap ng isang cute na dress para sa magiging date nila ni Siwon. Tama. Magdadate sila ni Siwon. Pagkatapos noon ay papakiusapan niya ang binata na makipagbati na kay Donghae. Ayos na ayos ang plano ni Eunhyuk. Ang henyo talaga nito, ayon sa sarili nya. Tss.

"KYAAAAAAAAAAA!" sigaw ng mga kababaihang bigla na lamang nagsidumog sa may kabilang side ng mall. May hinahabol silang isang lalaki. Takot na takot ito. Inalis niya ang kanyang shades upang makita ito ng mabuti. Hindi ba...HINDI BA...si Donghae iyon?!

"Aaah!" sigaw ni Donghae habang hinahabol siya ng maraming fans. Baliw talaga ang lalaking iyon. Ano ang ginagawa niya sa isang public place na katulad nito?! Naka-jacket nga ito, naka-cap at naka-shades pero halatang-halata namang siya pa rin iyon. Hindi siya marunong mag-disguise!

Naghanap si Frances ng isang shortcut kung saan maabangan niya ang pagdating ng binata bago pa siya maabutan ng kanyang ma fans. Kabisado naman niya ang mall dahil palagi siyang nalalagi dito at alam niya ang pasikut-sikot sa lugar na iyon.

Nag-abang si Frances sa may isang sulok. Malapit nang dumating si Donghae. Agad niyang hinila ito nang masulyapan niya ang binata at pagkatapos ay nagtago silang dalawa. Nagdirediretsyo na ang mga fans sa pagtakbo at di na sila napansin. Napabuntong hininga na lamang ang dalawa. They feel so relieved.

Nagtungo sina Frances at Donghae sa third floor ng mall kung saan walang masyadong tao. Properly disguised na si Donghae ngayon, ika nga ni Frances. Naka-wig ito ng pangbabae, nakashades, naka-make-up, at higit sa lahat, naka-dress. Natalbugan pa nga nito si Frances sa kagandahan nito. Wag lamang silang titingin sa muscles nya. Hehe.

"Donghae...you're so cuuuuuttteeeeee..." panggigigil ni Frances sa binata.

"Ssshh...lower your voice! They might hear you!" hindi magkaintindihang sambit ni Donghae habang tinatakpan ang bibig ni Frances. Haist. Muntikan na syang malagutan ng hininga sa ginawa nito.

"Psh. Don't you want to receive any compliments?!" sambit ng dalaga.

"Shut up...you're so noisy!"

"Wait...Why are you here in the first place? Are you crazy? Do you want to die or what?" tanong ng dalaga.

Naging seryoso ang mukha ng binata, pero hindi pa rin maipagkakaila na cute pa rin ito. "I'm going to have a date with Jessica." Biglang nalungkot si Frances. Oo nga pala. Si Jessica nga pala.

"Uh...okay?! But why are you here?" bumalik na ulit sa dating sigla si Frances, kahit deep inside...hindi.

Tiningnan ni Donghae ang dalaga. "I thought you're gonna help me to get closer to her again...that's the reason why I followed you all the way here," nahihiyang sambit nito. Napatingin si Frances sa lalaki. Nagbu-blush ito. Ang cute talaga nyang tingnan. Napangiti na lamang ang babae.

"Let's go..." wika nito habang iniooffer ang kanyang kamay sa binata.

Nagtingin-tingin sina Donghae at Frances sa "Male's Corner" ng mga damit at accessories na isusuot ni Donghae sa magiging date nila ni Jessica. Nagtungo rin sila sa mga stuffed toys at flower shops. Namili pa nga sila ng mga chocolates at magkasama pa silang kumain sa isang fastfood chain. Para tuloy sila ang nagdadate dahil ang saya-saya nila at naeenjoy nila ang company ng isa't-isa.

It's a dream come true for Frances. Ineenjoy na lamang niya ang pagsasama nila ni Donghae kahit na alam naman niyang hanggang doon na lamang iyon. Masaya na siya...masaya na siya na nakikita ang taong gusto nya na masaya. Or should she say…mahal nya? Mahal na ba nya si Donghae? Mahal na ba talaga nya ang lalaking kaharap nya ngayon? Ang bias nya na si Lee Donghae?!

SI LEE DONGHAE?!

SI LEE DONGHAE?!

SI LEE DONGHAE?!

SI LEE DONGHAE?!

SI LEE DONGHAE?!

PAULIT-ULIT?

Ow may G. Pano nga kung mahal na talaga nya si Donghae? UWAAAAAA! Siguradong hindi na nya kakayanin…huhuhu. Siguradong sobra syang masasaktan kapag nagkabalikan ulit sina Donghae at Jessica…

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
daebakexok
#1
Chapter 34: NICE ONE AUTHOR-NIM FIGHTING :)