Chapter 25

ELF's Dream

(A.N: The following characters are talking in Korean.) 

"ANONG SABI MO?! MAGDADATE KAYO NI FRANCES?!" wika ni Eunhyuk na may halong pagka-shock. Para siyang nakatanggap ng isang terrible news sa naging reaksyon niya.

"Yeah...why? Is there any problem with that?" tanong ni Siwon kay Eunhyuk. Nagtaka ang binata kung bakit ganoon na lamang ang naging reaksyon ng kanyang kaibigan. Napatingin din ito kay Donghae na kasalukuyan ngayong kasama ni Eunhyuk. Mukhang nagulat din ito sa sinabi nya.

"H-ha? W-wala naman. Walang problema. Nga pala pare, congratulations sa inyong dalawa ni Frances," wika ni Eunhyuk na pilit na ipinapakitang masaya sya sa pagiging magkasintahan nina Frances at Siwon. Pero sa totoo lamang ay nalulungkot ito dahil nahuli na sila ni Donghae. Kung kailan pa naman nakamove-on na si Donghae at nagkagusto sa ibang babae ay saka naman ito mawawala na parang bula. Nakakalungkot at nakakapanghinayang.

"Don't congratulate me yet, bro. Hindi pa kami ni Frances. Nanliligaw pa lang akosa kanya," wika ni Siwon.

"Ha? Nanliligaw ka pa lang?!" wika ni Eunhyuk. Bigla namang nabuhayan ng dugo sina Eunhyuk at Donghae.

"Yeah...bakit? May problema ba?" tanong ni Siwon.

"Ha? Wala naman pare. Hahahahahaha!" plastik na tawa ni Eunhyuk. Si Donghae naman ay nakaramdam ng kaginhawahan dahil sa sinabi ni Siwon.

"Anyway, Frances wants to have a double date. Pwede ka ba Donghae? Ayaw kasi nyang kami lang dalawa. Siguro ay naiilang sya sakin," malungkot na sambit ni Siwon.

"Ha? Double date?" pag-uulit ni Donghae sa sinabi ni Siwon.

"Yup. Pwede ka bang sumama samin? Please..? Hindi kasi makikipagdate sa akin si Frances kung wala kaming kadouble-date," wika ni Siwon kay Donghae.

"Sino namang idadate ko?" tanong ni Donghae kay Siwon. Sino nga naman bang idadate nya? Eh si Frances lamang naman ang laman ng puso't isipan niya?

"Akong bahala sa date mo, Donghae. Trust me. Sige Siwon, pumapayag na si Donghae," wika ni Enhyuk kay Siwon.

"Ha?! Anong pumapayag?! Eh ikaw nga ang nagdesisyon dyan!" sambit ni Donghae.

"Great. Salamat bro. Magkita na lamang tayo bukas sa labas ng school," wika ni Siwon at pagkatapos ay nagpaalam na ito sa kanila.

Dumating na ang araw ng double-date nina Siwon, Frances, Donghae at Eunhyuk. Nagtataka ba kayo kung bakit kasama si Eunhyuk? Ganito kasi iyon.

"Pare. Bakit ka pumayag? Sino naman kaya ang idadate ko? At isa pa, baka sumama lamang ang pakiramdam ko kapag nagpunta ako roon. Malulungkot lang ako," wika ni Donghae.

"Alam ko pare. Masakit. Kaya nga mas kailangan mong magpunta roon. Kailangan nating bantayan ang dalawang iyon para hindi makadiskarte si Siwon!" wika ni Eunhyuk.

"Ha? Sasama ka?"

"Oo! Ako ang magiging date mo!" wika ni Eunhyuk.

"Yuck. Baliw ka ba pare? Date iyon! DATE! Anong tingin mo sa akin, bading?!"

"Patay malisya pare. Friendly date lang naman." wika ni Eunhyuk.

Umaga ang nakaset na oras ng date nila at hindi sila magdadate sa isang restaurant o kung saan mang sosyal na lugar. Gusto kasi ni Frances na maranasan nina Siwon na mag-enjoy naman sa isang ordinaryong place. Dahil dito ay naisip ng dalaga na mas maganda kung magpipicnic na lamang sila sa isang kagubatan kung saan nakakarelax ang lugar at sariwa pa ang hangin.

"Are you sure of the plan, Siwon? Why do we need to have a double-date? And besides, why is Donghae coming with us!?" nag-aalalang tanong ni Frances sa binata.

"Don't worry Frances. I just wanna catch Donghae. I know that he feels something special to you, too. Didn't you tell me that you love him? Well, I believe that he also loves you. I just want to confirm everything that's why I'm doing this. I'm doing this for you," wika ni Siwon. "So...if I already let you go...If I already give you to him...I will be sure that he won't hurt you. I will be sure that he will also love you..."

"Like I do..." pagpapatuloy nito. Mahal na mahal niya ang dalaga kaya kaya niyang gawin ang kahit ano para sa ikasasaya nito, kahit masaktan pa sya.

"Siwon..." sambit ni Frances sa isang malumanay na tinig.

Dumating na rin sa wakas sina Eunhyuk at Donghae. Nakapang-hiking attire sila at may sakbit na backpacks sa kanilang likuran.

"Hi," bati ni Donghae kay Frances.

"Ah..Hello!" medyo naiilang na tugon ng dalaga.

"So...let's go?" pag-aanyaya ni Siwon sa tatlo. Dahil dito ay nagsimula nang maghiking ang magkakaibigan. Enjoy na enjoy sina Frances at Siwon habang magkatabi itong naglalakad. Mayamaya ay nginitian ni Siwon si Frances kaya naman tumugon rin ang dalaga ng isang ngiti rito. Si Donghae naman ay pasimple na lamang na napapasulyap sa dalawa at di maipagkakaila ang pagseselos na nararamdaman niya sa mga pagkakataong iyon.

"We're here," wika ni Siwon nang makarating sila sa pinakatuktok ng isang burol. Napakaganda ng tanawin sa buong paligid. Malawak ang kalupaan at pwedeng-pwede kang maglatag ng banig at matulog habang nilalanghap mo ang sariwang simoy ng hangin.

Inihanda na ni Frances ang mga kagamitan para sa magiging picnic nila habang si Siwon naman ay nagpunta muna sa kagubatan upang mangahoy. Samantala, si Eunhyuk ay tuwang-tuwa habang kumukuha ng litrato ng iba't-ibang mga tanawin sa kapaligiran. Walang ibang magawa si Donghae kaya lumapit na lamang ito kay Eunhyuk.

(A.N: The following characters are talking in Korean.) 

"Pare, ano bang ginagawa mo dyan? Akala ko ba tutulungan mo ako kay Frances?" bulong ni Donghae kay Eunhyuk.

"Ano ka ba? Hindi ba't iyon na nga ang ginagawa ko? I'm giving you some space," wika ni Eunhyuk. "Lumapit ka na dun. Kausapin mo si Frances."

"Ha?" wika ni Donghae. Sa totoo lamang ay nahihiya siyang lumapit sa dalaga. Pero dahil pinipilit siya ni Eunhyuk ay sususubukan niya itong gawin. Napahawak na lamang siya sa kanyang batok habang naglalakad patungo kay Frances.

"Ah...hi," wika ni Donghae nang makalapit na ito sa dalaga. Halatang halata na nahihiya ito at kinakabahan.

"Hi..." wika ng dalaga habang nakaupo ito sa may banig at inaayos ang mga kakainin at lulutuin nila.

"What are you doing?" tanong ng binata.

"Isn't it obvious? I'm preparing our dinner. Your really blind Donghae. Literally!" wika ni Frances.

"Psh. Oh really? If I'm blind, then why are you shouting?! I'm not deaf anyway!" wika ni Donghae.

"Psh. Then why are you asking a lot of nonsense things? Wait...are you hungry or what? Or maybe...you want my attention?"

"Tss. Not by any chance! And I'm not hungry! Besides, even if I'm hungry, I won't eat that! You might have put some magical ingredients so that I will be inlove with you! You're really obsessed with me after all," wika ni Donghae. Bigla namang namula ang pisngi ni Frances sa sinabi ng binata.

"W-what are you saying?! These foods doesn't have any magical ingredients! But wait, did I tell you already that you don't need to eat for the rest of your life anyway?"

"And why is that so?!"

"Because you're so full of yourself! Are you still thinking that I have a crush on you?! In your dreams! Hmp!" wika ng dalaga. Eto na naman sila, in-denial sa kanilang narararamdaman kahit deep inside ay gusto nila ang isa't-isa. Tumayo na si Frances at nagwalk-out. Dahil dito ay lumapit si Eunhyuk kay Donghae.

(A.N: The following characters are talking in Korean.) 

"Oh, ano na namang ginawa mo?!" wika ni Eunhyuk sa kaibigan.

"Wala. Tss." wika ni Donghae. "Kasalanan mo to eh."

"Ha? Bakit ako?!"

"Sabi mo, kausapin ko si Frances. Ayan tuloy, nagalit sakin!"

"Sabi ko, kausapin, hindi awayin!"

"Sya naman kasi ang nagsimula. Haist, paano na ang gagawin ko?!" hindi mapakaling tanong ni Donghae sa kaibigan. Nag-aalala ito dahil alam niya na pupuntahan ngayon ni Frances si Siwon. Ibig sabihin, magkakaroon ng 1 pogi point si Siwon sa dalaga. At pagkatapos noon, matatalo sa diskarte si Donghae.

"Sundan mo! Dali!" wika ni Eunhyuk.

Samantala, naglalakad si Frances sa kagubatan habang inis na inis na iniisip ang mga pangyayari kanina. Mayamaya ay napatigil ito sa paglalakad at napatingin sa buong paligid. Nagtaka ito dahil hindi na niya namalayan kung saan siya dapat magtungo. Dahil dito ay naisipan na lamang niyang bumalik sa kanyang pinanggalingan nang bigla siyang napasigaw sa takot at pagkagulat.

"AAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHH!"

Narinig ni Donghae ang kanyang malakas na boses kaya naman nasundan niya ang dalaga at naabutan ito. Dali dali itong nagtatakbo patungo kay Frances at hinawakan ang magkabilang braso nito.

"Frances, are you okayy?!" nag-aalalang tanong ng binata.

"Ipis! Ipis! May ipis!" sigaw ng dalaga.

"What? I-ipis?"

"Yeah! Ipis! Cockroach!"

"Huh?" pagtataka ni Donghae. Kung bakit ba sa lahat na lamang ng hayop sa loob ng kagubatan ay ipis pa ang kinatakutan ni Frances. At nagtataka siya kung bakit may ipis na naligaw sa gubat. Meron nga ba? Bakit wala syang makita?

"Ayoko nang mga lumilipad! Baka lumipad yung ipis!"

"What?"

"I hate flying cockroaches!" wika ni Frances.

"Psh. It's just a cockroach, you don't have to be afraid of it!"

"But I really hate cockroaches! Come on Donghae, kill it! Kill it!"

"Don't wanna! The cockroach is not doing anything to you anyway! Come on, we better get outta here!" wika ng binata sa dalaga at pagkatapos ay hinatak na niya ang kamay nito pabalik sa lugar na kinaroroonan ni Eunhyuk. Ngunit ilang minuto na ang nakakalipas pero hindi pa sila nakakarating sa kanilang patutunguhan. Mukhang naliligaw na ata sila.

"Hey Donghae, do you still know where we're going? Maybe we're already lost! What do you think?! WAAAAAAA!" wika ni Frances.

"Psh. Just shut up okay? You're too loud! It's your fault anyway! If you didn't shout a while ago, I should have been in my mind until now! I should have remembered all the pathways that I went through!" wika ni Donghae.

"And now you're blaming me?! Is it my fault that a cockroach appeared in front of me?!"

"No. It's your fault that your shouting too much! As if there's no tomorrow!"

"I'm gonna spunk you for that!" wika ng dalaga.

"Shut it would you?! It's getting dark in here," wika ng binata.

"So what if it's dark?"

"My mind is also getting darker and I'm thinking of doing something to you..." wika ni Donghae. Nagulat naman si Frances sa sinabi ng binata.

"AAAAAHHHHHHHHHHHH! HELP! I'M GONNA BE ! HELP ME!" palakat ni Frances. Sana lang ay may makarinig sa kanya noh. Sa totoo lang kasi ay ang layo layo na nila sa lugar na dapat ay pupuntahan nila.

"What?! As if I'm gonna do that!" Dahil sa sinabi ni Donghae ay nanahimik na lamang si Frances. Naiinis na talaga ito sa binata ngunit napagdesisyunan na lamang niyang manahimik dahil walang mangyayari kung mag-aaway na lamang sila ng mag-aaway. Naliligaw na nga sila tapos magkakagulo pa sila.

"Let's stay here," wika ni Donghae nang makarating sila malapit sa isang kweba. Wala na rin silang magagawa kundi ang ipagpalipas ang gabi roon dahil madilim na at hindi na nila makita ng maayos ang daan. Buti na lamang at may dalang lighter si Donghae sa kanyang bulsa kaya nakagawa sila ng bonfire na nagsilbing init sa kanila sa malamig na gabi.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
daebakexok
#1
Chapter 34: NICE ONE AUTHOR-NIM FIGHTING :)