Chapter 16

ELF's Dream

"Magandang umaga!" sigaw ni Opers na agang-aga ay pumapapalakat sa loob ng kwarto ng kanyang kapatid na si Frances. Tulog pa ito hanggang ngayon at marahil ay napagod ito sa date nila nina Siwon kagabi.

"Hay Donghae...hmmm...gwapo mo talaga..." sambit ni Frances habang inaasawa ang unan na akap-akap nito. Mukhang sarap na sarap ito sa kanyang panaginip.

"ATE NANALO NA NAMAN TAYO SA LOTTO! 500,000,000 PESOS!" bulahaw na sigaw ng kanyang kapatid sa tenga nito kaya napabaligwas naman agad sa kama ang dalaga.

"TALAGA! NANALO NA NAMAN TAYO SA LOTTO?! AAAHHHHHHH!" irit ni Frances sa sobrang tuwa.

"Joke." sambit naman ni Opers na siyang ikinadismaya ng kanyang kapatid.

"Psh. Ano bang naisipan mo at agang-aga binubulahaw mo ako?! Sarap na sarap pa naman ako sa panaginip ko eh," napakamot sa ulo si Frances.

"Eh pano ba naman, kadiri ka! Inaasawa mo na yung unan oh. At isa pa, over ka ate ha. Kadadate nyo nga lang ni Siwon kagabe tapos ngayon si Donghae naman ang pinagpapantasyahan mo. Sino ba talaga ang gusto mo, ha?! Ang daya-daya mo ate dalawa-dalawa yung sayo!"

"OA much? Hindi ko naman crush si Siwon. Si Donghae ang gusto ko, remember? And besides, hindi ako ang may pakana nun. Sina Eunhyuk!"

"Oh kita mo na?! Pati si Eunhyuk inaagaw mo na saken! Huhuhu, ang swerte mo talaga ate! Kung ako ang nasa katayuan mo siguro namatay na ako ngayon sa tuwa! Huhuhu," palakat ni Opers. Isa rin syang avid fan ng Super Junior pero inggit na inggit siya sa ate nya dahil nakakasama niya ito sa araw-araw na pagpasok nito sa school.

"Psh. Tumahimik ka na nga! Sige na sige na ilalakad na kita kay Eunhyuk," pa-kunswelo ni Frances matigil lamang ang pag-aalburoto ng kanyang kapatid. Bigla namang nagningning ang mga mata ni Opers sa kanyang narinig.

"Talaga Ate?! SALAMAT! I love you talaga, Ate! KYAAAA!" ngayon pa lamang ay kinikilig na si Opers sa kanyang imahinasyon. Napabuntong hininga na lamang si Frances. Salamat naman at natigil na rin ang panggugulo nito.

(A.N: The following characters are talking in Korean.) 

"Donghae, kumusta na ang date ninyo ni Jessica kagabi, may improvement ba?" tanong ni Eunhyuk sa bestfriend nitong si Donghae.

"Ha? Wala masyado. Pero masaya na rin ako," wika ng binata.

"Hm?"

"Bati na kami ni Siwon pare. Hehehe," wika ni Donghae. Napangiti si Eunhyuk sa kanyang narinig.

"Haha! Buti naman! Alam mo pare, sa susunod, huwag ka nang gagawa ng mga ganung klaseng pakulo. Grabe pare natatakot na ako sayo, baka kung anong maisipan mong gawin sa susunod mapasaiyo lamang ulit yung babaeng yun."

Napangiti na lamang si Donghae. "Pero alam mo pare, kahit na mawala na nang tuluyan si Jessica...hindi na rin siguro ako masyadong malulungkot..."

Napaisip si Eunhyuk sa sinabi ng kanyang kaibigan. Naglalakad ngayon sila papasok ng classroom nang may biglang babaeng lumabas mula roon at bumati sa kanila.

"Hey you! Being a celebrity doesn't mean going to school late! You're always having the VIP role here and you're just attending classes whatever time you want! It's so unfair! Aren't you ashamed of what you're doing?!" pambungad ni Frances kay Donghae.

"Psh. You're too loud! It's so early in the morning and you're already shouting! You're really annoying, you know?! Besides, the class is not yet starting!"

"Whatever! Bleh!"

"Anyway, why do I have to explain to you?! You're not worth it."

"What did you say?!"

"Don't talk to me. I'm busy."

"Busy with what? Busy with chitchatting with Eunhyuk?! What a valid reason!" wika ni Frances.

"Hey Franc-" magsasalita pa sana si Eunhyuk nang bigla na namang magsalita si Frances.

"And you, Eunhyuk! We still have to talk about something," sambit ni Frances kay Eunhyuk. Pagkatapos ay tumingin ito ng nakakaloko sa kanya. "Hehehe..." nakakatakot na tawa ni Frances habang papasok ng silid-aralan. Nang dahil sa inakto ng dalaga ay napatingin rin si Donghae sa kaibigan na may halong pagdududa.

(A.N: The following characters are talking in Korean.) 

"May alam ka ba na hindi ko alam? May pinag-uusapan ba kayo?" naiintrigang tanong ni Donghae.

"H-ha? Ha! Hahaha! Wala yun pare! Haha! Pumasok na daw tayo sa loob at baka malate pa tayo, nakakahiya sa mga girls! Hahaha!" wika ni Eunhyuk habang itinutulak papasok ng classroom ang kaibigan.

Nagsimula na ang klase. Hay...kung iisipin mong mabuti ay para kang nasa heaven kapag nakaattend ka ng klaseng ito. Paano ba naman, puro artista kaya ang naandito! Ang swerte naman ng mayayamang tao tulad nina Frances at nagkaroon sila ng opportunity na makasama ang mga idol nila. Ganun pa man, mayaman man sila, artista man sila, tao pa rin sila at ugaling tao pa rin, syempre naman noh. Kung walang nakakaalam na mga artista ang mga ito ay para rin silang mga ordinary students kung titingnan na nag-iingay at nagkakagulo sa loob ng classroom, tulad na lamang nina Eunhyuk, Yesung at Sungmin na nakikipag-ingayan ngayon kasama si Frances na nasa sa likod ni Donghae. Ayan tuloy, napapatingin si Donghae sa kanila at hindi sya makapag-focus dahil parang may nararamdaman siyang something fishy sa mga ito.

"Hahaha...is that true? Hahaha" tawa ni Yesung habang nakikipag-usap kay Frances. Pinag-uusapan nila yung tungkol kay Opers at kay Eunhyuk. Sinabi ni Frances na gusto ni Opers si Eunhyuk at dahil sa pumayag naman sya na makipag-date kagabi kay Siwon, dapat lang na pumayag din si Eunhyuk na makipag-date kay Opers! Hahahahaha!

"Yeah yeah...and then...there..hahaha," wika ni Frances sa tatlong mokong.

"Hihihi..." tawa ni Sungmin. Pagkatapos ay tumingin ito kay Eunhyuk at Frances at tumawa na naman ng nakakaloko. Si Eunhyuk naman ay parang nahihiya na nangingiti na ewan!

"Dude...you really have charisma after all," pabulong na sambit ni Yesung kay Eunhyuk na parang nababading na. Panigurado nag-aasaran na naman ang mga 'to. Napailing na lamang si Donghae at nagpatuloy sa pakikinig sa instructor nila.

Natapos na rin ang klase. Maagang nagsialisan ang mga members ng Super Junior dahil kailangan pa nilang paghandaan ang nalalapit na concert ng mga ito. Well, hindi naman talaga sobrang malapit. Pero syempre, kailangan nila ng mahabang panahon ng paghahanda para maging maganda at maayos ang lahat.

(A.N: The following characters are talking in Korean.) 

"Hey bro, makakapunta ka ba sa practice natin mamaya? Hindi ko na namalayan, malapit na nga pala ulit tayong mag-concert, hehe," bati ni Donghae kay Siwon na mukhang maraming inaayos na papeles.

"Oh. I almost forgot. Sorry bro, may taping kasi ako pamaya. Mukhang di na naman ako makakaattend ng practice." naiiling na tugon ni Siwon. Hindi sya makapaniwala na sobrang busy na naman nya ngayon, lalo na't ipinagpipilitan nya ring isingit sa schedule ang pagpasok sa school.

"Ah, ganun ba? Sige, mauna na ko sayo," wika ni Donghae. Pagkatapos ay umalis na ito ng silid at naglakad papalabas ng building. Ngunit bigla na lamang siyang napahinto nang may nakita siyang hindi kaaya-ayang tanawin sa di kalayuan. Si Jessica...may kahalikan itong ibang lalaki.

Nanlaki ang mga mata ni Donghae. Biglang tumigil ang mundo para sa kanya. Dumikit ang mga paa nito sa sahig at namanhid ang buong katawan. Hindi sya makapaniwala sa kanyang nakikita.

Mayamaya, napansin ng lalaking kahalikan ni Jessica na may taong nakatingin sa kanila kaya napahinto ito. Tumingin rin si Jessica sa kanyang likuran at nakita si Donghae. Nagulat ito dahil nakita na rin sa wakas ni Donghae ang kalokohang pinaggagagawa niya!

Hindi talaga makapaniwala si Donghae na may lalaki pala si Jessica...grabe...all this time, naniwala sya sa mga kasinungalingan nya! Walangya, ginago sya ah!

Ang sakit...ang gago nya talaga! Agad syang tumakbo papalapit kina Jessica at sinuntok ng pagkalakas-lakas yung lalaki. Pagkatapos nun ay hindi pa rin sya nakuntento kaya binugbog pa nya ito ng binugbog.

(A.N: The following characters are talking in Korean.) 

"Donghae! Tama na! Wag mo syang saktan!" pagpipigil ni Jessica kay Donghae.

"Aaargh! Walang hiya ka! Bakit mo inagaw ang girlfriend ko?!" wika ni Donghae habang binubugbog ang lalaki. Hindi naman nakalaban yung lalaki dahil nabigla ito sa pag-atake na ginawa ni Donghae.

"Donghae tama na ano ba?!" wika ni Jessica at pagkatapos ay hinawakan nya ang braso ng binata. Ganun pa man, nagpumiglas pa rin si Donghae kaya napabitaw si Jessica at medyo nasaktan ito.

"Anong ibig sabihin nito, Jessica?! Akala ko ba...mahal mo ako? Bakit ginago mo ako?!" sigaw ni Donghae kay Jessica. Pagkatapos noon ay nagsimula nang lumabas ang mga luha sa mga mata ni Donghae. Nagsimula na syang umiyak. Napaiyak na rin si Jessica.

"I'm sorry Donghae...pero di na kita mahal..." wika ni Jessica at napatakip na lamang ito sa kanyang bibig habang humihikbi.

"Tss. Hindi mo na ako mahal? Ang sakit...bakit kailangan mo pa akong gaguhin ng ganito?! Bakit niloko mo pa ako?! Ha?!" sigaw ni Donghae. Natakot si Jessica sag alit na ipinapakita ni Donghae kaya napaiyak na lamang ito at hindi na nakapagsalita pa. Pigil na pigil talaga ni Donghae ang galit nya. Kahit na gusting-gusto nyang manuntok ay di nya magawa kaya kinuyom na lamang niya ang kanyang mga palad at nagtatakbo na papalayo.

Dirediretsyo lamang siya sa pagtakbo, hindi alam kung saan paroroon...hindi alam kung saang direksyon patutungo. Basta, ang alam niya...kailangan niyang tumakbo. Ang mahalaga ay makatakas siya...makatakas sa kakilakilabot na bangungot na nararanasan niya. Takbo pa...takbo pa!

Habang tumatakbo ay hindi niya namamalayang may babaeng nakatayo sa may di kalayuan. Si Frances. Kasalukuyan nyang pinagmamasdan ang announcement board ng school nang mapansin niyang may tumatakbo papalapit sa kanya. Nagulintang ang babae, hindi magkaintindihan kung paano makakaiwas dahil dalawang segundo na lamang at magkakabungguan na sila! At ayan! Boogsh! Natumba si Frances sa sahig samantalang si Donghae naman ay napadapa at mukhang nasaktan rin.

"Ouch..." sambit ni Frances habang unti-unting umuupo at hinihimas ang kanyang balakang. Napatingin siya sa kanyang tabi at na-shock.

"Donghae! Anong...what happened?!" gulat na gulat at alalang-alalang tanong ng dalaga.

Nakaluhod pa rin si Donghae at nakayuko. Hinihingal pa rin ito at umiiyak. Nanlaki ang mga mata ni Frances. Mukhang may nangyaring masama sa binata na di inaasahan.

"Donghae..." unti-unti niyang hinawakan ang balikat nito. Umiiyak pa rin ang binata. Mayamaya, unti-unti nitong iniangat ang kanyang ulo at nilingon ang dalaga.

"Frances..." sambit ng binata. Mukhang hindi nito namalayan na si Frances pala ang nabangga niya. Pagkakitang pagkakita niya rito ay niyakap niya agad ito. Pakiramdam ng binata ay nakatagpo siya ng mapagsusumpungan ng kanyang labis na kalungkutan. Ibinuhos niya sa dalaga ang lahat ng sakit na nararamdaman niya.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
daebakexok
#1
Chapter 34: NICE ONE AUTHOR-NIM FIGHTING :)