Chapter 12

ELF's Dream

(A.N: The following characters are talking in Korean.) 

"Pare, pakiulit nga ng sinabi mo?" tanong ni Eunhyuk sa kaibigan. Mukhang hindi siya makapaniwala sa sinabi nito.

"Sabi ko, liligawan ko ulit si Jessica," wika ni Donghae.

"Ano?!" gulat na gulat na sambit ni Eunhyuk. Napabuntong hininga ito at hinawakan ang balikat ng kanyang kaibigan. "Payong kaibigan lang, Donghae. Kung ako sa'yo, ititigil ko na ang paghahabol ko sa kanya. Sa palagay ko kasi, ano...wag ka sanang magagalit," wika ni Eunhyuk.

"Ano?"

"Sa palagay ko, hindi ka na niya mahal," pagpapatuloy nito. Nalungkot si Donghae sa sinabi ng kanyang kaibigan. Ganunpaman, hindi niya nais na basta-basta na lamang isuko ang dalaga. Handa niyang ipaglaban ang kanyang nararamdaman para rito.

"Hindi ako susuko, Eunhyuk. Alam ko...hindi. Naniniwala ako na may pag-asa pa ako sa kanya."

"Ikaw ang bahala, Donghae. Basta, ito ang tatandaan mo. Naandito ako palagi sa likod mo para suportahan ka kahit na anong mangyari." wika ni Eunhyuk.

Napangiti si Donghae sa sinabi ng kanyang kaibigan. "Salamat."

Nagtungo na ang magkaibigan sa kanilang silid-aralan. Handang handa na si Donghae sa kanyang mga plano ngunit hindi pa rin maalis ang matinding kaba na kanyang nararamdaman sa mga sandaling ito.

"Pare, ok ka lang?" bulong ni Eunhyuk sa kaibigan habang pumapasok sila sa loob.

Humugot ng malalim na paghinga si Donghae. "Pare, kinakabahan ako. Ang hirap talaga sa pakiramdam ng nanliligaw."

"Haist. Grabe Donghae naaawa na ako sa'yo. Ang tagal nyo nang nagkasama ni Jessica pero hanggang ngayon kinakabahan ka pa rin? Kung ako ang nasa kalagayan mo, siguro napasagot ko na si Jessica ngayon."

Napatawa si Donghae sa sinabi ni Eunhyuk.

"Hindi ka sasagutin ni Jessica. Mahilig yun sa gwapo eh," pabirong sambit ni Yesung na bigla na lamang sumulpot sa likuran nito.

"Anong sinabi mo?!" wika ni Eunhyuk.

"Joke lang pare. Haha"

"Psh. Whatever. Teka. Ayun si Jessica oh," itinuro ni Eunhyuk si Jessica na kasalukuyang nakaupo sa may bandang unahan. Isa itong magandang pagkakataon dahil wala siyang kasama. "Donghae, puntahan mo na. Tamang-tama, mag-isa lang siya ngayon."

"Sige pare." Nagtungo na si Donghae sa kinapupwestuhan ng dalaga habang may kinukuha siya sa bag nito. Hindi sya nakatingin sa kanyang dinaraanan kaya't hindi niya napansin ang biglang pag-alis ni Jessica roon. Samantala, biglang dumaan si Frances sa dating kinapupwestuhan ni Jessica.

"Let's start a new. Please don't be mad at me anymore," wika ni Donghae habang iniaabot ang isang styrofoam na naglalaman ng chocolate ice cream. It is Jessica's favorite. Napatingin si Frances sa hawak-hawak ng binata at pagkatapos ay tiningnan niya ito.

"Seriously?" wika ni Frances. "You're gonna make things up with me?"

"Aaah! What are you doing there?!" gulat na gulat na sambit ng binata. Hindi niya inaasahang si Frances pala ang nasa harapan niya ngayon.

"Psh. Why are you overreacting? It's just me. Do I look like a ghost for you to be shocked like that?! Aren't you used to see me?" wika ni Frances.

"I thought you were Jessica. She was sitting here a while ago! Tss why did you suddenly appear in that spot?!"

Napatawa ang dalaga. "Oh. I see. She has just passed by. Wait...why are you giving her a styrofoam? What's inside it? Lemme see."

"There's a chocolate ice cream inside! Psh." Binuksan ni Donghae ang laman ng styrofoam ngunit nagulat ito nang matuklasang wala pala itong laman.

"Hahahahahaha! Wow! Chocolate ice cream! Why is it invisible anyway? Hahahaha," wika ni Frances habang pakunwaring may kinukuha sa loob ng styrofoam.

"Psh. SHUT UP!"

Lumapit sina Yesung at Eunhyuk kina Donghae at Frances. Nakita nilang dalawa ang buong pangyayari kaya't napatawa ang mga ito.

"Hahaha it’s good that you were not able to give that to your ex-girlfriend. What a shame Donghae, hahahaha" wika ni Yesung.

"Whatever. I still have plan B anyway," wika ni Donghae sabay hugot ng isang mini-notebook mula sa bulsa nito.

"Wow dude, you really seem very serious about it up to the point that you googled the internet," wika ni Eunhyuk habang natatawang tinitingnan ang mga detalye sa notebook ng binata. Samantala, nakisilip na rin sina Frances at Yesung dito.

"Plan B..sing a song for Jessica Jung," sambit ni Frances habang binabasa ang mga nakasulat sa notebook. Narealize niya na mukhang nanliligaw ulit si Donghae sa kanyang ex-girlfriend.

"Sing a song? It's not appropriate for you dude. Next!" sambit ni Eunhyuk. Napatawa sina Yesung at Frances. Naalala nila ang mga nangyari noon sa isang TV show kung saan sinubukan ni Donghae na magpa-impress sa mga kababaihan sa pamamagitan ng pag-awit. Nag-lip sync lamang ang binata. Hindi lang iyon; hindi pa niya naisabay ang kanyang bibig sa recorded song na ginawa nito.

"Plan C...invite Jessica to a date," sambit ni Yesung. "But how if she refuse?" tanong nito sa kaibigan.

"Haist. I guess you're gonna be busy for a while," wika ni Frances. "Well, I wish you luck, Donghae. Hope that you won't fail this time! Hahahaha. Bye!" Pagkasabi nya niyon ay dinilaan niya ang binata at tuluyan nang umalis.

"Psh. Just wait. Enjoy yourself for now because I'm busy! Huh! You'll see tomorrow what's gonna happen to you! Be prepared!" sambit ni Donghae sa dalaga. Pagkatapos noon ay itinuon niya ulit ang atensyon sa kanyang binabasa.

(A.N: The following characters are talking in Korean.) 

Siniko siya ni Yesung. "Pare anu yun ha, may pahanda-handa ka pa bukas na nalalaman. Ayiiie...I smell something fishy."

"Tumigil ka nga! Baliw sa akin ang babaeng iyon, huwag mong baligtarin ang sitwasyon," wika ni Donghae.

Nagtungo ang magkakaibigan sa canteen dahil kasalukuyang kumakain si Jessica kasama ng mga kabarkada nito. Balak sana niyang yayain ang dalaga na makipagdate sa kanya mamayang gabi. Oh imagine na lang that they're talking Korean okie?

"Alam ko na Donghae. Ganito na lamang ang gawin mo. Dumipa ka ng malaki tapos sumigaw ka. 'JESSICA JUNG! CAN YOU HAVE A DATE WITH ME TONIGHT?!" wika ni Eunhyuk habang pakunwaring humahalik sa hangin at nag-bibigay ng maraming flying kisses.

"Yuck Eunhyuk. Mahiya ka nga!" sambit ni Yesung.

"Ano ka ba Yesung?! Isa iyong strategy. Siguradong mahihiya si Jessica na tanggihan si Donghae kung maraming tao ang makakarinig ng pagyayaya nito sa kanya," wika ni Eunhyuk.

"Hindi iyon kaya ni Donghae pare. Tingnan mo nga siya oh, namumutla na. Pare ok ka lang?" tanong ni Yesung kay Donghae. Nasapo na lamang ni Eunhyuk ang kanyang noo. Wala na talagang pag-asa ang kanilang kaibigan.

"Bahala na nga. Sige dyan lang kayo ha! Kailangan ko ng back-up," wika ni Donghae. Pagkatapos noon ay kumuha siya ng isang megaphone at nagtungo sa pinakagitna ng canteen kung saan maraming tao ang makakapansin sa kanya.

Humugot muna siya ng isang malalim na paghinga at saka nagsimulang magsalita. "MISS JESSICA JUNG, CAN YOU HAVE A DATE WITH ME TONIGHT?!"

Nagulat ang maraming tao, lalung-lalo na si Jessica na kasalukuyang kumakain ngayon kasama ng kaniyang mga kaibigan.

"Yiheeee," wika ng maraming tao.

(A.N: The following characters are talking in Korean.) 

"Jessica, sagutin mo na kasi. Ang gwapo-gwapo kaya ni Donghae oppa. Kyaaa!" wika ng katabi ng dalaga.

"Oo nga Jessica. Love is sweeter the second time around aninga ng mga napapanood ko sa TV! Kyaaa you're really lucky to have a boyfriend like that. He's so cute," wika ng isa pa. Hindi malaman ni Jessica kung ano ang dapat niyang gawin. Gusto man niyang tanggihan ang binata ay di niya magawa ito dahil maraming tao ang nakatingin sa kanila. Ayaw niyang masira ang maganda at hinahangaan niyang imahe. Dahil dito ay tinanggap niya ang alok ng binata. Samantala, nakita rin ni Frances ang mga nangyayari dahil kasalukuyan rin siyang kumakain sa canteen sa mga sandaling ito.

"Ate, nagseselos ka ba?" tanong ni Opers na kasama ni Frances na kumakain.

"What?! Hindi noh. Wala na akong gusto sa kanya," pagtatanggi nito.

"Oh com'on, di nga?"

"Bahala sya sa buhay nya. Wala naman akong mapapala sa kanya dahil wala siyang gusto sa akin," wika ni Frances.

"Sa bagay. Pero ang sweet nila noh," wika ni Opers sabay subo ng hamburger.

"Whatever! Kung alam lang ng lalakeng iyon, walang kwenta ang ex nya."

"Weh. Bitter ka lang eh," wika ni Opers.

"Isa pa Opers. Tatamaan ka na sakin," sambit ni Frances.

"Peace ate, hehehe," wika ni Opers habang naka "peace" sign. "Pero alam mo ate, ang guwapo talaga ni Eunhyuk noh," wika ni Opers habang pinagmamasdan si Eunhyuk na kasalukuyang kasama ni Yesung at nakikipagkulitan dito.

Nagulat si Frances sa sinabi ng kanyang kapatid. "Oh com'on. Di nga?"

"Ate naman eh!"

"Haha joke lang Opers, peace!" wika ni Frances. Alam naman niyang crush na crush ng kanyang kapatid si Eunhyuk kaya't palagi niyang niloloko ito. Hay, ang sarap mangarap. Libre naman ito kaya't walang magagawa ang ibang tao sa hangarin ng kanilang mga puso kahit malabo naman itong mangyari. Kahit na...mukhang imposible.

Gabi na nang lumabas si Frances ng school dahil sa sobrang dami nilang ginawa sa buong maghapon. Mukhang wala siyang makakasabay pag-uwi dahil maaga ang naging dismissal ng kanyang kapatid at nagkaroon pa ng leave ang kanyang personal driver. Problema niya ang pag-uwi ngayon.

"Haist. Pano na to? Ang dilim-dilim pa naman. Hindi ko kayang umuwi mag-isa. Huhu," wika ng dalaga. Bigla niyang naalala si Siwon. Nasa loob pa ng building ang binata at kasalukuyang may inaasikasong mahahalagang bagay na may kinalaman sa eskwelahan. Naisipan niyang bumalik sa loob ng building upang kausapin ito at makisabay dito pauwi nang bigla na lamang may nagtakip ng bibig niya na naging dahilan ng pagkawala ng kanyang malay.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
daebakexok
#1
Chapter 34: NICE ONE AUTHOR-NIM FIGHTING :)