Chapter 20

ELF's Dream

Ang gulat na lang ni Frances nang makarating sila sa dorm nina Donghae.

"UWAAA! Anong ginagawa natin dito?!" napasigaw si Frances.

"Huh?" Hindi naintindihan ni Donghae ang sinabi ni Frances dahil tagalog. Ganunpaman, narealize nya na mali pala ang desisyon nyang dalhin dun si Frances. Oo nga pala, bawal nga palang magdala ng babae roon! Patay!

Biglang hinawakan ni Donghae ang ulo ni Frances at sinakluban ito. Tapos, tumingin sya sa left at sa right. Chineck nya lang kung may nakakita sa kanila o kaya may tao sa paligid. Buti naman at wala. Pagkatapos nun ay naglakad na sya papasok ng dorm habang nakahawak pa rin at nakasaklob sa nakayukong si Frances. Ayiieeee. Haha.

Pagpasok na pagpasok nila sa loob ay agad na naghanap si Donghae ng jacket, cap, shades at kahit na anong madampot nya sa kwarto nya bilang pandisguise kay Frances. Lagot, hindi sya pwedeng makita ng landlord nila dun! Siguradong malalagot sya...

"Hey..." bigla na lang pumasok sa kwarto ni Donghae ang bestfriend nyang si Eunhyuk. Nagulat ito dahil may nakita syang ibang tao sa loob ng kwarto ng kaibigan.

"Hm? Who's..." tanong ni Eunhyuk kay Donghae habang napapaturo ito sa direksyon ni Frances.

"Ssssh..." pagpipigil ni Donghae kay Eunhyuk. Mayamaya pa ay pinapasok na ng tuluyan ni Donghae si Eunhyuk at pagkatapos ay ini-lock na nito ang pinto ng kwarto.

"Ya, naega hal mal-iissda. Peulaensiseuneun yeogie iblyeog," wika ni Donghae.

(Translation: Pare, wag kang maingay. Napapasok ko si Frances dito eh.)

"Hm? Frances?"

Nagulintang si Eunhyuk sa realization nya. Si Frances ba kamo?!

"Yeoja geugeon!" biglang napalakas ang boses ni Eunhyuk kaya biglang napa "sssh" si Donghae at napatakip naman si Eunhyuk sa kanyang bibig.

(Translation: Babae yan pare ah!)

"Yeojaga yeogiseo mwohaneungeoya?" mahinang tanong ni Eunhyuk.

(Translation: Bakit ka nagdala ng babae rito pare?)

"Moleugess-eoyo. Naneun-i bulbeob-im-eul ij-eossda!"

(Translation: Hindi ko rin alam eh. Hindi ko na naisip na bawal pala sya rito!)

Biglang lumapit si Eunhyuk kay Frances at akmang sasakluban ito ng kumot.

"Dangsin-eun mwohaneungeoya?" tanong ni Donghae.

(Translation: Teka anong gagawin mo?)

"Eung? Ulineun mueos-eulhaeyahabnikka?" naguguluhan ding tanong ni Eunhyuk.

(Translation: Ha? Anong gagawin natin?)

Hindi na rin ito makapag-isip ng matino kaya ang tanging paraan na lamang na naiisip nya ay ang sakluban si Frances ng kumot.

Natatakot na si Frances. Alam din kasi nya na bawal ang babae sa loob ng dorm. Hindi nya alam kung anong dapat gawin! Huhuhu. On the second thought, KYAAAA! Ngayon lang sya nakapasok sa dorm ng SUJU! Specifically, sa kwarto pa ni Donghae! Ow may can she die?! But wait, bigla syang nawiwi. Naiihi sya!

Habang hindi magkaintindihan sina Donghae at Eunhyuk sa pag-iisip kung ano ang gagawin kay Frances ay dahan-dahan namang itinaas ni Frances ang kanyang kanang kamay.

"I have to go to the CR..." nahihiyang sambit ni Frances.

"Okay, I'll accompany you to the CR," wika ni Donghae. Binuksan nito ang pinto pero nagulat sya dahil nagsidatingan na pala ang mga kasamahan nila na sina Leeteuk, Yesung, Shindong, at ang iba pa. Isinara ulit ni Donghae ang pinto. Nag-aalala na silang dalawa ni Eunhyuk. Eto na nga ba ang ikinatatakot nila eh.

"Can you hold it for a little longer?" tanong ni Donghae kay Frances.

"Maybe?" wika ni Frances.

(A.N: Donghae and Eunhyuk talking in Korean)

"Pare, lalabas na muna ako ha," wika ni Eunhyuk kay Donghae.

"Walang iwanan pare! Wag ka namang ganyan!" wika ni Donghae kay Eunhyuk.

"Eh kung sabihin na lang kaya natin sa kanila na may babae rito? Siguro naman maiintindihan nila yun. Sasabihin ko na?"

"Sigurado ka?" tanong ni Donghae.

"Hindi ko rin alam eh..." wika ni Eunhyuk.

"Sige na nga," wika ni Donghae. Pagkatapos nun ay inanyayahan na nila si Frances palabas ng kwarto. Paglabas nila ay napansin sila ni Yesung. Syempre nagulat si Yesung dahil kahit naman naka-cap, naka-jacket at naka-shades si Frances ay hugis babae pa rin ito.

(A.N: SUJU members talking in Korean)

"Aaaah! Bakit may babae rito?!" gulat na gulat na sambit ni Yesung na bigla namang napabaligwas sa kanyang pagkakaupo. Sa pagkakasigaw na iyon ni Yesung ay biglang nakuha nya ang atensyon ng lahat kahit na nasa kusina si Leeteuk habang nagluluto at kumakain naman si Shindong. Nakuha rin nila ang atensyon ng nagkukunwaring tulog na si Kyuhyun at ang nagbabaracks at half- na si Sungmin. Nagtakbuhan silang lahat at agad na nagpunta sa salas.

Parang amazed na amazed pero at the same time shocked na shocked silang lahat habang nakapalibot kay Frances. Si Frances naman ay nagulat din sa reaksyon ng lahat ng makita sya ng mga ito.

"Anong ginagawa nya sa loob ng dorm?!" tanong ni Leeteuk kina Donghae at Eunhyuk.

"I'm sorry. Kasalanan ko to eh. Nadala ko sya rito ng hindi sinasadya!" wika ni Donghae.

"Eh?" sambit ni Yesung.

"KYAAAA!" may bigla silang narinig na sigawan mula sa labas ng dorm. Sumilip sila sa bintana. Nakita nila ang maraming taong naandun. Sino pa nga ba ang mga to? Edi ang ELFs. Madalas naman kasing mangyari ang ganitong scenario. Kadalasan ay may mga dumadaang ELFs sa may labas ng dorm nila upang masilayan ang kanilang mga iniidolo o dili kaya naman ay maghandog ng mga regalo sa kanila.

"tok tok tok..." biglang may kumatok sa labas ng pinto. Agad namang nagpanick ang SUJU. Iniisip kasi nila nab aka ang landlord nila ang kumakatok.

"Itago nyo sya, dali!" wika ni Leeteuk at pagkatapos ay nagtulung-tulong silang lahat sa paghahanap ng lugar kung saan pedeng itago si Frances. Si Kyuhyun, sa may mga cabinet, si Shindong sa loob ng ref (gutom lang yan), si Yesung naman ay sa ilalim ng flower vase (parang shunga lang) tapos si Leeteuk at Donghae naman ay pinapasok si Frances sa CR. Tamang-tama, ihing-ihi na kasi sya eeeh!

Mayamaya ay nagbukas na ang pinto at tumambad na sa kanila ang kanilang landlord. Nagulat silang lahat at natigilan.

"Oh? Parang nakakita kayo ng multo ah?" nagtatakang tanong ng landlord nila.

"Huh? Hehehe..." reaksyon nila yun.

Ano kaya ang mangyayari sa pagdating ng landlord sa loob ng dorm? Mahuhuli kaya nya si Frances? Lagot na ang SUJU pag nagkataon!

"Weeee...ang sarap umihi..." pahabol na eksena ni Frances habang nakaupo sa may cubicle.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
daebakexok
#1
Chapter 34: NICE ONE AUTHOR-NIM FIGHTING :)