Chapter 31

ELF's Dream

Three days before the concert...

Sa wakas ay nakarating na rin sa Pilipinas ang members ng Super Junior kasama ang kanilang manager na si Miss Kang. Delayed man ang kanilang dating ay tuloy na tuloy pa rin ang concert. Ganun pa man, hindi pa rin maaalis ang kalungkutang nararamdaman ng mga miyembro ng Super Junior lalung-lalo na si Donghae dahil sa pagkawala ni Eunhyuk sa grupo. Hindi sila masaya dahil hindi na sila kumpleto. Pero ang trabaho ay trabaho. Matutuloy ang concert sa ayaw at sa gusto nila.

"KYAAAA!" sigawang-sigawan ang mga Filipino ELFs sa paglabas ng kanilang mga iniidolo sa airport. KYAAAA! Nakakaexcite naman talaga kasi eeeeh! Ang isa sa pinakasikat na KPOP boyband sa Korea ay magcoconcert ngayon sa Pilipinas!

Kumaway naman ang mga members ng SJ at bumati rin sa kanilang mga fans. Pagkatapos noon ay sumakay na sila sa van at nagtungo sa isang hotel para naman makapagpahinga sa kanilang nakakapagod na byahe. Syempre kailangan na nilang sulitin ang kanilang pagpapahinga dahil bukas na bukas din ay kailangan na nilang magpunta sa coliseum para sa mga rehearsals. Ganun talaga sila kabusy ngayon.

May mga iba't-ibang magiging guests sa concert nila. May ilang Filipino singers din ang makikisawsat at may ilan din namang KPOP group ang makikisali under ng SM Entertainment Company. Isa na rito ang Girls Generation. What do you expect? Syempre kasama roon si Miss Jessica Jung. At dahil nga naandoon din si Jessica ay medyo uncomfortable si Donghae habang nagpapractice sila. Lalo pa't marami ang HAESICA fans kaya mayroong parts sa concert na magpapartner ang dalawa. Tapos wala pang nakakaalam sa relasyon nina Donghae at Frances. Ouch lang kapag nanood na si Frances ng concert tapos kilig to the bones naman ang mga audience. Haist, sigurado, magseselos to the max si Frances. Si Donghae naman, walang magawa tungkol dito. Para ngang nang-aakit si Jessica habang nagpapractice sila sa stage eh. Yun yung eksena na magpapartner-partner ang Suju at ang SNSD tapos sinasayawan ng mga babae ang mgga lalaki habang kumakanta naman ang mga lalaki. Grabe lang kung makatingin si Jessica sa mga mata ni Donghae. Aaaargh! Naiilang talaga si Donghae! Kaya ang ginagawa nya, umiiwas na lang sya ng tingin! Nakakainis eeeeeh! Loyal sya kay Frances! Bad yung ginagawa ni Jessica! Baaaaddddddd! Tapos yun! Salamat naman at natapos din! Pagkatapos na pagkatapos ng practice ay umalis si Donghae sa stage at nagtungo sa dressing room. Halatang-halata ang pagkabad-mood nito. Naupo sya sa may harap ng salamin at kinalikot ang cellphone nya. Haist, miss na miss na nya si Frances. Gustung-gusto na nya itong makita. Kung maaari nga lamang sana ay papuntahin nya ito sa coliseum eeeh! Kaya lang hindi pwede! Baka kasi may makakita sa kanya roon. Hindi pala. SIgurado palang may makakakita sa kanya. Haist, ang hirap naman ng sitwasyon nila oh!

Mayamaya pa ay bigla na lamang nagbukas ang pinto at pumasok sa loob si Jessica Jung. Nagulat si Donghae. Aba't sya na nga ang umiiwas pero heto pa rin si Jessica at lumalapit sa kanya. Tss.

(A.N: The following characters are talking in Korean.) 

"Hey...sinong ka-text mo?" tanong sa kanya ni Jessica Jung. Agad namang itinago ni Donghae ang cellphone nya. Baka kasi kung anu-ano pa ang usisain ng babaeng to.

"Ha? Wala." Wika ni Donghae. Pagkatapos noon ay lumapit sa kanya si Jessica. Malapit na malapit. Heto na naman sya. Tss. Dahil dito ay iniiwas na lamang ni Donghae ang kanyang tingin sa kanya.

"Stop it."

Jessica smirks. "Bakit, may problema ba?"

"Tss. Pwede ba?" wika ni Donghae at pagkatapos ay naglakad na sya papalabas ng kwarto nang bigla syang napatigil sa sinabi ng dalaga.

"I know your little secret."

"Ha? Anong secret secret ang sinasabi mo dyan?! Wala akong secret! Tss." Wika ni Donghae.

Ipinakita ni Jessica ang mga pictures na hawak nya. Mga pictures ito nina Frances at Donghae na magkasama, magkaalakbay, magkayakap at kung anu-ano pa. In short, PDA. Teka lang, pano nagkaroon ng mga ganong pictures si Jessica?! Nanlaki ang mga mata ni Donghae.

"Ano yan?!"

"Edi pictures!"

"Oo alam kong pictures yan! Pero bakit meron ka nyan?!"

"Paki mo ba. Syempre pinasundan kita para magkaroon ako ng evidence na magkarelasyon kayo ni Frances. Hahahaha!" wika ni Jessica habang tumatawa na parang isang witch.

"Tss. Ano pa bang gusto mo? Akala ko ba tapos na tayo? Bakit mo pa ginagawa to, ha?!"

"Gusto kong hiwalayan mo ang babaeng yun. Pag di mo yun ginawa, ikakalat ko tong pictures nyong dalawa. Hmp, ewan ko lang kung walang magalit kay Frances dahil ang idol nilang si Lee Donghae ay may secret girlfriend na pala! Hahaha, sigurado akong magiging miserable ang buhay ng babaeng yun! Hahahahaha! Oh ano Donghae, ano nang gagawin mo?" wika ni Jessica.

"Kahit na hiwalayan ko si Frances, hinding-hindi ako babalik sayo. Hindi ko alam, ganyan ka pala Jessica. Hindi ko akalaing ganyan pala talaga kasama ang ugali mo."

"Hindi na mahalaga sakin kung ano ang tingin mo sakin ngayon. Basta, kapag hindi mo hiniwalayan ang babaeng yun, sisiguraduhin kong hindi lang ang image nya ang masisira rito. Pati ikaw, Donghae!" wika ni Jessica at pagkatapos ay nag-walk out na ito. Natahimik si Donghae. Bigla syang napaisip at naguluhan. Alam nyang kayang-kayang gawin iyon ni Jessica. Nag-aalala sya para kay Frances.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
daebakexok
#1
Chapter 34: NICE ONE AUTHOR-NIM FIGHTING :)