Chapter 24

ELF's Dream

Mukhang pagod na pagod ang mga members ng Super Junior sa ilang linggo nilang pag-eensayo sa nalalapit nilang concert na gaganapin sa Pilipinas. Dito nila naisipang gawin ang nasabing performance dahil na rin sa marami ring Filipino ELFs ang nagnanais na makita sila at makasama. At dahil mahal ng Super Junior ang lahat ng kanilang mga fans ay pinagbibigyan naman nila ito. Sa kasalukuyan, nagpapahinga sila ngayon sa loob ng dorm. It's finally a rest day. Habang natutulog ang ibang mga myembro ay nagluluto naman si Lee Teuk samantalang nagkukwentuhan sa kitchen sina Donghae, Eunhyuk at Siwon habang kumakain. Isa itong himala dahil nag-stay ngayon si Siwon sa dorm bagamat mayroon siyang ibang bahay na tinutuluyan. Nais rin siguro ng binata na makipagbonding sa mga kaibigan nito.

(A.N: The following characters are talking in Korean.) 

"The best talaga ang luto mo Lee Teuk! Pwedeng-pwede ka nang mag-asawa," wika ni Eunhyuk habang ninanamnam nito ang pagkaing niluto ni Lee Teuk.

"Hahaha! Salamat! Talagang pinagpapractisan ko na ang bagay na yan," wika ni Lee Teuk. Napapangiti ito habang nagluluto. Siguro ay naaalala niya ang kanyang the one and only "Sora," ang babaeng nagpapatibok sa kanyang puso.

"Ganyan talaga kapag may lovelife," nakangiting sambit ni Siwon sabay subo ng isang egg sandwich. Mayamaya ay lumapit si Lee Teuk at dinala ang pagkaing kaluluto pa lamang niya. Pagkatapos ay naupo na siya sa tabi nina Siwon at Donghae.

"Hahahaha, ganun pala ang feeling kapag may someone special ka sa buhay mo. Ang sarap sa pakiramdam dude," wika ni Lee Teuk.

"Yiee. Ang swerte-swerte mo naman pare. Ako kaya, kelan kaya ako magkakalove-life?" tanong ni Eunhyuk at pagkatapos ay tumingin ito sa langit este sa kisame pala. Kaawawang Eunhyuk. Kung bakit pa ba yung mga taong gustung-gustong magkaroon ay sya namang hindi pinagbibigyan.

"Teka, akala ko ba nagdadate na kayo ni Opers?"

"Ha?! Ano kasi...hahaha! Bigla na lang nawala ang communication namin eh. Ewan!" wika ni Eunhyuk.

"Ang sabihin mo, nambabae ka lang. Ayan tuloy nabusted ka! Hahaha!" wika naman ni Yesung.

"Tss. Manahimik ka nga dyan! Batukan kaya kita?!"

"Don't worry Eunhyuk. Time will come and you will meet the girl who will make you the most happiest man in the world. You just have to wait, dude. Alam mo, ang isang babaeng matagal bago dumating sa buhay ng isang lalaki ang siyang tunay na magpapasaya sa kanya." wika ni Siwon. What a good advice from a good friend.

"Tama ka dyan dude, kaya kung ako sayo Eunhyuk, wag kang masyadong mainip. Hindi mo rin ba alam ang kasabihang "kapag hinintay mo ang isang bagay, lalo itong nagtatagal bago makarating sayo?" wika ni Lee Teuk.

"Teka pare. San mo naman narinig ang kasabihang yan? Haha," wika ni Donghae at pagkatapos ay humigop ito sa mug ng kanyang inumin.

"Hahaha. Ewan ko. Basta narinig ko na yun kung saan. Pero teka, tutal napapag-usapan na naman natin ang tungkol sa love," wika ni Lee Teuk at pagkatapos ay tumingin ito ng nakakaloko sa kanyang mga kaibigan, "baka naman may gustong mag-share sa inyo dyan, hehe, uy Siwon kumusta na ba ang lovelife mo? May nililigawan ka na ba ulit?"

"Psh. Anong nililigawan ULIT? Eh hindi nga ako makapagbigay ng attention sa bagay na yan." wika ni Siwon. Dahil sa kanyang sinabi ay napatawa ang kanyang mga kasama. "Pero alam nyo ba," wika nito. Nanahimik sina Donghae. Mukhang interesado sila sa sasabihin ni Siwon. Mayamaya ay tumawa lamang si Siwon at uminom sa mug. Mukhang gusto nya lamang mantrip sa lagay na iyon.

"Hahahaha ano ha? Ano ba yung sasabihin mo?" tanong ni Eunhyuk.

"Hahahaha wala. Nevermind." wika ni Siwon.

"Psh meron yun. I can feel it," nangingiting sambit ni Lee Teuk.

"I'm getting interested to some girl," wika ni Siwon. Nanlaki ang mga mata nina Donghae at Eunhyuk sa kanilang narinig.

"Woah...sinasabi ko na nga ba," wika ni Lee Teuk.

Matapos ang masinsinang guy talk ng magkakaibigan ay parang nanlambot si Donghae sa mga sinabi ni Siwon. Hindi nya alam kung bakit ganoon na lamang ang nararamdaman niya. Sinabi kasi ni Siwon na may crush ito kay Frances. Eh ano naman kung may crush ito sa dalaga? Hay, gulung-gulo na talaga ang isipan niya. Wala namang masama doon diba? Single si Frances, single din si Siwon. Pwedeng-pwede sila para sa isa't-isa. Pero bakit ganito, bakit parang hindi siya mapakali? Dahil ba nag-aalala siya kay Frances at baka maraming fans ang magalit sa kanya? Pero pwede namang gawing underground ang relationship nila tutal non-showbiz person naman ang magiging karelasyon ni Siwon.

Hindi kaya...ayaw niyang may makarelasyon si Frances dahil sa kanya lamang dapat ang atensyon ng dalaga? Hay, erase erase! Bakit naman niya kailangan ng atensyon ni Frances?! Tama. Kailangan niya ang atensyon ni Frances dahil siya, ang lalaking nagngangalang Lee Donghae, ang ultimate idol nito. Wala dapat pumalit sa kinapupwestuhan niya. Hahahaha! Tama! Yun ang dahilan kung bakit ganito na lamang ang nararamdaman niya.

Dumating na ang school day kinabukasan. Sa wakas ay muli nang makakapasok ang suju matapos ang ilang linggong pagiging busy ng mga ito. Siguradong maraming mga ELFs ang nakamiss sa kanila, lalung-lalo na si Frances, ika nga ni Donghae. Alam naman niyang idol na idol siya ng dalaga kaya excited na excited na rin si Donghae na makita ito. Siguradong mangingislap na naman ang mga mata ni Frances, aniya ni Donghae. Kahit na nagkita na sila sa studio noong isang araw ay parang iba pa rin ang dating kapag magkikita sila sa eskwelahan. O baka naman...gusto lang talagang makita ni Donghae ang dalaga kaya ganoon na lamang ang kasiyahang nararamdaman niya?

"KYAAAAAA! SUJU IS IN THE HOUSE AGAIN!" wika ng mga classmates nila.

(A.N: The following characters are talking in Korean.) 

"Hey! Welcome back! Kumusta ang busy schedule?" bati sa kanila ni Myung-soo, isa ring celebrity at myembro ng boyband na "Infinite". (author: *O*)

"Ayos lang dude. Teka, balita ko magcoconcert din kayo sa Philippines ah. Magkasunuran lang pala tayo," bati ni Donghae sa binata.

"Yup. Marami pang ibang k-pop ang makakasama sa magiging concert. Hindi yun solo concert namin, hehe." wika ni Myung-soo.

"Ah.." wika ni Donghae. Maya-maya ay napasulyap siya sa may isang side ng classroom kung saan nakaupo si Frances. Kasalukuyan itong nagbabasa ng magazine. Napangiti si Donghae. Naglakad siya patungo sa kinapupwestuhan ng dalaga ngunit napatigil siya dahil naunahan siya ni Siwon. Nakaupo na agad ito sa tabi ng dalaga bago pa man siya makalapit, dahil doon ay nagkunwari na lamang siya na biglang lumiko ng daan para walang makahalata sa ginawa niya kanina. Naupo siya sa may kabilang side, hindi kalayuan sa pwesto ng dalawa. Pagkatapos noon ay pasimple nitong sinusulyapan sina Siwon at Frances. Nagkukwentuhan sila at nagtatawanan. Napahaplos na lamang ang binata sa kanyang bangs. Iyon na ang naging mannerism niya sa tuwing hindi siya mapakali. Mayamaya ay napalingon si Frances at nakita si Donghae. Ngumiti ito at kinawayan ang binata. Napangiti na lamang si Donghae at pasimple ring kumaway sa dalaga. Ngunit dahil sa sinabi ni Siwon, pakiramdam niya ay nabakuran na ang dalaga, at hindi na sya basta-basta pa makakalapit dito ng walang permiso. Kung ikukumpara sa isang bahay ay bawal makisawsaw ang mga tresspasser na katulad niya. Siguro ang OA nya lamang kung mag-isip, pero ganun talaga siya. Ayaw niyang magkaroon ng rivalry sa pagitan nila ni Siwon dahil kaibigan niya ito. Baka pagselosan siya ni Siwon. Hay, ang OA nya talaga. Ewan. Nagiging weird na talaga sya ngayon at kung anu-ano na ang iniisip nya!

Natapos na ang klase. Magkasabay na lumabas ng classroom sina Siwon at Frances, at mukhang may balak si Siwon na ihatid ang dalaga pauwi. Nakatingin lamang si Donghae sa kanila habang naglalakad ang mga ito papalayo sa kanya.

(A.N: The following characters are talking in Korean.) 

"Tingnan mo nga tong si Siwon. Mukhang dumidiskarte na ata kay Frances oh." nangingiting sambit ni Eunhyuk kay Donghae. Si Donghae naman ay tahimik lamang at walang naging komento sa sinabi ng kanyang kaibigan.

"Okay ka lang?" tanong ni Eunhyuk sa binata.

"H-ha? AH-OO! Okay lang ako. Hehe," wika ni Donghae. "Tara na dude, may practice pa tayo."

"Psh. Eto naman oh! Araw-araw na nga tayong nagpapractice, practice pa rin ang nasa isipan mo! Hayaan mo namang mag-relax tayo kahit papaano. Tara sa labas man-chix tayo!" wika ni Eunhyuk.

"Tss. Baliw! Alam mo namang sa lahat ng bagay, iyan ang pinakabawal. Edi pinagkaguluhan tayo ng fans kapag nagkataon! Masanay kana pare, sa mundo ng showbiz, para tayong nasa kulungan. Hindi tayo pwedeng magpakawala kung saan-saan dahil maraming manghuhuli sa atin. At ang pinagkaiba lamang nito sa ordinaryong kulungan, sosyal ang kulungan natin. Maraming hidden cameras. Lahat ng ikinikilos natin, updated. Magkamali lamang tayo ng isa, siguradong malaki ang magiging impact nito sa ating career." wika ni Donghae.

"Hahaha alam ko na yan pare, ikaw naman hindi na mabiro oh! Tara sa labas!"

"Ha? Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ko kanina?"

"Sa labas ng building sa loob ng gate! Hindi naman siguro tayo mahuhuli ng pulis kung sa may boundary lamang tayo ng kulungan mamamasyal diba?" wika ni Eunhyuk. Ganito talaga ang buhay ng mga artista, ang buhay ng mga celebrities. Mahirap, pero somehow masaya na rin. Mahirap dahil hindi ka makakilos ng maayos at malaya. Pakiramdam mo, palagi na lamang may nakatingin sayo at palagi na lamang may nagbabantay sa mga ginagawa mo. Pero sa isang punto, masarap ring maging artista. Maraming tumitingala, humahanga, at NAGMAMAHAL sayo, kahit na hindi ka naman isang perpektong tao.

Samantala, nagtungo naman sina Frances at Siwon sa isang bayside village malapit sa village nina Frances. Doon nila naisipang mamasyal dahil na rin sa private ang lugar na iyon at walang masyadong makakakita sa kanila. Tahimik lamang si Frances na nakatambay at nakaupo sa isang cemented fence habang pinagmamasdan ang kalawakan ng karagatan. Mayamaya ay lumapit si Siwon at inabutan ito ng drinks.

"Sorry, I should have brought you to a better place. It was just that there are a lot of costumers right now at most of the restaurants here. It would be a hastle if they saw us," wika ni Siwon.

"It's okay. Wait, you can go to our house if you want. We can eat dinner there, what do you think?"

"No, Frances. It's not what I mean. I just want you to have dinner with me somewhere...romantic," wika ni Siwon.

"Hm?...W-what do you mean by that?"

"Hey...I just want to tell you something. I want to tell you this as soon as possible."

Habang nagkukwentuhan sina Frances at Siwon ay tahimik namang naglalakad-lakad sina Eunhyuk at Donghae sa palibot ng school. Nagpapalipas oras lamang ang dalawa at namamasyal. Si Eunhyuk ay may dala-dalang camera at nagpipicture-picture ng mga views. Ganun pa man, kakaiba ang nararamdaman ni Donghae sa mga sandaling ito. Mukhang balisa ito at hindi mapakali.

(A.N: The following characters are talking in Korean.) 

"Pare, umuwi na kaya tayo? Nag-aalala na ako," wika ni Donghae kay Eunhyuk.

"Hm? Nag-aalala? Saan?" tanong ni Eunhyuk. Napabuntong hininga si Donghae.

"Hindi ko alam. Pero...parang gusto kong puntahan si Frances ngayon," wika ng binata.

"Ha? Bakit naman?" naguguluhang tanong ni Eunhyuk. Napatahimik ito at napaisip. Mayamaya, nagulat na lamang siya sa isang ideyang bigla na lamang pumasok sa kanyang isipan. "Teka pare...wag mong sabihing..."

"I like you, Frances." wika ni Siwon sa dalaga. Seryoso ito habang nakatingin sa mukha ni Frances. Si Frances naman ay mukhang nagulat at hindi mawari ang expression ng kanyang mukha.

"Wait...are you serious? I mean...really?" gulat na gulat na tanong ng dalaga. Ganun pa man, hindi pa rin maipagkakaila na nagblush siya sa sinabi ng binata.

"Yup. I became interested with you since I met you and since we became friends. I have been thinking about this, Frances...and I'm really sure of what I feel about you." wika ni Siwon.

"H-huh? B-but..." tanging nasambit ng dalaga. Mababakas sa kanyang mukha ang bahid ng kalungkutan. Napayuko na lamang ito at napatingin sa kawalan. Mayamaya ay napansin ni Siwon ang naging reaksyon ng dalaga. Dahil doon ay naisip ni Siwon na baka walang gusto ang dalaga sa kanya.

"Frances...are you liking someone?" tanong ni Siwon.

Nagkaroon ng panandaliang katahimikan bago tuluyang makapagsalita si Frances. "Yeah..."

(A.N: The following characters are talking in Korean.) 

"Crush ko na ata si Frances, Eunhyuk." wika ni Donghae sa kaibigan.

"Ha?! Tsk. Sinasabi ko na nga ba at iyan ang kahahantungan ng relasyon ninyong dalawa! Patay tayo dyan, pare." wika ni Eunhyuk.

"Tsk. Nakakainis! Si Frances ang may kasalanan ng lahat ng ito! Palagi nya kasing ginugulo ang buhay ko! Yan tuloy, hindi na sya maalis sa isipan ko." wika ni Donghae.

Napangiti na lamang si Eunhyuk. "Di bale pare. At least naman, naka-move-on ka na kay Jessica diba? It's now time to start a new."

"Pero, baka mag-away na naman kami ni Siwon nito."

"Hay ano ka ba pare! Hindi nagagalit si Siwon kung hindi naman reasonable ang dahilan. Maiintindihan ka nun, pare. Basta, daanin nyo muna ito sa matinong usapan. Pero ito ang tatandaan mo Donghae, kahit na anong mangyari, suportanta ka sakin. Ako ata ang besprend mo! Hahahaha!"

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
daebakexok
#1
Chapter 34: NICE ONE AUTHOR-NIM FIGHTING :)