Chapter 3

ELF's Dream

"Oh ate, pano ba yan. Kailangan na nating maghiwalay?" wika ni Opers sa kanyang ate. 

"UWAAA! Wag muna Opers! Hindi ko kayang mag-isa! Samahan mo muna ako sa classroom!" pagmamakaawa naman ni Frances. 

"Ate naman oh! Matanda ka na! Kaya mo na yan! Sige ah, punta nako sa classroom ko! Ayieee sana kaklase ko si Eunhyuk! Kyaaa! Kinikilig akooooo!" wika ni Opers at pagkatapos ay nagtatakbo na sya papalayo at naiwan na lamang si Frances na nag-iisa. UWAAA! Wala syang kakilala! Wala syang ka-close! Paano na sya?! Huhuhu. 

Nahihiya man sya ay unti-unti na syang naglakad papunta sa classroom nya. Pagbungad na pagbunga pa lamang niya sa pintuan ay kakaiba na agad ang mga nakita nya. Ow may gulay. Halatang-halata sa kanya na isa syang dayuhan dahil puro mga Koreano at Koreana ang mga kaklase nya. UWAAA! Siguradong-sigurado ang pagka-OP nya! Huhuhu. 

Wala syang nagawa kundi ang maupo na lamang sa isang sulok sa likuran. Ok fine. Tanggap na nya. Magiging forever loner na sya. Di pa naman sya marunong mag-Korean. 

"KYAAAAA!" bigla na lamang nagsigawan ang mga kaklase nya kaya nagulat siya. Bigla na lamang pumasok ng classroom sina Eunhyuk at Donghae. UWAAAA! Magkaklase sila?! KYAAAAA! 

May ilan na lumapit, nagpa-autograph at nagpapicture. Yung iba naman ay pasimple lamang na nakangiti habang nanonood sa kanila at ang iba naman ay walang kareareaksyon na para bang sanay na silang makakita ng celebrity. Palibhasa mga mayayaman. Pero si Frances...bigla syang nanigas sa kinatatayuan nya. Para syang na-shock. Hindi kasi sya makapaniwala na totoo na talaga ito! Si Donghae, kaharap na niya, 5 meters away lang ang layo sa kinatatayuan nya. 

Unti-unti nyang narecover ang kanyang lakas kaya mayamaya ay dahan-dahan na syang naglakad patungo sa iniidolo niya. Palapit sya ng palapit, at mas nakikita nya sa malapitan ang mukha ni Donghae na kasalukuyang pumipirma sa mga nagpapa-autograph sa kanya. Dahan-dahan nyang inilapit ang kanyang kamay sa binata upang makipag-shake hands dito. Oo, slow mo talaga sya kung kumilos at dahil doon ay natumba sya dahil ang daming fans na nagkakagulo sa palibot ni Donghae. Malilikot ang mga ito kaya syempre matutumba si Frances. 

"Ouch..." nasambit na lamang ng dalaga habang hinahaplos ang kanyang balakang. Nagpatak pa nga sa sahig ang eyeglasses nya kaya natapakan ito ng isa sa mga kaklase nya at nasira ito dahilan ng kanyang pagkabulag. De joke lang. Malabo lang ng konti ang mga mata ni Frances pero pag mga 7 meters away na, hindi na nya masyadong maaaninag ang mukha mo. 

Mayamaya pa ay may lumimot ng nasira niyang eyeglasses at lumapit ito sa kanya. 

"Hey, are you ok?" tanong ng isang boses lalaki. Familiar na familiar talaga kay Frances ang boses na iyon kaya agad siyang tumingala upang tingnan ito. 

"D-donghae..." KYAAAAA! Gusto na nya sanang sumigaw pero hindi nya maibuka ang bibig nya! S-si Donghae! Kaharap na niya! As in kaharap na kaharap na niya! Ow heaven. 

Inilahad ni Donghae ang kanyang kamay upang tulungan syang tumayo. Hinawakan naman ni Frances ang kamay ni Donghae. KYAAA! Nahawakan na nya si Donghae! Pagkatapos ay tumayo na sya at nagkatinginan silang dalawa ng mata sa mata! KYAAAA! Magkasingtangkad nga sila! KYAAAA! 

Kumaway-kaway ang binata dahil pansin nito na parang natulala ang dalaga. 

"H-hey?" 

"Aaaah," biglang bumalik ang utak ni Frances mula sa outerspace. "H-hi! Donghae! This is me! Frances! I'm your fan! Kyaaaah..." hindi magkaintindihang sambit ni Frances habang medyo nahihiyang hinahaplos ang kamay ng binata. 

"Ah...hehehe," nangingiting sambit ni Donghae. "Hi F-fr..." sinusubukan ni Donghae na alalahanin ang pangalan ng dalaga pero parang nahihirapan itong banggitin iyon. 

"Frances," naeexcite na sambit ni Frances. 

"Frances," parang batang bigkas ni Donghae dahil inaabsorb pa nya ang pangalang iyon. "Hi." 

"Kyaaaah..." 

"Oh! This," wika ni Donghae habang ipinapakita kay Frances ang basag na eyeglasses. Oo nga pala, marami pa ring fans ang nakapalibot sa kanilang dalawa. "Can you still see clearly?" tanong ni Donghae habang kumakaway-kaway sa may mukha ni Frances. 

"Yeah-yeah! I'm fine! Hehehehe." 

Mayamaya pa ay may nagsidatingang iba pang celebrities. Si BOA, then mayamaya pa ay sina Kevin ng UKISS tapos yung mga members ng EXO! Ayan tuloy nagkagulo na naman ang mga tao! But the good thing is, nabawasan ang mga taong istorbo sa paligid nina Frances at Donghae. 

"Are you sure? You know, I have eyeglasses here in my bag. I can let you borrow it for a moment." Wika ni Donghae at pagkatapos ay nagpunta sya sa bag nya at may kinuhang eyeglasses dito. Pagkatapos ay inabot nya ito sa dalaga. 

"Ha?" wika ni Frances. "Ah...eh...thanks..." wika ni Frances habang inaabot ang eyeglasses. 

"Wait Donghae, can I have a picture with you?" tanong ng dalaga at kpagkatapos ay dali-dali nyang kinuha ang phone nya mula sa bulsa nya. 

"Yeah sure." 

*click* 

"Thank you thank you!" wika ni Frances na tuwang-tuwa sa mga pangyayari. 

"No problem," wika ng binata. 

"Autograph?" sambit naman ulit ng dalaga sabay abot ng isang notebook at ballpen kay Donghae. 

"Uh...okay." 

"Oh! And one more! Can I...hug you?! Kyaaah!" wow abuso na ata tong babaeng toh. Pero di bale na. Kailangan nyang samantalahin ang pagkakataong ito dahil bihira lang itong mangyari sa kanya! Kyaaaaah! 

"Hahaha okay." KYAAAAA! At pagkatapos ay si Donghae pa mismo ang yumakap kay Frances. Kyaaah! 

"Donghae! I love you!" kilig na kilig na sambit ng dalaga. 

"Hahaha" natatawa na lamang si Donghae. Grabe kasi, si Frances lang ang OA kung makareact sa presensya nya. Nakakatuwa naman. 

"Donghae, one more favor." 

"Hm?" 

"May I kiss you?"

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
daebakexok
#1
Chapter 34: NICE ONE AUTHOR-NIM FIGHTING :)