Chapter 15

ELF's Dream

Araw na ng date nila ni Siwon. Nasa isang high-class restaurant siya ngayon at ang ganda-ganda nya. Garden ang setting ng restaurant. Maraming halaman at mga bulaklak at "enchanted" ang drama ng nasabing lugar, para tuloy maiisip ng kung sino man na naroroon na sila ay nasa loob ng isang fairy tale.

Isang shining shimmering splendid na dress ang kasalukuyang suot ni Frances at ang taas ng takong nya. Ang ganda rin ng pagkakaayos ng mukha at buhok niyang curly sa laylayan. Sa madaling sabi, mukha siyang isang prinsesa. Kaya lamang ay mag-isa siyang nakaupo sa isang table at naghihintay sa kanyang prince charming. Hindi pa kasi dumadating si Siwon. Bakit kaya?

Mayamaya, sa may di kalayuan, sa likod ng mga halamanan ay may dumaan na isang prinsipe. Alam naman ni Frances na walang prinsipeng maliligaw sa restauant na ito ngunit mala-prinsipe talaga ang aura ng lalaki. Nagkatitigan ang prinsesa at prinsipe kahit medyo malayo sila sa isa't-isa. Nagulat sila pareho dahil si Frances at Donghae lang pala ito. Napatawa na lamang sila sa kanilang mga naging reaksyon. Lumapit si Donghae sa dalaga na natatawa at nagugulat. Hindi niya maiwasan na takpan ang kanyang bibig at titigan ito ng mabuti habang naglalakad papalapit sa kanya dahil ang ganda-ganda talaga ni Frances, lalo na at first time nitong makita si Frances sa ganitong anyo.

"Hey...woah...what are you doing here?" nangingiti at gulat na gulat na tanong ng binata sa dalaga.

"I have a date," tugon ni Frances. Nahihiya rin ito habang ngumingiti sa binata.

"Oh really?" nakangiting sambit ni Donghae at pagkatapos ay umupo na ito katapat ni Frances. Pero infairness, ang lawak talaga ng pagkakangiti nya.

"Woah..." tuwang tuwa ang binata at mukhang na-ooverwhelm ito sa kanyang mga nakikita. "You really look beautiful Frances. You transformed." pagpapatuloy ng binata habang nakatingin pa rin kay Frances dahil hindi talaga siya makapaniwala sa nakikita nito. Kikiligin pa sana si Frances nang bigla siyang nagulintang. Paano kung biglang dumating si Siwon dito?!

Napatingin siya kay Donghae na gulat na gulat at nakamulaga. Lagot na pag nagkataon, baka sa halip na humupa ang alitan sa pagitan ng dalawang magkaibigan ay baka lalo lang magkagulo! Paano na ang plano nila nina Eunhyuk?!

"Hm?" bigla na lamang sumulpot si Siwon sa may tabi ni Frances. Eto na nga ba ang ikinatatakot nya. Lagot. Nagkatinginan sina Siwon at Donghae at tila di nila ineexpect na makita ang isa't isa.

Katahimikan.

"Ah...Siwon," napatayo bigla si Frances.

Katahimikan.

Unti-unti na ring tumayo si Donghae mula sa kinauupuan nito. "Frances, I have to go." Tumingin ito sa kanyang relo. "I still have a date. See ya tomorrow," wika ni Donghae kay Frances. Aalis na sana ito nang biglang dumating si Jessica at lumapit kay Donghae.

"Oh Donghae, you're here already?" maarteng sambit ni Jessica. Pagkatapos ay nakita nito sina Siwon at Frances. "Oh!" napangiti ito ng nakakaloko at tumingin kay Donghae.

"Nandito pala ang impaktita...tss. Galing namang tumi-ming neto..." bulong ni Frances sa kanyang sarili.

"Jessica, let's go," wika ni Donghae sa dalaga. Hinawakan nya ang kamay nito.

"Why should we?" wika ni Jessica. Pagkatapos noon ay lumingon ito sa dalawa. "I didn't know that you're here. What a coincidence!" sambit ni Jessica kina Frances at Siwon. "Why don't we have a double date? I'm sure it would be great. Right, Donghae?" tanong ni Jessica sa binata.

Biglang kinabahan si Frances. "Oh no...please don't say yes, Donghae..." sa isip isip na lamang ng dalaga.

"That's fine with me," wika ni Siwon at pagkatapos ay naupo na ito sa tabi ni Frances. Kung ganoon naman pala ay wala na ring magagawa sina Donghae at Frances kundi ang maupo sa table at magtipon-tipon. Ayaw na rin naman nilang tumanggi at baka magkagulo pa.

Nag-aalala si Frances. Ano kaya ang kahihinatnan ng date na ito para sa kanilang apat? Baka hindi sya makahinga at manigas na lang habang kumakain. O baka naman mahilo sya at mahimatay sa tensyon. Hindi nya ata kaya.

"So, you're dating?" tanong ni Jessica sa dalawa habang kumakain. Tahimik lang si Frances at halos di nya nagagalaw ang kanyang kinakain nang biglang nagsalita si Siwon.

"Yeah...we are. Frances invited me to have a dinner in this place. Actually, I didn't expect that I will see you here." wika ni Siwon.

"Really?! And it was Frances who invited you? I guess she's really a flirt," wika ni Jessica habang umiinom ito ng wine. Nagsimula na namang kumulo ang dugo ni Frances. Isa pa tong si Siwon. Sabihin ba namang sya ang nag-invite?! Nakakainis talaga...lagot sina Eunhyuk sa kanya paglabas na paglabas nya dito. Sila naman kasi ang may pakana ng lahat ng ito eh!

"Yeah right. I invited him, so what? We're friends anyway," pagdedepensa ni Frances. Napatawa si Siwon sa sinabi ng dalaga. Well, at least nawala ang tensyon sa ere.

"Yeah. She has a point. And besides, we always eat together, it's just that the set-up tonight is kinda formal." wika ni Siwon.

"Whatever Siwon! You're making me embarrassed because of what you said a while ago! Yeah right it was me who invited you. Yeah right," wika ni Frances kay Siwon. Ang cute nyang tingnan dahil naka-pout sya sa pagkainis.

"Hahaha...to tell you honestly, I was just flattered...to think that you are the one who invited me. I just feel so happy and lucky," nangingiting sambit ni Siwon.

"Really." wika ni Frances. Nagkatuwaan na ang dalawa. Mukhang palpak ang plano ni Jessica na ipahiya si Frances. Samantala, si Donghae naman ay walang kaimik-imik na nakaupo sa tapat ni Frances.

"Hey! Are you alright?" kulbit ni Frances kay Donghae.

"H-huh? Hehe..." sambit ni Donghae. Medyo nahihiya rin kasi ito dahil hindi nya alam kung papaano kakausapin si Siwon. Napatingin na lamang si Siwon sa kanya.

"Bro," sambit ni Siwon. Tumingin si Donghae sa kanya at nginitian ni Siwon ang binata. Pagkatapos ay inilahad niya ang kanyang kamao dito. Mukhang gusto na nitong makipagbati sa kaibigan.

Napangiti na lamang si Donghae at pagkatapos ay nakipagbungguan sila ng kamao sa isa't-isa. Natuwa si Frances. Mukhang bati na ang dalawa.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
daebakexok
#1
Chapter 34: NICE ONE AUTHOR-NIM FIGHTING :)