Chapter 1

ELF's Dream

Nagsisisi si Frances kung bakit nitong huli lang nya narecognize ang Super Junior. Nasa college level na kasi sya nun bago pa sya naging fan nito kaya naman naiinggit sya sa mga ELFs na naging ELFs na ever since. As in ever since the KPOP era began. Grabe lang. Ang dami nyang nasayang na ilang taon. Pero di bale, since she's now a certified ELF, gagawin nya ang lahat sa abot ng kanyang buong makakaya para pagnasahan si Donghae. De joke lang.

Pero grabe ha, magkaheight pala sila! Wala lang. Haha. Pati birthday, age, vital stat, favourite color, favourite cellphone, etc. etc. etc. ay alam na alam ni Frances. Normal lang naman yun diba? At saka normal lang din naman na magyoutube maghapon at magdamag para makapanood ng performances at iba pang entertainment shows sa harap ng laptop diba? Hanggang dun lang naman ang magagawa nya eh. Hindi naman sila ganung kayaman para mabili ang mga Super Junior merchandise at makapanood man lang ng concert nila. Wala syang magagawa. Talagang ganyan ang buhay. Pero! Balang araw...ipinangangako nya na tutungtong sya sa Korea at pag-coconcertin nya ang Super Junior sa harap nya kahit mag-isa lamang sya. Muahahahaha!

"Frances, tumaya ka pamaya sa lotto ha," wika ng mama ni Frances bago pa man lumabas si Frances sa bahay nila.

"Okie." Wika ni Frances at pagkatapos ay kiniss na nya ang kanyang mama bago sya umalis.

That's one of the daily routine that she does in her life. Papasok sa school sa umaga, tataya sa lotto sa hapon at magyoyoutube sa gabi. Hehehe. At ano pa nga ba ang pinapanood nya sa youtube? Edi...tadaa! ang SJ!

"Haist...kelan kaya tayo tatama sa lotto Opers? Alam mo, ang unang-una kong gagawin pag nanalo tayo ay-"

"Edi pupunta tayo sa Korea! Tapos papasok tayo sa Myong Ji University! Tapos classmates na natin ang iba't-ibang KPOP artists! Tapos! Magiging girlfriend na ako ni Eunhyuk!" wika ng kanyang nakababatang kapatid na si Opers.

"Tapos! Magiging girlfriend na rin ako ni Donghae. Kyaa!" wika naman ni Frances.

"Apir tayo dyan ate!" wika ni Opers at pagkatapos ay nag-appear ang dalawang magkapatid. Oo nga pala. Sa kwentong ito ay may isang eskwelahang nag-eexist sa Korea kung saan nagpapart-time students ang mga KPOP artists. Ito ang Myong Ji University, isa sa mga sikat na eskwelahan sa Korea. Mga VIPs lamang ang nakakapasok sa school na iyon, meaning mga mayayamang tao ang mga stdents dun. Ang bongga diba?

"Oh. Ayan na pala ang announcement sa lotto winner." Wika ng nanay nila habang nanonood ito ng TV.

"22, 16, 4, 1, 5, 6." Waley. Numbers 4 at 22 lang ang natamaan nila. Haist.

"Huhuhu. Ang malas naman! Hindi talaga tayo mananalo sa lotto mama. Eh wala pa kasing pinapanalo yung lotohan na tinatayaan natin eh." Wika ni Frances.

"Oo nga anak. Sa bayan ka na lang ulit tumaya next time. Malulugi lang tayo dyan sa may lotohan sa kabilang kanto."

"Haist. Bad trip naman yang TV oh. Manonood na nga lang ako rito sa youtube. Kyaaa! Ang gwapo-gwapo talaga ni Donghae!" wika ni Frances habang nanonood sa youtube ng performance nila. Ang gwapo talaga ni Donghae! Ang galling galling din nyang sumayaw at kumanta! Sya na talaga! The best! Hay, sarap na sarap si Frances sa paglalaptop kaya inabot na sya ng antok pero nakaharap pa rin siya sa laptop. Dahil dito ay nakatulog siya ng hindi inaasahan.

"T-teka...nasan ako?" wika ni Frances nang magising siya at madatnan ang sarili sa isang lugar kung saan sobrang dami ng tao. Tapos ang ingay-ingay at maraming nagsisigawan. Tapos ang daming blue lights. Tapos may malaking stage sa harapan nya at nagkokonsyerto ngayon sa harapan nya ang Super Junior!

"KYAAA!"

"SJ! SJ! SJ! SJ!" ang sigawan ng mga tao. Wow! Eto na talaga to! Nasa harapan na nya ang Super Junior! Mayamaya pa ay nararamdaman niya ang sarili niya na kusa siyang lumalapit sa stage at umaakyat sa hagdan nito. Nang makarating siya sa gitna ng stage ay bigla na lamang napatutok sa kanya ang spotlight. nagsigawan ang mga tao. Wow! Sikat na pala sya?! Teka, pano nangyari yun?

Mayamaya ay lumapit si DOnghae sa kanya hang kumakanta ito. KYAAA! Nakakakilig!

"For you, Frances." wika ni Donghae habang inaabuan ito ng bulaklak.

"KYAAAA! Taaga?! Thank you!" aabutin n asana ni Frances ang mga bulaklak nang biglang binawi ito ni Donghae.

"Ops. Bago ko to ibigay sayo, kailangan mo munang sagutin ang tanong ko." Wika ni Donghae.

"Ha? Ano yun?" 

"Ilan ang bulaklak na hawak ko?" tanong ni Donghae.

"Ha? Hmmm...3?"

"No."

"Ahm...5?" wika ni Frances. Iniisip nya kasi na kung hindi 3 for "I love you", eh 5 naman for "I love you very much."

"No."

"10?"

"No."

"20?"

"No."

"16?"

"No."

"4?"

"No! pag di mo to nahulaan, itutulak kita sa stage." Pagbabanta ni Donghae. Bigla namang natakot si Frances. Ano yun? Itutulak sya sa stage? No! Ayaw pa nyang mamatay!

"Ah...hehehe. Teka, ilan nga ba..." bago pa man magsalita si Frances ay biglang ma dumaang witch na nakasakay sa magic broom at lumipad sa harapan nya. Nakaitim ito at kamukha ni Jessica Jung.

"Hihihihihi." Wika ni Jessica Jung habang nakasakay ito sa magic broom.

"Jessica Jung?! Ikaw ba yan?! Isa ka bang witch?!" tanong ni Frances kay Jessica Jung.

"Oo! Hihihihi! Isa akong witch at kukunin ko ang mga bulaklak na hawak ni Donghae dahi ako ang may karapatan na magmay-ari nito! Hihihihihi!" wika ni Jessica at pagkatapos ay ninakaw nya ang mga bulaklak na hawak ni Donghae.

"Nooooo!" wika ni Frances habang papalayo si Jessica Jung.

"Kasalanan mo to Frances! Engot ka kasi!" wika ni Donghae sa dalaga.

"Ha?! Hindi ako engot! Ikaw! Bakit mo binigay yung bulaklak?" wika ni Frances.

"Eh mali ang bilang mo eh! Gusto mo itulak kita sa stage?" tanong ng binata.

"Eh sira ka pala eh!" wika ni Frances at pagkatapos ay bigla niyang sinuntok si Donghae sa mukha. Nagulat ang lahat ng Elfs at nagalit ang mga ito kay Frances. Pagkatapos ay nagsitakbuhan ang mga Elfs para sugudin ang dalaga.

"AAAAAAAH!" nagising na lamang si Frances. Panaginip lang pala ang lahat ng iyon.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
daebakexok
#1
Chapter 34: NICE ONE AUTHOR-NIM FIGHTING :)