Track 02: Mahirap Ang Tumaya

The One I Once Loved
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

[ Now Playing: Pagtingin by Ben and Ben ] 

 

 

"Nabalitaan mo na ba?" 

 

Thursday. 

 

Isang araw na lang bago ko makita uli si Irene, at parang kada linggo ang tagal ng pagitan between Thursday and Friday. 

 

Naiiyak na ako sa kabaklaan ko. 

 

Pero keri lang. 

 

"Ano yun?" tanong ko kay Wendy na kasama na si Joy at all times kahit na ilang subject lang naman ang kapareho niya dito (unlike me na 6 out of 8 subjects ang pareho kay mareng Wends), pero binalewala ko muna ang pagtatanong sa status nilang dalawa in favor of the new chika mula kay Wendy. 

 

"May something daw kay Suho tsaka Irene?" 

 

Lord. 

 

Parang gumuho ang kastilyong buhangin… 

 

Hays. 

 

Ano bang karapatan ko, eh sa isip ko lang naman kami nagdedate? 

 

"Weh? Girl, hindi na nga niya nakakatabi yun sa Psych since si Seulgi na katabi niya." defensive na tanong ni Joy, at umiling naman si Wendy doon. 

 

"Sis, isang beses lang naman natin kaklase si Irene. Balita ko, halos magkapareho si Suho tsaka si Irene ng class schedule pati subjects, so ‘di malayo na magkaron sila ng something, hindi ba?” 

 

Hindi.

 

Hindi ako papayag.

 

Hindi pwede!

 

“Malay mo naman, magkaibigan lang sila?” biglang sagot ko, at tinignan lang ako ng mapanghusga ni Joy habang si Wendy naman ay mukhang hindi napansin ang pagiging defensive nito.

 

"May point, pero malay mo din naman… Edi couple of the century sila, 'di ba?" sagot ni Wendy, at konti na lang at kukutusan ko na ang babaeng ito pero hindi ko nalang ginawa. 

 

Hindi worth it. 

 

Tsaka sino ba naman ako, 'di ba… 

 

Isang tangang nagmamahal sa' yo… 

 

ANG TAGAL MAG FRIDAY!!!!!! 

 

"Anyways, Seulgi Kang, may ibabalita nga pala ako sa'yo." nakangiting sabi ni Joy habang kita ko ang sobrang obvious na pagkawala ni Wendy sa mood. 

 

"Ano naman yan? Hoy, buntis ka ba—ARAY!" 

 

Sinamaan ko na lang siya ng tingin pagkatapos niya akong sapakin sa braso, at pansin ko naman na natawa si Wendy pero dahil kilala ko nga siya since freshman year, alam kong fake iyon. 

 

Don't me, sis. 

 

"May nanliligaw na sa akin!" nakangiting sigaw ni Joy habang napatayo pa siya in exaggeration, at napangiti naman ako dahil doon. 

 

"Sino 'yan? Si Wendy ba—ARAY! BAKIT BA ANG HILIG NIYO MANAKIT?!" inis na sabi ko dahil binatukan naman ako ngayon ni Wendy dahilan para mauntog ako sa table na nasa harapan ko, at tinawanan lang ako ni Joy dahil doon. 

 

"Gaga, 'wag ka nga magjoke! Kilala niyo ba si Hyo-seob?" todo ngiting pagkwento ni Joy, at isa lang ang narerecall ko na may ganun na pangalan—

 

"Si Shin?! Yung basketball player na laging benched nung first year tayo?!" gulat kong tanong, at natawa naman si Wendy nang samahan ako ng tingin ni Joy dahil sa description ko ng manliligaw niya. 

 

"Siraulo, 'wag kang basher! Nakakapaglaro na siya ngayon! Anyways, oo, yung Hyo-seob nga na yun. Mga two weeks na siguro?" nakangiting sabi ni Joy na sa sobrang saya ay naging living embodiment na siya nung Joy na character sa Inside Out. 

 

At si Wendy naman si Sadness. 

 

Naka blue na t-shirt pa naman siya, sobrang timely naman. 

 

"Ayos 'yan, sis. Para kapag nafufrustrate ka na kay Ma'am Terror, may maglalambing sa'yo." Natatawa kong sabi, pero hindi ko pa rin maiwasan na mapansin si Wendy na mukhang naging si Anger na bubuga ng apoy. 

 

"Late na tayo, tara na!" biglang sambit ni Wendy, ending the conversation right there as Joy is the first one to stand up, dragging Wendy with a smile patungo sa next classroom namin for the day. 

 

Nako. 

 

Nagwawangwang na ang gay radar ko sa'yo sis. 

 

Kausapin kita mamaya, Wends—

 

UY. 

 

"Irene?" 

 

Kumalas muna ako mula kela Wendy at agad na dinala ako ng mga

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
forgotme #1
Chapter 18: Grabe nman mapanakit..
Wala bang part 2 ung continuation 😁✌️
sluggiebearr
#2
Chapter 18: wtf did i just read 😭😭😭😭😭 ang sakit sakit ng puso ko sobra ano to
xantheaverielle
#3
Chapter 18: Sobrang sakit ng fic na 'to. Cried too much from reading this. So beautifully written and so painfully good. Made me realize so much. Thank you for this work, author!
Reveluvteddy #4
Chapter 18: This is really good. Hurt so good 💔
seulsbear
#5
Chapter 5: Ang ganda ng story na 'to! Nasa chapter 4 pa lang ako pero parang may ib-binge read ako ngayon😭

This story deserves more comments and reads! I'm guessing the reason why di gaanong kilala 'tong story na 'to even tho it's so good is because you didn't put a "seulrene" tag on its own sa description. I was only able to find this story through twitter :((
RVSone0105
888 streak #6
Chapter 5: Haist talaga seulrene!! Panindigan niyo rin ang kilig ko sa inyo, galawin niyo na ang barko juseyo 🥺 missed ko na kayo 😭
spagtitty #7
Chapter 18: Thank you so much for this masterpiece, author. I never knew I needed a beautifully written fic in my life. god im so glad dementia runs in my family and because of that i can read this again and again and again and experience catharsis 🧎🏻‍♀️
spagtitty #8
Chapter 14: ṣ̸̛̺̞̯̬̍̏̓̀̅̚̕e̶̘̤̪̟̭̰͑ư̵̳̱̥̙͆͐̌͋̂̈̈̅̍l̵̥̓͐̈́̓̌̃͂̅͝r̶̯͇̪͓͈̭̫̟̉͑͛̏̿̊è̶̛̙̙̭̖̦͐̀̓̐̓̓̇̀ņ̷̖͈̱͍͗́ê̵̬̗̪̫̆́̍͆͛͠f̷͈̹̜̦͍̱̉͐̉̅̈́̃̚͠l̵̫͂͗͆͌̈́̎̃̎͝ủ̶̡̡̻͈̠̤f̵̰̬͎͚͇̯̓̈́̌ͅf̵̡͓̙͕͓̞̳̞̀̍͋̚͜͜͝