Prologue: Hanggang Dito Na Lang Ba?
The One I Once Loved[ Now Playing: Kuwaderno ]
"Ayoko na," yun ang sabi mo.
Paulit-ulit itong tumatakbo sa isip ko, at hindi ko mapigilan ang magtanong, "Seryoso ka ba?" dahil alam kong hindi ito ang taong minahal ko.
Or are you?
Are you the same girl that I fell in love with?
"Mahal…" pagtawag niya, at hindi ko mapigilan ang ngumiti dahil kita ko sa mga mata niya, wala na.
"Mahal ang tawag mo sa 'kin," pagsimula ko, at nang tignan ko uli siya ay hindi na niya ako matignan ulit. "Pero hindi mo na ako mahal, 'di ba?"
Hindi ka nakasagot.
Nakatitig ka lang sa akin na parang nasa mukha ako ang salitang dapat mong isagot sa napakadami kong tanong, pero ni isang salita ay hindi ko narinig mula sa'yo.
"Ano, ganun na lang?" tanong ko ulit, pero pareho lang reaksyon mo; you're staring at me again, but not in the way I want it to be.
Hindi ka ulit nakasagot.
"Mukha nga…" I say, at kahit gusto kong hawak an ang mga kamay mo, kahit gusto kitang yakapin ng mahigpit, hindi ko magawa.
Mahal, bakit parang ang layo-layo mo na?
"Please…" pagmamakaawa ko, "Magsalita ka naman. Say anything. Curse me, hurt me, wala na akong pakielam. Say anything else, other than the silence you're giving me right now."
You purse your lips, and for the nth time this ni
Comments