Track 01: Isang Tingin Mo Lang

The One I Once Loved
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

[ Now Playing: Upuan ] 

 

 

Seulgi Kang ang pangalan ko.

 

Bachelor of Arts Major in Dance, currently in my third year, pero ngayon… 

 

Isa akong bading na nanganganib. 

 

"Seulgi, nakatitig ka nanaman." biglang pambasag ni Wendy Son, best friend ko since freshman year na laging pumipigil sa mga bad decisions ko—pati na ang pagtitig ko kay ate girl na nasa first row, dahil sis… 

 

Ang ganda ganda niya so much. 

 

"Pasensya na ha," sagot ko, at tinignan lang niya ako ng masama dahil sa susunod na sagot ko. "Maghanap ka din ng crush mo, para pareho tayong asado." natatawa kong sabi. 

 

"Gaga, wag mo ako idamay sa pagkadelusional mo. Tsaka sino ba 'iyang tinititigan mo?" tanong niya, pansamantalang itinitigil ang ginagawa niyang activity (na for sure ay kokopyahin ko mamaya, #MaabilidadNaBading) para hanapin kung sino ba ang tinitignan ko sa first row. 

 

"Seulgi," biglang seryosong sabi nito dahilan para bigla naman akong kabahan, "Sabihin mo nga sa akin… Si Taemin ba tinitignan mo?" tanong niya, dahilan para samaan ko siya ng tingin, with matching palo sa shoulder para kumpleto. 

 

Have I mentioned na ako pa lang ang nakakaalam na bading ako? 

 

Oh, well. 

 

"Anong si Taemin, gaga!" inis kong sabi, at medyo napalakas ata ang boses ko dahil ngayon ay nakatingin na ang halos lahat ng mga kaklase namin, ang teacher, si Taemin na halatang masaya na nabanggit ko ang pangalan niya—

 

At si Ateng Maganda na nasa first row, halatang curious dahil sa mga kaganapan. 

 

Napatingin nanaman ako. 

 

Ang ganda talaga—

 

NGINITIAN NIYA AKO???????? 

 

HALA NGUMITI SIYA TANGINA?????????? 

 

PUTANGINA—

 

"Miss Kang, since you're already laughing and joking around with Miss Son, I take it na tapos ka na sa activity na pinapagawa ko?" biglang basag ni ever so sungit Prof Sunny sa mga iniisip ko, pero imbis na mainis ako ay kinabahan sa sinabi niya. 

 

"Ah, Ma'am—" 

 

"Why don't you share it with the class?" sagot niya na may nakakalokong ngiti, at nang tignan ko ang papel ko ay wala pang laman na kahit isang letra… 

 

Pangalan ko pa lang ang nakalagay. 

 

"Ma'am, hindi pa po ako tapos—" 

 

"I volunteer to be the first to read po, Prof." 

 

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang tumayo si Ateng Maganda na hawak ang papel niya, at kita ko mula sa distansya naming dalawa ang maganda niyang sulat pati na ang mahahaba niyang mga sagot—kahit fourth row ako nakaupo, kitang kita ko ang kagandahan niya. 

 

Ng gawa niya pala, I mean… 

 

"The first question is—" 

 

"No need, Miss Bae." pagsabat ni Prof Sunny dahil nagsimula na agad magbasa si Ateng Maganda kahit na 'di pa nakakapagreply si Prof ng isasagot niya, "I was trying to prove a point, but thank you for your enthusiasm in this class. Tapusin niyo na iyan, lalo na ikaw, Seulgi." sagot ni Prof, at nakahinga naman ako ng maluwag nung pansamantalang lumabas ang tanging terror prof ko this year. 

 

"Boom, daserv. Gumawa ka na kasi, 'wag ka na tumitig kay Taemin!" Natatawang sabi ni Wendy, at hindi ko maiwasan ang samaan siya ng tingin habang pilit ko nang ibinabalik ang atensyon ko sa napakahirap na activity na ito, pero parang wala naman akong maisip na ilagay.

 

"Hindi nga ako kay Taemin nakatingin, gaga!" 

 

Slowly, I steal another glance—

 

And find her, the girl who saved me from that moment of embarrassment, the girl who’s beauty I could stare at all day, the girl who’s voice is prettier than anything else I’ve ever heard, I find that girl staring at me.

 

Nang mapansin niyang nakatingin na ako sa kanya ay umiwas na siya ng tingin, mindlessly scribbling on that piece of paper she has as if she’s pretending to finish the activity given to us, pero alam kong kanina pa niya natapos ang gawain na ito.

 

Hala, ‘wag mo akong titigan, is what I want to say to her, because I know well that if she stares at me…

 

Sis, ‘wag.

 

Baka mafall ako.

 

Tas di mo naman pala ako sasaluhin…

 

Aray.

 

Anyways, I diverted my attention from her and to this activity I have yet to answer one question out of, stealing peeks of Wendy’s paper ng mabilisan (kumukuha lang ako ng idea, bakit ba) para mapuno ko na ang mga patlang sa bonggang printed activity ni Prof Sunny, at sigurado akong may minus points ito dahil sa ginawa ko kanina.

 

“Teka, Seulgi, nanghihingi ng tulong si Joy sa akin,” biglang sambit ni Wendy at kinuha na ang papel niya mula sa kinalalagyan nito, dahilan para mapasimangot ako dahil malapit na talaga akong matapos sa ginagawa ko, at wala na ang kinokopyahan—este kinukuhanan ko ng inspirasyon. 

 

Paano na ito?

 

“Balik ka agad, Wends! Di pa ako tapos!” sabi ko, at tumango na lamang si Wendy bago dumiretso sa kinauupuan ni Joy Park, ang bestie ni Wendy na trip kong tawagin ng Ligaya para mang-inis. Tinaasan ko ito ng middle finger dahil inagaw niya si Wendy sa akin, at tinaasan niya naman ako pabalik habang nakangiti ng nakakaloko.

 

Hmm…

 

Kaya ko naman siguro ito, ano?

 

Let’s see…

 

Question number 8, Why are people addicted to finding someone as their companion?

 

Ha? Ano daw? 

 

Teka, bakit nga ba may subject akong psychology, eh dancer ang gusto kong kunin?

 

Pag sumayaw ba ako, kailangan irerecite ko ang fundamentals at theories ni Sigmund Freud?

 

Ay, ewan… wala talaga akong maisip na isasagot—

 

“Hey,” 

 

Parang bumaba ang mga anghel sa kalangitan nang marinig ko ang boses na iyon, at nang tumingala ako mula sa pagkakayuko ko para magsagot ay nakita ko ang isang anghel na nakangiti sa akin.

 

Lord, is this real life? Or is this just fantasy?

 

“I noticed you’re having difficulties with answering the activity,” she says, and I can’t help but stare at her longer than I should—hindi ko man lang namalayan na nakaupo na pala siya sa tabi ko, sa puwesto ni Wendy na wala palang umupo pagkatapos niyang umalis.

 

‘Wag ka na bumalik, Wends.

 

Hehehe.

 

“Ah… medyo lang naman… Extra units lang kasi talaga ‘to, tsaka ang fascinating din kasi ng Psychology for me although medyo mahirap…” sagot ko, at nginitian niya ako habang ang mga mata niya ay nakatingin sa papel kong puro bura at medyo lukot na dahil sa frustrations ko.

 

Tsaka kasi…

 

Nandito ka eh. 

 

Etong Psych class lang ang magkapareha nating class sa isang linggo, so kahit nagkamali ako ng check sa enrollment form ko, at least nakita kita, 'di ba? 

 

Hehehe. 

 

Seulgi bading. 

 

“Can I see?” she asks, at unti-unti akong nilamon ng hiya dahil nakaabot na ang kamay niya sa papel ko, but I tried to brush the sudden awkwardness and nervousness na bigla na lang sumulpot sa sistema ko.

 

“Luh, kokopyahan mo lang ako eh.” Pagjojoke ko, at napangiti naman ako nang marinig ko ang maliit niyang tawa, but no longer after that ay binigay ko na lang ang papel ko sa kanya, the girl then gazing at my paper. 

 

Grabe yung titig, madam. 

 

Parang lahat ng isinulat ko, mali… 

 

"Psychology isn't your main course?" tanong niya bigla habang may inuunderline siyang mga salita at isinulat sa tabi nito. Tumango na lang ako bilang sag

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
forgotme #1
Chapter 18: Grabe nman mapanakit..
Wala bang part 2 ung continuation 😁✌️
sluggiebearr
#2
Chapter 18: wtf did i just read 😭😭😭😭😭 ang sakit sakit ng puso ko sobra ano to
xantheaverielle
#3
Chapter 18: Sobrang sakit ng fic na 'to. Cried too much from reading this. So beautifully written and so painfully good. Made me realize so much. Thank you for this work, author!
Reveluvteddy #4
Chapter 18: This is really good. Hurt so good 💔
seulsbear
#5
Chapter 5: Ang ganda ng story na 'to! Nasa chapter 4 pa lang ako pero parang may ib-binge read ako ngayon😭

This story deserves more comments and reads! I'm guessing the reason why di gaanong kilala 'tong story na 'to even tho it's so good is because you didn't put a "seulrene" tag on its own sa description. I was only able to find this story through twitter :((
RVSone0105
878 streak #6
Chapter 5: Haist talaga seulrene!! Panindigan niyo rin ang kilig ko sa inyo, galawin niyo na ang barko juseyo 🥺 missed ko na kayo 😭
spagtitty #7
Chapter 18: Thank you so much for this masterpiece, author. I never knew I needed a beautifully written fic in my life. god im so glad dementia runs in my family and because of that i can read this again and again and again and experience catharsis 🧎🏻‍♀️
spagtitty #8
Chapter 14: ṣ̸̛̺̞̯̬̍̏̓̀̅̚̕e̶̘̤̪̟̭̰͑ư̵̳̱̥̙͆͐̌͋̂̈̈̅̍l̵̥̓͐̈́̓̌̃͂̅͝r̶̯͇̪͓͈̭̫̟̉͑͛̏̿̊è̶̛̙̙̭̖̦͐̀̓̐̓̓̇̀ņ̷̖͈̱͍͗́ê̵̬̗̪̫̆́̍͆͛͠f̷͈̹̜̦͍̱̉͐̉̅̈́̃̚͠l̵̫͂͗͆͌̈́̎̃̎͝ủ̶̡̡̻͈̠̤f̵̰̬͎͚͇̯̓̈́̌ͅf̵̡͓̙͕͓̞̳̞̀̍͋̚͜͜͝