Track 05: My Way Home

The One I Once Loved
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

[ Now Playing: Ride Home by Ben and Ben ]


 

Hindi talaga ako nakatulog, sis. 

 

Bukod sa ang sakit ng pwet ko dahil sa never-ending banat ni Joohyun kaninang madaling araw na naging dahilan kung bakit pumlakda ang pwet ko sa carpeted na sahig nitong kwarto ko, excited ako so much. 

 

Kaso huhuhu… 

 

Si Joohyun pa talaga nag-aya sa akin, ang lakas ko naman talaga. 

 

Dapat ako mag-aaya eh! Dinadahan-dahan ko lang naman talaga para sa aking peace and sanity, dahil baka pag dinirediretso ko eh baka maloka na ako so much. 

 

I mean, si Joohyun na iyan oh. 

 

Bakit pa ako hihindi???? 

 

Pero anyways, since hindi na rin naman ako nakatulog, ginamit ko na lang yung time para maghanap ng suitable na cafe para sa usapan namin ni Joohyun mamaya. 

 

Kung sa may Mandaluyong, ang layo… 

 

Sobrang lapit naman kung sa may univ lang kami magmeet… 

 

Ah, alam ko na, dito. 

 

Tama. 

 

After that was all done, alam ko naman na hindi ko ipagcocommute si Joohyun kaya naisip ko namang itext si Hyo-seob at nakiusap na manghiram ng tsikot sa mga kateammate niya, at may pumayag naman. 

 

Bambam Aguirre daw ang name nung teammate niya, kunin ko nalang daw sa may univ. Nagtatanong pa nga kung makakaiscore daw ako kaya nanghiram ng kotse, minura ko nalang siya nung tinawagan ko kanina. 

 

Anyways, ang pinakamalaking problema ko ngayon ay ang isusuot ko—sis, kahit magfull on tuxedo and suit pa ako para lang maimpress siya pwede pa, kaso napakaformal ko naman masyado noon. 

 

So I choose comfort, dahil alam ko namang malakas naman ang dating ko kahit nakasimpleng shirt and pants lang ako. 

 

Char. Ang yabang ko na masyado. 

 

Anyways, since 9 AM na din nang matapos akong magplano ng kung ano bang dapat planuhin, napagpasyahan ko nang maligo para makapaghanda na, pero bago pa man ako pumasok ng shower ay biglang nagring phone ko. 

 

Huh. 

 

Not a call, but a text. 

 

Joohyun ❤️ : Goodmorning, Seul! 

 

Shet, kinikilig ako. 

 

Pero di na ako nagpatumpik-tumpik pa, siyempre nagreply na ako agad. 

 

Seulgi <3 : Goodmorning Hyun!!!! Kamusta tulog? 

 

Joohyun ❤️ : Didn't get to. ur fault, u made me so excited kaya. 

 

Gago, parang mawawarak mukha ko sa pag ngiti. 

 

Seulgi <3 : SAME

                  Pero anyways, sunduin kita ng 10:30? 

                  Where do you live ba hehe

 

Joohyun ❤️ : Sa dorms ng univ :) 

                        unit 231, sa second floor yun ha

                        katok ka nalang tsaka don't mind my roommate, she's not really good with mornings eh

 

Seulgi <3 : okiiii

                  see you, Hyun :))))) 

 

Ibinaba ko na ang phone ko sa dresser ko at pumasok na sa loob ng shower, humming the tune of an unknown song habang nagsimula na akong maligo, clearly excited for our little date. 

 

Or hangout. 

 

Or whatever. 

 

Basta, extended Joohyun and Seulgi day today, hehehe. 

 

Pagkatapos kong maligo ay kinuha ko na ang phone ko pati na ang jacket ko for gentlewomanly purposes, checking the clock to be 9:50 before securely locking the door to my apartment. 

 

Joohyun, here I come. 

 

Kinikilig talaga ko. 


 

 

 

"Seulgi Kang?" 

 

Kaba ang bumalot sa sistema ko nang kumatok na ako sa Unit 231 at ibang babae ang nag bukas, mukhang antaray na parang galit na galit na kumakatok ako sa pintuan nila at 10:20 AM. 

 

"Ah… yes, Seulgi is my name. Ready na ba si Joohyun—" 

 

"Babe, a woman named Seulgi is here for you." the girl says, rolling her eyes as she left the door open for me to enter their little apartment, pero hindi ang pagtataray niya ang naging focus ko, kung hindi iyon. 

 

Babe? 

 

Babe daw???????? 

 

Bakit naman may pa-call sign sila… 

 

Hala, naiinggit ako. 

 

Dapat may call sign din kami… 

 

"Seul!" 

 

Nawala ang sobrang pag-overthink ko about that matter nang makita ko si Joohyun na lumabas mula sa isang kwarto, wearing a jeans and a shirt, and without knowing it nag match pala kami ng susuotin for today. 

 

"Matching clothes? So cheesy, babe." 

 

Babe nanaman. 

 

Umiiyak na yung tao oh… 

 

"You're scaring her, Jen." Natatawang sabi ni Joohyun habang isinusuot na niya ang sneakers niya, going well with that shirt and jeans combo on her—sobrang lakas talaga ng dating niya, well at least for me. 

 

"Take care, Joohyun. If this girl hurts you, call me, alright? I'll beat her up then take you out for ice cream." nakangiting sabi nung Jen, at natawa lang si Joohyun dito. 

 

"Baliw, no need for that. Seulgi, shall we go?" nakangiting sabi niya, at tumango na lang ako habang sumunod na ako palabas ng apartment nila, at napansin siguro ni Joohyun na tahimik ako kasi sinabayan niya yung pag lakad ko papunta sa parking. 

 

"Huy," naka ngiti niyang pag tawag sa akin. "Bakit nakasimangot ka? Is there a problem?" she asks, the pout settling on my lips even before I could notice na naka pout na ako. 

 

Shet, ang pabebe mo naman so much Seulgi… 

 

"Babe," I said, and na figure out ko na omg tinawag ko siyang babe dahil sa mukha niyang naging sobrang red bigla. 

 

"I-I mean, tinawag ka niyang babe. Kayo ba? Hala, gagawin mo ba akong kabit—" 

 

"Selos ka?" she suddenly asks, stopping all of my rambling as I shut up immediately, at turn ko na ang maging red na parang kamatis dahil grabe ang pagtitig niya sa akin, as if she's gauging my reactions. 

 

"M-Malamang," sagot ko na lang, at natawa naman siya habang papalapit na kami sa pinagparkingan ko nung kotse ni Bam. "A-Ang lala kaya ng mga banat mo sa akin, tapos baka taken ka na…" 

 

"I assure you, Seulgi," she says, and the smile on her lips says a lot about her dahil alam kong babanat nanaman siya—

 

"You're the only one." 

 

GAGO! 

 

PUTANGINA! 

 

MAMA, AYOKO NA! 

 

"Hala, hindi na nakasagot. Too much? Okay, I'll stop na—" 

 

"Hala, hindi… Pinoprocess lang nung utak ko, Hyun…" I said, kasi kahit naman nagshoshort-circuit na yung utak ko since kahapon at the days before, siyempre bakit ko siya papatigilin eh nag-eenjoy din naman ako? 

 

"Good to know, then. Teka, why are we in the parking lot? As I remember, wala ka namang kotse." she says, and the grin on my lips reappears as I dangle the car keys in front of her, press the button, and the alarm sounds on one of the cars. 

 

Lumapit na kaming dalawa sa kotse na nahiram ko for

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
forgotme #1
Chapter 18: Grabe nman mapanakit..
Wala bang part 2 ung continuation 😁✌️
sluggiebearr
#2
Chapter 18: wtf did i just read 😭😭😭😭😭 ang sakit sakit ng puso ko sobra ano to
xantheaverielle
#3
Chapter 18: Sobrang sakit ng fic na 'to. Cried too much from reading this. So beautifully written and so painfully good. Made me realize so much. Thank you for this work, author!
Reveluvteddy #4
Chapter 18: This is really good. Hurt so good 💔
seulsbear
#5
Chapter 5: Ang ganda ng story na 'to! Nasa chapter 4 pa lang ako pero parang may ib-binge read ako ngayon😭

This story deserves more comments and reads! I'm guessing the reason why di gaanong kilala 'tong story na 'to even tho it's so good is because you didn't put a "seulrene" tag on its own sa description. I was only able to find this story through twitter :((
RVSone0105
878 streak #6
Chapter 5: Haist talaga seulrene!! Panindigan niyo rin ang kilig ko sa inyo, galawin niyo na ang barko juseyo 🥺 missed ko na kayo 😭
spagtitty #7
Chapter 18: Thank you so much for this masterpiece, author. I never knew I needed a beautifully written fic in my life. god im so glad dementia runs in my family and because of that i can read this again and again and again and experience catharsis 🧎🏻‍♀️
spagtitty #8
Chapter 14: ṣ̸̛̺̞̯̬̍̏̓̀̅̚̕e̶̘̤̪̟̭̰͑ư̵̳̱̥̙͆͐̌͋̂̈̈̅̍l̵̥̓͐̈́̓̌̃͂̅͝r̶̯͇̪͓͈̭̫̟̉͑͛̏̿̊è̶̛̙̙̭̖̦͐̀̓̐̓̓̇̀ņ̷̖͈̱͍͗́ê̵̬̗̪̫̆́̍͆͛͠f̷͈̹̜̦͍̱̉͐̉̅̈́̃̚͠l̵̫͂͗͆͌̈́̎̃̎͝ủ̶̡̡̻͈̠̤f̵̰̬͎͚͇̯̓̈́̌ͅf̵̡͓̙͕͓̞̳̞̀̍͋̚͜͜͝