LMLY 8

Let Me Love You
Please Subscribe to read the full chapter

Winter’s

Nakarating na kami sa badminton center at may designated na spot na pagsstay-an ang players ng schools, medyo pa special lang kami kasi mas malawak space namin dahil nag babayad mismo ang school para daw maging comfortable kami.

 

Naglalakad na kami ni Rina papunta sa pwesto namin at di naman nauubos ang bumabati sa aming dalawa, medyo mayabang ata dating pero kilala talaga yung school namin pagdating sa sports kaya ganito nalang nila kami ituring. Medyo nagtagal pa kami dahil maraming nagpapapicture kay Karina, meron din naman nagpapapicture sa akin pero di kasing dami nung kay Rina. Madaming nagtatanong sakin kung sino na daw partner ko ngayon, alam kasi nilang last playing year na ni ate Yeri last year, nginingitian ko lang naman sila dahil sabi ni coach dahil gusto niya daw gulatin ang ibang schools mamaya kapag natawag na kami ni Karina as doubles.

 

Ryujin’s

 

Nakita ko si Winter at Karina na maaga pa ay nasstress na sa daming kumakausap at nagpapapicture sakanila, mapababae o lalaki lumalapit sakanila, si Winter di maipinta mukha kapag may nagpapapicture kay Karina na lalaki tapos akmang mang aakbay pa buti lumalayo si Karina busangot na busangot na kasi talaga mukha ng kaibigan ko, at mukhang hindi din nagugustuhan ni Karina yung pagbibigay nung mga girls kay Winter ng kung ano ano. Di ko mapigilang matawa sa pinag dadaanan nilang dalawa, sige kayanin niyo yan

 

“tingnan niyo yung dalawa oh stressed na” natatawa kong banggit kina Giselle

 

Napatingin naman sina Giselle sa tinuturo ko

 

“bakit walang nagpapapicture sainyo kanina?” tanong ko sakanila, alam ko kasing walang magpapapicture sa akin kasi bagong player lang naman ako

 

“they’re like that lang naman kay Winter and Karina, well sa boys din natin pero umiiwas kasi sila Haechan kaya di sila napapagkaguluhan”  mataray na sagot sakin ni Giselle

 

“pero bakit nga maraming nagpapapicture sakanila?” hindi ko maintindihan kasi kung bakit kailangan pagkaguluhan eh magkakasama naman kami nang ilang araw, pero teka  naproud naman ako bigla sa bestfriend ko, hindi ko kasi alam na ganito na pala siya kasikat pagdating sa badminton, alam ko namang nananalo sila lagi ng ka partner niya pero yung ganito na aabot na sa may magpapapicture na sakaniya? wow lang talaga

 

“because si Rina pretty tapos sobrang galing niya mag play, well ako din naman” nakita ata ni Giselle yung pag mmake face ko at inirapan niya lang naman ako at nagpatuloy na sa kaniyang sinasabi

 

“they look up to Rina pagdating sa singles and they look up to Winter pagdating sa doubles” bigla naman naging excited si Giselle “and now I’m curious na sa reaction nila later pag nakita nila na si Win at Rina ang mag partner”

 

“bakit nga pala ayaw ipaalam ni coach yung line up natin ngayong year sa iba?” (yung line up ay yung kung sino sino ang maglalaro ng single a,b at doubles sa isang team) kadadating lang nina Karina sa pwesto namin at siya na din ang sumagot ng tanong ko

 

“because the coaches are playing this kind of mind game hinuhulaan nila yung line up na gagawin ng ibang coaches, and if tama yung naiisip ni coach Nichkhun… yung dalawang nascout from laguna nung rival school natin, they’ll be playing doubles kasi they thought na hihina na ang doubles natin ngayong year just because nag graduate na si ate Yeri at hindi pa gamay masyado ni ba-“ napatigil naman si Karina at napatingin kay Winter namumula, pero bago pa kami maka react nagpatuloy siya sa sinasabi niya

 

“na hindi pa gamay masyado ni Winter yung bago niyang partner, not knowing na ako yun. And dahil nakapag submit na din ng line up ang mga coaches para sa division meet (yung sunod nilang lalabanan pagkatapos ng uscaa) they can’t change the lineup na , kaya yung line up ng schools na makakalaban natin ngayon yun na din yung line up nila for our upcoming meets” mahabang paliwanag ni Karina, oohhh ganon pala yun pero may narinig ako kanina eh ba- daw eh… baby? Aba aba hintayin ko nga si Ning bago ko kausapin tong si Winter may hindi ata nasasabi saamin eh pero mamaya ko na iisipin sina Winter bigla kasi akong kinabahan para sa laro ko

 

“paano kung mali si coach?” tanong ko ulit

 

“then we’re doomed because kung hindi nga magdoubles yung na scout nung rival school natin, that only means that tayo makakalaban nila” sabi ni Giselle na mas nagpakaba sa akin

 

“hala ka boss Giselle kinabahan ang rookie natin oh” sabi ni Haechan na kakabalik lang galing sa court, pwede kasi naming gamitin ang courts habang di pa nagsstart ang games

 

Napatingin naman sakin si Giselle at apologetic na ngumiti “I’m sorry Ryu I didn’t mean to ruin your confidence” nginitian ko naman siya bilang sagot

 

“let’s not think of that muna, one game at a time just do our best in every game and remember that every game is a championship game” seryosong sabi samin ni Karina

 

“yes capt” sabay sabay naming sagot, medyo nakakatakot talaga si Karina kapag captain mode na siya, hindi kasi niya nagustuhan yung pagiging nega ni Giselle kanina

 

Si Karina parin ang captain namin ngayong uscaa pero sa sunod na meets na sasalihan namin ililipat ni coach kay Winter ang pagiging captain kasi daw hindi na makakapag focus si Karina sa badminton, ngayong uscaa kasi wala pa games ang vball, next week pa sila kaya wala pa conflict sa sched ni Karina, hindi ko lang alam kung paano kapag nagkasabay ang game niya dito at sa vball paniguradong malaking problema yon.

 

Winter’s

Pagkatapos ng opening ceremony pinatawag ang mga captain ng bawat team para sa pagpapasa ng lineup at para sa short meeting na din, habang hiniintay namin ang pagsstart ng games dumating si Yeji at Ning

 

“manonood pala kayo?” tanong ko sa dalawang bagong dating

 

“ay hindi Winter hindi” pilosopong sagot ni Ningning habang nginitian lang naman ako ni Yeji

 

“bakit naman ang aga aga pa ang init na agad ng ulo mo?” natatawa kong tanong kay Ningning

 

“eh kasi ikaw may utang kang kwento samin, go kwento”

 

Lumayo muna kaming tatlo nina Ryujin kina Yeji para makapag kwento ako

 

“so Winter ano yung nabalitaan kong inaya mo daw si Karina mag dinner?” tanong ni Ning

 

“ay talaga ba Win?” hindi makiwalang tanong ni Ryujin

 

“si Rina nag aya” paglilinaw ko

 

“ahh well oo nga naman di mo naman kakayanin na alukin mag dinner si Karina sa bagal mong yan?” sabi ni Ryujin, natatawa naman si Ning pero agreeing agree  siya

 

“kaibigan ko ba talaga kayo?”

 

“oo naman tol so ano nga ano nangyare?” excited na tanong ni Ryujin

 

“nag usap kami tapos nagkaaminan na din na we like each other”

 

“ikaw ba yung naunang umamin?” tanong ulit ni Ryujin

 

“ah si Rina pero aamin na naman talaga ako naunahan niya lang ako” nagtaka ako nang napatayo pa si Ningning habang pumapalakpak

 

“Ryujin pay up” huh?

 

Defeated namang napa kuha ng wallet si Ryujin “oo na Ning ito na”

 

“pinag pustahan niyo ba kami?” hindi makapaniwala kong tanong sakanila

 

“oo tol pusta ko nasayo eh, binigo mo naman ako

 

“anong pustahan ba yan?”

 

“kung sino yung mauuna mag confess sainyo” sagot naman ni Ningning na ngiting aso ngayon

 

“anong klaseng kaibigan ba kayong dalawa? Pinag pustahan niyo talaga ako”

 

“oo ganun talaga tol eh nangangailangan” sira ulo talaga tong mga to eh

 

“so you’re in a relationship na?” tanong ni Ning

 

“ah eh hindi pa?”

 

“ha?!” sabay na sigaw nilang dalawa na halos pagtinginan na kami ng mga tao kaya agad ko silang sinaw

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Domdomdim
2k subs na lmly 🥺

Comments

You must be logged in to comment
httpdaniyoo #1
Reread🤩
Enterusername_here
#2
Chapter 57: At ayun, tapos ko na naman ireread :)
bigboy123
132 streak #3
reread~ 🙃🙃
CincoYoo
#4
mag reread ang bading
jaangwaang
887 streak #5
Chapter 1: Acckkkkkk accla hahahaha
Topkangseul
#6
Chapter 57: Tapos ko na ireread same parin kilig ko sa kanila❤️❤️
Topkangseul
#7
Chapter 32: D ko rin gets jk
maxiclaine #8
Chapter 57: edi sanaol?
Enterusername_here
#9
Chapter 57: Natapos ko na naman :((((
arkiminjeong
#10
Chapter 57: Reread the last special chapter because why not. Namimiss ko na sila. 🥹