Special Chapter 2

Let Me Love You
Please Subscribe to read the full chapter

 

“Mahal tara na malalate ka na” ihahatid ko kasi siya sa airport, ngayon ang alis nila papunta sa Singapore.

 

“Wait lang love, parang gusto mo na ako paalisin agad”

 

Natawa naman ako, kung ano-ano talaga ang naiisip ni Rina.

 

“Ilalagay ko na ang gamit mo sa sasakyan ha?” Palabas na sana ako nang marinig ko siya.

 

“Love, I can’t find my passport”

 

Hay nako ang baby ko… pinuntahan ko naman siya agad sa kwarto.

 

“nasa drawer lang ‘yun” sabi ko at binuksan ang drawer, kinuha ko ang passport niya at pinakita sa kaniya.

 

“I swear wala ‘yan dyan kanina” sagot niya

 

Napailing na lang ako.

 

I looked at her habang nag aayos, ang ganda talaga ng baby ko.

 

“You’re staring” pagpansin niya.

 

Lumapit ako sa kaniya, I kissed her cheek then I hugged her from behind.

 

“You’ll miss me I know” pang aasar niya sa akin.

 

“Ako hindi mo ako mamimiss?” Pagiinarte ko.

 

“Of course I’ll miss you, my love” sabi niya at sumandal lalo sa akin.

 

Ganito talaga kami, medyo baduy madalas.

 

As much as gusto ko pa siya yakapin, baka malate na siya 

 

“Babe kailangan na talaga natin umalis” 

 

“Okay I’m ready na”

 

 

Nasa airport na kami, gusto ko pa sana siya ihatid sa loob pero ayaw niya.

 

Ayaw niya talaga magpahatid tuwing aalis siya ng bansa, kasi daw baka maiyak siya.

 

Cute talaga.

 

“Take care, Rina ha?”

 

“Yes, love. Ikaw rin ‘wag masyado magpapakapagod” tumango naman ako

 

“Ikaw rin, make sure na kakain ka parin kahit pagod ka na sa training” nakangiti siyang tumango sa akin.

 

“I have to go na… I’ll miss you and I love you”

 

Hinila ko siya para mahalikan “i love you too”

 

Bumaba na ako ng sasakyan para tulungan siya sa gamit niya…

 

Pinagmamasdan ko siya habang naglalakad palayo, masaya siyang kumaway sa akin bago tuluyang pumasok, i waved at her din.

 

Hayy mamimiss ko ang baby ko.

 

 

One week na sina Rina sa SG, gabi gabi kaming magkausap, pero hindi ko din masyado pinapatagal kasi alam kong pagod siya, kailangan niya magpahinga.

 

Nanonood ako ng game nila, livestream lang muna hindi pa kasi ako makaalis. Ang plano namin ni Rina na pupunta akong SG sa anniv namin para macelebrate namin nang magkasama.

 

Sobrang dikit ang laban nila.

 

Match point na ang kalaban, lamang sila ng dalawa kina Rina.

 

Si Rina ang magsserve.

 

Ang crucial pa ng napatapat sa kaniyang time para mag serve.

 

Halatang kinakabahan si baby.

 

At ayun nga… nag outside ang service niya.

 

Kitang kita kung gaano siya kadisappointed sa sarili niya.

 

Hay.

 

Ang bigat naman talaga sa loob nun.

 

Nagmadali na akong mag ayos, pupunta akong SG ngayon na… alam kong kailangan niya ako.

 

 

Halos 4 hours din ang byahe papunta dito, tinawagan ko agad si Ning.

 

Ang sabi niya nasa dinner daw sila ngayon pero hindi sumama si Rina sa kanila, for sure nasa hotel na siya, nagbababad sa bathtub. Ganun siya pag nalulungkot.

 

Parating na ako, mahal.

 

… 

 

Nagsstay na si Rina sa hotel na pinabook namin, dito kasi kami magcecelebrate ng anniv namin.

 

May flowershop malapit sa may hotel kaya bumili ako ng favorite niyang tulips makakatulong din ‘to para macomfort ko siya.

 

Binigay sa akin ni Yeji ang extrang key card ng room namin, binigay daw kasi sa kanila ni Rina para makapasok sila anytime sa kwarto in case na hindi siya magising para sa training nila.

 

Nakapasok na ako

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Domdomdim
2k subs na lmly 🥺

Comments

You must be logged in to comment
httpdaniyoo #1
Reread🤩
Enterusername_here
#2
Chapter 57: At ayun, tapos ko na naman ireread :)
bigboy123
134 streak #3
reread~ 🙃🙃
CincoYoo
#4
mag reread ang bading
jaangwaang
888 streak #5
Chapter 1: Acckkkkkk accla hahahaha
Topkangseul
#6
Chapter 57: Tapos ko na ireread same parin kilig ko sa kanila❤️❤️
Topkangseul
#7
Chapter 32: D ko rin gets jk
maxiclaine #8
Chapter 57: edi sanaol?
Enterusername_here
#9
Chapter 57: Natapos ko na naman :((((
arkiminjeong
#10
Chapter 57: Reread the last special chapter because why not. Namimiss ko na sila. 🥹