LMLY 10

Let Me Love You
Please Subscribe to read the full chapter

Winter’s

 

Kinabukasan maaga ako pumunta kina Karina dahil sabi nga ni tita sabay na ko sakanila mag breakfast pero pagdating ko dun sabi ni tita tulungan ko daw siya magluto pero ang ending ako nalang din nagluto kasi dinaan niya ako sa chika.

 

“How’s your game naman Winter? Kayo na pala ni Rina” nagulat naman ako sa sinabi ni tita

 

“po?!” medyo natakot ako kasi seryoso lang na nakatingin sakin si tita

 

“ma-manliligaw p-palang po” nagpapanic kong sagot, pinagpapawisan na ko dito kasi di parin siya nagsasalita, ilang seconds pa nang biglang humagalpak ng tawa si tita

 

“you should’ve seen your face Winter pero what I meant is kayo na pala… ang doubles” napatulala nalang ako sa niluluto ko kasi di ako makapaniwala na napagtripan din ako ng nanay ng gusto ko, may pinagmanahan naman pala si Rina, di parin ubos tawa ni tita kaya hinayaan ko muna siya

 

“sorry anak you’re so funny kasi” sabi niya nang makabawi na sa pagtawa niya “anyway when will you tell my daughter na manliligaw ka?”

 

“pagkatapos po sana ng uscaa”

 

“oh okay uso pa pala ang panliligaw ngayon?” since nasabi ko na naman sa mom ni Karina na manliligaw ako magpaalam na din ako

 

“opo, okay lang po ba sainyo?”

 

“ofcourse bakit naman hindi? Kung ako nga masusunod I want na kayo na agad eh pero if gusto niyo pahirapan pa sarili niyo the go” wow ang speed naman ng mom ni Karina talaga  “you have my blessing Winter”

“thank you po tita”  sakto naman na natapos na ko magluto  “tita okay na po ito gisingin ko na po ba si Rina?”

 

“ay Winter I think ako nalang kasi Rina’s , wala pa naman siguro kayo sa level na ganun right?” nginitian niya ko bago umalis at namula na naman ako nang sobra sobra

Ay opo tita kasi di pa nga po ako nakakapagsimula manligaw  nakakaloka naman talaga si tita kailangan niya ba talaga sabihin yun? Grabe mas malala pa pala si tita kay mama mang asar.

 

Ayaw ko na isipin kasi kung ano ano pumapasok sa utak ko, bad Winter bad!

 

Naghahain ako ng mga naluto ko, ang dami naman ng pinaluto ni tita mauubos ba naming to? Napansin ko may extra dalawang plates sa table, may kasabay pa ba kami kumain akala ko kami lang tatlo, naputol pagiisip ko nang may biglang nag back hug sakin

 

“goodmorning” bulong niya sakin habang naka hug pa, agang kay saya naman talaga

 

“goodmorning din kain na tayo”

 

“pinahirapan ka ba ni mom?” OO KARINA KUNG ALAM MO LANG, pero yung pagluluto naman tinutukoy ni Rina

 

“hindi naman” sagot ko, bumitaw na siya sa hug niya sakin kasi pababa na ang mom niya

 

Naalala ko yung extrang plates kaya I asked her about it

 

“oh pauwi na si dad at si ate, morning kasi tapos ng shift nila” sagot sakin ni Rina habang umuupo sa pwesto niya

 

Oh my god, hindi ako ready at nagpapanic na ko, napansin naman ito ni Karina kaya bahagya siyang natawa at nilapitan ako ulit

 

“don’t worry Win I’m here naman and I’m sure magugustuhan ka nila” she assured me habang pinapaupo ako sa tabi niya

 

Hindi nagtagal dumating na dad ni Karina sa table, agad naman akong tumayo at bumati

 

“o we have visitor pala, what’s your name?” sabi ng dad ni Rina

 

“W-winter po”

 

“nice name, upo ka na Winter”

 

“t-thank you po” bakit ba ako nauutal , nakakahiya

 

“goodmorning mom.. dad… goodmorning bunso” biglang dating ng ate ni Rina at nag beso kay tita at Rina, grabe sobrang ganda as in sobra talaga, napatulala ata ako sa ate niya kasi naramdaman ko mahinang kurot sakin ni Rina tapos pag harap ko sakaniya sinamaan ako ng tingin

 

“goodmorning din ate,  si Winter pala” tiningnan naman ako ng ate ni Rina nang walang emotion kaya yung kaba ko kanina naging triple na kasi naman sobrang ganda niya pero mukhang mataray din

 

“Irene stop scaring Rina’s friend” saway ng dad nila, thank you po tito, napainom naman ako ng tubig para kumalma

“oh honey she’s Rina’s suitor” yung tubig muntik na umexit sa ilong ko at nagkasamid samid na ko dito, hinahagod naman ni Rina likod ko, napaharap naman ako sakaniya at nakita kong namumula din siya, di ko alam kung nalimutan lang ni tita na hindi pa ako nakakapag sabi kay Rina

 

“really?” sabay na tanong ng dad ni Rina

 

“yes po sir”

 

“you can call me tito, Winter don’t be too formal”

 

“nagpaalam siya kanina sa akin honey, okay lang ba daw siya manligaw kay Rina, for me okay lang naman, sayo ba?”

 

“okay lang din sakin kung san masaya si Karina” nginitian naman ako ni tito na sinuklian ko din naman ng ngiti, unti unti nang nawawala ang kaba ko nang  

 

“Winter si ate Irene”

 

“nice to meet you po ate”

 

“nice to meet you too Winter, so you’re courting my sister pala?”

 

“o-opo” yung kaba ko bumalik na naman

 

“bunso send me her address”

 

“why ate?” tanong ni Rina

 

“so that alam ko kung saan ko siya pupuntahan pag sinaktan ka niya” sinaway naman siya ni tita at ni Rina, mukhang nagbibiro lang naman si ate Irene but I want to tell her something

 

“I can’t promise you na di po masasaktan si Rina pero I’ll do my best to take care of her po” napangiti naman si ate Irene sa akin

 

“okay that’s good” sagot ni ate

 

“let’s eat na baka ma-late sila sa game nila ngayon” sabi ni tita

 

Nagkwentuhan pa kami habang kumakain, naging masaya naman ang breakfast ko with her family mababait silang lahat and na invite pa nila ako na dumalaw sa bahay nila madalas.

 

“so you’re courting me pala?” sabi sakin ni Rina while I was driving

 

“magsasabi palang sana ako sayo kaya lang naunahan na ko ni tita” I said habang natatawa

 

“si mom talaga loka loka” natawa naman kaming dalawa “but Winter you don’t have to court me naman”

 

“but I want to Rina, I want to prove myself to you first”

 

“that’s so sweet Winter pero are you sure ba? Because sasagutin na kita now na” hay nako talaga tong si Rina di makapag hintay eh

 

“Rina naman eh puro kalokohan”

 

“I’m serious bakit pa kasi natin patatagalin diba? We like each other naman” di ako agad nakasagot kasi may point naman siya

 

“pero Rina kasi na-“ di na niya ako pinatapos

 

“and I want na may karapatan na ko ipagdamot ka sa mga nanlalandi sayo, Winter Kim please be my girlfriend” sakto naman na traffic kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na tumingin sakaniya

 

“sure, girlfriend” i answered her, we smiled and hugged each other nang humiwalay ako sa hug niya I held her face and kissed her forehead, I’m looking at her lips at unti unti nang lumalapit nang biglang binusinahan na kami ng nasa likod namin kaya nagmamadali akong lumayo sakaniya

 

Natawa naman ako sa pagdadabog ng girlfriend ko hay ang sarap naman sabihin nung word na girlfriend ang saya lang isipin na yung crush ko for six years girlfriend ko na ngayon.

 

I looked at her at natawa sa itsura niya inis na inis kasi siya kaya I reached for her hand and kissed it while driving, unti unti naman siyang napapangiti at naglayo ng tingin sa akin, sus kilig na kilig naman sakin tong girlfriend ko

 

Puma

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Domdomdim
2k subs na lmly 🥺

Comments

You must be logged in to comment
httpdaniyoo #1
Reread🤩
Enterusername_here
#2
Chapter 57: At ayun, tapos ko na naman ireread :)
bigboy123
132 streak #3
reread~ 🙃🙃
CincoYoo
#4
mag reread ang bading
jaangwaang
887 streak #5
Chapter 1: Acckkkkkk accla hahahaha
Topkangseul
#6
Chapter 57: Tapos ko na ireread same parin kilig ko sa kanila❤️❤️
Topkangseul
#7
Chapter 32: D ko rin gets jk
maxiclaine #8
Chapter 57: edi sanaol?
Enterusername_here
#9
Chapter 57: Natapos ko na naman :((((
arkiminjeong
#10
Chapter 57: Reread the last special chapter because why not. Namimiss ko na sila. 🥹