LMLY 16

Let Me Love You
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Maaga ako pumunta kina Karina kasi ipagluluto ko siya ng breakfast nalaman ko kasing hindi na siya nakakapag breakfast kasi nalalate daw siya ng gising sa sobrang pagod

 

Nainis naman ako sa sarili ko kasi bakit hindi ko man lang nachecheck kung kumain na ba siya

 

Pagkadating ko sakanila kadadating lang din ni tita

 

“goodmorning po tita”

 

“goodmorning anak, you’re early ah?” 5 am lang kasi pero tama lang tong dating ko kasi medyo mabagal gumalaw si Rina

 

“ipagluluto ko po kasi ng breakfast si Rina, kayo po tita may gusto po ba kayo kainin?”

 

“si Rina nalang anak ipagluto mo, I’ll sleep muna baka lunch na ko magising”

 

“ah sige po tita”

 

“I’ll go na sa taas anak ha? Use mo na lahat ng kakailanganin mo ikaw na bahala” nagpasalamat naman ako at tumaas na siya

 

Tahimik lang naman akong nagluluto dito… syempre ako lang naman dito diba

 

Natapos na ko magluto kaya tumaas na ko para gisingin ang girlfriend ko

 

Pagkarating ko sa kwarto ni Rina agad akong lumapit sakaniya

 

“Rina…baby” habang mahinang pina-pat ang balikat niya

 

“babe?” halata ang pagkabigla niya

 

“goodmorning baby” bati ko sakaniya

 

“goodmorning, I didn’t know na pupunta ka” I kissed her forehead

 

“pinag luto kita ng breakfast babe kain na tayo?”

 

“thank you baby pero please give me five minutes”

 

“baby lalamig yung food”

 

“please baby? And tabihan mo muna ako” sabi niya habang gumagalaw para mabigyan ako ng space sa kama

 

“hug babyyy” bumigay naman ako agad sa request ni Rina kasi namiss ko din siya, kulang na kulang talaga yung time namin magkasama ngayon dahil pareho kaming busy

 

Agad naman akong tumabi sakaniya at niyakap siya, I let her sleep ng ilang minutes bago ko siya ulit ginising

 

“babyyy wake up na”

 

“five minutes” pagkasabi niya nun ay sumiksik siya sa leeg ko

 

“baby lalamig na yung food” tamad na tamad na tumayo si Rina

 

“be quick ha? wait kita sa baba”

 

Pagkababa na Rina

 

“why didn’t you tell me na pupunta ka baby?”

 

“ayaw mo nun surprise?”

 

“sayang kasi baby nag damit pa ko natulog” ang aga pa Karina parang awa

 

“kumain ka na Rina gutom lang yan” tinawanan naman ako ni Rina at umupo na sa harap ko

 

“anyway natake mo na lahat ng missed tests mo?” tanong niya

 

“yes tapos sa mga projects naman ipapasa ko nalang yung tatlo mamaya then I’m done na sa lahat, ikaw ba nakahabol ka na?”

 

“yes medyo I’ll go sa school later, may itatake akong test”

 

“after ng game niyo?”

 

“yes nagpaalam na ko kay coach” tumango naman ako “babe are you going to watch our game?”

 

“of course babe”

 

Pagkatapos namin kumain, tumaas na siya para maligo at mag ayos

 

Nakipag talo pa siya sakin kasi gusto niya ko tulungan sa pag liligpit ng pinag kainan namin pero hindi na ko pumayag kasi baka malate siya

 

Naglaro muna ako ng codm habang hinihintay ko si Rina matapos

 

Nakakadalawang game na ako at hindi parin tapos si Rina, isang oras na siya dun

 

Napailing nalang ako kaya naman pala hindi na makapagbreakfast eh, mom na din niya kasi naghahatid sakaniya papunta sa venue kasi daw masyadong hassle sa akin kung akopa maghahatid sakaniya, wala lang naman yun sakin pero ayaw pumayag ni Rina

 

Hindi na ako naglaro pagkatapos nung pangalawang game sa cod kasi baka matapos na si Rina kaya nag sscroll nalang ako sa twitter nang may nag door bell

 

Agad akong lumabas at tiningnan kung sino yung nasa labas at nagulat ako nang makita ko si Heejin

 

Ano ginagawa nito dito?

 

Lumapit ako sa may gate at pinag buksan siya

 

“uy hi Winter goodmorning” tumango naman ako sakaniya hindi parin ako makapag salita sa gulat at pagtataka

 

“si Karina?” tanong niya sakin

 

“bakit?”

 

“baka kasi gusto niya sumabay ulit sakin”

 

Ulit?

 

Bakit walang nabanggit si Karina sakin?

 

“ah Heejin ako na kasi mag hahatid sakaniya eh, sabihin ko nalang kay Karina na dumaan ka”

 

“ah ganun ba?” nalungkot naman siya

 

“babe? ” napasilip naman si Heejin sa likod ko at nakita niya si Rina sa may pinto

 

“b-babe? Girlfriend mo si Karina?” tumango naman ako

 

“naku I’m so so sorry Winter hindi ko talaga alam” nginitian ko lang naman siya, wala naman talaga siyang kasalanan hindi naman niya alam

 

“Heejin? What are you doing here?”

 

“napadaan lang ako Karina akala ko kasi wala ulit maghahatid sayo” kita ko naman ang lungkot sa mga mata niya “una na ko, see you later Karina” nagtataka naming nagpaalam si Rina

 

Pagkaalis ni Heejin hindi ko alam kung pano ko kakausapin si Karina

 

“I’ll wait for you sa car” hindi ko na siya hinintay sumagot at pumunta na ko sa sasakyan

 

Bakit hindi niya sakin nasabi yung tungkol kay Heejin?

 

Hindi nagtagal lumabas na ulit si Rina kita sa mukha niya ang pag aalala

 

Pagkapasok niya ng kotse hinintay ko lang na makapag lagay siya ng seatbelt at walang sabi sabi na pinaandar ko na ang sasakyan

 

Matagal na walang nagsasalita sa amin

 

Hanggang sa hindi na ata nakatiis si Karina

 

“baby are you mad?”

 

“I’m not mad it’s just that bakit hindi mo sinabi sakin?”

 

“I forgot kasi sobrang busy ko that day and si mom nun hindi agad nakauwi kaya mag cocommute sana ako pero sakto na dumaan si Heejin habang naghihintay ako ng masasakyan”

 

“you should’ve called me”

 

“sorry love hindi din kasi aabot pag nagpa sundo pa ko sayo, malalate na ko sa game ko”

 

Hindi na ako sumagot kasi naiinis parin talaga ako, sa dinami dami ng makakasabay niya si Heejin pa talaga?

 

Mukhang naiinis na si Rina sa pananahimik ko

 

“are we really going to fight over this?”

 

“hindi naman tayo nag aaway, I’m just annoyed na hindi mo sinabi sakin, hindi naman basta basta lang eh kasi si Heejin yun, may gusto yun sayo”

 

“how many times do I have to tell you na I forgot nga kasi” siya pa talaga ang galit

 

“sobrang nakakapagtaka lang kasi na coincidence lang na nakita ka niya nung araw na yun”

 

“so you think na I’m lying?”

 

“hindi ako ang nagsabi niyan” humarap ako kay Karina at parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko

 

Hindi na din siya umimik hanggang makarating kami sa venue

 

Pagkapark ko lumabas na agad siya ng kotse nang hindi man lang nag paalam sa akin

 

“great just great”

 

Wala naman akong gagawin sa school at mamayang hapon pa yung training namin kaya pumunta muna ako kay Lia magkapareho naman venue nila

 

Nanood lang muna ako habang nagpapabalik balik sa pool si Lia, grabe sobrang bilis niya

 

May propeller kaya siya sa paa?

 

Solo pa niya pool ngayon dahil mamaya pa magsstart mga games nila kaya wala pa din masyadong tao dito sa pool area

 

After ilang minutes at natapos na din siya, nakita naman niya ako agad at lumapit sa akin

 

“o why are you here?” di ata maganda gising nito ah

 

“goodmorning din sayo Lia” inirapan naman niya ako “bakit ang init naman ata ng ulo mo?”

 

“diba yung sa Canada ko, they told me na pwede ko muna tapusin ang uscaa bago ako pumunta dun pero kanina coach called me pinapapunta na nila ako dun ngayong week”

 

“kalian ba tapos ng games niyo?”

 

“next week, dapat kasi ngayon ang tapos nun kasi diba I told you na two weeks nalang before ako umalis pero nag bago kasi ang start ng games ng swimming kaya nagulo sched ko”

 

“so ano pipiliin mo?”

 

“nakapag promise na ko sa team ko na I’ll be with them hanggang matapos ang uscaa, bahala na yung sa Canada”

 

“are you sure? Lia malaking offer yung sa Canada”

 

“I’m sure Winter I won’t let my team down tatapusin ko ang USCAA with them, at isa pa I’m their captain hindi ko sila iiwan nang ganun ganun lang” humanga naman ako sakaniya grabe yung pagmamahal niya sa team niya, sobrang laking opportunity yung mawawala sakaniya if ever

 

“eh ikaw bakit parang sad ka?”

 

“nag away kasi kami ni Rina”

 

“wait kayo na?!” tumango naman ako “why didn’t you tell me?”

 

“sorry na busy tayo sa games diba”

 

“still dapat nag message ka nalang” she rolled her eyes “oh so why nga kayo nag away?”

 

Kinwento ko naman sakaniya nangyare kanina

 

“Min hindi kayo nag away, inaway mo siya” napaisip naman ako, oo nga no? “because nagpaliwanag na naman siya kung bakit hindi niya nasabi sayo”

 

“ano gagawin ko?”

 

“go apologize sakaniya, and advice lang wag ka magpapadala sa selos especially na you know naman how much Karina likes you”

 

“thank you talaga, naging sobrang tanga ko pala kanina”

 

“yes medyo, magtraining na ko ulit habang solo ko pa yung pool”

 

“Lia may propeller ka ba sa paa? Sobrang bilis mo kasi o pinaglihi ka ni tita sa tilapia?”

 

“Winter sa dinami daming isda bakit naman tilapia? Dyan ka na nga!” tinawanan ko lang naman siya kasi nagdadabog pa siya habang naglalakad

 

“dahan dahan baka madulas ka!” humarap naman siya ulit sakin

 

“and Winter they usually use ‘sharks’ when referring to a swimming team you stupid” at tuluyan na nga siya ulit nag dive

 

Ayaw ko ng shark ang scary kaya nun

 

Pagtingin ko sa oras malapit na pala magstart ang game ni Karina kaya pumunta na ako agad sa arena

 

Pagkarating ko dun nakitako silang nag wa-warm up halatang wala sa mood si Karina

 

Hay nako Winter sobrang tanga mo talaga

 

Agad akong lumapit kina Ryujin buti pinag save nila ako ng upuan, malapit din yung upuan namin sa pwesto ng mga players

 

“o Winter bakit ngayon ka lang? kanina ka pa hinahanap ni Karina”

 

“kinausap ko lang si Lia”

 

“nag away ba kayo ni Rina?” tanong sakin ni Giselle

 

“hindi naman away pero hindi kami okay kanina nung hinatid ko siya dito”

 

“kay

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Domdomdim
2k subs na lmly 🥺

Comments

You must be logged in to comment
httpdaniyoo #1
Reread🤩
Enterusername_here
#2
Chapter 57: At ayun, tapos ko na naman ireread :)
bigboy123
138 streak #3
reread~ 🙃🙃
CincoYoo
#4
mag reread ang bading
jaangwaang
891 streak #5
Chapter 1: Acckkkkkk accla hahahaha
Topkangseul
#6
Chapter 57: Tapos ko na ireread same parin kilig ko sa kanila❤️❤️
Topkangseul
#7
Chapter 32: D ko rin gets jk
maxiclaine #8
Chapter 57: edi sanaol?
Enterusername_here
#9
Chapter 57: Natapos ko na naman :((((
arkiminjeong
#10
Chapter 57: Reread the last special chapter because why not. Namimiss ko na sila. 🥹