LMLY 17
Let Me Love You
Start na ulit ng games
Malapit na yung game namin ni Karina at hindi parin siya sumasagot sa tawag nila coach
Kanina pa din ako pinapagalitan ni coach
Halatang hindi na din mapakali ang team namin
Pero ako kalmado lang
I know na makakarating si Rina
Sunod na ang game namin dito sa naglalaro ngayon sa court
Palapit na nang palapit matapos yung game at unti unti na din akong nawawalan ng pag asa na makakarating siya
Hanggang sa natapos na ang game at pinapapunta na kami sa court, nakiusap ako sa umpire kung pwede pa kami bigyan ng oras para hintayin si Rina
“I’ll give you ten minutes, pag hindi parin dumating ang partner mo, default na, You know our rules right?” sabi nung umpire, nagpasalamat naman ako agad
Nasa court na ako pati yung makakalaban namin habang nag set na ng timer yung umpire
At natapos ang timer nang hindi dumadating si Rina
Default na kami
Hindi nakarating si Karina sa unang game namin sa district meet
Galit na galit si coach, pinaka ayaw niya kasing pagkatalo ay default kasi natalo kami nang di man lang nakalaban
Tahimik lang ako
“Winter ayos ka lang?” Tanong ni Ryujin
“Okay lang, bawi nalang next game” hindi ako okay pero wala na din naman magagawa
“gosh she’s still not answering, she’s here na dapat kasi for sure may laro na ulit kayo mamaya because nasa losers bracket kayo” losers bracket meaning mas marami ang makakalaban namin at sunod sunod pa
Hindi parin tinitigilan ni Giselle pagtawag kay Rina kaya pinigilan ko na siya
“Giselle she’ll be here don’t worry”
“how are you so calm about this Winter?”
“kasi wala na din naman tayo magagawa and she'll be here babawi kami next game”
“Andyan na si Karina” napatingin naman ako sa may entrance
Nang makarating siya sa amin
She looked tired
“Abot pa ba ako?” sabi niya habang hinihingal
“Abot ka pa next game” sagot ni coach at bago siya umalis tumingin siya kay Karina “Do better Karina”
Nasaktan naman ako para kay Rina I know she’s trying, she’s doing her best para mapag sabay ang vball at badminton pero mahirap talaga
Alam kong hindi din magtatagal papapiliin na siya ni coach kung vball ba o badminton
And I’m afraid sa magiging desisyon niya
Nakita ko na nangingilid yung luha ni Rina, first time kasi siyang napagsalitaan nang ganun ni coach
Agad ko siyang nilapitan and sobrang lungkot ng mukha niya then she looked at me
Hindi ako umimik, I held her hand at pumunta kami sa kotse ko
“Baby I’m so sorry, lahat kasi nung naunang game sa amin nag fifth set kaya nalate nagstart yung game namin” nakatingin lang ako sa harap habang nakikinig sakaniya
“love please hindi ko sinasadya na hindi makapunta I really tried na makapunta agad dito, Winter please” she held my hand “look at me please. Are you mad at me?”
I looked at her
I was upset but seeing her like this… parang hindi ko kaya na makita siyang nagkakaganito
“kumain ka na ba?” nagulat siya sa tanong ko
Alam ko kasing lunch time napatapat yung game niya tapos after ng game niya dumiretso na siya dito baka hindi pa siya kumakain
“hey kumain ka na?” tanong ko ulit, umiling naman siya
Napatingin din ako sa damit niya naka jersey pa siya na pang volleyball
Kinapa ko yung likod niya basang basa siya ng pawis
Tsk magkakasakit to eh
Kinuha ko yung towel at extra shirt ko sa compartment, naiwan na kasi ni Rina bag niya sa loob ng badminton center
“talikod ka” kahit nagtataka tumalikod naman si Rina sa akin, pinunasan ko yung likod niya kasi pawis na pawis talaga siya
“punasan mo din yung harap oh tapos ito yung shirt mag palit ka na din” bumaba na ko ng sasakyan habang nagbibihis siya tinted naman yung bintana ko kaya okay lang
Pagkatapos niya mag bihis pumasok na ako ulit
“bili muna tayo ng pagkain”
“baka hanapin tayo ni coach” pag aalala niya
“nakapag sabi na ko kay Ryujin, tawagan niya ako pag malapit na yung game natin”
Natahimik nalang kaming dalawa
“okay lang ba mag drive-thru nalang tayo?” tumango naman siya
“kamusta nga pala game niyo?” napatingin naman siya sakin
“we won” sabi niya pero pero halata ang lungkot niya
Comments