LMLY 25

Let Me Love You
Please Subscribe to read the full chapter

 


 

Pagkatapos na pagkatapos namin ni Shuhua pumunta na agad ako kina Rina

 

Pagkarating ko sa kanila tulog na siya kaya dahan dahan akong naghanda ng mga damit para makapag shower na

 

Pinilit ko talaga na matapos namin ni Shuhua yung gift ko ngayon kasi medyo nagtatampo na sakin si baby

 

Pagkatapos ko mag shower nakita kong gising si Rina

 

“Baby nagising ba kita?” Umiling naman siya 

 

Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sakin at itinulak ako pahiga sa kama

 

“B-babe? B-bakit?”

 

She kissed me

 

Bakit ganito halik ni Rina? Parang may galit

 

Pero hinayaan ko lang naman siya 

 

Natigilan lang talaga ako nang maramdaman kong umiiyak siya

 

Pinilit kong humiwalay sa mga halik niya

 

“B-babe wait” pero nagpatuloy lang siya at unti unti nang bumaba ang mga halik niya

 

“Babe” marahan ko siyang tinutulak para hindi siya masaktan 

 

“Love, please stop. Talk to me ano ba nangyare?”

 

Tumigil naman siya at umalis sa pagkakapatong sakin

 

“Babe?” Sabi ko habang hinahawakan kamay niya pero nagulat ako nang alisin niya

 

“Are you cheating on me?” Nagulat ako sa tanong niya 

 

“What!? No!”

 

“Then why did Shuhua called you kanina na naiwan mo daw yung damit mo dun?”

 

Oh

 

“Babe magkasama kami but it’s not what you think”

 

“Then ano?” Hindi ako nakasagot

 

“If hindi ka parin sumagot Winter I swear talaga makikipag hiwalay ako sayo”

 

Napabuntong hininga nalang ako at tumayo at naglakad palabas

 

“W-where are you going?” Natatarantang tanong ni Rina nakita ko ang takot sa mga mata niya at medyo naiiyak na ulit

 

Lumapit ako ulit sakaniya i held her face


Shunga ko din naman eh bigla biglang lalabas

 

“Hindi ako aalis, mahal, may kukunin lang ako”

 

Pumunta ako sa sasakyan at kinuha yung nagawa ko

 

Hindi ko maiibigay sakaniya sa mismong monthsary namin pero ayos lang naman siguro yun kesa kung ano ano naiisip niya 

 

Bago ako tumaas kumuha muna ako ng tubig para kay Rina

 

Pagkapasok ko sa room niya umiiyak parin siya

 

“Mahal? Inom ka muna” hinintay ko siya matapos uminom at ako na naglagay ng baso sa side table

 

“Here gift ko sayo”

 

Kinuha naman niya at parang nagtataka

 

“Ako nag gawa niyan babe, open it”

 

Pag bukas niya nung box nagulat siya

 

“Winter…”

 

“Shuhua helped me sa pag gagawa because yan business nila, hindi ko masagot dati kung sino kasama ko kasi pag sinabi kong siya kasama ko you’d ask me kung bakit kasama ko siya and it’ll ruin my surprise for you”

 

“W-winter I-I’m sorry I.. I thought your cheating on me”

 

“Babe, hinding hindi ko magagawa sayo yun” naiyak naman siya lalo

 

“I’m sorry” hindi na siya makatingin sakin kaya I hugged her

 

It's not her fault. It’s my fault kung bakit niya naisip yun

 

“Ako yung may kasalanan dito. Stop saying sorry…” i held her face and I wiped her tears “I’m sorry na hindi ko agad nalaman na ganun na pala ang naiisip mo, nasaktan tuloy kita”

 

Tumango naman siya pero naiiyak parin

 

“I saw you kasi with Shuhua sa mall tapos when I asked you sabi mo you’re with Ryujin”

 

Nakita niya pala yun kaya naman pala sobra na siyang nag iisip

 

Grabe sobra ko siyang pinag alala, siguro kung ako yun hindi ako makakatulog nang maayos sa pag iisip

 

“I’m with Ryujin that day babe, humiwalay lang siya sakin nung nagtitingin ako kung ano maganda pang gift, tapos andun din si Shuhua kasi bibili daw siya ng gift sa bestfriend niya, pero pagkatapos dun babe kami na ni Shuhua magkasama kasi kailangan ni Ryu umalis” mahabang paliwanag ko

 

“Oh my gosh Winter I’m so sorry dapat kinausap nalang agad kita about it”

 

“No no no. I told you diba, its not your fault, please wag mo sisihin sarili mo”

 

Tumango naman siya tapos I hugged her tight hanggang sa tumahan na siya

 

“Mahal” Tawag niya sakin

 

Kinikilig talaga ako pag tinatawag niya kong mahal kasi minsan lang niya ‘kong tinatawag na ganun

 

“Hm?”

 

“Hindi naman ako dapat mag worry kay Shuhua diba?”

 

“Wala ka dapat ipagalala babe, sayong sayo lang ako”

 

“Talaga lang ha?”

 

“Of course and babe si Shuhua I think she’s inlove sa bestfriend niya”

 

“Really?”

 

“Oo babe may mag bestfriend bang nagreregaluhan ng singsing?”

 

“Meron naman babe grabe ka naman”

 

“Eh basta babe iba talaga yun” tinawanan lang naman niya ako

 

“Buksan mo na gift ko itry mo na din sa cam mo”

 

“Thank you for this, mahal ko” ngiting ngiti naman ako ngayon ibang iba talaga epekto sakin ng ‘mahal ko’ ni Rina

 

Tuwang tuwa naman si Rina nung nilagay na niya yung leather case dun sa camera niya  sabi pa nga niya ipapakita daw niya sa dad niya

 

“May bracelet pa pala?” 

 

“Yesss ako din nag gawa niyan” pagyayabang ko “Babe ang hirap gawin ng mga yan parang deserve ko ng kiss”

 

“Dahil pinag alala mo ko wala kang kiss” wala daw kiss eh pinag hahalikan na nga niya ko kanina

 

“Mahal naman”

 

“What?”

 

“Fine, eh hug?”

 

“Wala din”

 

“Grabe naman ata yun?”

 

“Mas grabe yung pag iisip ko these past few days kaya”

 

“Ah sabi ko nga hehe” 

 

“Let’s sleep na” 

 

Nahiga na kaming dalawa, makakatulog na sana ako nang marinig ko si Rina

 

“Hug me” natawa naman ako

 

“Akala ko bawal?”

 

“Tsk hug me na nga I can’t sleep”

 

“Eto na oh come here” agad naman siyang sumiksik sakin

 

“Why ka naman naghubad dun?”

 

“Babe grabe naman yung hubad? Inalis ko lang yung flannel kasi medyo mahaba hindi ako makapag gawa nang maayos”

 

“Eh bakit pagod ka daw?”

 

“Nakatayo lang kasi ako babe nang ilang oras kasi pag nakaupo ako dun sa chair hindi ko maabot yung table”

 

Naramdaman ko naman yung pag pipigil niya ng tawa 

 

“Babe wag mo na pigilan tawa mo”

 

“Eto talagang baby ko ang cute cute talaga... ng height"

 

“Rina naman eh” nag asaran pa kami bago matulog


...

Kinabukasan maaga ako nagising kasi nagpapasama sakin si Ryu na mag jogging, nakukulangan parin daw kasi si coach sa stamina niya

 

Hindi na rin ako tumanggi kasi kailangan ko din naman 

 

Pumunta ako sa kwarto ni Rina para magpaalam pero tulog na tulog parin siya, kaya nag iwan nalang ako ng note

 

‘Good morning, mahal! Samahan ko lang si Ryu mag jog kami, I love you’

 

Lalapit na sana ako para halikan siya pero naalala ko na bawal nga pala

 

Hindi ko din naman siya mayakap kasi baka magising siya, iniayos ko nalang yung blanket at dahan dahan lumabas

 

Pagkarating ko sa field nagulat ako nang bigla akong sinuntok ni Ryujin 

 

“Tangina ka”

 

“Gago ano problema mo?” Sabi ko habang tumatayo 

 

Ang aga namang suntok nun tangina

 

Ano yun pangpa gising?

 

“Ikaw gago ka niloloko mo raw si Karina?”

 

“Misunderstanding lang yun nakausap ko na si Rina kagabi” hinawakan ko yung labi ko, nagdudugo pa ata

 

“Hindi mo niloloko si Karina?”

 

“Hindi”

 

“Talaga?”

 

“Hindi nga kasi shunga ka ba? Sa tingin mo magagawa ko yun kay Rina?” tiningnan niya muna ako ulit bago ako nilapitan

 

“Sorry, tot akala ko kasi talaga”

 

Ito ang pinaka gusto ko kay Ryujin hinding hindi niya talaga ako hahayaan pag may kagaguhan akong ginagawa

 

Pero sana sapakin niya ko pag sure na siya

 

“Ayos lang yun, pasuntok nalang din ako”

 

Nagulat ako nang bigla niyang inihanda sarili niya 

 

“Ito na, tot bawi ka na”

 

Baliw talaga akala niya ba susuntukin ko talaga siya?

 

Pinitik ko siya sa noo

 

“Shunga” tinawanan naman niya ako

 

“Tara na Tot para matapos na agad”

 

Ang saya talaga mag jogging sa umaga ang fresh ng hangin 

 

“Kamusta nga pala si Ning at Gi?” Tanong ko

 

“Lito p-pa s-s-ila, t-talking stage p-palang d-daw sila”

 

Natawa naman ako sakaniya

 

“Hingal yarn?”

 

“Tanginaka”

 

Pag mura hindi hinihingal?

 

Pagkatapos namin naupo muna kami para magpahinga

 

“Tuloy mo na kwento mo”

 

“Ayun nga si Ning at Gi, ang sabi sakin ni Ning natatakot daw siya na baka hindi pa sure si Gi sakaniya”

 

“Ahh first time kasi ni Gi kaya siguro ganun, and si Haechan pala kamusta sila?” Sabi ko naman

 

“Yun lang ang hindi ko alam”

 

“Ano ba naman yan di kumpleto ang kwento”

 

“Wala naman kasing meron sakanila ni Haechan pero alam naman ng lahat na may gusto sakaniya si Haechan”

 

“She should talk to Chan baka umasa yung tao”

 

Nang matapos na kami nag handa na kami para umuwi

 

“Deretso uwi ka na Tot?”

 

“ daan lang ako saglit sa may flowershop”

 

“May bukas na ba?”

 

“Oo yung sa friend ni mom, maaga siya nagbubukas”

 

“Bakit di nalang sampaguita ibili mo?”

 

“Ginawa mo namang poon ang girlfriend ko”

 

“Kamukha niya kaya si Mama Mary”

 

“Hoy Ryujin! Gagi ka”

 

“Totoo naman pag nakikita ko nga siya napapadasal ako agad”

 

“Sira ulo ka talaga”

 

“Ano meron at may pabulaklak ka?”

 

“Wala lang”

 

“Pabulabulaklak ka pa, halikan mo na agad”

 

Lumapit siya sakin

 

“Bakit?”

 

“Pinapak ka ni Karina kagabi noh?”

 

“Ha?”

 

“May chimken ka sa leeg oh dami, papak yarn?”

 

“Hickeys?”

 

“Oo chimken”

 

“Bakit chimken?”

 

“Wala gusto ko lang, lagyan mo ng yelo yung sapak ko sayo ha wag mo sabihin kay Karina, sabihin mo nadapa ka lang”

 

“Nadapa ako una nguso ganun?”

 

“Oo ganun”

 

Sino namang shunga ang madadapa na una nguso?

 

… 

 

Naiready na agad ni tita yung tulips na inorder ko kagabi kaya naka alis ako agad

 

Pagkarating ko kina Rina dumeretso ako sa kwarto niya 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Domdomdim
2k subs na lmly 🥺

Comments

You must be logged in to comment
httpdaniyoo #1
Reread🤩
Enterusername_here
#2
Chapter 57: At ayun, tapos ko na naman ireread :)
bigboy123
132 streak #3
reread~ 🙃🙃
CincoYoo
#4
mag reread ang bading
jaangwaang
887 streak #5
Chapter 1: Acckkkkkk accla hahahaha
Topkangseul
#6
Chapter 57: Tapos ko na ireread same parin kilig ko sa kanila❤️❤️
Topkangseul
#7
Chapter 32: D ko rin gets jk
maxiclaine #8
Chapter 57: edi sanaol?
Enterusername_here
#9
Chapter 57: Natapos ko na naman :((((
arkiminjeong
#10
Chapter 57: Reread the last special chapter because why not. Namimiss ko na sila. 🥹