Special Chapter 4

Let Me Love You
Please Subscribe to read the full chapter

W

 

Hindi ako makatulog.

 

Hindi kami natutulog ng hindi pa namin naayos ang misunderstandings namin, pero ewan ko ba sobrang sumama ang loob ko kanina kaya ako umalis sa kwarto namin.

 

Gising pa kaya siya?

 

Puntahan ko ba?

 

Hindi na rin ako nakatiis, tumayo na ako at naglakad palabas.

 

Nagulat ako sa nakita ko paglakabas ko ng kwarto.

 

“Rina…”

 

Andito lang siya nakaupo sa harap ng pinto… umiiyak.

 

“love” sagot niya.

 

Para namang piniga ang puso ko nang makita ko siyang ganito.

 

“bakit ka naman nakaupo dyan?” sabi ko habang inaalalayan siyang tumayo.

 

Pagkatayo na pagkatayo niya, yumakap na siya agad sa akin.

 

“I-I’m s-so sorry my love” sabi niya habang mahigpit na nakayakap sa akin.

 

“I’ll fix everything... aayusin k-ko lahat... I promise mahal ko just p-please... please d-don’t leave me?” napakunot naman ang noo ko sa narinig ko. I held her face at iniharap sa akin.

 

Pinunasan ko ang mga luha niya.

 

Ayaw na ayaw ko talagang makita siyang umiiyak.

 

“sino bang may sabi na iiwan kita?” tanong ko, hindi siya nakasagot.

 

“I’ll never leave you, mahal”

 

“I’m s-scared na b-baka m-mapagod ka na sa akin”

 

“Rina, listen to me...” hinintay ko muna siyang tumingin sa akin bago ako nagpatuloy “hinding hindi ako mapapagod sa’yo… hinding hindi kita iiwan dahil mas hindi ko kakayanin na hindi kita kasama, Rina, I am in love with you... mahal kita palagi" niyakap niya ako, at ramdam ko na mas naiyak pa siya.

 

“mahal… please stop crying” sabi ko habang hinihimas ang likod niya.

 

“I-I don’t know if I deserve you, Win”

 

“babe, andito na naman ba tayo?” hanggang ngayon ba it parin ang iniisip niya?

 

“Rina, mahal kita at we deserve each other, I only want you… I have already planned my future with you, please remember that ha?” tumango naman siya habang naiiyak pa rin.

 

“I love you, Win” napangiti naman ako.

 

“I love you too” niyakap ko na siya ulit.

 

Ilang minuto rin kaming nagstay sa ganun bago ko siya inaya pabalik ng kwarto namin.

 

“tara na sa kwarto, babe kailangan mo na magpahinga” i held her hand at inaya na siya sa kwarto.

 

“We should talk first” pagpupumilit niya.

 

“let’s talk tomorrow, mahal. Pagod ka na, sorry ngayon pa ako nag inarte nang ganito”

 

“hindi ka nagiinarte, you were upset because of me and I understand, I’ll fix this ha?” tumango naman ako.

 

“let’s sleep” humiga na kaming dalawa, agad siyang sumiksik sa akin.

 

“I love you” sabi niya ulit bago ako halikan.

 

“mahal rin kita”

 

Agad siyang nakatulog dahil na rin siguro sa pagod. Nakakaguilty tuloy na ngayon ko pa siya inaway.

 

Aaminin ko na nainis talaga ako, pero hindi ko naman kayang magalit sa kaniya, lalo na sa itsura niya kanina.

 

Marupok na kung marupok pero hindi ko talaga siya kayang tiisin, yung umiyak nga lang siya para ng sinasaksak ang puso ko.

 

Hay…

 

Mahal na mahal ko talaga si Rina.

 

 

Pagkatapos ng gabi na ‘yun hindi na ulit naming napag usapan ‘yun.

 

Kung tutuloy siya sa Thailand wala na naman akong magagawa.

 

Ang sabi rin naman niya last na ‘yun.

 

Pero parang ngayon palang namimiss ko na siya agad, ilang months din kasi siyang magsstay dun kung sakali.

 

Pero if gusto niya pa rin naman mag laro then I will let her.

 

Ganun parin naman kami, kung saan siya masaya dun ako.

 

Nakatanggap ako ng message mula kay Ryu, kung ready na daw kami sila kasi susundo sa amin. Nag aya sila mag dinner at sleep over na rin daw, ang tagal na nung last na nag bonding kami.

 

Pinuntahan ko sa kwarto si Rina.

 

“babe, ready ka na?”

 

Tiningnan niya ako mula sa salamin.

 

“how do I look?” tanong niya sa akin.

 

tinatanong pa ba ‘yan?

 

“beautiful”

 

“yung seryoso kasi”

 

“babe, kailan ka ba naman pumangit?”

 

“nasasabi mo lang ‘yan because you love me” lumapit naman ako sa kaniya, I hugged her.

 

“I do love you pero kahit sino naman makakita sa’yo magagandahan, sino ba may sabing hindi ka maganda? Ha? Sino? Sasapakin ko” sabi ko habang umaakto na manunugod.

 

Tawa naman ng tawa ‘to.

 

“you’re so cute love” sabi niya at pinanggigilan na ang cheeks ko.

 

“Rina feel ko kaya lalong lumalaki yung cheeks ko kasi palagi mo nalang pinanggigilan.

 

“love, chubby na cheeks mo even before pa” sabi niya habang hawak hawak pa rin pisngi ko.

 

“arayyyy” reklamo ko, ang sakit na kasi huhu

 

“aww ikikiss ko para hindi na masakit” napangiti naman ako agad.

 

Pinaulanan na niya ng kiss ang mukha ko, maliban sa labi.

 

“sana lips ko na lang pinanggigilan mo, para may kiss din” sabi ko na ikinatawa niya.

 

Unti unti ng lumapit ang mukha niya sa akin… pumikit na din ako.

 

“hoy mga malalandi, tara na!” agad kaming naghiwalay nang marinig ang boses ni Ryujin.

 

Wala talagang kupas sa pagiging bwisit nito.

 

“why is she here?” natawa naman ako kahit naiinis ako kay Ryujin.

 

“babe diba sila ang susundo sa atin?”

 

“ah oo nga pala…” sabi niya habang natatawa.

 

“Pag bilang ko ng tatlo at hindi pa rin kayo nakakalabas dyan wawasakin ko na ‘tong pinto”

 

“let’s go? Bago mag wala si Ryu” aya ko, tumango naman si Rina.

 

“Isa” rinig naming sigaw nung asungot sa labas.

 

Hinalikan niya ako nang mabilis bago niya kuhanin ang bag niya na nakalapag sa kama.

 

“dalawa”

 

“tat-“

 

Bigla kong binuksan ang pinto kaya napahiga siya ngayon sa harap namin.

 

“ayan, buti nga sa’yo”

 

Tanga tanga kasi, nakasandal ba naman sa pinto.

 

Natatawa tawa naman si Rina habang nilampasan yung kaibigan naming nasa lapag pa rin.

 

“sama ng ugali niyong mag jowa kayo, sana itayo niyo ‘man lang ako diba?”

 

“kaya mo na ‘yan” sagot ko.

 

Nagdadabog naman si Ryujin habang palapit sa amin.

 

“isusumbong ko kayo kay Yeji” pananakot niya sa amin.

 

“nakakalimutan mo atang mas mahal ni Yeji si Rina kesa sa’yo” tiningnan naman niya ako nang masama.

 

Pumagitna na sa amin si Rina.

 

“okay kids… stop fighting, let’s go na nag message na sa akin si Yeji inip na daw siya sa car”

 

 

“Andito na tayo” sabi ni Ryu.

 

Tumigil siya sa harap ng bahay, ang ganda naman ng bahay na ‘to. Sakto lang ang laki, pero sobrang modern ng dating.

 

“kaninong bahay ‘yan?” tanong ni Ning

 

“baka sa’yo” sagot ni Ryu.

 

Natawa naman kami maliban kay Ning.

 

“nakakainis ka pa rin talaga” sabi niya.

 

“this is our house Ning” nakangiting sagot ni Yeji

 

Napangiti naman ako agad.

 

“tara na, gutom na ako” pag aya sa amin ni Ryu

 

“kailan

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Domdomdim
2k subs na lmly 🥺

Comments

You must be logged in to comment
httpdaniyoo #1
Reread🤩
Enterusername_here
#2
Chapter 57: At ayun, tapos ko na naman ireread :)
bigboy123
134 streak #3
reread~ 🙃🙃
CincoYoo
#4
mag reread ang bading
jaangwaang
888 streak #5
Chapter 1: Acckkkkkk accla hahahaha
Topkangseul
#6
Chapter 57: Tapos ko na ireread same parin kilig ko sa kanila❤️❤️
Topkangseul
#7
Chapter 32: D ko rin gets jk
maxiclaine #8
Chapter 57: edi sanaol?
Enterusername_here
#9
Chapter 57: Natapos ko na naman :((((
arkiminjeong
#10
Chapter 57: Reread the last special chapter because why not. Namimiss ko na sila. 🥹