LMLY 19
Let Me Love You
Naging maganda ang kinalabasan ng games namin sa district meet, over-all champion kami kaya buo ang team namin ang nakarating sa city meet
Kada meet pagaling nang pagaling ang mga nakakalaban namin, nagugulat nalang din kami sa mga team na hindi naman ganun kagaling dati pero ang laki ng inimprove ngayon
City meet na ngayon at so far maayos naman games namin, ngayon wala si Rina kasi may game sila
Nagtitingin ako ngayon sa mga sheets na nasa may board dito kasi nakalagay ang pagkasunod sunod ng games at bilang acting captain ako, kailangan alam ko pagkakasunod sunod ng games para mapa alalahanan ko mga kateam ko
“hi Winter” napaharap naman ako sa bumati sakin at nginitian siya
Kilala ko siya sa mukha pero hindi ko alam pangalan niya
“I hope na mabigyan na namin kayo mamaya ng magandang game” natawa siya “mukhang bored ka lagi pag nakakalaban mo kami eh”
“uy hindi ah game face lang yun” pagjojoke ko natawa naman siya sa sinabi ko
Lahat naman ng games ko sineseryoso ko
Sabi nga ni coach ang badminton daw laro na hindi dapat nilalaro
“it’s okay I know na hindi kami ganun kagaling dati, but we really did our best this year” tumango naman ako “let’s meet nalang sa court?”
“sige, goodluck sa mga upcoming games natin” nginitian ko siya bago ako umalis papunta sa team namin
I’m not gonna lie medyo na intimidate ako sakaniya, hindi naman siya nag yabang pero ramdam ko yung kagustuhan niyang matalo kami
Bago ako makarating sa pwesto namin may tumawag ulit sakin
“ate Winter” humarap naman ako sakaniya “pwede po magpapicture?”
Pumayag naman ako kahit medyo nakakahiya, ang dami kasing nakatingin nasa gitna kasi kami ng daan
Pagkarating ko sa pwesto namin sinalubong ako ni Ryujin
“ate Winter papicture po pati pa kiss na din”
Ah kiss pala ha
“joke lang Winter hoy!” sabi niya sakin habang inilalayo ang mukha ko
“Rojen wag ka na mahiya” sabi ko habang naka pout na
“gosh these kids stop that na, you’re blocking the view I’m watching the game” sabi ni Giselle
After ilang days ng games naka abot kaming lahat sa semis
Malapit na ang game namin ni Rina pero wala parin siya, last game na din ang game namin ngayong araw
I called her at kateam niya ang sumagot ang sabi second set palang daw sila at nasa court ngayon si Rina
Mukhang di na naman siya makakarating
Ipinaalam ko agad to kay coach para hindi na siya magulat mamaya kapag hindi na naman nakarating si Rina
“sunduin mo ang ka doubles mo Winter” seryosong sabi ni coach
“pero coach-“
“Kaya makapag laro ng team niya dun sa volleyball nang wala siya, napakarami nila dun. Eh ikaw makakapag laro ka ba nang wala siya? Paano ka Winter?”
oo nga paano naman ako?
Wala na ako nagawa kung hindi puntahan si Rina pinahiram muna ni Ryujin ang sasakyan niya sakin kasi nakay Rina nga yung akin
Pagkarating ko sa arena naglalaro ang team niya medyo dikit ang score, nang mag timeout nag
Comments