2

When Jimin Was There
Please Subscribe to read the full chapter

“Winter, gusto mo tingnan yung mansion? Samahan kita,” Tanong ni Irene sa nakatulalang bata.

 

Ngumiti si Winter at tumango. “Maliligo lang po ako saglit,”

 

Dinala ni Winter ang sketchpad at saglit na nagpaalam sa magnobya. Pagkarating sa kwarto ay inilapag niya ang sketchbook sa lamesita at lumabas sa veranda.

 

The green pastures make her feel at ease. The way the grass gently danced together with the wind, the soft whistling and children running sa di kalayuan, everything felt familiar but not quiet.

 

‘You should go and try to see nature, Winter. It always makes me feel better, baka ganun din sayo, baka yun lang din ang kailangan mo.’

 

Winter heaved a sigh and inhaled the air. ‘It really feels better. Thank you, Karina.’



 

“Dito sa probinsya, hindi masyadong gamit ang mga sasakyan, maliban na lang sa mga traktora na ginagamit sa pagsasaka. Masarap kasi maglakad, hindi pa ganon kainit,”

Daldal ni Irene habang naglalakad sila pababa ng bahay. Nakapuwesto kasi ang tinitirhan nila sa itaas ng mababang burol sa tapat ng ilog.

 

Tama si Irene, mas maganda nga rito. Sa siyudad kasi ay hindi siya masyadong naglalakad, mabilis siyang mapagod. Madalas siyang maubusan ng hininga kaagad kapag naglalakad ng malayo. Kanina pa sila naglalakad ni Irene, pero ang mabagal nilang usad at tuloy tuloy na daloy ng hangin ang nagpapagaan sa pakiramdam niya.

 

“Magdadrawing ka ulit?”

 

Tumango si Winter at hinigpitan ang yakap sa sketchbook. “Gusto ko pong makita at ayusin yung drawing ko ayon sa totoong itsura ng bahay,”

 

Tumango-tango si Irene. “Pero grabe ang skills mo ha, sa panaginip mo lang talaga nakita yung bahay? Sobrang detailed kasi nung drawing mo.”

 

“Ilang beses ko na po kasi napapanaginipan.”

 

“Weird nga eh. Mukhang bago pa yung bahay sa drawing mo. Yung itsura kasi ng bahay ngayon nakakatakot na.”

 

“Paano pong nakakatakot?”

 

“Hmm, diba ang kwento ni Ate Seulgi mo sinara nung may-ari yung bahay a year ago? Wala ng kahit sino na pumasok sa bahay na yan pagtapos nun. Kapag may nagtatangka namang tirhan yun, umaalis sila kaagad kasi hindi raw sila komportable.”

 

“Para pong naging haunted house?”

 

Tumawa si Irene. “Ata? Pero yung nararamdaman ko kasi sa bahay ano eh, malungkot? Ganun. Hindi siya nakakatakot, pero mabigat yung pakiramdam.”

 

Naalala ni Winter ang babae sa mansion. Lungkot din ang nararamdaman niya sa tuwing nakikita ito mula sa labas ng bintana. Minsan pa nga ay nakikita niyang parang umiiyak ang babae, base sa galaw ng mga balikat nito habang nakayuko.

 

“May kasing edad po ba akong bata na tumira dito?”

 

Napaisip naman si Irene. “Meron ata? Yung anak ng may-ari. Kaso hindi ako sigurado, kasi nung dumating kami dito, wala naman kaming nakikita. Narinig ko lang sa palengke na may bata nga daw sa bahay. Bakit?”

 

Umiling si Winter. “Curious lang po.”

 

“Gusto mo ba ipakilala kita sa mga bata dito? Malapit ang loob ng mga ‘yun sa akin, binibigyan ko kasi sila ng prutas kapag anihan.”

Mabilis ang pagtanggi ni Winter. “U-Uhm, okay lang Ate Irene. Di na po kailangan,” Humina ang boses ni Winter sa dulo.

 

Ngumiti lamang si Irene at hinawakan si Winter sa braso. “Nandito na tayo,”

 

Nasa gilid sila ng daan, sa may taas ng mababang bangin. May landing sa baba pagtapos ay may parang maliit pantalan na gawa sa kahoy kung saan may nakadaong na isang maliit na bangka. May harang naman kaya hindi nakakatakot tumayo at lumapit. May upuan na nakaharap mismo sa mansion na nasa kabilang ibayo ng ilog, para bagang sadya para sa mga nais na tingnan lamang ang bahay mula sa malayo.

 

“May mga tao kasi na tulad mo at gustong idrawing ang bahay, kaya naman nilagyan ng upuan dito. Feeling ko mamaya-maya darating na yun si Wendy. Nagpapaint naman yun,”

 

Hindi ganon kainit kaya naman kumportable silang umupo at tahimik na pinagmasdan ang bahay. Binuksan ni Winter ang hawak na sketchpad saka ito itinaas, tahimik na ikinukumpara ang dalawa.


 

“Irene?”

 

Napalingon silang dalawa sa bagong dating na babae. Maliit din ito, mas maliit kay Irene ng kaunti. Hawak nito ang isang bag habang sa kabila naman ay ang easel at canvas.

 

“Wendy,” Tumayo si Irene at binati ito, hinihila papalapit kay Winter.

 

“Winter, ito si Wendy. Wends, si Winter. Yung pamangkin ni Seulgi na kinukuwento ko sa’yo kahapon.”

 

Ibinaba ni Wendy ang mga hawak at naglahad ng kamay kay Winter. Tumayo naman ang bata at inabot ang kamay nito. “Hello po, Ate Wendy.”

 

Ngumiti naman si Wendy at saglit na tiningnan ang hawak ni Winter na sketchpad.

 

“Oh, nagdadrawing ka?”

 

Tumango si Winter. “Opo,”

 

Natutuwa namang inayos ni Wendy ang mga gamit at umupo sa tabi ni Winter. Lumipat si Irene sa kabila ni Winter para magkatabi ang dalawa.

 

“Yung mansion din ang dinodrawing mo?”

 

“Opo,” Binuksan ni Winter ang sketchpad at ibinigay ito kay Wendy. Bumuka ang bibig ni Wendy sa pagkamangha.

 

“Wow! Ang galing mo! Pero teka.. sa picture ka ba nagbase? Iba ang itsura nung mansion..”

 

“Uh.. opo. Pinakita po ata ni Mama sakin dati.”

 

Tumango naman si Wendy at ibinalik ang sketchpad. Ngumiti ito at hinawakan ang ulo ni Winter. “Ang galing na bata! Manang-mana kay Seulgi,”

 

Tumawa naman silang tatlo at saglit na natahimik ng marinig ang malakas na sipol ng hangin.

 

“Nako.. mukhang uulan mamaya ah,” Banggit ni Wendy, tinitingnan ang langit.

 

“Dito muna tayo, hindi pa naman dumidilim,” Sabi ni Irene.


 

Tahimik na tinitingnan ni Winter ang isang batang babae sa baba. Naglalakad ito sa may maliit na pantalan.

 

“Gusto mo bumaba?” Tanong ni Irene sa kanya.

 

“Okay lang po ba?”

 

Tumango naman si Irene. “Giselle ang pangalan nung bata. Hinihintay ata niya ang lolo niya, hilig kasi nung maglolo mamangka sa ilog ng ganitong oras. Gusto mo sumama sa kanila?”

 

“Opo sana,”

 

Tumayo si Irene at saglit na nagpaalam kay Wendy. “Wends hahatid ko lang si Winter kila Mang Tomas ha,”

 

Tumango naman si Wendy at saglit na itinigil ang pagpipinta. “Ingat and enjoy Winter!”

 

Naglakad sila papuntang unahan kung saan may hagdan na magdadala sa kanila sa pantalan.

 

Pagkarating nila ay mataman na silang tinitingnan ni Giselle.

 

“Hi Giselle!”

 

Ngumiti naman ang bata at tumayo, niyayakap si Irene sa baywang. “Hi Ate Ayen!”

 

Niyakap ni Irene pabalik ang bata saka ito iniharap kay Winter. “Gi, ito si Winter. Pamangkin namin siya ni Seulgi. Pwede ba siya sumama sa inyo ng lolo mo mamaya?”

 

Tumango naman kaagad ang bata saka hinawakan si Winter sa kamay.

 

“Hello Winter! I’m Giselle. Nagbabakasyon ka lang din ba dito?”

 

Winter meekly nodded, quietly liking the way Giselle held her hand. Hindi niya pa kasi nararanasang magkaroon ng ganoong kaibigan, yung touchy.

 

Matamis naman ang ngiti ni Giselle. “Same! Tuwing bakasyon lang din ako pinapayagan ni Mommy kaya tuwing nandito ako, lagi kami nandito ni Lolo.”

 

Nakangiti naman si Irene, masaya sa nakukuhang reaksyon mula kay Winter. She liked that the girl didn’t shied away with Giselle’s affectionate gestures. Magandang simula ito.

 

“O, iwan ko na kayo ha? Babalik na ako sa taas Winter. Baka pagbalik mo hindi mo na ako maabutan kasi uuwi rin ako agad. Alam mo na pauwi?”

 

Tumango naman si Winter. “Ingat po Ate,”

 

Muling ngumiti si Winter at hinawakan ang ulo ni Winter. “Kayo rin. Ingat and enjoy,”

 

Tumalikod na si Irene at dahan-dahang tinahak muli ang daan paakyat.

 

Hinila naman ni Giselle si Winter at pinaupo ito sa gilid ng pantalan, hindi pa rin binibitiwan ang kamay nito.

 

“Lagi ako nandito tuwing bakasyon, pero ngayon lang kita nakita,”

 

“A-Ah.. ngayon lang ako pinayagan ni Mama eh,”

 

“Lagi ka na magbabakasyon dito?”

 

Napakamot si Winter sa ulo. “Hindi ko sure eh,”

 

“Okay lang, hihintayin na lang kita. Ano pala yang hawak mo, notebook?”

 

Ibinigay naman ni Winter ang sketchbook kay Giselle. “Sketchbook ko,”

 <

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thelost_soul
hello, sure ako madaming errors pero sanay naman na kayo diyan, gets niyo na yan. midterms week namin kaya stressed si accla hahaha yan tuloy. thank you kung binabasa niyo pa rin 'to. stay safe guyss

Comments

You must be logged in to comment
userwontwothree #1
Chapter 13: tangina naiiyak ako kasi akala ko walang pag asa yung coma ni karina nung nasa final chap na ko or baka bigla syang mamatay dun sa mga special chapts HAHAHAHHAHA hilig ko lang mag overthink PERO THANK YU AUTHOR ANG GANDA NG PAGKASULAT :(((((
httpdaniyoo #2
Rereading this masterpiece
u_ujiman #3
Chapter 13: KINIKILIG AKO!!

Oh to experience a love so pure gaya ng sa kanila. 😣 Ang cute cute! Buti naman, akala ko magkaibigan pa rin ang tawag eh. HAHAHAHA
u_ujiman #4
Chapter 12: Ang soft nila 😞

I love their dynamics so much, pero kaibigan pa rin talaga ang turingan noh? Hahahaha cutie
u_ujiman #5
Chapter 11: Finally 🥹
u_ujiman #6
Chapter 7: hahahaha kinikilig ako
u_ujiman #7
Chapter 3: Ang calming, gustong-gusto ko kapag ganto naipaparamdam sakin ng binabasa ko.
ROYAL_LOCKSMITH #8
Chapter 13: Wala na hindi na naka palag si minjeong.haha.

Wala ka pala kay Karina jimin yu eh.😁
ROYAL_LOCKSMITH #9
Chapter 11: Woahhh...buti na lang at hindi figment of imagination lang si jimin.

Ang cute cute sobra. Buti at nagising na si jimin.
ROYAL_LOCKSMITH #10
Chapter 10: Sana ok lang si Karina.

If ever man na puntahan siya ni minjeong, magising na sana siya.