4

When Jimin Was There
Please Subscribe to read the full chapter

“Boo!”

 

Halos mapatalon sa gulat si Winter nang makita niya si Giselle na tawa na ng tawa sa likod niya.

 

“Ang saya saya mo ha,” Naiinis man ay natawa na lang na sabi ni Winter.

 

“Ang senti mo naman kaagad kasi,” Umupo si Giselle sa tabi ni Winter.

 

“May naalala lang ako,”

 

Humarap sa kanya si Giselle. “Nanaginip ka kagabi?”

 

Tumango si Winter. “Oo,”

 

“Same old?”

 

Humarap na rin si Winter sa kaibigan. “Hindi, something happened.”

 

Excited naman na lumapit pa si Giselle. “Spill!”

 

“Nakagalaw ako kagabi,” Tumango naman ang kaibigan niya kaya nagpatuloy siya.

 

“I talked to her. Nakapasok din ako ng mansion.”

 

Curiosity is etched all over Giselle’s face as she motioned Winter to continue.

 

“Sabi niya hinihintay niya daw ako. Tapos.. hinila niya ako papasok ng mansion. Dinala niya ako sa kwarto niya at may pinakitang drawing,”

 

Kumunot ang noo ni Giselle. “Minjeong, I need details,”

 

Napakamot naman ng ulo si Winter. Nahihiya kasi siyang magkuwento.

 

“Uh.. Ayun nga.. first time niya ako tingnan nun. Tapos nung tiningnan niya ako at tinawag, saka ako nakagalaw. Tapos nung paglapit ko, a-alam niya yung pangalan ko tapos sinabi na h-hinihintay niya daw ako,”

 

“And then?”

 

“Ayun.. sabi niya may ipapakita daw siya sa akin. Hinila niya ako sa k-kwarto niya tapos may pinakita saking drawing,”

 

“Anong drawing?”

 

“Yung view mula sa bintana ng kwarto niya. Kabaliktaran nung view ko sa drawing ko,”

 

“She knows how to draw?”

 

“Uh.. di in a level na sobrang galing, pero it’s a good start?”

 

Tumango-tango si Giselle at sumenyas na magpatuloy si Winter sa kwento.

 

“Uhm.. sabi ko maganda drawing niya, ganon, nakakaproud,”

 

“Close na kayo agad?”

 

Namula ang mukha ni Winter. Ang parte kasi na iyon ang hindi niya maintindihan. Kakakilala niya pa lang halos kay Jimin kagabi pero kung umakto sila kagabi ay para silang mag-bestfriends sila buong buhay nila. Parang mali.

 

“Ayun nga eh.. di ko maipaliwanag pero ang gaan niya kasing kasama?” Unsure na sabi ni Winter, sinusubukan pakalmahin ang sarili habang di pa napapansin ni Giselle ang namumula na niyang mukha.

 

“Anong itsura niya?”

 

Hindi nakatulong ang tanong ni Giselle sa pagpapakalma ni Winter sa sarili. Naalala niya kasi muli si Jimin.

 

Maganda ito. Sobra.

 

Tumango na lang siya.

 

Pinalo siya ni Giselle sa braso. “Ano ba! Be detailed naman!”

 

“Ang tsismosa mo!”

 

“Eh kasi parang ang lamya at pabitin mo magkwento! Dali na! Tell me what she looks like, in detail ha,”

 

Tumingala si Winter, sinusubukan pa rin palisin ang pamumula ng mukha.

 

“Hmm, tama yung mga hula ko, for starters. Maliit yung mukha niya, tapos uhm m-maganda,”

 

Tumango naman si Giselle.

 

“Matangkad nga siya.. siguro mas matangkad ng kaunti sayo? Tapos uhm.. maputi nga siya, oo. Tapos may nunal siya sa may bandang labi?”

 

Tumaas naman ang kilay ni Giselle. “Labi?”

 

Hindi na napigilan ni Winter ang pamumula ng mukha ng magflash sa isip niya ang perfect na itsura ng labi ni Jimin. Bakit ba niya sinabi ‘yon?!

 

“Ang halata kasi! Like, kapag mapapatingin ka sa mukha niya yun kaagad mapapansin mo? Pero not in a bad way ha, I mean, maganda siya tingnan sa mukha niya, bagay sa mukha niya ganon,” Winter rambled while Giselle continues to listen with a small smile, amused.

 

Hindi na lang niya ipinush ang susunod dapat niyang tanong. Baka sumabog na ang mukha ni Winter sa sobrang pula nito.

 

Pinaypayan ni Winter ang mukha saka muling tumingala, humihinga ng malalim. Di niya alam bakit ba siya nagkakaganito.

 

“May iba pa bang nangyari? Or details na tingin mo importante?” Pag-iiba ni Giselle ng topic.

 

Tumingin sa kanya si Winter at saglit na nag-isip.

 

“Ah.. nung tinanong ko siya anong pangalan niya, sinabi niya Jimin,”

 

Kumunot ang noo ni Giselle. “But Jimin’s a boy,”

 

Tumango si Winter. “Ang sabi lang niya sakin, ‘my brother is also a Jimin’, ewan ko, tapos nung magtatanong pa sana ako sabi niya wag na daw kasi magulo raw,”

 

“Walang nabanggit si Lolo na may isa pang anak though..” Napapaisip na sabi ni Giselle. Kailangan niyang kausapin ng masinsinan ang Lolo niya. Sa totoo lang ay tahimik na tao lang ang lolo niya. Kung hindi mo kakausapin, hindi rin magsasalita. Maalaga ito sa kanya, pero hindi lang talaga ito palakibo. Masikreto rin ito kadalasan, lalo na pagdating sa dating trabaho, kaya hindi masyadong nagtatanong si Giselle unless curious talaga siya.

 

“Wag mo pipilitin Lolo mo kung ayaw magsalita ha.. baka magalit,”

 

Tumango lamang si Giselle.



 

---

 

Pinapakiramdaman lamang ni Winter ang sarili. Kakatapos niya lang magbihis ng pantulog. Agad na siyang pinaakyat ng mag-nobya kanina pagkatapos kumain, para raw makapagpahinga siya ng maaga.

 

Kinakabahan siya. Hindi niya alam kung dahil ba baka hindi siya managinip? O baka dahil makikita niyang muli si Jimin. Paano kung hindi siya makagalaw ulit?

 

Tumagilid siya ng higa. Napatingin siya sa bintana, kung saan saktong nakikita niya mula sa pwesto ang bilog na buwan.

 

Wala masyadong ulap, kaya kitang kita niya ang kabuuan nito.

 

Pumikit siya at sinubukan nang matulog.



 

Iba sa nakasanayang basang lupa ang nararamdaman ni Winter ngayon sa talampakan niya.

 

Idinilat niya ang mga mata, at nasa ibang lugar nga siya. Pero kita pa rin niya ang mansion mula sa pwesto.

 

Nasa may bandang gilid siya ng bahay. May parang kubo rito, at madamo ang lupa.

 

“Winter!”

 

Agad siyang lumingon sa boses, at napalunok siya sa nakita

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thelost_soul
hello, sure ako madaming errors pero sanay naman na kayo diyan, gets niyo na yan. midterms week namin kaya stressed si accla hahaha yan tuloy. thank you kung binabasa niyo pa rin 'to. stay safe guyss

Comments

You must be logged in to comment
userwontwothree #1
Chapter 13: tangina naiiyak ako kasi akala ko walang pag asa yung coma ni karina nung nasa final chap na ko or baka bigla syang mamatay dun sa mga special chapts HAHAHAHHAHA hilig ko lang mag overthink PERO THANK YU AUTHOR ANG GANDA NG PAGKASULAT :(((((
httpdaniyoo #2
Rereading this masterpiece
u_ujiman #3
Chapter 13: KINIKILIG AKO!!

Oh to experience a love so pure gaya ng sa kanila. 😣 Ang cute cute! Buti naman, akala ko magkaibigan pa rin ang tawag eh. HAHAHAHA
u_ujiman #4
Chapter 12: Ang soft nila 😞

I love their dynamics so much, pero kaibigan pa rin talaga ang turingan noh? Hahahaha cutie
u_ujiman #5
Chapter 11: Finally 🥹
u_ujiman #6
Chapter 7: hahahaha kinikilig ako
u_ujiman #7
Chapter 3: Ang calming, gustong-gusto ko kapag ganto naipaparamdam sakin ng binabasa ko.
ROYAL_LOCKSMITH #8
Chapter 13: Wala na hindi na naka palag si minjeong.haha.

Wala ka pala kay Karina jimin yu eh.😁
ROYAL_LOCKSMITH #9
Chapter 11: Woahhh...buti na lang at hindi figment of imagination lang si jimin.

Ang cute cute sobra. Buti at nagising na si jimin.
ROYAL_LOCKSMITH #10
Chapter 10: Sana ok lang si Karina.

If ever man na puntahan siya ni minjeong, magising na sana siya.