3
When Jimin Was ThereTuwang-tuwa naman si Irene at Seulgi kay Winter habang kumakain. Halatang kumportable ito kay Giselle, malayo sa inaakala nilang magiging reaksyon ni Winter pag-uwi.
“Mabait na bata ‘yon si Giselle. Hindi lang talaga niya masabayan ang trip ng mga bata dito,” Sabi ni Irene.
“Inglisera kasi ang batang ‘yon, tapos ay may pagka prim and proper ano?” Natatawang sabat ni Seulgi.
“Mahigpit daw po kasi ang mommy niya, kailangan umuwi siyang malinis pa rin at walang kahit anong galos,” Kwento ni Winter sa mag-nobya.
“Mabuti at naging close kayo kaagad,” Nakangiting baling sa kanya ni Irene.
Ngumiti si Winter. “Siguro po kasi ay alam ni Giselle mag-adjust. Hindi po awkward sa kanya kapag bigla akong tumatahimik,” Natatawa si Winter sa naaalalang ganap nila kanina.
Tumayo si Seulgi dala-dala ang pinagkainan. Bumalik ito sa hapag matapos ang ilang segundo.
“Sigurado akong napagod ngayong araw, Winter. Kami na ni ate Irene mo ang bahala dito, umakyat ka na para makapagpahinga.”
Tumango si Winter. Matapos ilagay sa lababo ang pinagkainan, pinuntahan niya ang magnobya sa hapag na nagkukwentuhan pa rin. Una niyang niyakap si Seulgi, pagkatapos ay si Irene.
“Salamat po, ang saya ko po ngayong araw.”
Natouch naman ang dalawa kaya naman tumayo ang mga ito at sabay na niyakap pabalik si Winter. Hinaplos ni Seulgi ang buhok ni Winter.
“Wag kang mag-alala, gagaling ka rin, okay?”
Tumango si Irene bilang pagsang-ayon. “Tutulungan ka namin hanggang sa gumaling ka,”
Umakyat na sa kwarto si Winter. Naligo siya at nagpalit ng damit saka humiga sa kama. Inalala niya ang mga impormasyong nakuha mula kay Giselle patungkol sa mansion.
Bakit nakikita niya ang babae sa mansion.. eh wala naman palang babae dapat doon?
Kagabi, tulad ng mga nakaraan niyang panaginip, nakatayo siya sa harap ng mansion habang nakasilip pa rin sa babae. Nasa may balkonahe ito, nakaharap sa kanya pero nakayuko sa mga braso nito, parang umiiyak ulit. Parang ang lungkot lungkot nito tingnan.
Ilang beses niyang sinubukan gumalaw sa panaginip niya para sana ay mas lalo pang lumapit at siguro ay subukang kausapin ang babae pero hindi niya magawa. Hindi siya makagalaw.
Sa totoo lang ay naiinis na siya. Ilang beses na niyang sinubukan ang kahit ano sa mga panaginip niya pero laging ganoon. Nagtatapos lang ang panaginip niya sa walang tigil na pagtingin lang sa babae habang umiiyak ito.
Nakatulugan na ni Winter ang sobrang pag-iisip.
Ito na naman.
Naramdaman ni Winter ang mamasa-masang lupa sa talampakan niya. Muli, ay nasa mataas na parte siya ng lupa, sa may gitna ng ilog. Nakaharap siya sa mansion, kung saan nakita niya ang likod ng babae na ngayon ay nakaupo sa pasimano ng malaking balkonahe.
‘Wag!’ Gusto niyang isigaw. Baka kasi malaglag ang babae, para pa naman itong walang konsepto ng balanse habang nakaupo, parang hindi takot na bigla na lang malaglag.
Sinubukan niyang sumigaw muli.
Wala siyang narinig na lumabas sa bibig niya pero lumingon sa kanya ang babae.
Sa unang pagkakataon, nakita niya ang mukha nito.
Tama siya sa hulang maliit ang mukha nito.
Maganda rin siya.
Malambot ang mga mata nito, at maliit ang ilong. Perpekto ang hugis ng mga labi nitong may nunal pa sa may kanang parte, sa may bandang ilalim.
Maganda nga.
Ngumiti ito sa kanya at itinaas ang kamay, inaaya siyang lumapit.
Naramdaman niya ang panlalambot ng mga paa at kamay. Sinubukan niyang ihakbang ang paa.
Halos mapatalon siya sa tuwa ng maigalaw ito.
Dali-dali siyang tumakbo, iniiwasan ang malalaking butas na may tubig sa lupa.
Nang marating niya ang hagdan, tumingala siya at nakitang nakatingin din sa kanya ang babae.
Nahigit niya ang hininga ng tumama sa mukha nito ang sinag ng buwan.
Ang ganda.
“Bakit ngayon ka lang Winter?”
Nagulat si Winter. Una ay sa boses ng babae. Medyo malalim na may pagkagaralgal ito. Pamilyar.
Pangalawa ay sa binanggit nitong pangalan. Kilala siya nito?
Inilahad nito ang kamay.
Winter hesitantly gave her hand, marveling on how soft her hands were.
Ang lambot ng kamay nito, parang never nakapag-hugas ng pinggan o nakahawak ng walis man lang.
In contrast with her supposed height, maliliit ang mga daliri nito kesa sa inaasahan niya.
One among the other many things she liked about her hands only was the fact that it radiates so much warmth. Panandalian niyang nakalimutan ang kaba at lamig na dala ng hangin.
Hinila siya nito paakyat at maya-maya lamang ay nasa balkonahe na rin siya, katapat ang nakangiting babae.
Hindi niya alam kung paano pa siya nakakahinga sa lagay na ‘to.
Ang lapit kasi ng babae, nakangiti lang habang hawak hawak pa rin ang parehas niyang kamay.
“Ang cute mo,”
Namula ang mukha ni Winter. Nagsisimula nang magpawis ang mga kamay niya.
“I didn’t know you’d look this cute.”
Ang weird ng set up nila. Pero sa di malamang dahilan ni Winter, kumportable siya.
“Paano mo ako nakilala?”
Mukha namang nagulat ang babae nang magsalita si Winter.
Hinila niya ito paupo sa mahabang upuan sa gilid ng balkonahe.
Binitiwan nito ang isa niyang kamay, pero nanatili itong nakaharap sa kanya.
“I’ve been
Comments