6

When Jimin Was There
Please Subscribe to read the full chapter

“Giselle,”

 

“Oh?”

 

Nakaupo sila sa upuang nakaharap sa mansion. Wala kasi ang lolo ni Giselle, nagpunta ng bayan.

 

“Totoo yung sinabi ng lolo mo,”

 

Mataman siyang tiningnan ni Giselle. “What do you mean?”

 

“Last night.. natanong ko si Jimin about her brother,”

 

“And?”

 

“Namatay daw yung brother niya, may sakit.”

 

Humarap si Giselle sa mansion. “Oh..”

 

Tumango si Winter. “Mas matanda lang ang brother niya sa kanya ng isang taon. Namatay daw nung 7 siya?”

 

“You know.. now that I think of it, baka, bawal lang nila sabihin,”

 

“Ang ano?”

 

“About your Jimin,”

 

Namula naman si Winter. “A-Anong your?!”

 

Pinitik naman ni Giselle si Winter sa noo. “Jimin is the brother, then your Jimin is the girl. Anyways, feeling ko pinagbawalan yung staffs magsalita about your Jimin sa public,”

 

Kinalma ni Winter ang sarili at pinilit na intindihin ang sinabi ni Giselle. “Bakit bawal?”

 

“I don’t know.. wala masyadong may alam na may isa pang anak, right?”

 

“Oo ata? Wala nga masyadong may alam na may anak in the first place..”

 

“I think Lolo purposefully left out yung detail about your Jimin, since feeling ko bawal,”

 

“Bakit naman bawal?”

 

Tiningnan siya ni Giselle. “That’s what we’re going to find out.”



 

“Ate Seulgi,”

 

Umangat naman ang tingin ni Seulgi mula sa pagkakayuko.

 

Nasa taniman sila ng kamatis, sa bakuran ng bahay. Inaani ang mga hinog na. Hindi masyadong mainit kaya naman hinayaan siya ni Seulgi na tumulong manguha. Nasa loob naman ng bahay si Irene, nagluluto ng hapunan.

 

“Matagal na po kayo dito, diba?”

 

Tumayo si Seulgi at inunant ang likod. “Hmm.. di gaano, bakit?”

 

“Ah.. may tatanong po sana ako about sa ano.. Yu Mansion,”

 

“Ah.. sige try ko kung alam ko. Ano ba yan?”

 

Tumayo si Winter at tinabihan si Seulgi sa upuan. Nagpapahinga saglit.

 

“May mga kaedad po ba ako na tumira doon?”

 

Tumawa si Seulgi. “Sa pagkakaalala ko naikuwento ata ni ate Irene mo sakin na may naitanong ka din sa kanya noon na ganyan.”

 

Winter smiled sheepishly. “Curious lang po,”

 

“Hmm.. ang alam ko lang may anak ang mga Yu. Hindi ko na sila naabutan eh. Nung taon na lumipat ako dito, kakaalis lang nung may-ari, binibilin yung mansion doon sa lolo ni Giselle. Tapos yun na. Wala ng balita.”

 

“Ano pong balita doon sa anak nila?”

 

“Ay.. sabi nung mga ale dati, namatay daw ng maaga yung bata. Kaya rin daw hindi na masyadong mahagilap yung mag-asawa kahit dati pa. Masyado daw nalungkot sa pagkamatay nung only child nila, kaya nagtravel-travel na lang daw,”

 

Naalala ni Winter ang kaibigang kinikita niya gabi-gabi sa panaginip.

 

Only child?

 

Pero si Jimin..

 

“Wala pong kapatid yung anak?”

 

Tumingala si Seulgi at akmang nag-isip.

 

“Ang alam ko.. Wala. May batang babae daw nakikita yung mga ale pero, baka daw anak ng katulong ‘yon. Kasi wala naman nabanggit yung mga Yu na may anak pa sila na isa eh,”

 

Naalala ni Jimin ang mga malamlam na ngiti ni Jimin kagabi.

 

“My parents.. They’re a bit complicated.”

 

“Bakit mo nga pala natanong?”

 

“P-Po?” Saglit na nakaligtaan ni Winter na nag-uusap pala sila ni Seulgi. Binabalikan niya kasi ang mga naging kwentuhan nila ni Jimin.

 

May nabubuo na kasing ideya sa isip niya.

 

“Ah.. hehe curious lang po talaga ako. Si Giselle kasi andaming tanong sakin,”

 

“Lolo niya kamo ang tanungin niya. Sigurado yun mas maraming alam, dati yung hardinero ng mga Yu,”

 

“Nabanggit nga po niya, kaso di raw po masyadong nagkukwento Lolo niya,”

 

Tumawa si Seulgi. “Medyo nakakatakot nga lolo niya, pero mabait naman yun, hindi nga lang talaga palasalita,”

 

Natahimik silang dalawa. Tahimik na tinitingnan ang mga puno ng kamatis.

 

Maya-maya’y narinig nila ang pagbukas ng pinto.

 

“Anong ginagawa niyo diyan? Kung tapos na kayo pumasok na kayo!” Aya ni Irene. May hawak pa itong sandok. Natawa si Winter sa kaitsurahan ng ate niya.

 

Nilingon niya si Seulgi na nakatitig lamang kay Irene.

 

“Ate.. mamaya ka na tumulala diyan,” Bulong niya rito.

 

Para namang bumalik sa huwisyo si Seulgi at natawa na lamang. “Tara na,”


 

Tumambay si Winter sa veranda ng kwarto matapos kumain. Nauna ng umakyat ang mag-nobya sa kanya kanina nang mag-presenta siya maghugas ng pinagkainan. Kakaakyat niya lang ngayon, at nakabihis na rin siya ng pantulog. Hinihintay na lamang niyang dalawin siya ng antok.

 

Maliwanag naman sa veranda niya kaya naman hindi siya masyadong natatakot. Aninag niya rin mula sa pwesto ang tanawin dahil sa mga streetlight na nakakalat sa paligid.

 

Tahimik niyang dinadama ang malamig na hangin. Noong una ay naninibago siya sa maagang pagtulog ng mga tao rito. Maaga silang nagigising, maaga rin silang nagpapahinga. Pero kalaunan ay nakasanayan na rin niya. Nagustuhan pa nga niya. Ang gaan sa loob.

 

Inalala niya ang mga impormasyong nakuha mula kay Giselle at Seulgi.

 

Bawal sabihin.

 

Only child.

 

“My parents.. They’re a bit complicated.”

 

Naalala niya ang tagpo kung saan inaalo siya ni Jimin nung sinabi niya ang saloobin. Na baka hindi na siya tanggapin pa ng mga magulang dahil masyado siyang maarte.

 

Nakita niya ang pagdaan ng inggit at simpatya sa mga mata nito.

 

Na para bang, pinagdaanan na rin nito ang nararamdaman niya.

 

Tumayo siya at pumasok na sa loob ng kwarto. Sinara niya ang pintuan papuntang veranda at hinayaan ang bintanang bukas, pinapapasok ang hangin at sinag ng buwan.

 

Humiga si Winter at matamang tinitigan ang buwan. Walang masyadong ulap.

 

Ipinikit niya ang mga mata.



 

“Winter,”

 

Nakaupo sila sa isang lamesa. Nasa bakuran sila ng mansion.

 

Tiningnan ni Winter ang dalaga sa harap niya.

 

Tumayo si Jimin at umikot. “What do you think?”

 

Nakasuot si Jimin ng bestida. Halos kakulay ng madilim na langit ang suot nitong bestida.

 

Ang ganda niya.

 

Lumunok si Winter para basaain ang parang tuyot niyang lalamunan.

 

“M-Maganda,” She raised her hand and gave her a thumbs up para patunayan ang sinabi.

 

Mukha namang kuntento na si Jimin sa nakuhang papuri at bumalik sa pagkakaupo sa harap ni Winter.

 

“May party na prinepare sila Mom and Dad sa loob,”

 

“Oh? Bakit ka nandito?”

 

Jimin gave her a tight-lipped smile. “Mamaya pa ako pwede pumasok doon eh,”

 

Lalo namang nagtaka si Winter. “Bakit? Sayang naman yung damit mo, saka parang nagsastart na yung sayawan..” Rinig na kasi ni Winter ang tugtog at mahinang ingay ng mga sapatos sa loob ng bahay.

 

“Basta,”

 

“Anong basta?” Pangungulit ni Winter.

 

“Eh.. Winter basta, okay? Wag kang makulit,” Natatawa na sabi ni Jimin.

 

Lalo namang sumimangot si Winter. Hindi abot ang tawa ni Jimin sa mga mata nito. Her laugh sounded so hollow and dead.

 

Tumayo siya at kinuha ang kamay nito.

 

“Halika,”

 

“Winter! Di nga tayo pwede pumasok!”

 

“Wala naman akong sinabi na papasok tayo,” Nakangusong sabi ni Winter.

 

Maya-maya’y nagpahila na si Jimin sa pagtayo.

 

Hinawakan ni Winter ang parehas na kamay ni Jimin saka marahan itong iginiya.

 

“Sasayaw tayo dito?”

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thelost_soul
hello, sure ako madaming errors pero sanay naman na kayo diyan, gets niyo na yan. midterms week namin kaya stressed si accla hahaha yan tuloy. thank you kung binabasa niyo pa rin 'to. stay safe guyss

Comments

You must be logged in to comment
userwontwothree #1
Chapter 13: tangina naiiyak ako kasi akala ko walang pag asa yung coma ni karina nung nasa final chap na ko or baka bigla syang mamatay dun sa mga special chapts HAHAHAHHAHA hilig ko lang mag overthink PERO THANK YU AUTHOR ANG GANDA NG PAGKASULAT :(((((
httpdaniyoo #2
Rereading this masterpiece
u_ujiman #3
Chapter 13: KINIKILIG AKO!!

Oh to experience a love so pure gaya ng sa kanila. 😣 Ang cute cute! Buti naman, akala ko magkaibigan pa rin ang tawag eh. HAHAHAHA
u_ujiman #4
Chapter 12: Ang soft nila 😞

I love their dynamics so much, pero kaibigan pa rin talaga ang turingan noh? Hahahaha cutie
u_ujiman #5
Chapter 11: Finally 🥹
u_ujiman #6
Chapter 7: hahahaha kinikilig ako
u_ujiman #7
Chapter 3: Ang calming, gustong-gusto ko kapag ganto naipaparamdam sakin ng binabasa ko.
ROYAL_LOCKSMITH #8
Chapter 13: Wala na hindi na naka palag si minjeong.haha.

Wala ka pala kay Karina jimin yu eh.😁
ROYAL_LOCKSMITH #9
Chapter 11: Woahhh...buti na lang at hindi figment of imagination lang si jimin.

Ang cute cute sobra. Buti at nagising na si jimin.
ROYAL_LOCKSMITH #10
Chapter 10: Sana ok lang si Karina.

If ever man na puntahan siya ni minjeong, magising na sana siya.