8

When Jimin Was There
Please Subscribe to read the full chapter

“Oh, Winter, maaga kang bababa sa lawa ngayon?” Sabi ni Irene habang naghahanda ng lamesa. Nagulat siya dahil kadalasan nitong mga nakaraang araw ay kailangan niya munang puntahan si Winter sa kwarto nito para gisingin at kumain ng agahan.

 

Parang naging hindi mapakali ang itsura ni Winter. “Ah.. maaga po kasi akong nagising kanina, tapos ano, h-hindi na ako makatulog,”

 

Tumango naman si Irene at inaya na ang pamangkin na maupo. “Kumain ka muna bago umalis. Nauna na si Ate Seulgi mo kanina sa bayan. Pagkatapos ko dito ay susunod ako sa kanya,”

 

“Ingat po kayo,”

 

Tumango naman si Irene bago nagsimulang kumain. “Mag-iiwan ako ng pagkain sa ref ha, umuwi ka pagka-tanghalian para kumain. Pwede ka naman bumalik sa mansion after,”

 

“Opo,”


 

Mabagal na naglalakad si Winter sa may gilid ng daan, ineenjoy ang malamig na hangin sa umaga. Unang beses niyang pupunta sa lawa ng ganito kaaga. Hindi siya sigurado kung magkikita ba sila ni Giselle ngayon. Siguro ay uupo na lang siya sa usual nilang pwesto kapag wala ang lolo nito.

 

“Pasensya na, si Manong Tomas lang kasi ang namamangka diyaan, kaya wala kaming ibang kakilala na mahihiraman ninyo ng bangka,”

 

Napatingin naman si Winter sa kabilang ibayo ng daan. Bukas na ang tindahan ni Aling Yuri doon. Dalawang babae na halatang hindi taga-probinsiya ang kausap niya.

 

Ayaw man niyang makinig sa usapan ay makipot lang naman ang daan kaya rinig niya pa rin ito kahit na naupo na siya sa upuang nakaharap sa mansion.

 

“Sigurado po ba kayo? Kahit isa lang po, marunong naman po kami gumamit ng bangka, kailangan lang po talaga namin,”

 

Naiimagine ni Winter ang itsura ng mukha ni Aling Yuri. Madalas kasi ay naririnig niya itong nagrereklamo sa mga pabalik-balik na customer nito at base sa obserbasyon niya, madali itong mainis.

 

“Mga ineng, kung mayroon akong kilala, hindi magtatagal ang usapang ito. Kung gusto ninyo hintayin ninyo si Manong Tomas. Hindi naman yun tumatanggi kapag may gustong magpahatid sa mansion,”

 

Narinig ni Winter ang malakas na buntong hininga ng mga kausap ni Aling Yuri. Maya-maya pa ay nagpasalamat na ang mga ito. Akala niya ay aalis na sila, pero nakita na lamang niya sa gilid ng mata na naupo ang dalawa sa kabilang upuan, di malayo sa kinaroroonan niya.

 

“Ate.. hihintayin na lang ba natin si Manong Tomas?”

 

“Wala tayong magagawa.. kailangan natin yung mga gamit ni Karomi,”

 

Hindi makapag-focus si Winter sa ginuguhit.

 

Sa pagkakatandan niya ay wala namang nabanggit si Jimin na ibang kapamilya sa mansion nila.

 

Sino itong mga ito?

 

Mga magnanakaw ba sila?

 

“Makikilala kaya tayo ni Manong Tomas?”

 

“Sana hindi.. di pa naman ako magaling magsinungaling..”

 

Tahimik naman si Winter na patuloy na nakikinig.

 

“Wag kang negative Ning okay? Nahahawa tuloy ako,”

 

Dumekwatro si Winter at patuloy na sinubukang gumuhit. Nakita niya sa gilid ng mata ang dagling paglingon sa kanya ng dalawang babae.

 

“Narinig niya kaya tayo?”

 

“Kung magsasalita ka pa ulit, malamang. Manahimik ka na kasi!”

 

“Eto na, eto na. Ang aga aga ang highblood mo na naman,”

 

Sinilip ni Winter ang orasan sa palapulsuhan. Anong oras mula ngayon ay darating na siguro ang maglolo. Kung magpapahatid ang dalawang babae sa mansion, kailangan muna nilang magpaiwan ni Giselle. Masyadong maliit ang bangka para sa limang tao. Baka lumubog sila.

 

“Uhm.. hello,”

 

Naiangat naman ni Winter ang paningin. Ang isa sa mga babae ay nasa harap niya ngayon.

 

“Uh.. Hi,”

 

“Sorry sa istorbo, nagdadrawing ka pala,”

 

Tiningnan naman ni Winter ang drawing. Sinusubukan niyang idrawing ang mansion sa kasalukuyan nitong estado. Wala pa siya sa kalahati.

 

“Ah, okay lang. Bakit pala?”

 

Nakita naman niyang nag-aalinlangang tumingin ito sa kasamang nakaupo pa sa kabilang upuan. Hinintay niya itong makalapit bago magsalita.

 

Naunahan na siya nito. “Hi! I’m Joy. Siya naman si Ningning,”

 

Ngumiti naman ang babae na unang lumapit sa kanya. “Hi, anong name mo?”

 

“Uh.. Winter.”

 

Naupo naman ang dalawa sa tabi ni Winter kaya umusog siya ng kaunti para bigyan sila ng espasyo.

 

“Hindi ka taga-dito?”

 

“Nagbabakasyon lang,”

 

Napatango naman si Ningning. “Ah.. ang gara kasi ng name mo,”

 

Natawa naman si Winter. “Yeah, I get that a lot,” Sinara niya ang sketchbook at hinarap ang dalawang kausap. “May maitutulong ba ko sa inyo?”

 

Winter saw Joy smiling sheepishly. “Ah.. ang totoo niyan, kailangan kasi namin malaman kung anong oras darating si Manong Tomas, kilala mo ba siya?”

 

“Oo, lagi niya kaming hinahatid sa mansion,”

 

Nanlaki naman ang mata ng dalawang babae. “Mga anong oras siya dumarating?”

 

Sinilip naman ni Winter ang orasan niya. “Any minute now,”

 

“Minjeong!”

 

Napatingin silang lahat kay Giselle na tumatakbo mula sa kabilang parte ng daan. Sa likod nito ay si Manong Tomas na may dala dalang lambat at balde.

 

Agad namang napatalikod ang dalawang babae ng makita nila ang pigura ni Manong Tomas.

 

Nagtataka man ay itinaas ni Winter ang kamay para kumaway kay Giselle.

 

Nang makalapit sa kanila ang dalaga ay curious itong napatingin sa dalawang babae na katabi ni Winter.

 

‘Sino?’ Senyas nito kay Winter. Winter shrugged her shoulders and tapped the space beside her.

 

Umupo si Giselle sa tabi ni Winter at hinintay ang lolo ni Giselle na tawagin sila. Nauna na kasi itong bumaba para ihanda ang bangka.

 

“Uh.. Gi, sila Ningning at Joy pala,”

 

Inilahad naman ni Giselle ang kamay. “Hi! I’m Giselle!”

 

Agad namang kinuha ni Joy ang kamay ni Giselle nang mapansin na natulala lang si Ningning.

 

“Hi! I’m Joy. This is Ningning,”

 

Mukhang nagets naman ni Giselle na hindi magsasalita anytime soon si Ningning kaya naman nginitian na lamang niya ito.

 

“So anong plans niyo today? Bakasyonista rin kayo right?”

 

“Ah.. yes, may kukunin lang sana kami, di kami magtatagal,”

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thelost_soul
hello, sure ako madaming errors pero sanay naman na kayo diyan, gets niyo na yan. midterms week namin kaya stressed si accla hahaha yan tuloy. thank you kung binabasa niyo pa rin 'to. stay safe guyss

Comments

You must be logged in to comment
userwontwothree #1
Chapter 13: tangina naiiyak ako kasi akala ko walang pag asa yung coma ni karina nung nasa final chap na ko or baka bigla syang mamatay dun sa mga special chapts HAHAHAHHAHA hilig ko lang mag overthink PERO THANK YU AUTHOR ANG GANDA NG PAGKASULAT :(((((
httpdaniyoo #2
Rereading this masterpiece
u_ujiman #3
Chapter 13: KINIKILIG AKO!!

Oh to experience a love so pure gaya ng sa kanila. 😣 Ang cute cute! Buti naman, akala ko magkaibigan pa rin ang tawag eh. HAHAHAHA
u_ujiman #4
Chapter 12: Ang soft nila 😞

I love their dynamics so much, pero kaibigan pa rin talaga ang turingan noh? Hahahaha cutie
u_ujiman #5
Chapter 11: Finally 🥹
u_ujiman #6
Chapter 7: hahahaha kinikilig ako
u_ujiman #7
Chapter 3: Ang calming, gustong-gusto ko kapag ganto naipaparamdam sakin ng binabasa ko.
ROYAL_LOCKSMITH #8
Chapter 13: Wala na hindi na naka palag si minjeong.haha.

Wala ka pala kay Karina jimin yu eh.😁
ROYAL_LOCKSMITH #9
Chapter 11: Woahhh...buti na lang at hindi figment of imagination lang si jimin.

Ang cute cute sobra. Buti at nagising na si jimin.
ROYAL_LOCKSMITH #10
Chapter 10: Sana ok lang si Karina.

If ever man na puntahan siya ni minjeong, magising na sana siya.