WJWT Special Chapter 1.

When Jimin Was There
Please Subscribe to read the full chapter

 

A year later.


 

“Minjeong, are you really sure about this?” Mahinang tanong ni Jimin sa kasama.

 

Matamis ang ngiting ibinigay ni Minjeong sa kasama.

 

Sigurado siya sa planong ito.

 

Buwan rin ang iginugol niya para lamang payagan si Jimin ng ama.

 

Gusto niyang siya ang magiging gabay ni Jimin sa muli nitong paglabas at pagdiskubre sa mga bagay na ipinagdamot ng mundo sa kanya noon.

 

“Yup. Basta, hawak ka lang sa akin. Okay?”

 

Naramdaman niya ang pagpisil ni Jimin sa braso niya. “Of course, I won’t let go,”

 

Natawa si Minjeong bago igiya ang kasama papasok sa mataong entrada ng perya.



 

Halos isang taon na rin ang nakalipas.

 

Strikto ang ama ni Jimin pagdating sa pagpapagaling ng nag-iisang anak. Kaya naman sa loob ng isang taon, sumailalim si Jimin sa iba’t-ibang gamutan at therapy, para palakasin ang resistensya, at ang katawan.

 

Matapos ayusin ang gusot na kinasangkutan, bumalik rin ang mag-ama sa probinsya, ngunit hindi na sila bumalik sa mansyon. Tuluyan na itong ibinenta ng ama ni Jimin, at bumili na lamang ng maliit na lupa at ibinayad ang iba sa mga pinagkakautangan nito. Ang iba naman ay tinipon nito at ginamit sa mga gamutan ni Jimin.

 

Ang ina at ama naman ni Minjeong ay bumili na rin ng bahay malapit lamang kila Seulgi, at nanatili na lamang sa probinsya.

 

Sa loob ng isang taong pagpapalakas, hindi umalis si Minjeong sa tabi ng kaibigan. Sinamahan nito si Jimin sa mga therapy, inilalabas ito kapag nababagot na sa loob ng bahay, kahit na ba minsan ay pinagagalitan sila ng ama ng dalaga.


 

Ngayon nga ay matapos makakuha ng permiso mula sa doktor at ama ni Jimin, sa wakas ay pinayagan rin si Minjeong na dalhin ang kaibigan sa perya.

 

Dito na magsisimula ang pagbabagong nais gawin ni Minjeong.

 

Gusto niyang muling ipakilala ang mundo kay Jimin: sa sarili niyang paraan.

 

Marami siyang plano, kapag nagsimula na ang pasukan, gusto niyang kasama rin sana si Jimin.

 

Kahit na ba hindi sila magkaklase, basta kasama niya ang dalaga sa pagpasok at pag-uwi.

 

Maayos naman ang paaralan sa probinsya, base sa karanasan niya. Ngunit mas magiging masaya sana ito kung kasama niya ang matalik na kaibigan. Kaya naman ito ang susunod niyang ipagpapaalam sa ama ni Jimin. Ang pag-aaral nito.


 

“What are you thinking?” Bulong ni Jimin.

 

Tiningnan naman ni Minjeong ang kaibigang nakapulupot ang dalawang kamay sa braso niya.

 

Mas matangkad ito sa kanya, pero kung makasiksik ito ay parang mas bata at mas maliit ito.

 

Muli ay tumawa siya. Ang cute lang.

 

Kumunot ang noo ni Jimin at pinisil ang brasong hawak. “Kanina mo pa ako tinatawanan. What’s funny?”

 

Kinuha ni Minjeong ang isang kamay ni Jimin na nakakapit sa braso niya saka ito ibinaba sa sariling kamay. Pinagsalikop niya ito saka muling tiningnan ang namumulang si Jimin.

 

“Ang cute mo lang. And I am thinking about you. Kung magugustuhan mo ba yung hinanda ko para sa atin for today,”

 

Napansin ni Minjeong ang bahagyang pagpisil ni Jimin sa magkasalikop nilang kamay.

 

“No need to worry, I would like it kahit ano pa yan, as long as it’s you,”

 

Pilit pinigilan ni Minjeong ang matamis na ngiti na gustong kumawala sa mga labi niya.

 

Hindi niya napigilan kaya naman tinanggal na lang niya ang tingin sa kaibigan saka pinisil ang kamay nito. “Tara na,”


 

—--


 

“J-Jimin,” Nahihirapang tawag ni Minjeong.

 

“Just, just wait,”

 

Tumango lamang si Minjeong habang parang tuod na nanatiling nakatayo.

 

Kakababa lamang nila mula sa isang mataas na ride.

 

Sinabi niya kay Jimin na pwede naman nilang wag sakyan ito, dahil kahit siya ay natatakot sumakay.

 

Ngunit simula ata ng pumasok sila, lahat ng ride na makikita ng kaibigan ay nais nitong sakyan.

 

Sino ba naman siya para pigilan at ipagkait ito, di ba?

 

Kaya naman hinayaan niya ang dalaga.

 

Iyon nga lang, matapos ang partikular na ride na ito, nangangatog si Jimin na umalis sa upuan nito at basta na lamang isiniksik ang sarili kay Minjeong na kakaalis lang rin mula sa kinauupuan nito.

 

Mabuti na lang ay nagawa pa ni Minjeong itabi sila para hindi sila nakaharang sa may gitna.

 

Ipinalibot ni Minjeong ang mga kamay sa baywang ni Jimin saka dahan-dahan itong inakap pabalik, hinihimas ang likod ni Jimin para pakalmahin ito.

 

Hindi naman umiiyak si Jimin, pero ramdam ni Minjeong ang panlalamig at mabilis na tibok ng puso nito.

 

Matapos ang ilang minuto, kusa na ring kumalas si Jimin, saka pilit kinalma ang paghinga nito.

 

Natatawa lang si Minjeong na pinunasan ang pawis na namuo sa noo ng kaibigan.

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thelost_soul
hello, sure ako madaming errors pero sanay naman na kayo diyan, gets niyo na yan. midterms week namin kaya stressed si accla hahaha yan tuloy. thank you kung binabasa niyo pa rin 'to. stay safe guyss

Comments

You must be logged in to comment
userwontwothree #1
Chapter 13: tangina naiiyak ako kasi akala ko walang pag asa yung coma ni karina nung nasa final chap na ko or baka bigla syang mamatay dun sa mga special chapts HAHAHAHHAHA hilig ko lang mag overthink PERO THANK YU AUTHOR ANG GANDA NG PAGKASULAT :(((((
httpdaniyoo #2
Rereading this masterpiece
u_ujiman #3
Chapter 13: KINIKILIG AKO!!

Oh to experience a love so pure gaya ng sa kanila. 😣 Ang cute cute! Buti naman, akala ko magkaibigan pa rin ang tawag eh. HAHAHAHA
u_ujiman #4
Chapter 12: Ang soft nila 😞

I love their dynamics so much, pero kaibigan pa rin talaga ang turingan noh? Hahahaha cutie
u_ujiman #5
Chapter 11: Finally 🥹
u_ujiman #6
Chapter 7: hahahaha kinikilig ako
u_ujiman #7
Chapter 3: Ang calming, gustong-gusto ko kapag ganto naipaparamdam sakin ng binabasa ko.
ROYAL_LOCKSMITH #8
Chapter 13: Wala na hindi na naka palag si minjeong.haha.

Wala ka pala kay Karina jimin yu eh.😁
ROYAL_LOCKSMITH #9
Chapter 11: Woahhh...buti na lang at hindi figment of imagination lang si jimin.

Ang cute cute sobra. Buti at nagising na si jimin.
ROYAL_LOCKSMITH #10
Chapter 10: Sana ok lang si Karina.

If ever man na puntahan siya ni minjeong, magising na sana siya.