7
When Jimin Was There'so your name's minjeong?'
'oo'
'that's a weird name'
'di nga ako nagcomment sa korina mo'
'it's karina!'
'okay'
'grabe, ayaw mo ba akong kausap?'
'wala naman ako sinabi'
'eh kasi ang cold mo!'
'ha'
'ayan!'
'di ko gets'
'ang cold ng replies mo :<'
'you remind me of winter'
'winter?'
'cold pero gives warm feeling ganon!'
'di ko pa rin gets'
'nyenye ewan ko sayo winter, slow!'
'sino si winter'
'nakakastress ka! ikaw nga!'
'ako si minjeong'
'winter's my nickname for you'
'kailangan ba non'
'i just want to give you one, ano ba yaaaan'
'ah, sige'
'ang panget mo namang katext huhu'
'ikaw kaya nauna'
'sabi ko nga..'
'sige'
'ano ba yan winter!!!'
'ano na naman'
'mag-isip kang topic, im boreeed'
'inuutusan mo ba ko'
'ay! alam ko na!'
'ano'
'i'll teach you how to text'
'marunong ako'
'no kaya. ang patay mong katext'
'dapat ba sumasayaw ako'
'ano baaa hindi! put an emoji kasi ganon!'
'ano yun'
'yung emoji?'
'oo'
'omg, di mo alam?'
'magtatanong ba ko kung alam ko'
'hmp, sabi ko nga. ganito yung emoji :>>'
'san diyan'
'yung parang may face!'
'mukha?'
'ito ngaaa :>>'
'yung colon :'
'kasama yung iba pa!'
':>>'
'yan?'
'yes!'
'madali lang pala'
':>>'
"Sabi mo you have a textmate before?"
Naiangat naman ni Winter ang tingin. Nasa mansion ulit sila ni Giselle. Dala niya ang sketchpad at tahimik na nagdadrawing.
Wala siyang ideya kung ano ang dinadrawing. Hinahayaan niya lang ang kamay na gumalaw at iguhit ang kung anong maisipan.
"Oo,"
"What's her name again?"
"Karina,"
"Ang unique ng name niya."
"Mas unique daw yung akin,"
Pabiro namang umirap si Giselle. "Nobody asked,"
Tumawa lang si Winter. "Bakit mo pala natanong?"
"Wala ka ng number niya?"
"Ni Karina?"
"Hmm,"
"Wala na. Nasira kasi yung phone na yun years ago,"
"Kahit sim man lang?"
Umiling si Winter. "Di ko naisip isave yung sim,"
"Ano ba yan,"
"Bakit ano bang plano mo?"
"Try natin mag-reconnect sa kanya,"
Umupo si Giselle sa tabi ni Winter at saglit na tiningnan ang drawing nito.
"Sabi nila it's sweeter the second time around,"
Pinalo ni Winter si Giselle. "Magkaibigan lang kami!"
Natatawang hinimas ni Giselle ang brasong napalo. "Wala naman akong sinabi na there's something more,"
Umirap lamang si Winter.
"Natry mo na ba siya isearch sa social media?"
Tumango si Winter. "Yun nga dahilan bakit ako nagkasocial media account,”
“Wala kang nakita?”
“Sabi ko naman sayo, hindi ako sure kung Karina-”
“Karina, lumabas ka riyan,”
Napatigil si Winter.
Karina…?
“Huy,”
“O-Oh?”
“Naputol yung sinasabi mo,”
“A-Ah.. ayun nga hindi nga ako sure kung K-Karina ba yung totoo niyang pangalan,”
Napairap si Giselle. “Hindi lang naman yun yung pwede mong gamitin mong basehan sa paghahanap! Like for example where does she live?”
“H-Hindi niya rin nabanggit, basta nasa probinsya siya,” Umangat ang paningin ni Winter sa mansion.
“Ano pa mga naikuwento niya sayo?”
“Random things..”
“Wala kang maalala na may kinalaman sa personal life or info niya?”
Winter remained silent.
Her hunch doesn’t look so impossible anymore.
Tumingin siyang muli kay Giselle. “I’ll tell you kapag may naalala ako,”
Tumango na lamang si Giselle. Tinitigan nito ang dinadrawing ni Winter.
On Winter’s sketchpad is a form of a girl standing with her hair flowing freely. The girl is looking above, on what appears to be the moon.
“Si Jimin ba yan?”
“I guess?”
“Hindi mo alam?”
“I didn’t intend to draw her,”
Nagkibit balikat lamang si Giselle at patuloy na pinanuod si Winter gumuhit.
Soon, a face appeared on the sheet. A small face, with big doe eyes, small nose and full lips. Just underneath it on the right side is a beauty mark that can fully captivate anyone’s attention. Winter tried to do her long and black hair justice; keyword, tried.
Winter heaved a sigh after putting some final touches.
“That’s your Jimin?”
Tumango si Winter ng wala sa huwisyo, fully mesmerized by her own art.
“No wonder you’re a bumbling mess everytime I ask about her,”
Agad namang namula si Winter. “B-Bumbling mess ka diyan,”
“Totoo naman, ang obvious mo kaya,”
“She’s much more in personal. This piece of paper didn’t do her justice,”
“Okay, lover girl,”
“Giselle!!!”
Tumawa si Giselle at tumayo para iwasan ang mga palo ni Winter. “Minjeong, wag mo na kasi pigilan, it’s fine,”
“Wala naman kasi talaga..” Winter mumbled.
Giselle smirked. “Yeah right.”
Sumimangot si Winter.
“Giselle,”
Sabay silang napatingin sa Lolo ni Giselle na nasa may hagdan sa harap ng mansion.
“Iuuwi ko na kayo, makulimlim na,”
Agad namang tumango ang dalawa saka tumayo para sumakay na sa bangka at makauwi.
Please Subscribe to read the full chapter
Comments