Final

When Jimin Was There
Please Subscribe to read the full chapter

Pagkarating nila sa pantalan ay bumaba agad si Giselle at Winter.

 

Naghihintay din sa kanila ang magkapatid.


 

“Joy..”

 

Tawag ni Winter habang nakaupo silang apat sa upuang nakaharap sa mansion.

 

“If ever ba..pwede ba akong sumama sa pagbalik niyo?”

 

Lumiwanag naman ang mukha ng magkapatid. Hinawakan naman ni Joy ang kamay ni Winter.

 

“Winter.. di mo alam kung gaano ako nagpapasalamat ngayon pa lang,”

 

“Magpapaalam pa ako, pero kung pumayag, sasama sana ako,” Nahihiyang sagot ni Winter.

 

“Ako rin!” Singit ni Giselle.

 

“Kasama ka naman ata talaga Giselle,” Sabi ni Ningning.

 

“Huh? Bakit?”

 

“Ihahatid daw kami ng Lolo mo,”

 

Nagkatinginan naman ang magkaibigan.

 

“Oh! Edi maganda, Min, paalam ka na tonight, okay?” Paalala ni Giselle.

 

Tumango lamang si Winter.

 

“Bukas kami aalis Winter. Pumunta ka na lang dito, ha?” Sabi ni Joy.

 

Tumango lang si Winter at maliit na ngumiti. “Salamat,”

 

Tumango lang ang magkapatid saka tumayo. “Mauuna na kami, ihahanda pa namin yung mga dadalhin namin,”

 

Maya-maya naman ay dumating na rin ang lolo ni Giselle, kaya naman nagpaalam na si Winter sa kanila.

 

Binagtas niya ang daan pauwi at nag-isip na ng pwedeng sabihin sa ina para payagan siya.


 

“Ate, kami na ni Irene bahala dito. Akyat na kayo ni Winter,” Nakangiting sabi ni Seulgi kay Taeyeon. Tumango naman ang babae saka inaya ang anak na umakyat na.

 

Tahimik silang nakarating ng kwarto.

 

Pinauna na ni Taeyeon ang anak na maghanda sa pagtulog. Tumambay siya sa veranda. Nakikita niya ang improvement sa kalagayan ng anak, kaya naman natutuwa siya.

 

Hindi man naging maganda ang simula nila kaninang umaga, natuwa siya dahil napansin niyang mas masaya ang anak niya kumpara noong umalis ito sa siyudad. Ramdam niyang may bumabagabag dito, kaya naman nang matapos ito, ay sumunod na agad siyang naglinis para makapag-usap na sila kaagad.

 

Pagkatapos niyang magbihis ay wala si Winter sa loob ng kwarto. Natagpuan niya itong sa veranda nakaupo.

 

“Kamusta anak?”

 

Umupo siya sa upuang katapat ng inuupuan ni Winter. Ngumiti naman ito sa kanya.

 

“Okay lang Ma. Sorry po pala kaninang umaga.. napag-alala ko kayo,”

 

Umiling naman si Taeyeon. “Sa totoo nga ay nagulat ako anak. Mas kalmado ka kaysa sa nakasanayan ko. Nag-aalala ako oo, pero masaya din ako kasi ang laki ng improvement mo anak,”

 

Tumingin si Winter sa tanawing nasa harap nila. “Sobrang ganda rito, Ma.”

 

Napangiti naman si Taeyeon sa nasabi ng anak. “Gusto mo bang dito na lang tayo?”

 

Napatingin naman si Winter sa ina. “P-Paano po yung trabaho niyo? Si Papa?”

 

Akma namang nag-isip si Taeyeon. “Hmm.. edi kausapin natin ang Papa mo. Yung trabaho ko naman, magagawa ‘yun ng paraan.”

 

“Ma.. if ever man makapag-usap kayo ni Papa at pumayag siya.. dito na lang tayo ha?” Winter hesitantly asked.

 

“Dito kila Ate Seulgi mo? Naku kawawa naman ang dalawang ‘yun pag nagkataon,” Natatawang sabi ni Taeyeon.

 

Natawa na rin si Winter. “Hindi dito Ma,” Nilingon ni Winter ang malawak na tanawin sa labas. “Somewhere diyan sa may labas. Pero mas maganda po siguro kung malapit kila Ate Seul,”

 

Tumango naman si Taeyeon. “Sige, kakausapin ko ang Papa mo, okay?”

 

“Thank you, Ma.” Tiningnan ni Winter ang ina. Lumapit siya rito at tumabi sa upuan. Saka niyakap patagilid.

 

“Ma.. sorry po sa naging.. actions ko noon. Hindi ko po alam bakit ako nagduda na- na mahal niyo talaga ako.. eh, hindi naman kayo nagkulang ipakita at sabihin sakin na.. na mahal niyo ko..” Mahinang sabi ni Winter. Hindi niya kasi ata kayang bigkasin ang mga sinabi sa harap mismo ng ina ng hindi umiiyak.

 

Sobra siyang naguguilty.

 

Naramdaman niya ang pag-akbay sa kanya ng ina.

 

“Pasensya ka na rin.. hindi namin sinabi kaagad. Ayaw kasi namin maisip mo na, binabayaran kami para mahalin at alagaan ka. Kaso, hindi din namin naisip ng Papa mo na once malaman mo, ganun talaga ang maiisip mo, at yung pagtatago namin, lalo lang palalalain yung mararamdaman mo..”

 

Mas lalo pang sumiksik si Winter kay Taeyeon. “Sorry po talaga..”

 

Niyakap na ni Taeyeon ng buo ang anak. “Okay na tayo ha? Kapag may nararamdaman ka na hindi maganda, kapag may problema ka, magsabi ka kay Mama, okay?”

 

Tumango si Winter habang nakabaon pa din ang mukha sa dibdib ng ina. Namiss niya ang yakap ni Taeyeon. Lagi siyang niyayakap nito sa tuwing nadadatnan nitong umiiyak siya pagkagising noon.

 

“Ikukuwento mo na ba kay Mama sino si Jimin? Kilala ko si Karina.. nabanggit mo din siya kahapon,” Malumanay na sabi ni Taeyeon habang masuyong hinahaplos ang buhok ng anak na nakasubsob pa din ang mukha sa kanya.

 

Natigilan naman si Winter. Umayos siya ng upo pero nakasandal pa rin sa ina.

 

“Yung mga panaginip na sinasabi ko sayo Ma.. naalala mo?”

 

Tumango naman si Taeyeon.

 

“Lahat ng ‘yun.. totoo. Yung mansion.. yung babae.. lahat,”

 

Natigilan si Taeyeon, pero hindi ito nagsalita, kaya naman nagpatuloy si Winter.

 

“Nung dumating po ako dito, nalaman ko na totoo yung mansion, kasi nandito yun ma. Nakatayo yung mansion na yun dito.”

 

Magkaharap na ang mag-ina habang patuloy na kinukwento ni Winter sa ina ang mga detalye ng mga nangyari sa kanya simula noong dumating siya sa probinsya.

 

Mataman lang din na nakikinig si Taeyeon, minsang nagtatanong para klaruhin ang ilang bagay sa kwento ng anak.

 

Di katulad ng inaasahan ni Winter, parang naging maayos ang pagtanggap ni Taeyeon sa mga bagay na nalaman. Kung hindi man ito naniniwala, hindi nito masyadong pinapahalata.

 

“So.. ayun po. Sabi nila Joy.. kung papayagan niyo raw po akong sumama, bukas ang alis nila.”

 

Saglit namang natahimik si Taeyeon. “Kasama naman ninyo yung si Manong Tomas, hindi ba?”

 

“Opo,”

 

“Siya ‘yung lolo nung Giselle?”

 

“Opo. Siya po lagi naghahatid sa amin sa mansion, at naghahatid din sa amin pabalik,”

 

Tumango naman si Taeyeon. “Gusto mo bang sumama ako?”

 

Natahimik si Winter. Tumawa lang si Taeyeon saka tinapik ang anak. “Okay sige hindi na lang.”

 

“O-Okay lang naman Ma, kung gusto mo?”

 

Muling natawa si Taeyeon. “Hay naku anak. Dito na lang ako. May gagawin din naman ako, maghahanap ako ng lilipatan natin dito, diba?”

 

“Hindi pa naman po pumapayag si Papa,”

 

“Asus. Ikaw pa. Papayag yun kaagad, basta ikaw,”

 

Natawa lang ang mag-ina.

 

“O siya, pumasok ka na sa loob at ihanda ang mga dadalhin mong gamit bukas. Bababain ko lang sila Ate Seulgi mo.”

 

Sabay silang tumayo saka pumasok sa loob ng kwarto.


 

Kinabukasan, maagang nagising si Taeyeon para ipaghanda ang anak ng agahan.

 

Nag-usap sila at nagbilin naman ang ina ng iilang bagay para kay Winter.

 

Binigyan niya rin ito ng phone at pera, para may contact sila

 

Matapos kumain ay hinatid ni Taeyeon si Winter sa may lawa. Wala pa ang magkapatid pati na ang mag-lolo kaya naman naupo muna ang mag-ina sa upuang nakaharap sa mansion.

 

Dala ni Winter ang sketchbook na ngayon ay hawak ng ina at tahimik na ikinukumpara sa aktwal na mansion sa harap nila.

 

“Ang galing mo talaga mag-drawing anak..” Mahinang sambit ni Taeyeon. Titig na titig pa rin sa dalawang bersyon ng mansion sa harap niya.

 

Namula naman si Winter pero mamaya ay napangiti at mas lalo pang sumiksik sa ina ng umihip ang malamig na hangin.

 

Natuwa naman si Taeyeon. Natutuwa talaga siya sa naging pagbabago ng anak. Hindi naman kasi ganito si Winter. Sapat na rito ang mga maiikling yakap at halik sa pisngi kapag aalis o kaya nama’y bago matulog.

 

Hindi naman ito nagrereklamo kapag naglalambing ang ina pero ramdam ni Taeyeon na hindi lang talaga gusto ng anak kapag nilalambing siya ng matagal. Kaya naman natutuwa siya ngayon dahil ang anak niya pa ang nauunang lumambing.

 

“Winter!”

 

Napalingon naman ang mag-ina at nakita ang maglolo na naglalakad papunta sa pwesto nila.

 

“Giselle!” Tumayo si Winter at sinalubong ang yakap ni Giselle. Yumuko naman siya nang makita ang lolo nito. Sumunod na tumayo si Taeyeon at kumaway kay Giselle.

 

Lumapit naman ang bata saka nagmano kay Taeyeon. Nakipagkamay naman si Manong Tomas kay Taeyeon.

 

“Kayo po si Manong Tomas?”

 

Tumango naman ang matanda. “Oh, kayo po ang nanay ni Winter?” Tumango rin si Taeyeon. Saglit lumayo ang dalawang nakatatanda para mag-usap.

 

Naupo naman ang magkaibigan sa upuan.

 

“Buti pinayagan ka?” Excited na tanong ni Giselle.

 

“Kinuwento ko kay Mama lahat. Naintindihan naman niya, basta raw umuwi ako agad, saka mag-iingat,”

 

Tumango naman si Giselle. “Don’t worry, nandiyan naman si Lolo to take care of us,”

 

Maya-maya ay dumating na din ang magkapatid. Nag-usap pa muna si Taeyeon at Joy bago nagdesisyon ang lima na lumarga na paalis.

 

Sumakay sila ng bus papuntang bayan. Ang sabi ni Manong Tomas ay sasakay silang muli ng isa pang bus sa bayan para naman makapunta kung nasaan sila Mr. Yu at Karina.

 

Magkakatabi si Manong Tomas, Giselle at Winter sa upuang pangtatluhan, nasa may bintana si Winter habang napapagitnaan naman nila ni Manong Tomas si Giselle. Nakasandal si Giselle sa balikat ni Winter dahil kulang daw siya sa tulog. Sa katabi naman nilang pandalawahan na upuan ay ang magkapatid.

 

Nakatingin lamang sa labas ng bintana si Winter.

 

Kinakabahan pa rin siya. Pero nandoon rin ang pananabik na makita si Jimin. Ang mahawakan ito para masigurado niyang hindi lang talaga ito gawa-gawa ng utak niya.

 

Kagabi ay wala siyang naging panaginip. Pagpikit niya ay wala siyang naaalalang nanaginip siya. Ang sunod na lang niyang nalaman ay umaga na.

 

Kanina ay balisa pa siya dahil bakit?

 

Bakit hindi siya nanaginip?

 

Pero nang maalala ang takot na umusbong sa dibdib niya ng mapagtantong wala si Jimin sa panaginip, napalitan ang pagkabalisa niya ng ginhawa. Mabuti na rin siguro.

 

Hindi namalayan ni Winter na nakatulog na siya sa biyahe.


 

“Malapit na tayo, Manong,” Narinig ni Winter na sabi ni Joy kay Manong Tomas.

 

Tumango naman ang matanda at marahang ginising ang natutulog pa ring si Giselle na ngayon ay nakahilig na sa balikat naman ng lolo. Nilipat kasi nito ang ulo ng apo ng makitang nahihirapan na si Winter kanina umayos ng pwesto dahil sa kaibigan.

 

Gising na si Winter kaya naman ay sinabihan lang ito ng matanda na maghanda na sa pagbaba.

 

Mamaya nga lang ay ibinaba sila ng bus sa isang waiting shed.

 

Walang tao doon, habang palayan naman ang makikita sa paligid. May isang tindahan sa kabilang ibayo ng daan.

 

Kinuha ni Winter ang baong tubig saka uminom. Sumunod naman ang mga kasama saka umupo sa waiting shed.

 

“Maghihintay lang tayo ng pot-pot dito. Lagi namang may dumadaan dito,” Sabi ni Joy habang nakaupo.

 

“Pot-pot?” Nakakunot ang noo na tanong ni Giselle.

 

“Parang tricycle, pero pangmaramihan. As in, mga 8? Ang pwedeng makasakay. Basta malaking trike,” Sagot ni Ningning.

 

Mamaya-maya nga ay isang malaking tricycle ang tumigil sa harap nila. Nagbaba ito ng mga pasahero saka sila pinasakay, Meron itong mga upuan sa likod at harap. Apat ang pwedeng sumakay sa likod, habang hanggang tatlo ang pwedeng sumakay sa harap.

 

Pumwesto si Manong Tomas sa likod ng drayber, habang nagtabi naman sa harap si Joy at Ningning. Si Giselle at Winter naman ang pumwesto sa likod.

 

Halos kalahating oras din nilang binagtas ang maalikabok na daan bago nila narating ang isang di gaano kalaki

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thelost_soul
hello, sure ako madaming errors pero sanay naman na kayo diyan, gets niyo na yan. midterms week namin kaya stressed si accla hahaha yan tuloy. thank you kung binabasa niyo pa rin 'to. stay safe guyss

Comments

You must be logged in to comment
userwontwothree #1
Chapter 13: tangina naiiyak ako kasi akala ko walang pag asa yung coma ni karina nung nasa final chap na ko or baka bigla syang mamatay dun sa mga special chapts HAHAHAHHAHA hilig ko lang mag overthink PERO THANK YU AUTHOR ANG GANDA NG PAGKASULAT :(((((
httpdaniyoo #2
Rereading this masterpiece
u_ujiman #3
Chapter 13: KINIKILIG AKO!!

Oh to experience a love so pure gaya ng sa kanila. 😣 Ang cute cute! Buti naman, akala ko magkaibigan pa rin ang tawag eh. HAHAHAHA
u_ujiman #4
Chapter 12: Ang soft nila 😞

I love their dynamics so much, pero kaibigan pa rin talaga ang turingan noh? Hahahaha cutie
u_ujiman #5
Chapter 11: Finally 🥹
u_ujiman #6
Chapter 7: hahahaha kinikilig ako
u_ujiman #7
Chapter 3: Ang calming, gustong-gusto ko kapag ganto naipaparamdam sakin ng binabasa ko.
ROYAL_LOCKSMITH #8
Chapter 13: Wala na hindi na naka palag si minjeong.haha.

Wala ka pala kay Karina jimin yu eh.😁
ROYAL_LOCKSMITH #9
Chapter 11: Woahhh...buti na lang at hindi figment of imagination lang si jimin.

Ang cute cute sobra. Buti at nagising na si jimin.
ROYAL_LOCKSMITH #10
Chapter 10: Sana ok lang si Karina.

If ever man na puntahan siya ni minjeong, magising na sana siya.