WJWT Special Chapter 2.

When Jimin Was There
Please Subscribe to read the full chapter

 

hello

 

 

“Ning, have you seen Winter?”

 

“Hmm..” Iniangat ni Ningning ang paningin sa ginagawang plate. “No, kahit si Giselle hindi ko pa nakikita today. Why?”

 

“Hindi siya sumasagot sa texts ko..”

 

“Baka busy? Midterms na rin nila diba?” Pang-aalo ni Ningning sa pinsan. Sanay na sa overbearing na treatment ng pinsan sa ‘kaibigan’ nito.

 

Hindi sumagot si Karina, bagkus ay muling ibinaba ang paningin sa hawak na phone, nakatitig sa black screen nito na para bang bigla na lang iyon iilaw at ididisplay ang pangalan ng kanina pa niya hinahanap na si Winter.


 


 

“Girl, ano di talaga tayo magpapakita sa kanila?” Inis na tanong ni Giselle.

 

Nasa library ang dalawa. Gutom na si Giselle pero hindi naman niya maiwan ang kanina pa namomroblemang kaibigan.

 

“Gi.. please di ko kaya harapin ngayon si Karina. Baka mahalata pa niya ako, ano na lang sasabihin ko? Ngayong araw lang.. promise sasabay na tayo sa kanila bukas,” Nagmamakaawang pakiusap ni Winter.

 

Umikot naman ang mata ni Giselle at wala na lang nagawa na naupo. Magkikita pa man din dapat sila ni Ningning.

 

“Ano ba kasing ginawa mo kagabi?”

 

Agad namang namula si Winter. Muling naalala ang dahilan sa kanilang pagtatago ngayon araw.

 

“E-Ewan ko rin.. basta alam ko nakatulog na ako ‘nun sa sobrang pagod.. tapos.. ayun na..”

 

“Ganun ka ba kapag sobrang pagod, napapaginipan mong kahalikan mo mga kaibigan mo?”

 

“Giselle!” Agad namang tinakpan ni Winter ang maingay na bibig ng kaibigan, bago luminga linga, tinitingnan kung may nakarinig ba sa kanila. “Ano ba ‘yang bibig mo!”

 

“Eh bakit? Curious lang naman ako! Saka, have you ever dreamt about me kissing you?”

 

Napalitan naman ng nandidiri ang ekspresyon ni Winter. “Ew! Ano ka ba! Matakot ka nga sa sinasabi mo!”

 

“Ah, so kapag kay Karina, okay lang? Tapos kapag ako, kadiri? Aba, the double standard!”

 

Muling namula si Winter. “H-Hindi naman sa ganoon.. basta.. Gi, umayos ka nga,”

 

Inirapan na lamang ni Giselle ang kaibigan.

 

Minsan, gusto na lang niya pag-umpugin ang dalawa. Kulang na lang kasi ay isigaw niya sa mga mukha ng mga ito kung gaano sila ka-obvious pagdating sa pagtingin sa isa’t-isa.

 

Si Karina na sobra na ang pagkahumaling pagdating kay Winter. At si Winter na sobrang rupok sa mga pahaging na patutsada ni Karina.

 

Kapag magkakasama silang apat, tanga na lang ang hindi makakapansin sa namumuong tensyon sa tuwing magkadikit ang dalawa niyang kaibigan. Minsan ay sila na lang din ni Ningning ang nag-aadjust, nakakahiya naman kasing pumagitna.

 

Inilabas ni Giselle ang phone. Maglalaro na lang siguro siya. Mukhang mamaya pa matatapos si Winter sa ‘pag-aaral’ nito.

 

Pipindutin na sana niya ang app nang nagpop-up ang message ni Ningning.

 

‘Lover girl otw. Nilaglag si Winter ng isang kaklase niyo. Papunta na siya diyan sa lib’

 

Nanlaki ang mga mata ni Giselle at saktong pag-angat niya ng paningin para sana ay sabihan si Winter, ay tumama naman ang mata niya sa nandidilim na pares naman ni Karina.

 

Lumunok siya. Inabot niya ang nakayuko na si Winter sa libro saka tinapik ang balikat nito.

 

“H-Hoy, cr lang ako,”

 

Hindi naman siya nilingon ni Winter. Tumango lamang ito habang patuloy na nagbabasa.

 

Dali-daling kinuha ni Giselle ang mga gamit saka ngumiti sa ngayon ay nakatayo na sa harapan nila na si Karina.

 

Hindi maipinta ang ekspresyon sa mukha nito. Diretso lamang itong nakatitig sa nakayuko nilang kaibigan.

 

Ilang segundo pa ang dumaan bago napansin ni Winter si Karina.

 

“J-Jimin..”

 

Pinagkurus lamang ni Karina ang braso saka nakataas ang isang kilay na tumingin kay Winter.

 

“U-Uh.. bakit ka nandito?”

 

“What are you doing, Winter?” Malamig ang boses na tanong ni Karina.

 

Nanlamig naman si Winter sa narinig. Minsan na lang niyang marinig na tawagin siyang ‘Winter’ ni Karina. Pero kapag tinatawag siya nito sa dating palayaw, iisa lang ang ibig sabihin; galit na ito.

 

Agad na tumayo si Winter, pilit na di pinapansin ang pag-ikot ng kung ano sa tiyan niya nang tumama ang mata niya sa mamula-mulang labi ng kaibigan. Agad niyang idinako sa iba ang paningin.

 

“A-Ah, nagrereview ako.. alam mo naman, diba? Medyo mahirap midterms namin,” Dahilan niya. Ahead siya ng isang taon kay Karina, kaya naman totoo talagang mas marami at mahirap ang mga gawain niya kesa rito.

 

Nakita naman niyang lumambot ang mga mata ni Karina. “Too busy to answer a text from me?” Mahinang tanong nito.

 

Ramdam ni Winter ang panghihina ng tuhod niya.

 

“S-Sorry.. naka-silent phone ko. Nadidistract ako minsan kasi, diba?” Muling dahilan ni Winter. Sa isip niya ay pinapalo niya ang sarili kada white lie na sinasabi sa kaibigan.

 

Karina heaved a deep breath shakily, saka maya-maya’y tumango. “R-Right.. Sorry, am I being too clingy..?”

 

“No, no,” Maagap na sagot ni Winter. Luminga siya saglit at tiningnan ang paligid nila. Malayo at nakatalikod naman sa kanila ang pinakamalapit na estudyante. Lunch break kasi, halos nasa labas ang lahat para kumain.

 

Kinuha ni Winter ang dalawang kamay ni Karina saka ipinalibot sa sarili. Nakuha naman ni Karina ang ginagawa nito at kusa ng yumakap sa kaibigan.

 

“Hindi, okay? Ano ka ba,” Mahinang alo ni Winter sa ngayo’y nakasiksik sa balikat niya na si Karina. “B-Busy lang t-talaga.. I’m sorry,”

 

Hinigpitan ni Winter ang yakap sa kaibigan, saka lumayo saglit para magdampi ng halik sa sentido ni Karina. “B-Babawi ako, okay?”

 

“I can just stay here with you..” Muffled na sagot ni Karina, nakabaon pa rin ang mukha sa balikat ni Winter.

 

Nakikiliti si Winter sa hininga ni Karina na tumatama sa gilid ng leeg niya.

 

Biglang nag-flash sa utak niya ang panaginip noong nakaraang gabi.

 

Ganito rin ang posisyon nila ng kaibigan bago siya kinabig ni Karina at hinalikan.

 

Naalala niya ang pakiramdam ng kamay ni Karina sa buhok niya, habang paulit-ulit ang paghalik na ginagawa nito sa kanya, na para bang sabik na sabik si Karina sa kanya.

 

Humigpit ang yakap niya kay Karina. Pumikit siya at pilit na winawaksi sa isip ang panaginip na paulit-ulit na lumalabas sa utak niya.

 

Naramdaman niya ang paghigpit rin ng yakap ni Karina. Lumipat ang mukha nito mula sa balikat niya.

 

Ngayon ay nakasiksik na ito sa leeg niya, maya’t-maya ay dumadampi ang labi nito sa balat niya.

 

Bumigat ang paghinga ni Winter. “J-Jimin..” Mababa ang boses na tawag niya kay Karina.

 

“Hmm,” Inilapit pa ni Karina ang sarili kay Winter.

 

“B-Baka may makakita..”

 

Muli pang huminga si Karina ng malalim bago tinanggal ang sarili kay Winter. Nakabusangot na ito. “Matagal ka pa ba?”

 

Kuyom ni Winter ang kamay. Ang init init pa rin ng pakiramdam niya. Para siyang lalagnatin na hindi maintindihan.

 

“Min?”

 

“Wait,” Winter breathed. Muli siyang huminga ng malalim. Nang masiguradong hawak na niya ang sariling katinuan, idinilat niya ang mata.

 

Nakamasid lamang si Karina sa kanya, may bahid ng pag-aalala sa mukha. “You okay..?”

 

Tumango si Winter. Ang bilis pa rin ng tibok ng puso niya. “H-Hmm, masakit lang ang ulo ko,”

 

“Then we should go home,” Agad na suggestion ni Karina.

 

Natawa si Winter. Alam niyang once na umuwi sila, hindi na siya makakapag-aral.

 

“Kailangan kong tapusin ‘tong review ko, Min,” Mahina ang boses na dahilan ni Winter.

 

Unti-unti nang nanlalambot ang loob niya at baka bumigay siya at umuwi na lang kapag tatagalan pa niyang tingnan ang nakangusong labi ni Karina kaya naman tumalikod si Winter at nagkunwaring inaayos ang nagulong gamit noong tumayo siya.

 

“Una ka na, okay? Kasama mo naman si Ning, di ba?”

 

“Yeah, but she and Giselle would probably stay behind ata muna to have a date, I don’t know,” Reklamo ni Karina. “Itithirdwheel na naman nila ako,”

 

Natawa si Winter. “Saan mo naman natutunan ‘yan?”

 

“Doon sa book na hiniram ko kay Ning,”

 

Napailing na lamang si Winter. Minsan ay nagugulat pa rin siya sa kung g

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thelost_soul
hello, sure ako madaming errors pero sanay naman na kayo diyan, gets niyo na yan. midterms week namin kaya stressed si accla hahaha yan tuloy. thank you kung binabasa niyo pa rin 'to. stay safe guyss

Comments

You must be logged in to comment
userwontwothree #1
Chapter 13: tangina naiiyak ako kasi akala ko walang pag asa yung coma ni karina nung nasa final chap na ko or baka bigla syang mamatay dun sa mga special chapts HAHAHAHHAHA hilig ko lang mag overthink PERO THANK YU AUTHOR ANG GANDA NG PAGKASULAT :(((((
httpdaniyoo #2
Rereading this masterpiece
u_ujiman #3
Chapter 13: KINIKILIG AKO!!

Oh to experience a love so pure gaya ng sa kanila. 😣 Ang cute cute! Buti naman, akala ko magkaibigan pa rin ang tawag eh. HAHAHAHA
u_ujiman #4
Chapter 12: Ang soft nila 😞

I love their dynamics so much, pero kaibigan pa rin talaga ang turingan noh? Hahahaha cutie
u_ujiman #5
Chapter 11: Finally 🥹
u_ujiman #6
Chapter 7: hahahaha kinikilig ako
u_ujiman #7
Chapter 3: Ang calming, gustong-gusto ko kapag ganto naipaparamdam sakin ng binabasa ko.
ROYAL_LOCKSMITH #8
Chapter 13: Wala na hindi na naka palag si minjeong.haha.

Wala ka pala kay Karina jimin yu eh.😁
ROYAL_LOCKSMITH #9
Chapter 11: Woahhh...buti na lang at hindi figment of imagination lang si jimin.

Ang cute cute sobra. Buti at nagising na si jimin.
ROYAL_LOCKSMITH #10
Chapter 10: Sana ok lang si Karina.

If ever man na puntahan siya ni minjeong, magising na sana siya.