9

When Jimin Was There
Please Subscribe to read the full chapter

Ang maayos na kwarto ni Jimin ay naging makalat na matapos itong halughugin ni Joy at Ningning. Ang bag na nasa kama ay puno na ng mga damit. Ang ilang kagamitan ay nakakalat na rin.

 

Nakaupo lamang si Winter at Giselle sa silya na nasa kabilang parte ng kwarto. Tinitingnan ang dalawang kasama na patuloy na hinahalughog ang buong kwarto, parang may hinahanap.

 

“Uh.. Ningning,”

 

Lumingon naman si Ningning kay Giselle. “Hmm?”

 

“Gusto mo tulungan kita?”

 

Napatigil naman si Ningning sa pagtingkayad at namumulang napatingin kay Giselle.

 

Tumayo na si Giselle at hindi na hinintay pa si Ningning na magsalita. Sinimulan niya itong tulungan na tanggalin ang mga libro sa mataas na parte ng book shelf.

 

Nadako naman ang tingin ni Winter kay Joy na ngayon ay nakasalampak pa rin sa sahig. May mga box itong kinukuha sa ilalim ng kama.

 

“Joy.. may hinahanap pa ba kayo?” Tanong ni Winter.

 

“Uh.. oo,” Wala sa huwisyong sagot ni Joy. Isa-isang binubuklat ang mga notebook na nakuha sa loob ng kahon.

 

Nakita ni Winter ang isa sa mga notebook. Pamilyar ang isang ito sa kanya.

 

Hindi pala ito notebook. Sketchbook. Ito ang pinakita na sketchbook sa kanya ni Jimin noong unang gabi silang nagkausap sa kwarto nito.

 

Tumayo si Winter at dahan-dahang umupo sa tabi ni Joy.

 

“Ano ba yung hinahanap niyo?”

 

Napatigil si Joy at napatingin kay Winter. Agad niyang sinara ang sketchbook at tumayo, pinapagpag ang pantalon.

 

“Ano lang, mga importanteng gamit lang. Kailangan kasi,” Hindi makatinging sagot ni Joy.

 

Winter heaved a sigh. Kanina pa siya napapagod sa mga malabong sagutan ng dalawa.

 

“Sino si Karomi?”

 

Agad na natigilan si Joy at Ningning.

 

Winter saw how Joy’s face steeled.

 

“Ano naman sayo?” Joy asked in a cold tone.

 

Naramdaman ni Ningning ang tensyon sa dalawa kaya naman nilapitan niya ang Ate. Hinawakan niya ito sa braso.

 

Nilapitan naman ni Giselle si Winter at tinulungan itong tumayo.

 

“Gusto ko lang naman malaman, kanina pa kasi kayo malabo,” Winter said in a full voice.

 

“Again, wala kang karapatang magtanong ng magtanong,” Joy retorted.

 

“Hindi naman kasi kami sigurado na kamag-anak talaga kayo ni- ni Jimin,”

 

Umawang naman ang bibig ni Joy. “How dare you?? Sa ating apat dito kayo yung mas malapit sa intruder!”

 

Magsasalita sana si Winter pero itinikom niya ang bibig. Wala siyang ebidensya na magpapatunay na kilala siya ni Jimin. Na magkaibigan sila ni Jimin.

 

“Giselle!”

 

Sabay-sabay nilang narinig ang boses ni Manong Tomas sa baba.

 

Nagtinginan silang apat bago tumalikod si Ningning at Joy para ayusin ang mga dadalhin pababa. Nauna naman si Giselle at Winter para salubungin ang lolo ni Giselle.


 

“Ihahatid ko lang sila Giselle, babalik ako agad. Wag na kayo pumasok ng mansion mabilis lang ako,” Bilin ng lolo ni Giselle bago ito nagsagwan palayo sa mansion.

 

Nasa bangka nito sila Joy at Ningning, kasama ang dalawang bag at isang kahon. Hindi sila tinitingnan ng dalawa. Bagkus, nakayuko ang mga ito at parang nag-uusap.

 

“Min!” Eksaheradang sabi ni Giselle matapos masiguradong malayo na ang lolo niya.

 

“I know, I’m sorry.”

 

“Bakit kasi ang hilig mong magpaligoy-ligoy? Eh kung tinanong mo ng deretsahan sana hindi nagkaganito,” Naiinis na sabi ni Giselle.

 

Hindi nagsalita si Winter. Alam naman niya bakit hindi niya matanong ng deretso ang dalawa patungkol kay Jimin. My Jimin.


 

Natatakot kasi siya.


 

Natatakot siyang baka hindi niya magustuhan ang magiging sagot ng dalawa.

 

Natatakot siyang kumpirmahin ang dati pang bumabagabag sa kanya.


 

“Anong iniisip mo?” Umupo si Giselle sa tabi ni Winter. Nakatulala lang ito sa lawa, malalim na nag-iisip.

 

“Tingin mo hindi naman sila masamang tao diba?”

 

“No, I don’t think so. Hindi lang talaga sila magaling magsinungaling that’s why sobrang vague ng answers nila.”

 

“I feel bad,”

 

“Don’t be. Nangingialam ka lang naman kanina for the sake of your Jimin. Obvious naman na mga gamit niya ang kinukuha nila kanina.”

 

Malalim ang naging buntong hininga ni Winter. “Gustong gusto ko malaman kung ano na ang nangyari kay Jimin.. pero sobra naman akong natatakot sa mga possible na sagot nila,”

 

Inilapat naman ni Giselle ang kamay sa likod ni Winter at dahan-dahan itong kinalma.

 

“We can approach them ulit tomorrow,”

 

Napatingin naman si Winter kay Giselle. “Babalik sila?”

 

“Well, kanina noong tinutulungan ko si Ningning, unlike Joy, sinabi niya sa akin kung ano yung hinahanap nila,”

 

“Ano raw?”

 

“Some sort of a diary. Pero malaki daw, kasi aside from diary entries, there’s supposed to be drawings din sa loob,”

 

“Parang sketchbook?”

 

“I think?”

 

Inalala ni Winter ang mga gabing pinakitaan siya ni Jimin ng mga drawing nito. Maraming sketchbook si Jimin. Iba’t-ibang sketchbook ang pinapakita nito sa kanya kapag may pagkakataon ito.

 

“May idea ka ba ano itsura nung sketchbook? From your meetings?”

 

Natahimik si Winter saka maya-maya’y umiling. “Madaming sketchbook si Jimin.. I’m not entirely sure alin don yung may diary entries,”

 

Napatango naman si Giselle. “Well, according to Ningning, mahalaga yun and yun talaga ang dahilan bakit sila nandito. So there’s a high chance na babalik sila dito bukas, since di nila nahanap yun ngayon,”

 

“Sasamahan ulit natin sila?”

 

Winter saw Giselle roll her eyes. “Of course! Unless gusto nilang lumangoy papuntang mansion,”

 

Tumawa si Winter. “Ang sama ng ugali mo,”

 

Natawa na rin si Giselle. “Mautak lang. Kailangan malaman na natin lahat by tomorrow,”

 

Maya-maya lang ay natanaw na nila ang bangka ni Manong Tomas.


 

Agad ring umuwi si Winter sa bahay nila matapos magpaalam sa kaibigan at magpasalamat sa lolo ni Giselle.

 

Napagod siya sa dami ng ginawa ngayong araw.

 

Pagkarating sa bahay ay kumain lang siya saglit at naglinis saka pumanhik na sa kwarto. Magpapahinga muna siya.

 

Nakahiga na siya sa kama at ninanamnam ang hangin nagmumula sa bintana.

 

Punong-puno ang isip niya ng mga imahe ni Jimin.



 

“Minjeong!”

 

Nasilaw siya sa liwanag ng sinubukan niyang imulat ang mata.

 

Nagulat si Winter sa nakita.

 

Fi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
thelost_soul
hello, sure ako madaming errors pero sanay naman na kayo diyan, gets niyo na yan. midterms week namin kaya stressed si accla hahaha yan tuloy. thank you kung binabasa niyo pa rin 'to. stay safe guyss

Comments

You must be logged in to comment
userwontwothree #1
Chapter 13: tangina naiiyak ako kasi akala ko walang pag asa yung coma ni karina nung nasa final chap na ko or baka bigla syang mamatay dun sa mga special chapts HAHAHAHHAHA hilig ko lang mag overthink PERO THANK YU AUTHOR ANG GANDA NG PAGKASULAT :(((((
httpdaniyoo #2
Rereading this masterpiece
u_ujiman #3
Chapter 13: KINIKILIG AKO!!

Oh to experience a love so pure gaya ng sa kanila. 😣 Ang cute cute! Buti naman, akala ko magkaibigan pa rin ang tawag eh. HAHAHAHA
u_ujiman #4
Chapter 12: Ang soft nila 😞

I love their dynamics so much, pero kaibigan pa rin talaga ang turingan noh? Hahahaha cutie
u_ujiman #5
Chapter 11: Finally 🥹
u_ujiman #6
Chapter 7: hahahaha kinikilig ako
u_ujiman #7
Chapter 3: Ang calming, gustong-gusto ko kapag ganto naipaparamdam sakin ng binabasa ko.
ROYAL_LOCKSMITH #8
Chapter 13: Wala na hindi na naka palag si minjeong.haha.

Wala ka pala kay Karina jimin yu eh.😁
ROYAL_LOCKSMITH #9
Chapter 11: Woahhh...buti na lang at hindi figment of imagination lang si jimin.

Ang cute cute sobra. Buti at nagising na si jimin.
ROYAL_LOCKSMITH #10
Chapter 10: Sana ok lang si Karina.

If ever man na puntahan siya ni minjeong, magising na sana siya.