1
When Jimin Was There“Can I see?”
Mabilis na naiangat ni Winter ang paningin sa guro na nakangiti sa kanya.
Nasa playground sila ng school. Free time.
Habang basa na sa pawis ang mga kaklase niya kakatakbo, si Winter ay tahimik lamang na nakaupo sa lilim ng puno, nagdadrawing sa sketchpad niyang malapit ng mapuno.
Niyakap ni Winter ang sketchpad, kinakabahan.
Pasensyosong ngumiti ang guro. “Mukhang maganda yung na-idrawing mo,”
Huminga si Winter ng malalim, kinukuha ang katiting na lakas ng loob sa dibdib at unti-unting inilahad ang sketchpad sa nakangiti pa ring guro.
“I-Ito po yung mga nasa p-picture-”
“TEACHER!! NAGDUDUGO PO ILONG NI YERI!!”
Agad na nawala ang guro sa harapan ni Winter, kasabay ang maliit na ngiti at saya na sana’y babalatay sa mukha ng bata.
--
“Misis, tuloy tuloy ba ang inom ng gamot ni Winter?”
Mabilis na tumango ang nanay ni Winter.
Bumuntong-hininga ang doktor.
“Walang usad ang kondisyon niya..”
Makikita ang pagkabalisa sa mukha ng dalawa.
“She needs something new,”
“A-ano pong ibig niyong sabihin Doc?”
The doctor heaved a big sigh. “She can’t get better here.. sa siyudad. She needs a new environment.”
Realization dawned on the older woman’s face.
“Ganun po ba..”
--
“Winter, anak, aalagaan ka naman doon nila Ate Seulgi mo, okay?”
Nakayuko lamang ang bata.
“Kailangan mo kasi ito anak..”
Winter nodded, face devoid of emotions.
Dahan-dahan ang pagyakap ng nanay ni Winter sa kanya.
Winter didn’t return the hug, but didn’t avoid it either.
Unti-unti nang bumagal ang takbo ng tren. Maya-maya’y bumukas na ang pinto sa likod ni Winter.
Kumalas si Winter mula sa pagkakayakap ng ina.
“Aalis na po ako,”
Tumango lamang ito at nanatiling nakatayo, pinapanuod ang pagpasok ni Winter sa loob ng tren.
Nagsara na ang pinto at unti-unti nang gumalaw ang tren. Tiningnan ni Winter ang ina na nananatiling nakatayo sa labas, hanggang sa mawala ito sa paningin niya.
Hugging her sketchbook, Winter tried to get some sleep.
---
“Winter!”
Hindi nahirapan si Winter hanapin ang pinanggalingan ng boses. Maliit lang ang terminal sa probinsya na ‘yon, kaya naman madali mong makikita ang mga taong hinahanap mo.
Pamilyar sa kanya si Seulgi. Nakita na niya ito sa iilang beses nitong pagbisita sa kanila sa siyudad. Ang katabi nitong maliit na babae ang hindi niya kilala.
Pagkalapit niya, agad siyang niyakap ni Seulgi, ginugulo ang maiksi niyang buhok.
“Grabe, ang laki mo na! Alam mo ba Hyun, sa may hita ko lang si Winter nung huli ko siyang makita. Ngayon, tingnan mo! Malapit ka na niyang malagpasan.”
Kinurot ng maliit na babae si Seulgi si tagiliran, habang tumatawa. “Wag mo siyang pakinggan. Hello, Winter. I’m Irene.”
Winter nodded. “Hello po.”
Inakbayan ni Seulgi si Winter at inabot ang bag nito. “Ano, tara na?”
Tumango lamang si Winter, yakap yakap pa rin ang sketchbook niya.
“Siguradong gagaling ka dito Win. Presko ang hangin dito sa probinsya, malayo sa usok ng siyudad. Tagal ko nang sinasabi sa mama mo na dito ka pagbakasyunin eh. Ewan ko ba bakit ngayon ka lang pinapunta.”
Nakatingin si Winter sa labas ng sasakyan, silently admiring the view of the green landscapes na nadadaanan nila.
“Winter, anong gusto mong kainin? Magluluto pa lang ako pagkarating natin ng bahay, may request ka ba?”
Napatingin si Winter kay Irene na ngayo’y nasa front seat. Nakasilip ito sa kanya.
“Kahit ano lang po,”
Irene smiled. “Sariwa lahat ng ingredients na ginagamit ko sa pagluluto. Hmm babe, mag-sinigang na lang kaya tayo? May binigay na bangus kanina sila Aling Marites, galing daw sa huli ng asawa niya kaninang umaga.”
Tumango si Seulgi, matamis na nakangiti. “Sige ganun na lang. Masarap magluto si Ate Irene mo, Winter. Di ako kumakain ng gulay dati pero kapag siya nagluluto, ang sarap di ko mapigilan kumain.” Natatawa nitong sabi habang sumusulyap sa salamin, sinisilip ang reaksyon ni Winter sa likod.
Curiosity is etched in Winter’s face, but she’s sporting a small smile. “Favorite ko po ang sinigang.”
Pumalakpak si Irene, natuwa sa nalaman. “Sinigang it is! Buti na lang pala hindi ko nilagay sa freezer yung isda.”
Tumawa lamang si Seulgi at nakangiti na lang na nagmaneho, habang pasimpleng hinahawakan ang kamay ni Irene.
Winter saw this and smiled fondly. Binuksan niya ang sketchpad at mabilis na gumawa ng sketch ng mga kamay nila, wanting to remember how their hands looked perfect with each other.
Maganda ang bahay. Hindi gaanong malaki, pero hindi rin maliit. Presko dahil tagusan ang hangin mula sa mga bintanang nakabukas. Gawa sa ratan halos lahat ng kagamitan, at may makukulay ding palamuti ang nakasabit sa gilid, kasama nito ay mga litrato at kung ano ano pang ornamento.
“Welcome sa bahay namin, Winter.” Inakbayan siya ni Seulgi, habang nakangiti naman sa kanya si Irene.
“Salamat po sa pagkupkop sa akin,”
“Ano ka ba! Wala yun. Alam mo namang si Ate Taeyeon lang ang nakakausap ko sa mga kamag-anak natin, kaya sabik din akong makita ka. Hindi nga lang ako makaluwas dahil sa trabaho ko rito.”
Inilahad ni Irene ang kamay niya. “Halika? Samahan kita sa kuwarto mo.”
Iniabot naman ni Winter ang kamay niya. Nilingon ni Irene si Seulgi. “Maghiwa ka na ng rekados ha? Ihatid ko lang si Winter sa kwarto niya.”
Tumango si Seulgi at pabirong sumaludo. “Yes Ma’am.”
Umakyat ang dalawa. Sa taas, tatlong kwarto ang makikita. Isa sa may hagdan, isa pa sa tapat nito, at isa naman sa dulo.
“Kuwarto namin ni Seulgi itong nasa gilid ng hagdan. Guest rooms naman yung dalawa. Yung nasa dulo ang hinanda namin para sayo.”
Comments