Chapter 15

Marahuyo
Please Subscribe to read the full chapter

Chapter 15

 

"Ate, gising na! Pasukan ng langaw yang bunganga mo, nakanganga pa!" Rinig kong gising sa akin ni Yeji kaya naman naghihikab ako habang unti unting nagdilat ng mata, sino ba namang hindi magigising eh halos masira ear drums ko sa lakas ng speaker. Oo, speaker. Gaga kasi 'tong kapatid ko, hindi raw ako nagigising sa simpleng paggising niya kaya nirerecord niya ang sarili niya pag gigisingin niya ako at pinapatugtog sa malaking speaker namin dito.

 

Pakiramdam ko nga eh abot din hanggang kapitbahay yun at baka may mga nabubulabog din pero buti naman at walang nagrereklamo. Nakakahiya if ever. Tangina kasi.

 

Pero infairness effective naman dahil nagigising nga ako agad. Sino ba naman kasi ang gugustuhin na marinig ang boses ng bwisit mong kapatid tapos on loop pa hangga't hindi ka bumabangon? Ang sakit sa tenga, sana talaga sinaksak nalang ako sa Rizal area.

 

"Gising na ako, Yeji! Tumahimik ka na, patayin mo na yan, dilat na mata ko!" Sigaw ko rito kaya naman narinig ko ang malakas na pagtawa niya sa baba kasabay ng pagpatay nung malakas na boses niya sa speaker.

 

Pupungas pungas ako na pumunta sa CR at kinuha ko ang tootbrush ko, nakapikit pa ako habang nagtotootbrush dahil inaantok pa talaga ako. Ramdam na ramdam ko rin ang pagkirot ng tyan ko at ang hirap yumuko dahil nararamdaman lalo ang pagsakit. Pati na rin ang pisngi ko kaya naman maingat akong nagtoothbrush.

 

Tama nga si Yeji, mas naramdaman ko nga ang sakit ngayon kesa kahapon. Buti nalang din at tinanggihan niya ang pangungulit ko na ituloy ang lakad namin kagabi dahil mahihirapan pala talaga ako kung nagkataon, ang sakit ng katawan ko, sobra. Parang gusto ko nalang humilata buong araw at iyon nga ang gagawin ko.

 

"Ate, may nagpadala pala sa'yo rito kaninang umaga, driver lang daw siya pero ang sabi Irene raw ang name nung nagpadala!" Rinig kong sigaw niya sa baba kaya naman nanlaki ang mga mata ko at dali daling nagmumog nang marinig ang pangalan ni Lariosa. Ano raw? Anong pinadala?

 

"Uy, nagmadali!" Nang-aasar na sabi niya nung makita akong bumababa sa hagdan kaya kumunot ang noo ko, yung totoo? Ako ba talaga ang kapatid nito o sila Jisoo? Parang mas nagmana pa siya sa mga bugok na iyon dahil sa mga kinikilos niya. "Ayan nandyan sa mesa, hindi ko binuksan dahil hindi naman para sa akin." Nginuso pa niya yung mesa sa kusina at binalik na ang tingin sa pinapanood na cartoons.

 

"May pinasabi ba?" Tanong ko sa kaniya habang dahan dahan na pumunta sa kusina, kumikirot kasi talaga ang tyan ko, eh. Kaya naman parang nanghihina tuloy ako.

 

"Wala naman, ate. Basta ang sabi nung lalaki, para sa'yo raw yan galing daw kay Miss Irene." Rinig kong sagot niya kaya napapatango ako kahit na hindi niya ako nakikita dahil nakatalikod siya sa pwesto ko at busy rin siya sa panonood.

 

Agad kong binuksan ang paper bag na pinadala raw ni Irene at nakita ko na puro ito ointment, may icy hot pa, salonpas, may katinko pa kamo pati na rin mga pain reliever na gamot for body pain.

 

Ang dami naman ata? Namula naman ako dahil hanggang ngayon ay mukhang iniisip pa rin ni Irene ang nangyari sa akin para mag effort pa siyang ipadala sa driver niya ito kaninang umaga. Hindi ko alam ano ba ang magandang nagawa ko nung past life ko para ibigay sa akin ang kagaya niya.

 

Teka nga, bakit parang girlfriend ako kung makapagsalita?

 

Hindi naman kami. Wala namang kami. Pero nakakatuwa talaga na ganito siya sa akin ngayon na para bang may gusto siya sa akin kahit na alam kong wala naman. Hangga't maaari, ayokong bigyan ng malisya ang mga ginagawa niya dahil hindi naman ako pwedeng umasa palagi sa mga pinapakita niya sa akin.

 

Oo, sweet siya ngayon. Kahit na hindi mawawala yung fact na masungit at nakakatakot pa rin siya paminsan para sa akin, atleast mas okay na ang pakikitungo niya sa akin noon at may mga pinagsamahan na rin kaming dalawa na kaming dalawa lang ang nakakaalam.

 

Pero hindi naman pwede na umasa ako sa ganon, 'di ba? Mahirap naman kasi na sa lahat ng mga ginagawa niya ay aasa ako kahit na malaki ang posibilidad na ganito siya sa lahat ng kaibigan niya dahil hindi naman maipagkakailang mabait at caring talaga siyang tao sa likod ng pag-irap at nakakatakot niyang mga tingin.

 

Hindi ko alam kung napapansin ng iba yun, pero ako, oo. Alam ko. Naaappreciate ko ang side niya na yun. Dahil kahit hindi ka magsabi, gagawin niya iyon para sa'yo ng kusa.

 

She's such a wonderful person and she doesn't deserve all the misjudgments.

 

Aaminin ko naman na ganon din ang tingin ko sa kaniya noon, pakiramdam ko ay masama ang ugali niya dahil sa nakakatakot niya na aura at tingin, lalo na at iyon ang first impression ko sa kaniya. Nakakatakot din siya magalit kaya no wonder, takot sa kaniya ang mga estudyante rito

 

Lalo na at nasungitan niya rin ako nung unang araw kaya natandaan ko agad ang mukha niya at muntik na rin masira ang araw ko dahil binulyawan niya ako.

 

Ngunit nagbago ang tingin ko sa kaniya simula nung magkausap kami, aaminin ko naman na lagi pa rin niya ako sinusungitan at tinatarayan, hindi pa rin nawawala ang pag-irap niya sa tuwing iniinis ko siya o 'di kaya'y ginagawa akong kat/ngahan sa buhay ko. Pero mas nakilala ko siya, at napagtanto ko na mabuti siyang tao sa likod ng nakakaintimidate niyang itsura.

 

Kung paano siya ngumiti, kung paano niya ako hinawakan nung umiyak ako sa balikat niya, kung paano siya mag-alala sa akin kahit na hindi niya sinasabi, nararamdaman ko. Pakiramdam ko mas lalo akong nahuhulog sa ginagawa niya sa akin ngayon, gusto niya akong ipaghiganti at humingi siya ng tawad sa akin dahil hindi niya ako nailigtas agad.

 

Tapos ngayon, hanggang ngayon, binibigyan niya pa rin ako ng maaaring makatulong sa akin.

 

Paano ba hindi mahulog sa'yo, Irene?

 

"Ang creepy ng ngiti mo, ate. Pakilala mo nga ako riyan." Agad naman akong napatingin kay Yeji nang sabihin niya iyon at nakita ko namang nakalingon pala ito sa akin habang may nakakalokong ngiti sa mga labi niya. Alam ko na iniisip nito, tangina. Hindi pa ako ready na may dumagdag sa pang-aasar nila Byul at Jisoo, please lang.

 

"Ano bang sinasabi mo riyan? At anong nakangiti?" Nakakunot ang noo na tanong ko sa kaniya at gusto kong burahin ang mukha niya ngayon dahil sa nakangisi niyang mukha, wala pa naman siyang sinasabi pero alam ko na kung ano ang tumatakbo sa isip ng batang 'to.

 

"Sabagay, hindi mo naman nakikita ang itsura mo, pero grabe ka makangiti kanina for your information, para kang kinikilig, ang panget!" Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang huli niyang sinabi kaya naman naiinis na kinuha ko ang paper bag na pinaglagyan nung mga binigay ni Irene at nilukot ito para bolahin, binato ko ito sa kanya at dahil magaling ako umasinta, tumama iyon sa mukha niya kaya naman napatawa ako at napasimangot siya.

 

"Ate naman, eh!" Reklamo niya sa akin at binato pabalik ngunit nakaiwas agad ako kaya lalo siyang napasimangot at ako naman ay dumila sa kaniya. "Seryoso nga kasi, kanina ka pa nakangiti dahil sumusulyap sulyap ako sa iyo, ganoon ka na ba kasaya dahil maraming pain killer yan o dahil sa mismong nagbigay ng mga yan?" Chismosang tanong niya, pakiramdam ko kung magkita sila nila Jisoo ay magcclick agad sila dahil parehong pareho sila ng ugali, mga Aling Marites.

 

"Huwag ka na ngang maraming tanong, papanhik na ako, magpapahinga ako!" Sabi ko sa kaniya para na rin pagtakpan ang hiya, nahuli niya pa pala ako na ganon ang itsura? Hindi ko nga namalayan na mukha pala talagang kinikilig ako at nakangiti pa, nakakahiya naman, for sure pati itong si Yeji ay makikiasar na sa akin. Masyado nang maraming demonyo sa paligid ko, makikidagdag pa ata ang isang to.

 

Agad akong umakyat sa kwarto ko at narinig kong may mga sinasabi pa siya ngunit hindi ko na iyon inintindi, tetext ko si Irene upang magpasalamat sa pag-alala niya sa akin kahit hindi naman na kailangan. Masyado na siyang maraming naitulong sa akin, sa totoo lang. Sobra sobra na at doon palang sa pagtanggol niya sa akin ay grateful na ako. Binantayan pa niya ako, pinakain at hinatid pauwi. Tapos ngayon, panibagong araw na pero inaalala niya pa rin ako.

 

Irene, thank you, hindi mo naman kailangang mag-abala pero salamat pa rin, I really appreciate it.

 

Yan ang text ko sa kaniya, hindi ko alam kung nawala na ba ang pamumula ng mukha ko ngunit ramdam ko pa rin ang mabilis na tibok ng puso ko. Normal pa ba 'to? Binibigyan din naman ako ng kung ano ano ng mga kaibigan ko, si Jisoo nga lagi ako binibilhan ng pagkain, naaappreciate ko and I'm grateful naman sa lahat ng bagay pero iba kasi ang epekto pag si Irene, may ibang pakiramdam. Hindi kagaya ng iba na thankful lang ako, sa kaniya may halong kilig na ewan.

 

Hindi pa siya sumasagot kaya naman nag check ulit ako ng messages sa messenger at nakita ko na may reply sila Wendy ngunit hindi ko muna iyon tinignan dahil jusko, inisip niya ba namang mamamatay na ako. Nagreply kasi ako kagabi sa kaniya na buhay pa ako tapos ang reply niya ay akala niya raw patay na ako, sayang daw. Tangina talaga non, akala ko mabait, akala lang pala ang lahat. Pero alam ko namang nagbibiro lang siya, sinendan pa nga ako ng mga nakakatawa na videos para raw malibang ako habang nagpapagaling. Cute.

 

Nakita kong may reply pala si Yeri sa akin, iyon nalang ang binuksan ko dahil kani kaninang umaga lang din yung chat. Nang makita ko ito ay nalaman kong naka ilang message pala siya sa akin, ilang chat kagabi tapos kaninang umaga rin nung hindi ako nakareply ay nagchat din siya.

 

wag ka mag-alala, paghihiganti kita, kaibigan ko si cardo dalisay

kilala mo rin si fantastica? tropa ko yun

pati na rin si victor magtanggol

kaya kapit ka sa akin, ako si super inggo

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Bearchuism
Hello, guys. Hindi pa siya okay at hindi ko pa naarrange pero ito yung mga kantang naiisip ko for this fic as of now. Aayusin ko siya at isasakto para one song each chapter. Here : https://open.spotify.com/playlist/1LNHKzQppvWAepVxKw1lAY?si=sZEVlptaTmWZVUGkBzifyg&utm_source=copy-link&dl_branch=1

Comments

You must be logged in to comment
ZERO2_ZERO
#1
🥲🥲
cordonbleu
#2
Chapter 16: Mga tu-two years na pala ang last update sa December... Update naman, author, pang-Christmas gift mo sa amin. Hahahahaha. Joke lang, take your time, author 😊
arachan_md
#3
Parang iniwan na ni otor ang kwento. Ang tagal kong naghintay for updates.
AhnJang_0304
#4
Tao po. Buhay pa po ba ito
Astraea21 #5
Chapter 16: 👍
Darnanays
#6
checking lang… hope you’re well, author! will wait for your update. take your time ☺️
__jjjy #7
Chapter 16: Otornim congrats po sa storyyyy!!! Igalaw nyo po ang baso for update kase huhuhu what if umiyak ako ngayon as in right now?? 😭😭😭😭 labyu po otor 🥰
iamriou_
1153 streak #8
Congrats sa featured story otornim! 🥳
brdfillet #9
Chapter 16: umasa, pinaasa, at biglang itinawa. plot twist nga naman lol. pero naisu siya, im worried lang baka kasi magsawa ako sa kalagitnaan pero i was wrong, na-enjoy ko ng sobra, to the point na nag-alala pamilya ko kung may kachat ba akong kung ano or nasisiraan na at kailangan nang itawag sa doktor. jok. you've done well, author-nim! hintay tun update! skrr skrr
ps: mas bagay ata to kaysa yung una ko: gulat ka no?
haha tawa naman dyan
jishall #10
Chapter 16: when po updateeeeeeeeeee?