Chapter 2

Marahuyo
Please Subscribe to read the full chapter

Chapter 2

 

"Hala, gago! Yung ID ko!" Kinakabahan na sabi ko habang kinakalikot ang bag na dala dala ko, hinahanap ang ID ko na baka mamaya eh himalang lumitaw sa oras ng pangangailangan.

 

Kahit na dalawang linggo na ang nakakalipas simula nung magsimula ang klase eh talagang hindi pa rin ako nagtatanda. Nale-late pa rin ako! Sa unang araw lang talaga ako magaling. At aware naman ako roon. 

 

May pagka antukin talaga ako at tulog mantika, hindi ako nagigising sa simpleng alarm clock lang. Wala pa naman akong kasama sa tinutuluyan ko tuwing umaga dahil ang nanay ko ay may trabaho sa malayo na kakaalis lang nung isang linggo, habang ang mga kapatid ko ay tumutuloy sa mga dorm nila. Kaya naman talagang struggle is real sa pag-aayos ng body clock ko kaya lang walang improvement.

 

Ang ending late ako nagigising at magmamadali ako sa pagligo at pagbibihis, ilang beses na ako hindi nakakapag umagahan sa bahay dahil sa pagmamadali. Pero nalelate pa rin ako dahil medyo malayo ang bahay ko rito, hindi naman walking distance, tapos traffic pa madalas. Ang malas, naiwan ko pa kamo ang school id ko, parang tanga talaga.

 

Napalunok ako nang makarating na ako sa harap ni manong guard, super strict pa naman niya pagdating sa ID panget kabonding huhu, charot lang syempre. Ginagawa lang naman niya for sure ang trabaho kaya lang naiinis talaga ako sa sarili ko dahil sa mga pinaggagawa ko sa buhay. Napaka terror pa naman ng teacher namin sa prob and stats, jusko. Siya pa ang first subject namin ngayon.

 

"Sir, nakalimutan ko po ID ko—" Hindi na natapos ang sinasabi ko dahil as expected, pinutol nito ang sasabihin ko.

 

"Edi kunin mo, balikan mo, at tsaka ka pumasok dito pag naka suot na sa'yo." Grabe rin talaga 'tong si kuya, daig pa menopause sa pagiging masungit. Expected ko naman na ganito ang sasabihin niya kaya lang tinry ko lang konti, baka magbago pa isip kaya lang hindi talaga mapaamo sa kuya, eh.

 

Pakamot kamot naman akong umatras dahil may mga chinecheck na naman siyang estudyante na mukhang late rin. Iniisip ko na tumakbo nalang at makisabay sa iba kaya lang for sure malalaman niya dahil pansinin 'tong uniform ko at magtataka yun pag bigla akong nawala rito, madali pa naman ako mahahanap dahil alam na section A ako galing sa strand ng HUMSS dahil sa gold na uniform namin.

 

Ichachat ko na sana si Jennie na hindi ako muna makakapasok sa first subject at uuwi muna ako para makuha ang ID ko nang mahagip ng mata ko si Irene na mabilis ding naglalakad, mukhang na-late rin siya, ah. Nasaan na kaya yung tatlo? For sure nasa room na sila dahil late na. 

 

Hindi ako nito napansin dahil as usual, diretso lang ang tingin nito at walang pake sa mga tao sa paligid niya. 

 

Sa loob ng dalawang linggo na nagdaan, hindi kami masyadong nagpapansinan. Magkatabi lang kami sa practical research 2 dahil sa magkasunod ang initials ng apilyido namin at may seating arrangement kami doon. Lariosa pala ang surname niya. Samantalang Montello naman ako.

 

Wala, casual lang naman kami. Hindi niya ako tinitignan, kaya hindi ko rin siya tinitignan. Well, slight lang, sige. At syempre dahil 2 weeks na rin nagsisimula ang klase, nasaksihan ko na mga dapat kong masaksihan. Kung paano mag bardagulan 'tong apat na cake girls sa pagtaas ng kamay sa tuwing may recitation. At kung paano sila mag unahan mag volunteer sa tuwing may reporting. Grabe talaga sila, naaamaze nalang ako kasi kung gaano katakot ang iba na mauna, sila naman nag-uunahan pa.

 

Ganon ba talaga pag sobrang matalino ka? Sobrang confident kasi sila sa lahat ng bagay, eh. Syempre, si Irene, talagang may way siya para makalamang sa iba. Top 1 pa rin siya for sure, wala talaga siyang palya kahit saan, samantalang yung iba may mali na tatlo, or dalawa, or isa. Siya wala, eh.

 

Hindi ko alam kung nasaan siya nung nagpasabog ang Diyos ng kagandahan, katalinuhan at talent pero sure ako na gising siya at nasa labas that time. Hakot na hakot, eh. Edi siya na.

 

Hindi naman halata na pinupuri ko siya 'no? 

 

Pero kahit na ganoon siya at almost perfect na, hindi ko pa rin talaga nakakalimutan mga simpleng pagsama niya ng tingin sa akin, simpleng pag-irap at pag-iwas ng tingin sa tuwing magkakasalubong ang mga tingin namin. Parang ewan lang, galit ba siya sa akin?

 

Lumunok ako, hindi ko alam kung nasa tamang katinuan pa ba ako dahil naiisip ko ang mga bagay na ito habang tinitignan siyang maglakad papasok ng gate. Huminga akong malalim at inipon lahat ng lakas ng loob upang lumapit sa kaniya nang makita kong papalapit na siya rito banda sa pwesto ko, dire diretso akong lumapit sa kanya at inangkla ang kamay ko sa braso niya.

 

Naramdaman ko ang pagtigil niya at amoy na amoy ko ang mabango niyang pabango kaya naman mas lalo ang kinabahan. Ramdam na ramdam ko ang braso niya sa akin dahil nga nakayakap ako sa braso niya. Napatingin ako sa mga mata niya at nakita ko ang pagkagulat doon na maya maya ay napalitan din ng pagkunot ng noo. Pero bago pa siya makapagsalita ay nagsalita na ako para unahan siya.

 

"Kanina pa kita hinihintay!" Sabi ko pa, pinarinig ko talaga kay manong guard sa tabi namin na kasama ko si Irene na walang problemang nakakapasok dito kahit na anong suot, o anong oras na pumasok dahil iyon ang privileged ng pagiging president niya, habang pilit na inaakay siya sa paglakad, mabuti naman at sumunod na siya sa akin at hindi na nagsalita pa. 

 

Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko para gawin ito at maglakas ng loob na gawin 'to. Sobrang feeling close ko sa part na 'to pero ito lang ang naisip kong paraan para makapasok dahil ayoko na talagang umuwi sobrang hassle tapos baka 2nd subject or 3rd subject na ang maabutan ko pag ganon. 

 

Kaya sige, mas okay na salubungin ang tingin ni Irene kesa naman mahirapan pa ako sa pagsakay.

 

"Get out of me!" Sabi niya sa akin nang makalayo na kami sa guard, at kahit ang taray taray niya talaga, nagpapasalamat naman ako na nakaintindi siya at hinayaan na mawala kami sa paningin ni manong guard bago siya mag-alburoto. Nakita ko kung paano tumaas ang kilay niya at nag crossed arms pa siya kaya napalunok ako, nakakatakot talaga siya, pero mas nakakatakot bumagsak at ma-mark as absent. Sayang attendance.

 

"What the hell were you thinking ba?" Iritadong sabi niya habang inaayos ang nagusot niyang uniform dahil sa nangyari kaninang paghatak ko sa kanya. Nakakatakot talaga siya at kahit na sobrang wrong move ng ginawa ko, atleast nakapasok na ako. Sige hayaan ko nalang na mainis siya sa akin, nakakaiyak man pero kesa naman mahirapan pa ako.

 

Ang user ko sa part na 'to, tangina.

 

"Sorry na!" Sabi ko at nag peace sign pa, I gave her an apologetic smile, so she rolled her eyes. "Gusto ko lang makapasok kaya lang wala akong ID, ayoko naman ma-late rin sa 2nd subject kaya naman nung makita kita, naisip ko na makisabay sa'yo." Paliwanag ko sa kaniya.

 

"Kahit na! Para kang tanga. Wag mo akong idamay sa'yo, ha. Next time magdala ka ng ID mo, late ka na nga, may nakakalimutan ka pa rin." She rolled her eyes again, before walking away. Napakamot na naman ako sa kilay, highblood na naman siya.

 

Sabihin na nating nitong nakaraang linggo, unti unting nabawasan ang takot ko sa kaniya. Sa kanilang apat, actually. May mga nakaka close na rin ako sa room namin bukod kay Jennie at nangunguna roon sila Moonbyul at Jisoo. Si Joy rin at Wendy ay nakakausap ko palagi at masaya sila kausap habang si Yeri ay naging ka partner ko kaya nakakausap ko rin naman siya kahit na mas close ako kay Joy at Wendy sa ngayon. Magaan sila kausap, eh. Masayahin at laging nakangiti. Kaya siguro sila rin ang naka close ko sa kanilang apat. Sobrang kaswal lang ng usapan namin ni Yeri at kung hindi pa dahil kailangan ay hindi niya ako kakausapin. Pero ayos lang din naman, ang mahalaga, wala naman siyang ginagawa o sinasabing masama sa akin.

 

Si Irene? It's a hopeless case. Hindi na akong umaasang makaka close ko talaga siya kahit slight, kahit katiting lang. Hindi naman na ako super natatakot sa kanya unl

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Bearchuism
Hello, guys. Hindi pa siya okay at hindi ko pa naarrange pero ito yung mga kantang naiisip ko for this fic as of now. Aayusin ko siya at isasakto para one song each chapter. Here : https://open.spotify.com/playlist/1LNHKzQppvWAepVxKw1lAY?si=sZEVlptaTmWZVUGkBzifyg&utm_source=copy-link&dl_branch=1

Comments

You must be logged in to comment
ZERO2_ZERO
#1
🥲🥲
cordonbleu
#2
Chapter 16: Mga tu-two years na pala ang last update sa December... Update naman, author, pang-Christmas gift mo sa amin. Hahahahaha. Joke lang, take your time, author 😊
arachan_md
#3
Parang iniwan na ni otor ang kwento. Ang tagal kong naghintay for updates.
AhnJang_0304
#4
Tao po. Buhay pa po ba ito
Astraea21 #5
Chapter 16: 👍
Darnanays
#6
checking lang… hope you’re well, author! will wait for your update. take your time ☺️
__jjjy #7
Chapter 16: Otornim congrats po sa storyyyy!!! Igalaw nyo po ang baso for update kase huhuhu what if umiyak ako ngayon as in right now?? 😭😭😭😭 labyu po otor 🥰
iamriou_
1148 streak #8
Congrats sa featured story otornim! 🥳
brdfillet #9
Chapter 16: umasa, pinaasa, at biglang itinawa. plot twist nga naman lol. pero naisu siya, im worried lang baka kasi magsawa ako sa kalagitnaan pero i was wrong, na-enjoy ko ng sobra, to the point na nag-alala pamilya ko kung may kachat ba akong kung ano or nasisiraan na at kailangan nang itawag sa doktor. jok. you've done well, author-nim! hintay tun update! skrr skrr
ps: mas bagay ata to kaysa yung una ko: gulat ka no?
haha tawa naman dyan
jishall #10
Chapter 16: when po updateeeeeeeeeee?