Chapter 4

Marahuyo
Please Subscribe to read the full chapter

Chapter 4

 

I see, ganon ba? Sige next time nalang! Chat me if ever free ka, ha. Thank youuu.

 

Yan ang text sa akin ni Joy kaya naman napasandal ako. Oo, si Irene ang sinabihan ko na free ako sa Saturday. Hindi ko rin alam kung bakit, dapat si Joy hindi ba dahil siya naman ang nauna na nag-aya? Hindi pa naman ano yung research namin kaya hindi pa kami dapat nagmamadali pero hindi ko alam bakit si Irene pa rin ang pinili ko.

 

Hindi ko siya gustong makita ha, hindi talaga.

 

Siguro kasi natatakot lang ako. Baka isipin ni Irene grades ko rin naman tapos pa chix pa ako na tatanggihan siya.

 

Pakiramdam ko mas maiintindihan ni Joy kaya naman si Irene ang pinili ko, oo ganon na nga. Hindi ko nga alam bakit kami pa ang magka partner eh, oo by partner yung research namin at hindi by group.

 

Pero technically speaking, siya ang lugi sa aming dalawa. Dahil pakiramdam ko nga kayang kaya niya kahit mag solo siya eh, samantalang ako, kahit na matalino naman ako at iyon ang puhunan ko kaya ako napag-aral dito, kailangan ko pa rin ang opinyon ng iba.

 

Mas okay na rin talaga na siya ang kasama ko kahit na masungit siya dahil for sure matutulungan namin ang isa't isa. Kaya lang at the same time, grabe yung pressure. Imagine, top 1 over all yung kasama ko? Sino ba naman ang hindi maloloka? Parang nakakatakot magbigay ng ideas dahil baka punain niya. Grabeng pressure mga 'te.

 

Sana lang ay wag kong mapahiya ang sarili sa harapan niya dahil major turn off naman. Pero teka nga, bakit ba ako nagpapa-impress? Bahala siya kung anong isipin niya sa akin basta magbibigay ako ideas ko 'no.

 

Napailing nalang ako at pinagpatuloy na ang paglalaro sa cellphone ko.

 

Tigilan mo muna ang isip ko Irene, utang na loob.

 

 

"Hoy, gumala naman tayo sa Sabado!" Sabi ni Jisoo sa amin habang naglalakad na kami papunta sa gate, uwian na namin, nauna na si Byul dahil sinundo pa niya sa kabilang building si Yongsun, grabe ang pag-usbong ng lovelife nung isang yun. Sabi niya ipapakilala niya sa amin ang babae some other time.

 

Anong meron sa Sabado? Kanina pa sila nag-aaya tapos puro Saturday ang binabanggit na araw.

 

"Hindi ako pwede," Sabi ko, habang hinihimas ang braso. Nilalamig kasi ako, medyo makulimlim na rin kasi. Pakiramdam ko ay uulan na naman kagaya kahapon mga ganitong oras din. "May pupuntahan ako."

 

Napatingin naman sila sa akin at naramdaman ko ang pagsundot ni Jennie sa tagiliran ko, "Hoy, ikaw ha, ano yan? Date?" Tignan mo 'tong mga 'to, date agad? Hindi ba pwedeng may pupuntahan lang talaga? Malisyosa talaga.

 

"May girlfriend ka na ba at hindi ka nagsasabi sa amin?" Nakapamewang na sabi naman ni Jisoo. Hindi naman lingid sa kaalaman nila na baliko rin ako at masaya naman na tanggap nila ako. Kahit si Byul nga eh, si Jennie straight naman siya at puro boyfriend palang naman ang nakikita kong pinapakilala niya sa akin pero tanggap naman niya ako sa kung sino ako.

 

Buti nga at hindi homophobic 'to katulad ng nanay ko. Si Jisoo naman, hindi niya inaamin na may crush siya kay Rosie pero halata naman. Pero open naman siya sa amin sa pagkabakla niya.

 

"Mga gaga, ang OA niyo, hindi ako marunong humarot 'no!" Sabi ko sa kanila kaya naman nakita ko ang pagtango ni Jennie.

 

"Oo, tuod 'yan. Slow pa tapos cringe bumanat." Putangina ng isang 'to, umagree na nga siya at dami pang side comments, inis na hinatak ko naman ang buhok niya kaya natatawang hinampas niya ako.

 

Paano naman kasi, ang daming sinasabi, ang sabi ko lang naman hindi ako marunong humarot. Natatawa nalang si Jisoo dahil nagkakapisikalan na naman kami nitong si Jennie. 

 

"Oh, eh saan ka ba kasi pupunta?" Tanong ulit ni Jisoo kaya naman napakamot ako sa kilay ko.

 

"Magkikita kami ni Irene." 

 

Nanlaki ang mata nilang dalawa sa sinabi ko at nagkatinginan muna bago ako bombahin ng tanong.

 

"Kayo na ba?"

 

"Gago, kailan pa?"

 

"Nabuntis mo ba? Sabi ko magdala ka ng protection!"

 

"Sino ang unang nagtapat?!"

 

"May date ba kayo, bakit hindi mo sinabi sa amin?!"

 

Sunod sunod na sabi nila kaya naman napapikit ako at napahilot sa sentido ko, mawawala na talaga ako sa katinuan, konting konti nalang dahil sa dalawang 'to. Ang advance nila mag-isip. At talaga bang iniisip nila na papatulan ako ni Irene? Jusko.

 

Atsaka anong nabuntis? Sinamaan ko naman ng tingin si Jisoo na nagsabi non na ngayon ay naka-peace sign na sa akin, mukha ba akong may etits? Yuck.

 

"Kalma lang kayo, okay. Hindi kami, at lalong hindi ko siya nabuntis," Umirap pa ako at niyakap ang sarili ko. "Pag-uusapan lang namin ang PR2 natin 'no, wag ngang madumi ang isip niyo. School stuffs lang 'to."

 

"Ang aga aga pa, ah. Bilis niyo namang gagawa." Sabi ni Jisoo at tinaasan pa ako ng kilay.

 

"Gago, kita mo namang si Irene ang kapartner ko, malamang grade conscious talaga yun. Gusto lang niya habang maaga maayos na para hindi na kami mag procrastinate." Paliwanag ko naman sa dalawa na ikinatango naman nila at mukhang nakumbinsi sa sinabi ko dahil totoo naman. Tama naman ang sinabi ko, mukhang ayaw na ayaw ni Irene na nagagahol siya dahil bawat minuto sa kaniya ay mahalaga. Dami niya kayang ginagawa at busy siyang tao.

 

Nakakahiya naman if ako pa ang tatanggi eh siya nga 'tong maraming ginagawa tapos ako palaro laro lang sa gedli.

 

"Osya, sige goodluck sa inyo ng bebe girl mo." Natatawang sabi ni Jisoo kaya naman inirapan ko siya, bruhang 'to talaga.

 

"Ingat kayo, Montello, wag mo bwisitin si Irene baka makita mo agad ang Devas." Natatawang sabi ni Jennie, gagong 'to. Encantadia amputa.

 

"Bahala kayo dyan! Dito na ako, ha." Sabi ko at kumaway sa kanila, kumaway naman sila sa akin at magkasabay na tumawid dahil paulan na rin at kailangan na naming makauwi. Magkasabay sila pauwi dahil iisa lang ang way ng mga bahay nila samantalang ako ay iba. Si Byul sana ang kasabay ko pero magkasabay na sila ni Yongsun at okay lang naman sa akin, cute nga nila eh.

 

"Ingat ka!" Rinig ko pang sigaw ng dalawa bago sila makalayo sa akin.

 

Napabuntong hininga naman ako at napatingin sa kalangitan. Makulimlim na, parang may nagbabadyang malakas na pag-ulan.

 

Sa totoo lang, gusto ko ang ulan. Gusto ko 'yung amoy nito, yung pakiramdam, yung simoy ng hangin sa tuwing umuulan. Parang ang saya saya maligo sa ulan palagi. Pero may mga pagkakataon talaga na hassle ito lalo na sa mga ganitong pagkakataon na wala akong payong at hindi pa ako nakakauwi.

 

Rain is one of the most beautiful phenomena from mother nature. I love to spend time watching the rain, smelling the aroma of rainy earth, and listening to the sounds of rain.  There is nothing more soothing than a rainy day that where you rejoice the surroundings around you; it creates a delightful environment.

 

Masaya ako sa tuwing umuulan, salungat sa ibang tao na nalulungkot ata pag bumubuhos ang malakas na ulan. Ako, sakto lang. 

 

Pero ang hassle talaga.

 

Napakamot ako sa kilay ko, at tinignan ang orasan. Malapit na maggabi. Mahihirapan na ako sumakay nito. Punuan pa naman ang jeep lalo na't nagsisiuwian na rin ang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Bearchuism
Hello, guys. Hindi pa siya okay at hindi ko pa naarrange pero ito yung mga kantang naiisip ko for this fic as of now. Aayusin ko siya at isasakto para one song each chapter. Here : https://open.spotify.com/playlist/1LNHKzQppvWAepVxKw1lAY?si=sZEVlptaTmWZVUGkBzifyg&utm_source=copy-link&dl_branch=1

Comments

You must be logged in to comment
cordonbleu
#1
Chapter 16: Mga tu-two years na pala ang last update sa December... Update naman, author, pang-Christmas gift mo sa amin. Hahahahaha. Joke lang, take your time, author 😊
arachan_md
#2
Parang iniwan na ni otor ang kwento. Ang tagal kong naghintay for updates.
AhnJang_0304
#3
Tao po. Buhay pa po ba ito
Astraea21 #4
Chapter 16: 👍
Darnanays
#5
checking lang… hope you’re well, author! will wait for your update. take your time ☺️
__jjjy #6
Chapter 16: Otornim congrats po sa storyyyy!!! Igalaw nyo po ang baso for update kase huhuhu what if umiyak ako ngayon as in right now?? 😭😭😭😭 labyu po otor 🥰
iamriou_
1121 streak #7
Congrats sa featured story otornim! 🥳
brdfillet #8
Chapter 16: umasa, pinaasa, at biglang itinawa. plot twist nga naman lol. pero naisu siya, im worried lang baka kasi magsawa ako sa kalagitnaan pero i was wrong, na-enjoy ko ng sobra, to the point na nag-alala pamilya ko kung may kachat ba akong kung ano or nasisiraan na at kailangan nang itawag sa doktor. jok. you've done well, author-nim! hintay tun update! skrr skrr
ps: mas bagay ata to kaysa yung una ko: gulat ka no?
haha tawa naman dyan
jishall #9
Chapter 16: when po updateeeeeeeeeee?
culaccinos
#10
UPDATE LODIII