Chapter 16

Marahuyo
Please Subscribe to read the full chapter

Chapter 16

 

"Pst, ate, kilala mo yung Yeri Alcantara?" Napatingin naman ako kay Yeji nang tanungin niya yan sa akin habang nakakunot ang noo, huh? Yeri? As in Yeri ng cake girls? Napaisip naman ako, oo nga pala iyon nga pala ang apilyido niya. Hindi ko kasi masyadong natatandaan ang surname ng iba dahil si Irene lang naman ang tinatawag ko talaga sa surname palagi. Ganon din naman kasi siya sa akin! Kaya ayun, hindi ako sobrang nakakatanda ng surname pero kilala ko naman sila, pangalan at mukha. Pero depende pa rin yun.

 

Mukhang naghihintay siya ng sagot ko kaya naman napatango ako at pinagpatuloy ang paghihiwa ng pagkain. Magluluto na ako ngayon dahil gabi na, at kanina pa ako nakahiga, gusto ko rin naman kumilos 'no, masakit lang yung tyan ko kanina dahil sa mga pasa pati na rin ang mga braso ko pero hindi naman ako baldado or what. Isa pa, I'm feeling much better na rin. Ikaw ba naman matulog at magpahinga buong araw, hindi ka pa ba gagaling. Wala akong ginawa kundi ang matulog.

 

Pagtapos kasi naming mag-usap ni Irene, nahiga na ako at bumalik sa pagkakatulog dahil wala naman na akong gagawin, nag-apply lang ako ng ointment sa mga areas na masakit at nagpahinga na. Tapos non, hindi na ako bumaba dahil si Yeji, pinipigilan ako na magluto, umorder nalang daw siya kaya iyon ang kinain naming dalawa kanina.

 

Ngayon, tumututol pa rin siya pero sinabi ko na maayos na ako at kaya ko magluto, naka ilang pagtatalo pa kami bago siya pumayag, alam ko namang concern siya sa akin at thankful ako roon, pero hindi na talaga ganon kasakit ang katawan ko dahil himalang umayos ang pakiramdam ko.

 

Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa pag-uusap namin ni Irene, o dahil sa ointment at mga gamot, o kung ano pa man pero ang mahalaga medyo ayos na ako. Gusto ko rin makakilos na dahil ayokong nakahiga lang ako, hindi ako sanay na ganon. Tapos yung kapatid ko ang mag aasikaso ng lahat. Hindi ko maatim na maging pabigat pa sa kaniya.

 

"Ano bang ginawa? Paano mo nakilala?" Tanong ko habang tinitignan kung malambot na ba yung baboy na pinakuluan ko kanina.

 

"Inadd ako sa facebook, finollow sa twitter pati instagram, chinat din ako kanina sa messenger." Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya kaya nagtataka akong tumingin sa kaniya at nakita kong nakatingin din pala siya sa akin, nagkibit balikat pa.

 

"Bakit naman niya gagawin yun? Wala ka bang utang?" Pag-uusisa ko pa, baka mamaya naiinvolve na pala 'tong kapatid ko sa mga maling gawain, nako. Ayoko atakahin sa puso pag nalaman ko ang balita na may malaking utang pala siya kay Yeri at sinisingil siya kundi ipapapatay kaming lahat! Charot, ang OA ko naman.

 

Nakita ko naman kung paano niya ako irapan at sunod sunod pang umiling, I laughed when I heard her offended gasp. "Ganon ba tingin mo sa akin, ate? Mangungutang kahit sa hindi ko kakilala?" Nakahawak pa siya sa dibdib na para bang nasaktan pa sa akusasyon ko sa kaniya, "Sa kakilala ko mangungutang ako, pero hindi sa mga hindi ko nakakausap!" Napatawa ako lalo sa sinabi niya habang naiiling nalang, akala ko ang sasabihin niya eh hindi siya nangungutang at hindi siya ganong klase ng tao na dedepende sa iba palagi. Yun pala, hindi lang siya nangungutang sa hindi niya kakilala pero nangungutang pa rin siya sa mga kakilala niya.

 

"Ngayong naalala ko, hindi mo pa binabayaran utang mong tatlong daan sa akin!" Usal ko rito at pumamewang pa dahil nakatingin naman siya sa akin, nakita ko kung paano niya ako bigyan ng ninenerbyos na ngiti at nagpeace sign pa. Naalala ko na nangungutang sa'kin 'to tapos hindi na nagbabayad, aba, 300 nalang ang sinabi ko pero mas marami pa roon ang utang niya, sa mga albums palang na binibili niya butas na bulsa ko, eh.

 

Madalas sasabihin niya utang pero parang nagiging bigay ko nalang sa kaniya dahil hindi naman niya binabayaran. Buti nalang talaga mabait akong ate at pinapalampas iyon, isa pa, masaya naman ako basta masaya siya, eh.

 

Kaya lang talaga grabe kabaklaan ng kapatid ko at kung sino sino ang pinagkakagastusan na girl group, wala naman akong nakikita na lalaki sa kwarto niya, puro babae ang nasa poster! Mas bakla pa ata siya sa akin, eh.

 

"Huwag ka naman ganyan, ate! Ang nakaraan ay dapat binabaon na sa limot!" Nakangusong sabi niya, tignan mo ang isang 'to, halatang gawain ang mang hit and run eh. After ka utangan, tatakbuhan ka na. "Pero ayun nga, chinat ako nung Yeri, may mga sinabi siya sa akin kaya natanong ko if kakilala mo." Usal nito, halatang iniiba ang usapan, ugali talaga ng isang 'to, galing galing lumusot at itakas ang sarili pag nadidiin na siya, eh.

 

Pero dahil nacurious ako sa tinutukoy niya, hinayaan ko nalang ang pinaglalaban kong utang niya sa halip ay tinanong ko kung ano ang sinabi sa kaniya ni Yeri, "Anong sinabi?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya habang kasalukuyang naggigisa. Hindi ako kagalingang magluto, hindi ako confident, at hindi rin naman talaga masarap madalas nagiging outcome pero bahala na.

 

"Kayo pala?" Halos maubo ako sa sarili kong laway nang sabihin niya yan at gulat na napatingin sa direksyon niya, pakiramdam ko eh tinakasan ako ng kaluluwa sa narinig. Ano raw?!

 

Magsasalita pa sana ako nang bumunghalit ang kapatid ko sa tawa at doon ko lang napagtanto na nanggagago na naman ito kaya sa inis ko ay hinubad ko ang tsinelas na suot suot ko at binato na naman sa kaniya, at dahil wala naman akong palya palagi, tumama na naman iyon sa noo niya. Bumunghalit ako kakatawa nung makita ko kung paano sumapul sa kaniya yung hinagis ko. 3 points for Seulgi Montello!

 

"Ate!!! Masakit!" Reklamo niya sa akin kaya natatawa akong binelatan nalang siya at pinagpatuloy ang pagluluto ko, maganda pa rin naman ako kahit na isa nalang ang tsinelas ko, charot.

 

"Deserve mo yan beh, ang sama ng budhi mo, akala ko totoo! Kinabahan pa ako dahil akala ko naging kami tapos wala lang akong maalala." Sagot ko naman sa kaniya, parang ewan lang kasi alam ko namang impossible yun. Kung magiging jowa ko man isa sa cake girls, bakit ko naman  makakalimutan diba? Sobrang laking balita rin non dahil kilala sila sa school namin tapos ang jojowain lang ay ang isang hampas lupa na kagaya ko, charot. Nakita kong nagbubukas na naman siya ng TV sa gilid ng mata ko nung kunin ko yung mga panlasa.

 

"Niloloko lang naman kita! You should have seen your face!" Pang-aasar niya sa akin kaya naman napairap nalang ako kahit na hindi niya ako nakikita. Sasabihin ko sana yung mga nakikita ko sa newsfeed ko na, hindi sana masarap ang ulam mo, pero narealize ko na ako nga pala ang nagluluto ng ulam niya at sure ako na hindi naman talaga ito magiging masarap kaya hindi nalang ako umimik para surprise motherer.

 

At oo, cineclaim ko na hindi 'to magiging masarap, duh. Atleast I tried.

 

Charot lang, desente pa rin naman ako pagdating sa pagluluto. Hindi naman yung tipong malalason ka dahil hindi pala edible.

 

May mga pagkakataon na sasakit din tyan mo, pero hindi naman palagi, hehe.

 

Pero maayos din naman ako kahit papaano 'no, lalo na sa mga prito. Tsaka nag-aaral na rin ako magluto ng ibang putahe, baka nga matalo ko na si Chef Boy Logro.

 

"Manahimik ka nga, ano nga kasi sinabi?" Tanong ko nalang sa kaniya. Nauna kasi ang panggagago niya, curious pa naman ako. Hindi ko lang kasi maintindihan bakit nagchat din si Yeri sa kaniya, hindi naman sa naweweirduhan ako pero parang ganun na nga. Kasi ako yung chinat niya kahit na hindi naman kami close, tapos ngayon pati kapatid ko.

 

"Wala naman, sinabi niya lang na friend mo siya at gusto niya rin makipagkaibigan sa akin." Rinig kong sambit nito kaya naman nagtaka ako, since when kami naging magkaibigan ni Yeri? Kaibigan ko ang tatlo niyang kaibigan pero hindi ko natatandaan na nagkaroon kami ng interaction talaga outside school. Cool naman kami at gaya ng sabi ko, may mga projects din na nagkakasama kami pero school related lang naman yung mga iyon.

 

Pero dahil ayoko naman siya ipahiya sa kapatid ko, tumango nalang ako, "Yep, kaibigan ko nga." Sabi ko nalang. Baka mamaya, cinoconsider niya pala ako as a friend, ako pa ba ang choosy? Isa pa, may mga mutuals naman kami talaga at nagkakausap naman kami kahit na puro related school stuff lang. Sa pagkaka observe ko, friendly siyang tao kahit na may pagka brat at mataray rin siya like Irene, pero nakikita ko kasi siya halos lahat ng kaibigang nakakasalubong niya eh binabati niya, at well, marami sila. Kaya iyon ang naging impression ko sa kaniya. Siguro cinoconsider na niya ako as her friend since classmate rin kami kaya nakakatuwa naman. Sana nga maging close rin kami kagaya ng iba niyang mga kaibigan.

 

I mean, hindi naman siguro mahirap, hindi ba? Si Irene nga ng ubod ng taray, nakakausap ko ngayon at may mga napagkwentuhan na rin kami about sa buhay ng isa't isa kaya pakiramdam ko medyo lumalim pagkakaibigan namin kahit papaano. Siya pa kaya na mas mukhang harmless kay Irene, mas mukha kasi talagang mataray at masungit si Irene kesa sa kaniya kahit medyo same vibes sila. Siya kasi madalas ding ngumiti sa mga kaibigan niya samantalang si Irene, bihira talaga.

 

Pakiramdam ko nga ang swerte ko kasi nakikita ko yung mga ngiti na yun sa tuwing magkasama kami, pakiramdam ko iyon ang pinaka magandang premyo na natatanggap ko kahit napapahiya ko ang sarili ko most of the time. Priceless.

 

"And oh, sinabi niya na magkita raw kami minsan para ilibre niya ako ng mga gusto ko dahil nabanggit ko sa kaniyang fan ako ng Kpop at same pala kami ng ini-stan na group!" Narinig ko ang excitement sa boses niya kaya naman kahit gusto ko siyang sermonan dahil sa talagang tinanggap niyang magpalibre kay Yeri at nakakahiya, ayoko namang masira ang mood niya. Mukhang ang saya saya pa naman niya.

 

Isa pa, labas naman na ako roon. Hindi naman ako ang kinausap ni Yeri at hindi naman siya sa akin nakipagkaibigan kundi kay Yeji, kung ano pa man ang gawin nilang dalawa bilang magkaibigan ay labas na ako roon.

 

Kaya naman nasabi ko nalang na, "Mag-ingat kayo, at please lang, mahiya ka naman kahit papaano. Wag mo abusuhin yung tao, hindi pa kayo ganoong magkakilala." Totoo naman, diba? Isa pa pakiramdam ko magrereflect din sa akin ang mga gagawin ni Yeji na kagagahan dahil kapatid ko siya at alam ni Yeri yun. Kaya sana naman mag behave siya, hindi pa naman siya nacocontrol madalas pag usapan na ang mga idols niya at pagpa-fangirl niya.

 

"Yes, ma'am!"

 

 

"Sure ka ba na kaya mo na, ate?" Nakakailang ulit na 'tong si Yeji ah, pag ako nainis sasapukin ko na 'to, eme. Alam ko namang concern lang siya sa akin at sa kalagayan ko kaya paulit ulit siya ng tanong pero ilang assurance pa ba ang need ko gawin para naman maniwala siyang ayos na ako?

 

"Sure na sure na sure na sure ako, Yeji. Kaya tumahimik ka na riyan dahil ayos lang ako." Pag-uulit ko ng sinabi ko kanina, magkaharap kami ngayon sa jeep at papunta na kami ngayon sa SM kung saan magkikita si Yeji at yung Lia na tinutukoy niyang crush niya. Eto yung dapat kahapon pero hindi natuloy dahil sa nangyari sa akin, pero gaya ng pangungulit ko kay Yeji na i-move

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Bearchuism
Hello, guys. Hindi pa siya okay at hindi ko pa naarrange pero ito yung mga kantang naiisip ko for this fic as of now. Aayusin ko siya at isasakto para one song each chapter. Here : https://open.spotify.com/playlist/1LNHKzQppvWAepVxKw1lAY?si=sZEVlptaTmWZVUGkBzifyg&utm_source=copy-link&dl_branch=1

Comments

You must be logged in to comment
ZERO2_ZERO
0 points #1
🥲🥲
cordonbleu
#2
Chapter 16: Mga tu-two years na pala ang last update sa December... Update naman, author, pang-Christmas gift mo sa amin. Hahahahaha. Joke lang, take your time, author 😊
arachan_md
#3
Parang iniwan na ni otor ang kwento. Ang tagal kong naghintay for updates.
AhnJang_0304
#4
Tao po. Buhay pa po ba ito
Astraea21 #5
Chapter 16: 👍
Darnanays
#6
checking lang… hope you’re well, author! will wait for your update. take your time ☺️
__jjjy #7
Chapter 16: Otornim congrats po sa storyyyy!!! Igalaw nyo po ang baso for update kase huhuhu what if umiyak ako ngayon as in right now?? 😭😭😭😭 labyu po otor 🥰
iamriou_
1142 streak #8
Congrats sa featured story otornim! 🥳
brdfillet #9
Chapter 16: umasa, pinaasa, at biglang itinawa. plot twist nga naman lol. pero naisu siya, im worried lang baka kasi magsawa ako sa kalagitnaan pero i was wrong, na-enjoy ko ng sobra, to the point na nag-alala pamilya ko kung may kachat ba akong kung ano or nasisiraan na at kailangan nang itawag sa doktor. jok. you've done well, author-nim! hintay tun update! skrr skrr
ps: mas bagay ata to kaysa yung una ko: gulat ka no?
haha tawa naman dyan
jishall #10
Chapter 16: when po updateeeeeeeeeee?