Chapter 9

Marahuyo
Please Subscribe to read the full chapter

Chapter 9

 

"Really?" Masayang sabi niya sa akin, napangiti naman ako dahil parang bata ang reaksyon ng isang 'to. Siya ba talaga yung kinatatakutan sa school namin?

 

Yung babae na tignan ka lang eh pakiramdam mo sasabog na pantog mo sa kaba? Yung pag inutusan ka niya, wala kang pag-aalinlangan na susunod kasi nakakatakot yung pagkakasabi niya.

 

"Yes, kung hindi mo naitatanong drawer ako." Taas noong sabi ko na parang nagyayabang pa ngunit kumunot ang noo niya.

 

"Drawer?" Takang tanong nito kaya napangisi ako. Halatang clueless sa sinabi ko, may pagka slow rin pala ang isang 'to.

 

"Yes, nagddraw." Sabi ko kaya naman maya maya lang nung ma-gets niya ay natawa rin siya.

 

Ang satisfying naman marinig ng mga tawa niya.

 

Lalo na pag ako ang dahilan.

 

Corny mo, Seulgi.

 

"Ang corny mo talaga, Montello!" Sabi niya sa akin ngunit napa kibit balikat nalang ako. Wala naman akong pake dahil alam ko naman.

 

"Atleast napatawa kita."

 

Inaamin ko naman na korni talaga akong tao, cringey, awkward sa babae, name it. Hindi naman kasi ako lumalandi talaga, dahil sobrang ilap ako sa mga lumalapit sa akin kaya nga inaasar ako ni Jennie na tuod. Naninigas talaga ako sa t'wing may malalapit sa aking babae at hindi rin ako marunong magbuhat ng conversation, hindi ako magaling sa mga pick up lines or what.

 

Kaya naman alam ko, at expected ko na corny talaga lahat ng lalabas sa bibig ko pero suddenly, wala na akong pake basta ba marinig ko ang mga tawang ganito ni Irene.

 

Siguro ayos lang magmukhang tanga kung ganito ba naman kaganda ang ngiti na bubungad sa akin.

 

Sino ba ang may pake sa image kung para ka nang nanalo sa lotto kung masisilayan mo ang tawang yan?

 

"C-che!" Namumula na ang mukha niya kaya naman napangiti ako, cute niya talaga, halatang pinipigilan na niya ang emosyon niya. "Pero seryoso? Nagddraw ka?" Tanong niya sa akin na para bang sinisigurado ang sinabi ko kung totoo ba. Mukha siguro talaga akong clown sa paningin niya para isiping nagbibiro ako palagi.

 

Tumatango tango naman ako, aba, minsan na nga lang ako maging confident sa isang bagay 'no. "Yes, seryoso nga. Ito ang isa sa mga passion ko, kaya lang hindi na ako madalas makapagdrawing dahil medyo busy ako." At walang inspirasyon. Hindi ko na dinagdag iyon pero totoong isa yun sa mga main reason bakit hindi na ako nakakapag guhit katulad ng dati. Para bang nawalan nalang ako ng gana.

 

"Pero I'll try my best para matulungan ka." Sinisigurado ko naman iyon, hindi ko ipapahiya ang sarili ko 'no.

 

Lalo na't sa harap ng babaeng ito.

 

Papalamon nalang ako sa lupa pag binigo ko siya.

 

Kung sakali mang madisappoint siya sa akin, baka mapasuntok nalang ako sa pader sabay sabi ng baby let's talk. Charot, ang sad girl.

 

"Thank you!" Nakangiting sabi niya, yan na naman ang walang katumbas na ngiti niya. "Namomroblema talaga ako dahil medyo mahirap yung pinapagawa niya tapos hindi naman ako kagalingan, baka mababa pa ang makuha niyang marka dahil sa akin." Nakangusong sabi niya kaya napatawa ako.

 

Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko nung past life ko para makita ang ganitong side ni Irene, na bilang lang siguro sa daliri ang nakakakita.

 

Hindi pa naman kami matagal na magkaibigan, pakiramdam ko nga napilitan pa siya dahil inalok ko lang siya eh, pero ang saya sa feeling na ganito siya ngayon sa akin.

 

Mukha siyang malaya.

 

"Wag mag-alala, nandito na si Super Seulgi!" Tinaas ko pa ang kamay ko na parang lilipad na superhero at ang kabilang braso naman ay nag macho pose pa habang tinataas baba ang kilay ko kaya naman napatawa siya nang malakas sa itsura kong mukhang ewan na siguro ngayon. Cute.

 

"Para kang tanga!" Natatawang sabi niya, iyon nga ang gusto ko Irene, magmukhang tanga basta mapatawa kita. "Stupid Seulgi." Ngumuso naman ako sa sinabi niya ngunit hinatak nalang niya ako sa tabi niya at napakagat naman ako sa labi upang pigilan ang pagngiti ko.

 

"Tara na nga, tulungan na kita riyan, ano bang iddrawing?" Sabi ko nalang at kinuha ang mga pencil pati na rin yung mga pangkulay. Nacurious tuloy ako kung ilang taon na ang kapatid ni Irene ngunit hindi ko nalang tinanong baka kasi isipin niya chismosa ako. Well, totoo naman. Pero hindi ko naman ipapakita yun 'no. Digging my own grave lang?

 

Inexplain niya sa akin kung ano yung mga dapat kong idrawing. Dalawa pala ito, isang drawing lang ng parts of the body, mukhang science 'to. At yung isa naman slogan. Typical na project lang ng mga estudyante, siguro ay junior high ang kapatid nitong si Irene.

 

"Madali lang pala ito, eh." Sabi ko sa kaniya, totoo naman, madali lang para sa akin dahil mas marami na akong natry na mahirap idrawing. Marunong din ako magdrawing ng tao, hindi ko nga lang alam kung hawig na hawig. Pero pwede na.

 

"Madali for you." Parang bata na sabi niya at humalukipkip. Halatang maraming rant sa buhay. "Gusto ko rin matuto magdrawing." Sabi niya na para bang iyon ang pangarap niya dati palang kung makapagsalita siya. 

 

I chuckled, "Practice lang. Hindi rin naman ako pinanganak na magaling talaga, nanood lang ako ng mga guide tapos nagpractice lang ako hanggang sa maperfect ko. Nagsimula ako sa mga simpleng drawing lang, yung may mga gagayahin. Hanggang sa kaya ko na kahit imagination lang." Sabi ko sa kaniya, marami akong gustong gawin sa buhay ko, at marami akong tina-try gawin. Minsan dahil kailangan, minsan dahil gusto at trip trip ko lang. Pero bumabalik pa rin ako sa arts. Arts, pagsasayaw, pagkanta, pagtugtog. Doon umiikot ang mundo ko sa t'wing bakasyon o walang pasok lalo na at wala naman akong ibang pinagkakaabalahan.

 

"Wala naman akong kakilala na sobrang magaling talaga sa pagddrawing na hindi busy, may mga kakilala ako pero malayo naman sila sa akin. Para bang ayaw talaga ng tadhana na matuto ako. Gusto ko lang magpaturo. Fast learner naman ako pero iba pa rin talaga pag may kasama ako na magaling habang nagppractice." Sabi niya sa akin habang nakanguso kaya naman isang ideya ang pumasok sa isip ko. Hindi ko lang alam kung gugustuhin niya pero wala naman masamang magtry. Atleast, nagtry.

 

Kesa naman hindi, diba?

 

"Pwede kitang tulungan magdrawing, magdrawing tayo minsan para mapractice ka." Sabi ko rito. Napatingin naman siya sa akin at nakita ko kung paano sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi nito dahil sa sinabi ko.

 

Ilang beses ko na ba siyang napangiti?

 

Hindi ko rin alam.

 

Basta masaya ako.

 

Kasi pagngiti palang niya kahit sa iba napapangiti na rin ako, eh.

 

Ano pa kaya kapag ako na yung dahilan?

 

"Talaga?" Ito na naman ang amaze na amaze niyang itsura, she clasped her hands together and looked at me with her puppy eyes. Stop looking at me like that, marupok ako. "Gagawin mo yun for me?" Ilabas mo ang dating Irene na masungit, strikta at parang sasakmal palagi na kilala ko. Para siyang sinaniban dahil walang bahid na kahit anong pagtataray sa mukha niya. Kanina pa siya parang bata at hindi ko alam kung dahil ba yun sa cake na binili ko kanina o baka dahil sa hot choco.

 

Epekto ba yan ng kinain namin kanina? Kasi kung oo, lagi ko siyang bibilhan para hindi siya grumpy everyday everynight latata.

 

"Of course," I gave her a gentle smile while nodding my head. Hindi naman ako puro salita lang 'no, once na magsabi ako, gagawin ko ang lahat para matupad. "I would love to." I would love to make you happy.

 

"Yay, thank you!" Masaya na siya at hindi na bumalik yung nakanguso niyang mukha kanina habang nagrarant na hindi siya matuto tutong magdrawing. Ang cute niya lang dahil ang inaakala ko sa kaniya mahirap talaga siya pasayahin. Yun kasi ang sabi ni Jennie, at naniwala ako sa kaniya. Dahil ganun naman kasi ang itsura talaga ni Irene, eh. Parang mahirap pasayahin, parang bawat galaw, bawat sabihin mo ay hindi niya ikatutuwa.

 

Pero mga simpleng jokes ko napapatawa siya.

 

Don't judge the book by its cover talaga. Mataray lang talaga siya at hindi na magbabago yung fact na yun pero hindi naman siya salbahe talaga kagaya ng iniisip ng iba. Nakakatakot lang ang mukha niya at strikta siya dahil gusto niya lang mapaayos ang lahat ayon sa kagustuhan niya dahil para naman yun sa mga estudyante na sinasakupan niya dahil siya ang president. That's it.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Bearchuism
Hello, guys. Hindi pa siya okay at hindi ko pa naarrange pero ito yung mga kantang naiisip ko for this fic as of now. Aayusin ko siya at isasakto para one song each chapter. Here : https://open.spotify.com/playlist/1LNHKzQppvWAepVxKw1lAY?si=sZEVlptaTmWZVUGkBzifyg&utm_source=copy-link&dl_branch=1

Comments

You must be logged in to comment
ZERO2_ZERO
#1
🥲🥲
cordonbleu
#2
Chapter 16: Mga tu-two years na pala ang last update sa December... Update naman, author, pang-Christmas gift mo sa amin. Hahahahaha. Joke lang, take your time, author 😊
arachan_md
#3
Parang iniwan na ni otor ang kwento. Ang tagal kong naghintay for updates.
AhnJang_0304
#4
Tao po. Buhay pa po ba ito
Astraea21 #5
Chapter 16: 👍
Darnanays
#6
checking lang… hope you’re well, author! will wait for your update. take your time ☺️
__jjjy #7
Chapter 16: Otornim congrats po sa storyyyy!!! Igalaw nyo po ang baso for update kase huhuhu what if umiyak ako ngayon as in right now?? 😭😭😭😭 labyu po otor 🥰
iamriou_
1148 streak #8
Congrats sa featured story otornim! 🥳
brdfillet #9
Chapter 16: umasa, pinaasa, at biglang itinawa. plot twist nga naman lol. pero naisu siya, im worried lang baka kasi magsawa ako sa kalagitnaan pero i was wrong, na-enjoy ko ng sobra, to the point na nag-alala pamilya ko kung may kachat ba akong kung ano or nasisiraan na at kailangan nang itawag sa doktor. jok. you've done well, author-nim! hintay tun update! skrr skrr
ps: mas bagay ata to kaysa yung una ko: gulat ka no?
haha tawa naman dyan
jishall #10
Chapter 16: when po updateeeeeeeeeee?